Share

DARK Series 1 - Jeopardy
DARK Series 1 - Jeopardy
Author: Firedragon0315

CHAPTER 1 - NIGHTMARE

Mula sa malalim at mahimbing na pagtulog. Bigla nalang napabalikwas ng bangon si Jeopardy. Takot na takot ito at nasigaw pa siya. “Mom, Dad!" Mag-isa lang siya sa kwarto.

Pinagpapawisan at nanginginig siya, habang nakaupo sa kama. Tulala rin siya habang nangingilid ang luha sa mata. 

Bakas na bakas sa mukha niya ang takot. Habang nakapit ng mahigpit sa kumot na nakatalukbong sa mga binti niya. “Mom, Dad." tuluyan na bumuhos ang luha niya. Umiiyak si Jeopardy ng maalala ang mga nangyari sa magulang.

Ang lakas ng palpitations ng heart niya at ang heart rate niya sobrang bilis. Mas mabilis pa sa normal na tibok. 

Nitong mga lumipas na araw madalas na naman siya bangungutin. Ilang taon na nung huli siyang bangungutin at ibalik ang masakit niyang pinagdaanan.

Subalit nito lang nakaraan. Nag-umpisa na naman siya dalawin ng bangungot niya. Hindi niya alam kung bakit. Pero mahirap sa kanya ang maalala, ang mga pinagdaanan niya, buhat sa mga karanasan niya ilang taon na rin ang lumipas.

Naninikip ang dibdib niya, kaya kinakabog niya ang dibdib palo niya gamit ang isang kamay. Sa katagalan hinahagod na lang niya ito nang maramdaman ang unti-unti na pagluwag ng kanyang paghinga.

Sa tuwing bangungutin nalang kasi siya, may kasamang pananakit nang dibdib at nahihirapan siya huminga. Dahil sa pagkaalala niya sa mga nangyari sa mga mommy at daddy niya.

Isang mayaman na pamilya ang pinagmulan ni Jeopardy. Napakasaya ng pamilya nila at sinabi niya n'on na napakaswerte niyang bata dahil may mababait, at mapagmahal siyang magulang na mahal na mahal siya. 

Mahal na mahal naman talaga siya ng kanyang mga magulang. Lahat ibinibigay sa kanya ng mga ito upang mapasaya lang siya. Madalas kasi ay iyakin din siya, mababaw ang luha at mahina. Dahil sa pagiging lampa niya at ayaw sa kanya ng ibang bata. 

Pero— nandyan palagi ang mga magulang niya na madalas na naka suporta at nasa likuran lang niya upang alalayan siya at madalas pasayahin sa tuwing nalulungkot at nakikita siyang umiiyak. Kaya mahal na mahal ni Jeopardy ang kanyang mommy at daddy.

Kaya naman ang sabi niya tatanda siya na kasama ang kanyang magulang. Lalaki siya na nasa tabi niya ang kanyang magulang. Mag-aaral siyang mabuti upang mapasaya niya ang kanyang magulang. Oras na mag-asawa at magkapamilya na siya. Ang nais niya nasa tabi pa rin niya ang kanyang magulang at mag-aalaga sa mga magiging anak niya. 

Kaya nga lang— Isang napakalaking kalokohan. Ang pangarap ni Jeopardy. Hindi na mangyayari.

Nauwi sa isang malagim na pangyayari ang masayang pamilya na binuo nila ng kanyang magulang. Ang masaya at puno ng pagmamahal na pagsasama-sama nila. Naging isang masaklap na karanasan para kay Jeopardy, itinuring niya na isang malaking bangungot na ayaw na sana maalala. Pero, pinapaalala na naman sa kanya ng kanyang panaginip, ang mga pinagdaanan niya sa nakaraan.

Sa pagkakatanda niya masaya sila na mga kumakain ng agahan ng mga panahon na 'yon. Masaya siya na binibiro pa ng kanyang mga magulang. Habang buhat siya ng kanyang Daddy at panay naman ang halik ng kanyang Mommy sa kanya. Napakasaya niya ng mga panahon na 'yon. Hindi matutumbasan ang saya na nararamdaman niya ng araw na 'yon na kasama niya pa ang mga nakangiti na magulang. Naglalaro pa sila ng Daddy niya ng habulan habang ang mommy niya ay naghahanda naman ng kanilang agahan.  “Kakain na!" ang tawag ng mommy niya na narinig nila ng Daddy niya at kinahinto sa paglalaro.

