Share

CHAPTER 3 - HE SHOCKED

“Okay, start with what you want to say." sambit ni Jeopardy habang he decides na manahimik nalang muna siya upang pakinggan ang nais sabihin nung babae. Kahit marami siyang katanungan na gumagala sa isip niya. But he understood kung ano ang pakiusap ng girl sa kanya. Pagbibigyan na lang niya.

Actually he was curious what the girl wants to say and most of all sa nasabi nitong may alam ito sa kanyang past. Ang siyang ipinagtataka niya.

Marami pa rin naman ang nakakaalam sa past niya. Even sa mga empleyado ng kanyang kumpanya sa mga old at ilan sa mga new employee na nabalitaan dahil sa mga bulungan at tsismisan ng mga empleyado niyang hindi mapigilan ang bunganga sa pagkakalat ng mga nakaraan niya at nang yumao niyang magulang. Kung paano ito mga pinaslang at kung paano naman siya nabuhay sa kabila na hindi binuhay ng killer ang kanyang mga magulang.

Minsan nakaririnig din siya ng mga tsismis. Kung paano niya nakakayanan ang mabuhay sa kabila ng pagpaslang sa kanyang mga magulang. Ang tatag niya 'raw. Mula sa mga bibig ng mga tsismosa.

Minsan meron pa na nagsasabi. Bakit hindi pa raw siya nasali sa pagkamatay ng mga magulang niya. Napaka swerte niya naman raw at nagawa pa niya mabuhay at makayanan na ganun ang nangyari. Subalit! Heto nga siya— parang wala lang sa kanya ang lahat at nakakapag patuloy pa rin siya sa pag-usad upang mabuhay. Hindi man lang raw hanapin ang murderer. 

Masakit sa kanya ang marinig 'yon. Pero binabalewala lang niya dahil sa ang nangyari sa mga magulang niya ang pag-alala sa nakaraan ang siyang nagpapahina sa kanya. Ang nagbabalik sa kanya sa masakit niyang pinagdaanan. Kung saan parang naging madilim ang lahat sa kanya na ayaw na sana niyang mabalikan.

Kaya't hanggang maaari tulad ng sabi ni Tuti sa kanya. At nang pamilya nito. Baliwalain nalang muna niya at magpatuloy lang siya sa buhay dahil sa kung nabubuhay man ang mga magulang niya ito rin ang payo na sasabihin sa kanya. 

Kaya sinundan lang niya ang mga payo at sinabi ng mga ito. Nagpatuloy siya mabuhay ng andon pa rin naman ang sakit ng pagkawala ng kanyang magulang. Pero, hindi lang niya ipinakita sa iba. Buong akala ng marami… Wala na lahat sa kanya at tuluyan nakalimutan dahil sa wala na siya nababanggit at hindi na mababakas sa itsura niya.

“As I said kangina. Alam ko ang nakaraan mo at ang nangyari sa pamilya mo." pahayag ng babae, iki-naputol, nang pag-iisip ni Jeopardy at sa mga tumatakbo sa utak niya.

“Gusto ko sana makatulong sayo." the girl says again na hindi maintindihan ni Jeopardy kung bakit biglang bumulusok ang kaba sa dibdib niya. Hindi dahil sa pag-iisip sa bangungot niya kangina. Kundi may kung ano siyang naramdaman mula sa sinabi ng babae na nakapag pabilis ng kabog ng dibdib niya rin.

Nakahawak na naman siya sa dibdib. Hindi dahil sa nakaramdam siya ng pagkirot o paninikip. Kundi dahil sa mabilis na tibok n'on.

Hindi pa man nakikilala. Pero mas tumaas ang curiosity niya na kilalanin ito at alamin kung ano pa ang alam nito sa kanya. Lalo na ang tunay na pakay nito na pakiramdam niya may bumabalot na misteryo sa pagtawag nito sa kanya.

Hindi kaya may alam siya sa murderer? ang nasambit ni Jeopardy sa isip. Ito agad din ang pumasok at naisip niya nang marinig ng sabihin na nais nito tumulong sa kanya.

Pero tulad ng pakiusap ng babae. Nakinig lang muna siya sa mga sasabihin nito. Hindi nalang muna siya nagtangka na magtanong. At tahimik na nakinig habang nakadikit sa tenga ang hawak niyang phone.

“Gusto ko mahanap yung murderer sa mga magulang mo." direct nitong pahayag.

