Share

Chapter 5

Penulis: penobscura
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-21 17:06:55

Apat na araw na ako dito, at apat na araw ko na rin hindi nakikita ang lalaki. Pagtapos ng pag-uusap naming ‘yon, hindi ko na siya nakikita dito sa penthouse niya. Ang lagi ko lang kasama ay ang nagkalat na iilang tauhan raw nito. At ang madalas ko lang nakakausap ay si Manang Esther at si Mat-Mat—sinabi ko kay Matheo na ‘yun na ang tawag ko sa kaniya ngayon. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan at pagkadisgusto sa pangalang ginawa ko, pero wala siyang magagawa.

Nakuwento rin sa ‘kin ni Manang na ako pa lang daw ang babaeng nadala ng lalaki dito. Na ako raw ang first girlfriend ng apo niya. Kung bakit ba naman sinabi ng lalaking ‘yon na nobya niya ako.

Nalaman ko rin kay Mat-Mat na kaya pala dinukot ako dahil napagkamalan akong girlfriend ng lalaki.

“Mat-Mat,” tawag ko ulit sa kaniya. “Ano bang trabaho ng Boss mo na ’yan? Bakit parang lahat ng tao niya may baril? Hindi naman kayo mukhang pulis at sundalo.”

Tumikhim muna ito bago sumagot, nagaalangan.. “Ma’am… hindi ko po talaga pwedeng sabihin. Pero basta, delikado. Kaya nga kayo nandito, para safe.” Sinimangutan ko siya. Masyadong loyal sa amo niya.

Magtatanong ulit sana ako kay Matheo nang biglang tumunog ang phone ko. Kaibigan ko ang caller. Hindi ko pa pala nakukuwento sa kaniya ang nangyari sa akin kaya siguradong wala siyang alam kung nasaan ako ngayon. Siguro pinuntahan niya ako sa condo at nalamang wala ako roon.

Pumunta muna ako sa ng kwarto bago sinagot ang tawag.

“Hel—”

Hindi ko pa natatapos ang pagbati nang magsalita siya, humahangos, parang galing lang sa iyak.

“N-nasaan ka?” basag ang boses niya, parang pilit na pinipigilan ang paghikbi.

Nanlamig ang batok ko. “Bakit—”

“L-ligtas ka b-ba? Nasaan ka n-ngayon? Alam mo ba kung anong nangyari kina t-tita?” sunod-sunod ang tanong niya, halos hindi na siya makahinga.

Nakaramdam ako ng kaba sa narinig. Ramdam ko ring unti-unting nangangatog ang kamay ko, kaya’t mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa cellphone. “Yesh… ano bang nangyayari? Bakit ganyan ka magsalita? Bakit parang hinihingal ka?” mahinahon kong tanong.

“H-huwag ka munang umuwi sa bahay niyo,” bulong niya na puno ng takot. “May mga naghahanap daw sa’yo… mga armadong lalaki. Yshra, delikado—”

Parang biglang naglaho ang lahat ng ingay sa paligid. Tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko, mabilis at magulo. Agad pumasok sa isip ko ang pamilya ko. “S-sila Mama…” halos pabulong kong sambit, nanginginig ang boses. “Wala namang nangyari sa kanila, diba? Ligtas sila, d-diba?”

Tahimik siya sa kabilang linya. Tanging pag-iyak at paghinga niya ang naririnig ko.

Nagsimulang manginig ang labi ko. Pinilit kong ngumiti kahit ramdam kong nangingilid na ang luha. “Sabihin mo… ligtas sila. Sabihin mong okay lang sila…”

“Ysh…” halos wala nang boses ang kaibigan ko. “W-wala na sila…”

Bumagsak ako sa sahig dahil sa pangagatog at panghihinang nararamdaman ko, ni hindi ko maramdaman ang sakit na dulot ng pagbagsak ko. Hindi ko na maramdaman ang sarili kong mga paa. Nanlabo ang paningin ko at ramdam ko ang pagragasa ng luha sa pisnge ko.

Napatawa ako nang pagak, umiiling, halos wala sa sarili. “Hindi… hindi totoo ’yan. Hindi sila pwedeng mawala…” Paulit-ulit kong sinasabi, pilit hinahabol ang hangin na parang mauubusan ako ng hininga.

Pero habang binibigkas ko iyon, mas lalo kong naramdaman ang bigat ng katotohanang pilit kong tinatanggi. Nabasag ang boses ko, at bawat salita’y parang tinutusok ng karayom sa lalamunan ko.

“Hindi totoo…” mahina kong sambit, bago tuluyang nagdilim ang paningin ko sa dami ng luhang bumagsak.

“In-ambush kagabi ang bahay n-niyo… sabi ng mga kapitb-bahay niyo h-hinahanap ka raw…” halos wala na akong marinig sa sinasabi ng kaibigan ko. Parang huminto ang mundo ko.