Nagmamadali pa si Jeopardy na tumakbo patungo sa mommy niya na tumatawag sa kanila. Sa pagmamadali muntik na madapa at madulas sa sahig na kinahinto sa pagtakbo ng makita ang mamasa-masa pang sahig dahil sa katatapos lang na lampasuhin ng kanilang maid sa bahay.

“Maghugas ka muna ng kamay, Jeopardy." ang suway nang Mommy niya ng matanawan ang kamay niyang nababahiran ng malalagkit na dumi mula sa hinawakan ni 'yang lupa. Nadapa na naman kasi siya sa ginawa niyang pagtakbo sa paghabol sa kanya ng ama sa garden sa labas ng bahay nila.

Inalalayan siya ng daddy niya sa paghuhugas ng kamay na nasa likuran na rin pala ni Jeopardy. Ikinangiti, ni Jeopardy ang makita ang Daddy niya na nasa likuran na niya. Matapos niya itong madaling iniwan sa labas ng bahay nila. Mula sa Garden at tumungo sa dining area kung saan kakain sila ng masarap na pagkain na niluto at inihanda ng mommy niya.

Sarap na sarap sa pagsubo si Jeopardy na kinatuwa na makita ng mga magulang niya. Lumalapad ang kanyang mukha at napapangiti sa tuwing mapapadako ang kanyang mata sa tumatawa habang nagbubulungan niyang magulang.

“Mom, Dad I want to use the bathroom." nakanguso niyang bigkas na napalunok pa dahil sa pagkain mula sa bibig na hindi pa natatapos na nguyain.

“Okay, Mommy will accompany you to the bathroom."

“No, Mom, please sit. I am a big boy, right? I know now how to use the bathroom, no need to accompany me. Malaki na nga po ako di 'ba?" natawa ang kanyang Mommy at Daddy na nagkatinginan.

“Oo, malaki ka na nga' kasi sumasagot ka na!" ang biro na hayag ng mommy niya na kinakamot niya sa ulo.

Nagtungo siya ng kanilang bathroom. Habang andon siya at busy nakanta pa! 

Nang matapos — Laking gulat, ikinagilid ng luha at napatulala siya matapos siya lumabas ng bathroom.

Nakita niya kung paano inumangan ng saksak ang kanyang mga magulang ng ilang beses. Nasaksihan niya kung paano sumigaw ang kanyang Mommy at Daddy upang makalayo siya sa taong nais pumatay sa kanilang lahat. 

Tulala si Jeopardy, hindi niya magawang iusad ang mga paa upang tumakbo at magtago. Tulad ng nais ng kanyang mga magulang. 

Wala ring salita ang lumabas sa bibig niya, basta natulala siya at nawala sa sarili. Pero ang luha niya, nais na bumagsak habang ramdam niya ang pagtangis ng mga ipin sa galit. 

Nang makita muli ni Jeopardy nang kanyang mata ang ginawa ng murderer ng sasaksakin ulit nito nang hawak na patalim ang kanyang Daddy habang lumalaban ang kanyang Mommy. Tila ba may kung ano ang nagtulak sa kanya at lumapit siya bigla, habang mabilis na kinagat ni Jeopardy sa braso ang murderer.

Napadaing ito sa sakit at tiningnan siya ng galit. Nang muli siya susugod upang kagatin muli ang lalaki. Mabilis nitong inaangat ang braso na hinampas sa kanya upang si Jeopardy ay tumilapon. Tumama siya sa isang matigas na bagay kaya ang ulo niya ay pumutok mula sa pagkaka-umpog niya sa matigas na 'yon.

Dumugo ang ulo niya, umagos sa mukha niya. Pero ang nakikita niya ang mas masakit sa nararamdaman niyang sakit buhat sa sugat sa pumutok niyang ulo.

Hanggang doon na lang ang naalala niya. Tila ba nabura sa kanyang utak ang ilan pa sa mga sumunod na pangyayari ng araw na 'yon. Hindi niya matandaan kung nawalan ba siya ng malay ng mga panahon na nangyari ang pagpaslang sa kanyang magulang. Kahit ang braso na nakagat niya sa taong pumatay sa kanyang magulang hindi niya matandaan kung saang braso dahil tila ba binura ng mga nangyari sa kanya ang mga sumunod matapos ang marinig ang pagsigaw ng kanyang magulang.