Sinabi na nang babae ang tunay nitong pakay at nais mangyari kung bakit ito tumawag hindi ang iniisip sa kanya ni Jeopardy nung una na nais lang nito na makipag kulitan at lokohan kay Jeopardy. Kala nga niya rin kangina. Someone who stalked him. Yung tumawag sa kanya.

“I know mahirap. But I want to help you…" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil sa hindi na napigilan ni Jeopardy na magtanong muli at tanungin ang babae kung sino ito.

“Who are you?" curious na tanong niya na kanyang kinakunot muli ng noo. Kinabuga ng marinig ang pahayag ng babae. 

Gusto niya talaga malaman kung sino muna sana ito at bakit siya gusto tulungan. Ang ilan sa mga tumatakbo sa utak ni Jeopardy habang nakikinig sa mga pahayag at sinasabi ng babae sa kanya.

“Not now. But soon I am telling you about me. And who am I? For now nais ko lang sabihin sayo. I am willing to help you in the search for that killer. The murderer who kills your parents." determinado na pahayag sa nais na makita ang murderer at tulungan si Jeopardy.

“I know mahirap sayo na paniwalaan ang sinasabi ko. But I need your trust even if you don't know me. At wala kang alam sa pagkatao ko. But I am telling you hindi ako masamang tao. Ang gusto ko lang makatulong at mahanap ang killer." pahayag na matapat na pagkakasabi. 

Mukhang hindi naman nagsinungaling ang babae. Pero curious talaga si Jeopardy. “Why don't you tell me your name first? Kung gusto mong pagkatiwalaan ko ang sinasabi mo. And besides hindi kita kilala. How kung ikaw pala ang killer?" Tumawa ng malakas yung babae.

Pinagtatawanan na naman si Jeopardy na kumunot na naman ang noo. “Why are you always laughing at me? Hindi nakakatuwa." singhal niya sa babae.

“How can I not laugh at you? Pinapatawa mo kasi ako." bulalas nitong hayag. “But I can't expect na ganyan pala ang kausapin ang isang Jeopardy Cristobal?" gilalas na pahayag ulit at tumawa.

Napa-smirked si Jeopardy sa sarili at kunot ang noo. Hindi niya mafeel kung dapat bang matawa siya sa joke nito sa kanya. O dapat na mainis siya at ipakita rito ang pagkainis. Napabuga, si Jeopardy. Kinokontrol pa din ang sarili sa matinding inis.

“How you think na ako ang killer? Eh hindi mo nga naaalala ang itsura niya di 'ba?" nagulat si Jeopardy. 

“Pa…" napalunok siya sa gulat niya. 

Tumatawa pa rin 'yung girl. “Oh, di 'ba? Am I right? Hindi mo talaga siya naaalala. And the shoulder…" 

“Paano mo nalaman?" gulat niyang bulalas. Mas lalo pa bumilis ang kaba niya at yung puso niya parang kumalabog sa pagkabigla sa narinig niya.

“Maybe hanggang dito na lang muna. I will call you next time if I have something to ask." pahayag nito. “I think medyo nashock ka sa mga ilang alam ko tungkol sayo." muli na dagdag na pahayag nito. “So, bye." nang hindi na naibuka pa ni Jeopardy ang bibig at nakapag tanong.

Nawala na 'yung girl at putol na ang pag-uusap nila. Hindi niya nagawa na pigilan ito nang sabihin nito na hanggang doon na lang muna ang mga sasabihin nito. Dahil sa sobrang shock. Kaya ng mawala ito. Naiwan na tulala si Jeopardy.

Nawala siya ang inis niya nabalot ng mga katanungan na hindi man lang nasagot ng mawala ang babae sa kabilang linya. 

Ang lakas at mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya ang mga tawa 'nung babae. Hindi mawala, at rume-rehistro sa utak niya. Parang ayaw maalis. Kahit wala na ito, at hindi na kausap parang pakiramdam niya ay andon pa rin at pinagtatawanan siya.

Kahit putol na ang pag-uusap at wala na sa linya ang babae. Ang phone na hawak ni Jeopardy nakatapat pa rin sa tenga. 

Hindi pa niya ibinababa. Kahit alam niyang wala na 'yung girl nang magpaalam ito sa kanya. Pero sinabi naman din sa kanya na tatawag ito muli sa kanya sa oras na may nais itong itanong. Pero bakit hindi pa sinabi lahat sa kanya?

Ang ipinag-tataka, ni Jeopardy kung bakit binitin lang siya ng babae at pinutol nalang ng ganun ang pag-uusap nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status