Beranda / Romance / RISING FROM HIS LIE / ANG PAGSUGOD NG ASAWA

Share

ANG PAGSUGOD NG ASAWA

Penulis: MARKISHA
last update Tanggal publikasi: 2026-11-01 08:50:21

"Lasing kana, Monica. Let's go, iuuwi na kita sa inyo." seryosong sabi ni Marco habang inaalalayang makatayo si Monica.

"A-ayaw kong umuwi. Please, sa penthouse mo muna ako mananatili. Kahit ngayong gabi lang, Marco,"

"Ako naman ang malilintikan sa asawa mo. Mamaya niyan sumugod 'yun dito at magwala," walang ganang sabi ni Marco pero ang sakit ay mababatid sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na ang taong inalagaan niya ng ilang taon ay bababuyin lang naman pala ng ibang lalaki.

"W-wal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • RISING FROM HIS LIE   ANG PAGLABAN

    Kinahapunan, matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni at pag-iipon ng lakas ng loob, nagpasyahan na ring umuwi ni Monica. Alam niyang hindi niya matatakasan ang problemang ito magpakailanman. Kailangan niyang harapin ang kinabukasang binuo niya sa ilalim ng isang malamig at wasak na kasal.Subalit pag-uwi pa lang niya sa kanilang bahay, sumalubong na sa kanya ang isang pamilyar na eksena ng kaguluhan.Nasa may hagdan pa lamang si Monica ay natigilan na siya. Nagkalat sa sahig ang kanyang mga damit, mga gamit sa pag-aaral noon, at ilang kahon ng mga alaala na marahas na itinapon mula sa itaas. Ang dati niyang kwarto, ang tahimik na santuwaryo kung saan siya umiiyak at nagpapahinga, ay bukas na bukas at tila binaboy ang kaayusan.Nanigas si Monica sa kanyang kinatatayuan. Hindi agad nakagalaw ang kanyang mga paa. At mula sa loob ng silid na iyon, lumitaw ang isang babaeng may matamis at mapang-asar na ngiti. Si Ericka."Kunin mo ang mga gamit mo, lumipat ka sa guest room," nakangiting s

  • RISING FROM HIS LIE   ANG PAGBABANTA

    Hindi gumanti ng suntok si Marco. Iniiwasan niya ang gulo kaya nanatili siyang matatag at nakatayo nang maayos, bagaman ang kanyang mga mata ay galit at nagpapakita ng matinding pagtitimpi, hindi dahil sa hawak ni Gabriel, kundi dahil sa paghihirap ng babaeng matagal na niyang inaalagaan at minamahal nang tahimik, na ngayon ay binababuy at hinahamak lang ng sarili nitong asawa."Gabriel, bitawan mo siya!" malakas na sigaw ni Monica habang tinatangkang hawakan ang kamay ni Gabriel para tanggalin ito sa kwelyo ni Marco. "Pakiusap, mag-usap tayo nang maayos! Huwag mong idamay si Marco!"Itinulak ni Gabriel si Marco palayo, dahilan upang mapaatras ito ngunit mabilis ding nakabawi ng balanse. Humarap si Marco kay Gabriel, malamig at walang takot.Inayos ni Marco ang kanyang kwelyo, dahan-dahang humakbang palapit kay Gabriel at nagsalita sa boses na bagaman kalmado ay nanginginig sa matinding galit."Trespassing ka dito sa pamamahay ko, pare. Baka hindi kita matantiya, ipadampot kita sa mga

  • RISING FROM HIS LIE   ANG PAGSUGOD NG ASAWA

    "Lasing kana, Monica. Let's go, iuuwi na kita sa inyo." seryosong sabi ni Marco habang inaalalayang makatayo si Monica."A-ayaw kong umuwi. Please, sa penthouse mo muna ako mananatili. Kahit ngayong gabi lang, Marco," "Ako naman ang malilintikan sa asawa mo. Mamaya niyan sumugod 'yun dito at magwala," walang ganang sabi ni Marco pero ang sakit ay mababatid sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na ang taong inalagaan niya ng ilang taon ay bababuyin lang naman pala ng ibang lalaki."W-wala naman 'yun pakialam sa akin. N-nagmamakaawa na ako. Ayoko munang umuwi," Walang nagawa si Marco kundi ang tumango at pagbigyan ang kaibigan. Ito lang rin ang paraan niya para matulungan ito.Habang pinagmamasdan ni Marco si Monica na nakasandal sa passenger seat ng kanyang kotse. Hindi niya magawang maawa dito. Hinaplos niya ang mukha nito, tinanggal ang mga nakasagabal na buhok sa kanyang mukha." Bakit kssi hindi nalang ako?" Malumanay na tanong niya."G-gabriel .. " Napabuntong-hininga si

  • RISING FROM HIS LIE   HARAP-HARAPANG SAKIT

    Nang makapasok si Monica sa kaniyang kwarto napaupo nalang siya sa kama at napaiyak ng sobra. Kinuha niya ang larawan ng kanilang kasal at itinapon ito sa basurahan. Lahat ng mga larawan, lumang album ay isinama niya sa pagtapon. Ang divorce paper ay isinilid niya sa isang drawer. Hahayaan niyang si Gabriel mismo ang kusang pumirma dito. Sa gitna ng kanyang kalungkutan bigla na lamang siyang may nareceive na text galing sa hindi kilalang numero. "Ang kalungkutan mo ay kaligayahan ko. Kukunin ko lahat ng meron ka, Monica," iyon ang mensahe sa kaniyang cellphone pero alam naman niya kung kanino iyon galing. Galing iyon sa isang babaeng matagal na pala siyang pinaglalaruan. Ang akala niyang kabaitan nito ay pakitang-tao lamang pala. Si Ericka. Mabilis niyang isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa at dahan-dahang bumagsak sa kaniyang malambot na higaan.Humiga siya sa kama, yakap ang isang unan at maya-maya pa ay nakatulugan na niya ang pag-iyak.Kinabukasan, maagaang lumabas ng kwaro

  • RISING FROM HIS LIE   ANG DIVORCE PAPER

    Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo a

  • RISING FROM HIS LIE   ANG ANAK NA HINDI KANYA

    Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status