Home / Romance / RISING FROM HIS LIE / HARAP-HARAPANG SAKIT

Share

HARAP-HARAPANG SAKIT

Author: MARKISHA
last update publish date: 2026-11-01 08:49:59

Nang makapasok si Monica sa kaniyang kwarto napaupo nalang siya sa kama at napaiyak ng sobra. Kinuha niya ang larawan ng kanilang kasal at itinapon ito sa basurahan. Lahat ng mga larawan, lumang album ay isinama niya sa pagtapon. Ang divorce paper ay isinilid niya sa isang drawer. Hahayaan niyang si Gabriel mismo ang kusang pumirma dito. 

Sa gitna ng kanyang kalungkutan bigla na lamang siyang may nareceive na text galing sa hindi kilalang numero. 

"Ang kalungkutan mo ay kaligayahan ko. Kukunin ko lahat ng meron ka, Monica," iyon ang mensahe sa kaniyang cellphone pero alam naman niya kung kanino iyon galing. 

Galing iyon sa isang babaeng matagal na pala siyang pinaglalaruan. Ang akala niyang kabaitan nito ay pakitang-tao lamang pala. Si Ericka. Mabilis niyang isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa at dahan-dahang bumagsak sa kaniyang malambot na higaan.

Humiga siya sa kama, yakap ang isang unan at maya-maya pa ay nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Kinabukasan, maagaang lumabas ng kwaro si Monica Noon ay sabay pa silang natutulog ng asawa, magkatabi pero ngayon ay hindi na nila maabot ang isa't isa. Never na rin silang nagtabi.

"Kumain kana? You want me to buy your food?" tanong ni Gabriel. Nasa sala siya, para bang may hinihintay na dumating. 

Hindi siya pinansin ni Monica. Nakatuon lang ang tingin ko sa sasakyang pumarada sa labas ng bahay. At sa babaeng naglalakad papasok ng bahay, at may kasamang bata. Awtomatiko akong napatingin kay Gabriel.

"Anong ibig sabihin nito?!" galit na tanong ko.

"Kailangan nila ng matitirahan, Monica. Kaya pansamantala ay dito na muna sila,"seryosong sabi ni Gabriel habang nakangiti sa kaniyang mga bisita.,

"T-this is our house, Gabriel!" Nakakuyom na sabi ko. 

"This is my house, Monica!" mas malamig na sabi niya. 

"Gab, hindi ata gusto ng asawa mo na nandito kami, pwede naman kaming umalis. Pasensya na, Monica," malungkot na sabi ni Ericka na noo'y nakatuon lang ang tingin kay Monica. Ang kaninang malungkot niyang mukha ay biglang napalitan ng saya at ngumiti ng biglang pumagitna sa kanila si Gabriel.

"No! Hindi kayo aalis. Dito na kayo titira ni Nathan," sabi ni Gabriel. 

"Paalisin mo sila o ako ang aalis?" nakakuyom na sabi ni Monica. Mas dumoble ang sakit sa dibdib niya. Nagawa pa niyang tanungin ang asawa, kahit alam naman niya ang sagot nito. 

"Monica, pwede ba! Huwag kanang maarte diyan. Dito lang sila titira, masama ba?!" galit na sabi ni Gabriel. Ngumiti ng mapakla ang asawa. 

"Bobo ka ba?!" hindi na nakapag-pigil si Monica. Humarap siya ng buong tapang sa asawa. 

"Sinong tanga ang papayag na patitirhan ang kabet sa pamamahay ng tunay na asawa?!" galit na sabi niya at hinarap si Ericka.

"At ika naman. Sino-sino pa ba ang kailangan mong landiin para pumirmi ka?!" sigaw ni Monica. 

"G-gabriel, sinisigawan niya ako," malumanay na sabi ni Ericka na humahanap ng kakampi kay Gabriel. Bigla ay umiyak si Nathan, gumitna siya a pinrotektahan ang nanay niya. 

"Look what you've done! Pinaiyak mo ang bata!" sigaw ni Gabriel at tinulak si Monica. Bumagsak ang babae sa sahig habang iniinda ang sakit ng katawan mula sa pagbagsak. 

"Nagawa mo talaga akong saktan para sa babaeng 'yan?! Hindi na napigilan ni Monica ang maiyak. Hindi siya makapaniwala sa nagawa ni Gabriel. 

"Masasaktan ka talaga kapag pinagpilitan mong paalisin sila," malamig na sabi ni Gabriel. Binuhat nito ang mga gamit ng kanyang mag-ina at walang sabi-sabing ipinasok ito sa loob ng kanilang bahay. Naiwan si Monica sa may pintuan, umiiyak habang pinagmamasdan ang dalawang taong sumira sa kanya. Hindi na niya idadamay ang anak, dahil wala naman itong kasalanan. Hindi pa nito nauunawaan ang kataksilan ng kanilang mga magulang. 