“Nasa m-morgue na sila… w-walang nakaligtas sa kanila, Ysh…”

Bumagsak ang telepono sa tabi ko, kahit ang kamay ay wala ng lakas. Hindi ko matanggap. Kasalanan ko ang lahat ng ’to. Kung hindi sana amo uminom at hindi nilapitan ang lalaking ‘yon, normal pa rin sama akong namumuhay ngayon…walang takot. Buhay at kumpleto pa rin sana kami.

“Hija… nandito na ang nobyo mo—hija? Jusmiyo, anong nangyari sa ’yo?” halos pasigaw si Manang Esther nang makita akong nanginginig at halos mawalan ng malay. Agad niya akong niyakap, tinatabunan ng kanyang mga palad ang basang-basang pisngi ko.

“Hija…ano bang nangyari?” nag-aalalang tanong nito.

“Matthew! Pumarini ka!” tawag niya sa lalaki, puno ng pag-aalala.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, mabibigat na yabag, at ang boses niyang nakakakalma at nakapagparamdam sa ‘king ligtas ako…pero ngayon pagkapooy lang ang nararamdaman ko.

“Anong nangyari?” puno ng pag-aalala ang tinig niya. Lumapit agad siya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at marahan akong niyugyog. “What happened? Tell me!” puno ng lambing na aniya. Hindi ko siya pinansin, pero makukit siya at paulit-ulit ang pagtatanong.

Doon tuluyang pumutok ang lahat ng galit, sakit, at kawalan. Hindi ko na kinaya.

Sinuntok ko ang dibdib niya gamit ang mga mahihinang kamao ko, paulit-ulit, halos wala nang lakas.

“Kasalanan mo ’to! Ikaw ang dahilan kung bakit wala na sila! Kung hindi mo ako dinala sa mundo mong ’to, kung hindi mo ako idinamay—buhay pa sana sila!” galit kong paninisi habang paulit-ulit siyang hinahampas.

“Bakit a-ako?! Bakit n-nadamay ang p-pamilya ko?!” nanghihinang tanong ko dito.

Hindi siya kumilos para pigilan ako. Hinayaan niya lang akong ibuhos lahat, tinatanggap ang bawat hampas, bawat paninisi. Hanggang sa unti-unti niyang pinulupot ang mga braso niya sa ‘kin, hinigpitan ang yakap habang patuloy kong hinahampas ang dibdib niya.

“I’m s-sorry…” halos pabulong nitong sabi.

Pilit ko siyang tinulak pero sadyang malakas siya.

“Hindi m-maibabalik ng sorry mo ang buhay nila!” halos pasigaw kong bulalas, basag na basag ang tinig.

Tuluyan nang nawasak ang boses ko sa paghikbi. Hindi ko na makita ang mukha niya sa kapal ng luha ko. Pero ramdam ko ang bilis ng tibok ng dibdib niya.

At sa bawat pag-iyak ko, mas lalo kong nararamdaman na kahit anong sigaw ko, kahit anong pagsisi, kahit ilang ulit kong saktan siya’t sisihin—wala nang magbabago.

Wala na sila.

Hindi na ako nakasigaw. Hindi na ako nakahampas. Ang natira na lang ay ang iyak na walang tunog, at ang katawang unti-unting bumigay sa mga bisig niya at ang mumunting hiling ko na sana panaginip lang ‘to.

Wala na nga sila. At naiwan akong mag-isa. Yet even in the ruins of everything I loved, his heartbeat whispered that maybe—I wasn’t entirely alone.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • DEL FIERRO    Chapter 5

    Apat na araw na ako dito, at apat na araw ko na rin hindi nakikita ang lalaki. Pagtapos ng pag-uusap naming ‘yon, hindi ko na siya nakikita dito sa penthouse niya. Ang lagi ko lang kasama ay ang nagkalat na iilang tauhan raw nito. At ang madalas ko lang nakakausap ay si Manang Esther at si Mat-Mat—sinabi ko kay Matheo na ‘yun na ang tawag ko sa kaniya ngayon. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan at pagkadisgusto sa pangalang ginawa ko, pero wala siyang magagawa. Nakuwento rin sa ‘kin ni Manang na ako pa lang daw ang babaeng nadala ng lalaki dito. Na ako raw ang first girlfriend ng apo niya. Kung bakit ba naman sinabi ng lalaking ‘yon na nobya niya ako. Nalaman ko rin kay Mat-Mat na kaya pala dinukot ako dahil napagkamalan akong girlfriend ng lalaki. “Mat-Mat,” tawag ko ulit sa kaniya. “Ano bang trabaho ng Boss mo na ’yan? Bakit parang lahat ng tao niya may baril? Hindi naman kayo mukhang pulis at sundalo.” Tumikhim muna ito bago sumagot, nagaalangan.. “Ma’am… hindi ko po talag

