LOGINMakalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila.
Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap.
"Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.
Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata.
"Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa.
"Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.
Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa.
"Akala mo diba ba ay bobo ako para manatili sa punyetang relasyon na 'to!" malakas na sigaw ni Monica. Nanlaki ang mata ni gabriel. Ito ang unang beses na sinigawan siya ng kanyang asawa. Ito ang unang beses na nakita niyang galit na galit ito.
"Ano ba kasing nangyayari sayo? You should be happy that I am here. Pero nagbago kana lang na! Do you have an affair with another man?!" galit na sigaw ni Gabriel. Napangisi ng pagak si Monica.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin 'yan pagkatapos mong makipagkita sa babae mo!" gigil na gigil na sabi ni Monica.
"Sino bang babae ang tinutukoy mo? Is that all about Ericka na naman?! Damn it! Wala naman siyang ginagawa para mapraning ka ng ganyan!"
Hinawakan ni Gabriel ng mahigpit si Monica sa kamay pero mabilis itong iwinasiwas ni Monica.
"Hindi ako tanga Gabriel. May mga mata ako, may tenga, may pakiramdam para hindi ko malaman na niloloko mo ako," malamig na sabi ni Monica. Nilalabanan niya ang luha na kanina pa gustong bumagsak sa mga mata niya.
"Just sign that paper at kahit ano pang gawin mo sa buhay at sa babae mo ay wala na akong pakialam!" malamig na dugtong pa niya.
"No! I will not that shit!" sigaw ni Gabriel.
"Bakit? Natatakot ka ba na wala kanang mahuhuthot sa pamilya ko?" nakangising sabi ni Monica. Umigting ang panga ng lalaki at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang braso ni Monica.
"Huwag na huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!"
"Bakit? Hindi ba't totoo naman na kaya ayaw mong pirmahan yang divorce paper natin ay dahil natatakot ka! Duwag ka!" nakipagtitigan si Monica kay Gabriel na noo'y lumalabas na ang ugat sa noo dahil sa matinding galit.
Pak!
Malakas na dumapo ang kamay ni Gabriel sa pisngi ni Monica. Ito ang unang beses na nasaktan niya ang asawa. Bumagsak si Monica, doon na siya umiyak. Hindi niya alam na magagawa sa kanya ng asawa ang bagay na kailan man ay sinumpaan nila sa harap ng Diyos na hinding-hindi niya gagawin.
"Fine! If that paper makes you happy then I'll sign it. Pero huwag kang magmamakaawa na bablikan kita!" malakas na sigaw ni Gabriel. Kinuha niya ang papel, pipirmahan na sana niya ng biglang dumating si Mona Ramirez, ang nanay ni Monica na noo'y nagrercover pa rin mula sa pagkaka-opera.
"Anong nangyayari dito?" seryosong tanong nito. Mabilis na napabangon si Monica. Itinago ang papel sa nanay at mabilis na pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. Sinalubong niya ng ngiti ang nanay na para bang walang nangyaring away sa pagitan ng kanyang asawa.
"Ma! Hindi niyo man lang sinabi sa akin na dadalaw kayo," nakangiting sabi ni Monica pero nanatiling nakataas ang kilay ng kanyang Nanay.
"Sinasaktan kaba ni Gabriel?" seryosong sabi nito kaya sabay na napailing si Monica at Gabriel.
"No, Ma. Alam mo namang mahal na mahal ko 'yan si Monica," nakangiting sabi ni Gabriel. Sa isip-isip ni Monica ay napakasinungaling ng kanyang asawa. Magaling pa itong umakting na para bang artista.
"Totoo ba ang sinasabi ni Gabriel, Monica?" Mabilis na tumango si Monica at kunyaring niyakap ang asawa pero ang totoo ay diring-diri siya dito.
" Opo, Ma. Pinag-uusapan lang namin iyong celebration ng anniversary namin mamaya," nakangiting tugon ng babae.
Mabilis na napangiti ang nanay ni Monica. Maya-maya pa ay pumasok na rin ang kanyang ama.
"That's good to hear. Akala ko ay nag-aaway na kayo." nakahinga ng maluwag si Moncia at Gabriel. "Hon, alis na tayo, huwag na natin silang istorbohin. Baka plano nilang gumawa ng baby ngayon," pilyang sabi ng matanda.
"Oo nga nama, Hon," sabi ng tatay ni Monica. Nagtinginan pa ang dalawang matanda na para bang kinikilig na mga teenager pero ang hindi nila alam. Nagdudusa ng mag-isa ang anak nila para lang sa kaligayahan nila.
"Mauuna na kami. Sana bago matapos ang araw na ito, nakabuo na kayong dalawa," pilyang sabi ng Nanay niya.
Pinanuod nila ang dalawang matanda hanggang sa makalabas ito ng pintuan. Mabilis kumalas si Monica at itinulak si Gabriel.
"Nakikita mo ba ang Nanay at Tatay mo kung gaano kasaya na makita tayong magkasa tapos gusto mo pang divorce tayo? You're unbelievable Monica," sabi ni Gabriel.
"Mas unbelievable ka. Ang galing mo! Tatlong taon mo akong niloloko ng hindi ko napapansin," nakangiting sabi ni Monica. "Bakit hindi mo sinabi sakin nung una pa lang na wala ka naman palang gusto sa akin? " pigil ang pag-iyak na sabi niya sa asawa. " Ang daling sabihin na. Uy Monica! Mahal ko si Ericka, may anak kami kaya pwede ba, layuan mo na ako. Ganyan! Napakadali diba?" seryosong sabi ni Monica.
Napaatras si Gabriel. Hindi niya inaasahan na malalaman agad ni Monica ang kalokohan na ginawa niya.
"P-paano mo nalaman?" nanlalaki ang mata na sabi ng lalaki.
"Why don't you ask your so called puppy love?"
Ang post kasi ay nanggaling sa i*******m mismo ni Ericka. Siya pa nga ang nagpost nito.
"Ngayong alam mo na. Stay away from me. Hindi mo man pirmahan ang Divorce paper na 'to pero sa puso't isip ko, wala na tayong dalawa," malamig na sabi ni Monica. Mahirap para sa kanya ang gagawin dahil buong buhay niya ay umikot lang ang mundo niya kay Gabriel.
"Gawin mo nag lahat ng gusto mo, gagawin ko ang lahat ng gusto ko. Fair diba?" dugtong pa niya. Mabilis niyang inalis ang suot na singsing at ibinalik ito kay Gabriel.
"I surrender everything between us. Sana maging masaya ka sa ginawa mong pananakit sa akin,"
Mabilis na tumalikod si Monica.
"B-babe..." nangangatal na sabi niya at pilit na hinahabol ang asawa pero mabilis na tumakbo papasok ng kwarto si Monica. Ang tanging narinig nalang niya ay ang malakas na pagsarado ng pintuan.
Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo
Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil
Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n
Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab
Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Ku
Isang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,”