Huminga siya ng malalim. Napagdesisyonan niyang pumunta sa Bar na pinagta-trabauhan ng kanyang kaibigan na si Marco Asuncion. 

"1 glass of 1800 Tequila Blanco," malumanay na sabi niya. Agad na lumingon sa kanya si Marco. Bartender/ Owner ng Dandellion Bar sa Parañaque. 

"Aba. Ito ang unang beses na iinom ka after mo makasal kay Gabriel. May problema ba kayo?" seryosong tanong ng lalaki habang naglalagay ng alak na inorder ni Monica. 

"Sabihin mo sakin. Anong ginawa ng magaling mong asawa para sumugod ka rito sa bar ko?" nakangising sabi ng lalaki. Isang lagok lang ang ginawa ni Monica sa alak na noo'y nasa baso. 

"Huy! Malalasing ka niyan," mabilis na inagaw ni Gabriel ang baso at inilayo ito kay Monica. 

"He cheated on me." malamig na sabi ng babae. 

"What?! Hindi niya magagawa iyon sa'yo. Nakita ko kung paano ka niya alagaan at mahalin," gulat na sabi ni Marco. Tumikhim lang si Monica. Pinipigilan ang pag-iyak. 

"Pero nagawa niya, Marco," punong-puno ng kalungkutan na sabi niya. "Kilala mo si Ericka? The so called childhood sweet heart of his life. Bumalik siya and you know what? Dala niya ang anak nila," ang lungkot ay idinaan na lang niya pagtawa. 

"Ano?! May anak sila? Masakit nga 'yan, tama lang na mag-inom ka," nakangusong sabi niya sa kaibigan. 

"Salamat. Ang laki ng tulong mo. Bwisit ka!" natatawang sabi ni Monica habang pinapalo si Marco sa balikat. 

"Hindi naman kasi ako marunong manuyo ng babae. Kaya nga wala pa akong jowa diba?" nagkakamot na sabi ng lalaki.

"Hayss. Pogi kapa naman sana, Marco." natatawang sabi ni Monica. Kahit sandali lang ay nakalimutan niya ang matinding lungkot at panloloko ng kanyang asawa. 

"Nakuh po! Masama 'yan. Baka mainlove ka sakin ha," natatawang sabi ni Marco pero inismiran lang siya ni Monica.

"In your dreams. Hindi ako pumapatol sa kaibigan. Alam mo yan!" nakangiting sabi ni Monica. Bigla ay napatigili si Marco. Gumuhit sa kanyang mga mata ang matinding sakit. Rejection mula sa babaeng matagal na niyang nagugustuhan. Kaya nga hindi naghahanap ng babae si Marco dahil hinihintay lang niya si Monica at ngayon namang broken ito ay wala pa rin naman siyang pag-asa. Dahil alam niyang mas makakabuting maging magkaibigan nalang sila. Never siyang papasa sa standard ni Monica. 

"Ang sakit mo namang magsalita," pagbibiro ni Marco. 

"Hayys. Punta nalang tayo sa penthouse mo. Doon nalang muna ako matutulog," sabi ni Monica at hinigit ang braso ni Marco.

"Gagi. May trabaho pa ako. Maya-maya. Inom ka muna diyan," sabi ng lalaki na agad namang tinanguan ni Monica. 

Hindi niya alam kung anong mangyayari ngayong gabi. ANg gusto niya lang ay makalaya at makalimot kahit isang gabi lang. Gusto niyang makalimutan si Gabriel kahit ngayon lang. Dahil sa tuwing naalala niya ang masasaya nilang ala-ala. Kinukwestiyon ni Monica ang sarili kung anong naging pagkukulang niya para lang ipagpalit siya ni Gabriel sa iba. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RISING FROM HIS LIE   ANG PAGLABAN

    Kinahapunan, matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni at pag-iipon ng lakas ng loob, nagpasyahan na ring umuwi ni Monica. Alam niyang hindi niya matatakasan ang problemang ito magpakailanman. Kailangan niyang harapin ang kinabukasang binuo niya sa ilalim ng isang malamig at wasak na kasal.Subalit pag-uwi pa lang niya sa kanilang bahay, sumalubong na sa kanya ang isang pamilyar na eksena ng kaguluhan.Nasa may hagdan pa lamang si Monica ay natigilan na siya. Nagkalat sa sahig ang kanyang mga damit, mga gamit sa pag-aaral noon, at ilang kahon ng mga alaala na marahas na itinapon mula sa itaas. Ang dati niyang kwarto, ang tahimik na santuwaryo kung saan siya umiiyak at nagpapahinga, ay bukas na bukas at tila binaboy ang kaayusan.Nanigas si Monica sa kanyang kinatatayuan. Hindi agad nakagalaw ang kanyang mga paa. At mula sa loob ng silid na iyon, lumitaw ang isang babaeng may matamis at mapang-asar na ngiti. Si Ericka."Kunin mo ang mga gamit mo, lumipat ka sa guest room," nakangiting s