  • DEL FIERRO    Chapter 4

    Nagmulat ako ng mata nang maramdamang parang may nakatitig sa ‘kin. Bumungad agad ang isang lalaking nakatayo malapit sa may pinto, kaya napabalikwas ako ng bangon. Pero agad din akong napahiga muli nang maramdaman ko ang bigat at sakit ng katawan ko—lalo na sa bandang hita. Narinig ko ang mabibigat na yapak niya papalapit kaya nilingon ko ito. Matangkad siya, nakasuot ng pormal na suit. Saan galing ‘to? Bakit ang formal masyado? Huminto ito sa may gilid ng kama, isang dipa ang layo. Bahagya siyang yumuko, kaya napakunot ang noo ko. Anong problema niya? Napaka weirdo. “Magandang hapon, Ma’am Yshra, ipinag-utos ni Mr. Villarama na bantayan kita,” magalang at mahaba niyang sabi. “Aalis ho ako kung hindi kayo komportable. Sa labas na lang ho ako ng kwarto niyo magbabantay.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman ang pangalan ko? At sinong Mr. Villarama? “Nasaan ba ako? At sino ka? Sino si Mr. Villarama?” sunod-sunod kong tanong. Ang huli kong natatandaan ay ‘yung

  • DEL FIERRO    Chapter 3

    “Miss Yshra, sigurado ka po bang ikaw na ang magsasara ng shop?” tanong ni Ate Elena—isa sa mga nagtatrabho dito sa flower shop ko. Isa siya sa mga nag-aayos ng design na ni-r-request ng mga costumer sa bouquet. “Oo ‘te, ako na pong bahala, pinauwi ko na rin si Jhed at Ayesha,”sagot ko. “Anong oras na rin kasi at kaya ko naman na ligpitin itong konting kalat,” dagdag ko. Nginitian ko rin siya para maramdaman niyang sigurado ako. “Oh siya sige, mag-iingat ka nalang pauwi ah?” Tumango ako. “Oo naman ‘te, malapit lang ang condo ko dito sa shop natin,” sabi ko at sinabayan siya palabas. “Sige, babye,” tuluyang paalam nito habang kumakaway kaya nginitian ko ito’t kinawayan pabalik. Nang mawala na ito sa paningin ko, pumasok na ulit ako sa loob at nagsimulang magligpit. Alas otso kami kadalasang nagsasara pero dahil masyadong marami ang customer ngayon ay nag extend kami ng isang oras. Nang matapos sa pagliligpit, tinignan ko agad ang wrist watch ko. Mag-a-alas nuebe y media na pa

  • DEL FIERRO    Chapter 2

    Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Akmang uupo sana ako nang maramdaman ang pag-kirot ng ulo ko. Hindi lang ‘yon, pati buong katawan ko, animo’y parang binugbog sa sakit. Mahapdi rin ang gitnang parte ko. “Ano bang nangyari?” Gulat at kaba ang naramdaman ko nang may kamay na pumulupot sa bewang ko, siniksik din nito ang sarili sa ‘kin. “Sino ‘yon?” mahinang tanong ko ulit sa sarili. Bahagya ko pang kinurot ang sarili, baka nananaginip lang ako. Pero hindi! Gising na gising at ramdam ko pa rin ang bigat ng braso nito sa ‘kin. Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Napasinghap ako nang makita ito. “Sino ‘to?” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang damit! Natatabunan din ng kumot ang kalahati ng katawan niya. Agad ko namang tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot. Nanlumo ako nang makitang wala akong saplot! What have I done? Hindi ako makapaniwang magagawa ko ‘to… I’ve always believed that sex is more than just a physical act.

  • DEL FIERRO    Chapter 1

    Yshra Kataleighia's POV Akala ko noon… pag mahal mo ang isang tao, sapat na para manatili siya. Na kapag binigay mo lahat—oras, tiwala, at puso, wala nang dahilan para iwan at lokohin ka. Pero mali pala ako. Kahit ibigay mo ang lahat, kapag gustong magloko… magloloko ito. Hindi sapat ang pagmamahal sa taong hindi marunong makuntento. Nakakatawa lang dahil ang tanga ko. Pinagmukha niya akong tanga nang paniwalain niya akong ako lang…na ako na ang huli niya. Kung hindi ko pa siya nahuli sigurado akong kami pa rin hanggang ngayon. Masaya, pinagsisilbihan siya at mahal na mahal siya. Fuck those cheaters!! Kaya ayun… kesa magmukha akong tanga sa kwarto, nag-ayos ako, sinama ang kaibigan ko, at lumabas. Kung masaya siya sa bago niya, edi mas masaya ako ngayong gabi. Kahit pa sa alak ko lang maramdaman ‘yung payapa at saya. Kung alak lang ang solusyon para makalimot saglit, iinom ako. “Girl…kalmahan mo lang!” saway ng kaibigan ko saka inagaw sa 'kin ang basong may alak na hawak ko.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status