author-banner
MARKISHA
MARKISHA
Author

Novels by MARKISHA

DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE

DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE

Ang pag-ibig na umpisa pa lang ay matinding sakit na ang dala. Paano kaya patatawarin ng isang babaeng pinagkaitan ng pagmamahal ang asawang kailanman ay hindi siya pinahalagahan? Si Monica Ramirez ay nanatiling asawa sa Papel. Ang akala niyang perpektong kasal at pagsasama ay isa palang kasinungalingan. Wala siyang kaalam-alam na ang asawang kanyang pinagkakatiwalaan ay matagal na palang may sariling pamilyang binubuhay.
Read
Chapter: ANG DIVORCE PAPER
Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo
Last Updated: 2026-10-15
Chapter: ANG ANAK NA HINDI KANYA
Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: ANG PULSERAS
Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: ANG PAGTANGGI
Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: ANG PAGBABALIK
Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Ku
Last Updated: 2026-10-14
Chapter: ANG LARAWANG DUMUROG KAY MONICA
Isang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,”
Last Updated: 2026-10-14
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status