LOGINGabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.
Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.
Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.
“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.
“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil hindi naman siya ang nararapat na magsuot ‘nun.
“Pumunta ka ba ng ospital kanina? Nakita ko nag kapatid mo at ako rin ang nakapulot ng pulseras mo,” malumanay na sabi ni Gabriel. Akala niya ay matutuwa si Monica pero lalo lang sumama ang mukha ng asawa.
“Balak ko sanang dalawin ang nanay mo. Pero pagdating ko doon ay wala kana,” Hindi pa rin umiimik si Monica. Patuloy niya pa ring pinapakinggan ang kasinungalingan ng kanyang asawa.
“Isuot mo na ito. Kapag tapos na ako sa trabaho, ibibili kita ng bago. Mas maganda pa rito,”
Pakiramdam ni Monica ay parang mababaliw na siya. Mas dumoble ang sakit ng makita ang asawa kaya ang pagtitimpi ay hindi na niya napigilan pa.
“Ayoko. Hindi ko ‘yan kailangan!”
“Hindi ko kailangan ng regalong una pa lang ay hindi na para sa akin. At hindi ko kailangan ng asawang may iba naman palang minamahal!” nagulat si Gabriel dahil sa narinig. Pero dahil kilala niya ang asawa, inisip niya lang na nagtatampo ito dahil busy siya nitong mga nakaraan.
Hinawakan ni Gabriel si Monica pero itinulak siya nito.
“Dahil lang sa pulseras nagkakaganyan ka! Anong klaseng pag-uugali yan!” malakas na sigaw ni Gabriel. Tila naubos na ang pasensya niya dahil sa pagmamatigas ni Monica.
“UMALIS KANA….Please lang!” Hindi alam ni Monica kung paano pa kokontrolin ang nararamdaman. Para siyang sasabog at nahihirapan na rin siyang huminga.
“Ano ba ang nagawa kong mali para lang magalit ka, ha?” maang-maangan pa rin na sabi ni Gabriel.
“Maram kang mali na nagawa. Gusto mo ba ay isa-isahin ko pa?” sagot ni Monica.
Sa sandaling nagkasagutan sila bigla na namang tumunog ang cellphone ni Gabriel.
“Andiyan na naman ang client mo. Tumatawag na naman. Dis-oras na ng gabi. Ano bang trabaho ang pinag-uusapan niyo?” malamig na tanong ni Monica sa asawa. Bigla ay inagaw niya ito sa asawa pero mabilis itong nabawi ni Gabriel. Sa galit ni Monica ay kinagat niya sa braso ang asawa. Dahil sa gulat ay naitulak siya ng malakas ni Gabriel at tumama siya sa gilid ng kama. Hindi agad nakabangon si Monica. Akala ni Gabriel ay isang pag-iinarte lang ang ginagawa ng asawa, hindiya alam na nawalan na pala ito ng malay.
“Hahayaan muna kita. Pagkatapos mong huminahon ay mag-uusap tay,” sabi ni Gabriel at mabilis na umalis.
Bigla ay dumating naman si Raya, may dala siyang pagkain para kay Monica. Hindi niya pinansin ang kapatid na manloloko. Dumiretso siya sa kwarto ni Monica. Imbes na masayang mukha ng babae ang sasalubong sa kanya ay bigla siyang sumigaw.
“ATE!.....” Sinubukan niyang tawagin ang kapatid pero nasa labas na naman ito my kausap sa cellphone. Mabuti na lamang ay naisipan na lang ni Raya na tumawag ng ambulance. Habang inilalabas si Monica sa kwarto ay nandoon si Gabriel. Takot na takot sa mga nangyari. Akala niya kasi ay nagkukunwari lang si Monica kaya hindi na niya ito pinansin.
Nagising si Monica sa ospital. Sa tabi niya ay nandoon si Raya at si Clara, nanay ni Gabriel. Pero ang taong dapat inaasahan niyang andito at mag-aalaga sa kanya ay wala.
“Anong nangyari?” tanong nito pero hindi siya sinagot ni Monica.
“Pagod lang po siguro,” walang-ganang sabi niya.
“Nasaan na ba si Gabriel? Dapat nandito siya. Binabantayan niya ang asawa niya,” galit na sabi ni Clara.
“Huwag niyo na pong hanapin ang wala rito,” malumanay na sabi niya. “Gusto ko pong mapahinga, pwede po ay iwan niyo muna ako?” seryosong sabi ni Monica. Mabilis namang tumango ang dalawa at lumabas muna.
Pipikit pa lang siya ng marinig ang malalakas na boses na papalapit sa kanya. Ang pamilyang naging rason para lumaban si Monica sa buhay.
“Buntis kana ba, anak?!” malakas na tanong ng kanyang ina. Hindi niya tuloy maiwasang mapatakip ng tenga.
“Ma naman. Mukhang hindi na kami bibiyayaan,” walang-ganang sagot ko.
“Hindi naman pwede ang ganun anak. Kailangan mong mag-anak, siya ang magiging tagapagmana ng ating mga negosyo balang araw,” seryosong sabi niya. Kanina lang ay maayos pa ang pag-iisip ni Monica, ngayon naman ay parang nagkandabuhol-buhol na ito. Ang gulo!
“Huwag niyo kaming madaliin, dadating din kami diyan,” nakangiting sabi ni Monica kahit alam niyang imposible na iyong mangyari. Mayroon na kasing anak si Gabriel sa ibang babae.
“Ako ang una mong sasabihan ha? Excited na ako!” tila kinikilig na sabi ng Nanay ni Monica.
“Hayy nakuh! Si Mama talaga,” nakangiwing sabi ni Monica kahit sobrang sakit na ng loob niya. Ayaw niya kasing ipakita sa pamilya na mahina at nasasaktan siya. Alam niya rin na mapapatay ng kanyang tatay ang asawa. Kaya hahayaan na lang niya ang tadhana na magdesisyon sa relasyon nila. Pero ang pakikipag-divorce ay wala nang atrasan.
Para sa kanya. May mga bagay na hindi na dapat ipinipilit. Ang kasal at pagiging mag-asawa ay mukhang hindi para sa kanila. At ang panloloko ni Gabriel ay hindi rin naman deserve ni Monica. Kaya habang maaga pa, hanggat kaya pang lumaya ni Monica ay gagawin niya ang lahat, mawala lang siya sa puder ng asawa.
Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo
Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil
Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n
Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab
Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Ku
Isang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,”