  • RISING FROM HIS LIE   ANG PAGBABANTA

    Hindi gumanti ng suntok si Marco. Iniiwasan niya ang gulo kaya nanatili siyang matatag at nakatayo nang maayos, bagaman ang kanyang mga mata ay galit at nagpapakita ng matinding pagtitimpi, hindi dahil sa hawak ni Gabriel, kundi dahil sa paghihirap ng babaeng matagal na niyang inaalagaan at minamahal nang tahimik, na ngayon ay binababuy at hinahamak lang ng sarili nitong asawa."Gabriel, bitawan mo siya!" malakas na sigaw ni Monica habang tinatangkang hawakan ang kamay ni Gabriel para tanggalin ito sa kwelyo ni Marco. "Pakiusap, mag-usap tayo nang maayos! Huwag mong idamay si Marco!"Itinulak ni Gabriel si Marco palayo, dahilan upang mapaatras ito ngunit mabilis ding nakabawi ng balanse. Humarap si Marco kay Gabriel, malamig at walang takot.Inayos ni Marco ang kanyang kwelyo, dahan-dahang humakbang palapit kay Gabriel at nagsalita sa boses na bagaman kalmado ay nanginginig sa matinding galit."Trespassing ka dito sa pamamahay ko, pare. Baka hindi kita matantiya, ipadampot kita sa mga

  • RISING FROM HIS LIE   ANG PAGSUGOD NG ASAWA

    "Lasing kana, Monica. Let's go, iuuwi na kita sa inyo." seryosong sabi ni Marco habang inaalalayang makatayo si Monica."A-ayaw kong umuwi. Please, sa penthouse mo muna ako mananatili. Kahit ngayong gabi lang, Marco," "Ako naman ang malilintikan sa asawa mo. Mamaya niyan sumugod 'yun dito at magwala," walang ganang sabi ni Marco pero ang sakit ay mababatid sa kanyang mga mata. Hindi niya lubos maisip na ang taong inalagaan niya ng ilang taon ay bababuyin lang naman pala ng ibang lalaki."W-wala naman 'yun pakialam sa akin. N-nagmamakaawa na ako. Ayoko munang umuwi," Walang nagawa si Marco kundi ang tumango at pagbigyan ang kaibigan. Ito lang rin ang paraan niya para matulungan ito.Habang pinagmamasdan ni Marco si Monica na nakasandal sa passenger seat ng kanyang kotse. Hindi niya magawang maawa dito. Hinaplos niya ang mukha nito, tinanggal ang mga nakasagabal na buhok sa kanyang mukha." Bakit kssi hindi nalang ako?" Malumanay na tanong niya."G-gabriel .. " Napabuntong-hininga si

  • RISING FROM HIS LIE   HARAP-HARAPANG SAKIT

    Nang makapasok si Monica sa kaniyang kwarto napaupo nalang siya sa kama at napaiyak ng sobra. Kinuha niya ang larawan ng kanilang kasal at itinapon ito sa basurahan. Lahat ng mga larawan, lumang album ay isinama niya sa pagtapon. Ang divorce paper ay isinilid niya sa isang drawer. Hahayaan niyang si Gabriel mismo ang kusang pumirma dito. Sa gitna ng kanyang kalungkutan bigla na lamang siyang may nareceive na text galing sa hindi kilalang numero. "Ang kalungkutan mo ay kaligayahan ko. Kukunin ko lahat ng meron ka, Monica," iyon ang mensahe sa kaniyang cellphone pero alam naman niya kung kanino iyon galing. Galing iyon sa isang babaeng matagal na pala siyang pinaglalaruan. Ang akala niyang kabaitan nito ay pakitang-tao lamang pala. Si Ericka. Mabilis niyang isinilid ang cellphone sa kanyang bulsa at dahan-dahang bumagsak sa kaniyang malambot na higaan.Humiga siya sa kama, yakap ang isang unan at maya-maya pa ay nakatulugan na niya ang pag-iyak.Kinabukasan, maagaang lumabas ng kwaro

  • RISING FROM HIS LIE   ANG DIVORCE PAPER

    Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo a

  • RISING FROM HIS LIE   ANG ANAK NA HINDI KANYA

    Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status