Sa pagkakaalala niya, lumaban pa ang kanyang mommy at daddy kahit nakakuha na ang mga ito ng ilang saksak mula sa hawak na kutsilyo ng murderer. Natanggal pa nang kanyang Mommy nang hindi sinasadya ang nakabalot sa mukha ng murderer ng tumalsik siya noon ng hampasin siya ng braso nito. Kaya nga lang hindi niya malaman kung paano at tila nabura lahat sa utak niya. Kahit na anong isip ang gawin hindi niya maalala ang mukha nito na lumingon pa sa kanya nuon. 

Sumasakit ang ulo niya sa tuwing pipilitin niya alalahanin matapos ang bangungot na tulad ngayon.

Hanggang ngayon nahihirapan pa rin siya kahit ayaw na sana niya ito maalala at ang gusto niya ay tuluyan na niyang ibaon sa limot ang lahat ng masakit niyang nakaraan. Pero dahil sa muli na naman ang sunod-sunod niyang bangungot.

Napaisip siya. Baka ito na ang simula ngayon upang hanapin niya ang tunay na murderer. Malakas ang kutob niya na buhay pa ito. Ang bawat bangungot niya, naisip niya na para bang may hatid na mensahe sa kanya.

Kaya, baka ito na nga ang simula sa pagbubukas sa kanya upang alamin at lutasin ang mystery sa murderer na pumatay sa kanyang magulang.

Sa itsura ni Jeopardy. Sa mga oras na ito napapaisip na siya kung paano ang kanyang dapat gawin at kung paano siya dapat magsimula sa paghahanap sa killer na pumatay sa kanyang magulang. 

Ngunit naging magulo ang isip niya. Dahil sa wala siyang maalala matapos ang putol na pangyayari sa kanyang panaginip. Hanggang doon lang ang kanyang naaalala. Maliban sa katapusan ng mga naging bangungot niya. Wala na siya ibang maalala. Kundi ang huling bahagi kung saan tumingin pa sa kanya ang murderer. Pero madilim at blangko lang ang nakikita niya sa mukha nito sa kanyang bangungot.

“Jeopardy are you alright?" tanong na nagmamadaling pumasok. Si Tuti na nauntog pa sa gilid ng pinto sa pagmamadali at hindi na naisipan pang kumatok. Sa bigla niyang pagbukas ng pinto. Tumama ito sa ulo nang siya ay papasok. Narinig niya kasi nang napasigaw si Jeopardy. Naisip niyang binabangungot na naman ito. Kaya nagmamadali siyang pumasok upang tingnan si Jeopardy.

Nakahawak si Tuti sa noo. Hinihilot  ng daliri ang noo. Napanguso siya nang maramdaman na namula at medyo umumbok. Nagkabukol siya sa noo.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya. Dahil sa katangahan. Lalo at nakikita niyang itsura ni Jeopardy na nahihirapan na napatulala at malalim ang iniisip. Habang napahinto naman siya sa pagpasok sa kwarto nang mauntog ang ulo sa pinto.

 “Okay ka lang?" pahayag nang may pag-aalala. Nakalapit na siya kay Jeopardy.

May hawak siya na isang towel saka niya pinunasan ang mukha ni Jeopardy. Buti nalang galing siya sa workout sa labas ng marinig ang sigaw ni Jeopardy. Kaya yung towel na pinangpunas niya sa mukha ni Jeopardy. Katatapos lang din... Ipinampunas sa pawis niya matapos ang ilang minuto na workout.

Napatungo yung tingin niya sa mata ni Jeopardy. Napansin niya ang luha sa mata nito na umaagos sa mukha. “Okay ka lang ba talaga?" but hindi sumasagot si Jeopardy. Tulala pa rin ito, walang kibo at malalim pa rin ang iniisip.

Buo na ang desisyon ni Jeopardy. Hahanapin niya ang murderer. Even maubos pa ang pera niya sa paghahanap dito. Alam niya sa sarili mahihirapan siya dahil sa blangko at madilim nitong mukha sa alaala niya. Subalit buo na talaga ang kanyang desisyon. Naniniwala siya na may paraan pa upang mahanap niya at matunton ang killer na pumatay sa mga magulang.

Gusto rin niya malaman bakit siya nito itinirang buhay. Matapos na patayin ang dalawa niyang magulang. Anong connection sa pananatili niyang buhay kung ang mga magulang niya hindi hinayaang mabuhay? ang tumatakbo sa isip ni Jeopardy.

Isang napakalaking katanungan para sa kanya ang buo na sa kanya ngayon. Nakapag desisyon na siya hahanapin niya ang murderer. Mahirap man dahil putol ang mga alaala sa kanya. Susubukan pa rin niya. Upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mga mommy at daddy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status