Mag-log inLumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.
At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.
“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Kung noon ay kinikilig pa siya sa paglalambing nito, ngayon naman ay labis ang pandidiri niya.
Kumalas siya mula sa pagkakayakap.
“Galit ka?” tanong niya. Hindi umimik si Monica. Nanatili itong nakayuko habang pinipigilan ang pag-iyak.
“Pasenya na, medyo busy lang ako sa trabaho. Huwag ka nang magalit,” malumanay na sabi ni Gabriel at gumapang ang malikot nitong kamay sa kanyang hita.
“May regalo ako para sa’yo. Pero bukas muna lang buksan. Damit mo muna ang bubuksan ko. Gusto kitang kainin ngayon,” nakangising sabi niya. Bago pa man siya maka-protesta ay hinalikan na siya ni Gabriel. Isang malalim na halik pero nang maalala niya ang nakitang larawan ay bigla niyang naitulak ang asawa. Inisip niya na paano kung si Ericka pa rin ang nakikita ng asawa kahit siya ang hinahalikan nito. Parang naging malaking trauma sa kanya ang nalaman.
“Huwag!” malakas ang pagkakasabi ni Monica. Mabilis din siyang bumangon at hinarap si Gabriel.
“Bakit?” batid ang inis sa mukha ng lalaki dahil sa matinding pagkabitin.
Napatingin si Monica sa suot na singsing ni Gabriel. Napangiti siya ng mapakla. Paanong nagawa niyang hawakan at galawin ang ibang babae habang suot ang kanilang singsing. Bigla ay napahawak siya sa kanyang tiyan. Naramdaman niya kasing may kung anong tumaas sa kanyang lalamunan. Mabilis siyang tumakbo sa lababo at doon sumuka. Sinundan naman siya ni Gabriel at bahagyang hinimas ang likod niya.
“May sakit ka ba?” tanong niya. Mabilis niyang iwinasiwas ang kamay ng asawa. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Pero sumunod pa rin ito na para bang sinusuyo siya. Pero hindi madaling magpatawad lalo na kung hanggang ngayon ay inililihim pa rin niya ang lahat kay Monica.
“Gusto mo bang pumunta ng hospital ngayon?” nag-aalalang tanong ni Gabriel. Umiling agad si Monica.
“Hindi na, pagod lang ito. Magpahinga kana, alam ko naman na napagod ka sa tinrabaho mo,” sarkastikong sabi ni Monica. Pero nagmatay malisya lang ang asawa niya.
“Huwag kanang magtampo. Para sa future din naman natin ang pag-alis ko,” Habang patuloy siyang nagsisinungaling, patuloy ring nasasaktan si Monica. Yumakap na naman ito sa kanya pero nanatili siyang nakatayo, hindi niya magawang gumanti ng yakap sa asawa.
“Bukas magpapa-book ako ng restaurant para i-celebrate ang anniversary natin,” nakangiting sabi ni Gabriel. Akala niya siguro ay mauuto pa niya si Monica.
“Hindi na kailangan, lumipas na din naman,” malamig na sabi niya sa asawa. “Wala ka namang tinatago diba?” dugtong pa niya. Bumitaw sa pagkakayap si Gabriel. Halata sa mukha nito ang pagkabahala at namumuo rin ang pawis sa kanyang noo na para bang kinakabahan siya sa naging tanong ng asawa.
“Ano bang sinasabi mo diyan? Bakit naman kita pagtataguan? Mahal na mahal kaya kita,” nakangiting sabi nito. Ang mga ngiting may tinatagong kahihiyan. Doon lang narealize ni Monica kung gaano kasinungaling ang asawa niya.
Bigla ay tumunog ang cellphone ni Gabriel na noo’y nakalagay sa bulsa ng kanyang jacket. Nataranta siya bigla. Tumalikod siya at lumayo sa asawa na noo’y alam na kung sino ang tumatawag sa kanya.
Napangiti ng mapakla si Monica. Habang nakikita niya kung gaano kabilis niyang sagutin ang tawag ng iba hindi niya maiwasang mainggit. Samantalang, kapag siya ang tumatawag, hindi na nga sinasagot, bina-block pa siya. Iba talaga ang nagagawa kapag totoong mahal. Hindi kagaya niya na katawan lang ang habol ng kanyang asawa.
Mabilis niyang nalukot ang suot na damit. Naiinis siya sa isiping talo na naman siya.
“Aalis muna ako, Babe. May urgent na kailangang tapusin sa company,” nakangiting sabi ni Gabriel at mabilis na humalik sa pisngi niya. Hindi sumagot si Monica, nanatili siyang nakatingin sa asawa habang papalayo sa kanya. Inisip niyang sino ang tangang magtatrabaho sa madaling araw. Ang palusot ni Gabriel ay hindi na kailanman pinaniwalaan ni Monica.
Hindi maiwasang ikumpara ni Monica ang sarili kay Ericka. Maganda si Ericka, napabayaan naman niya ang sarili dahil sa pag-aalaga sa asawa. Ang gandang meron siya noon ay biglang nawala. Mahal ni Gabriel si Ericka, samantalang si Monica ay pinakasalan lang dahil sa yaman na meron ang pamilya niya. At alam niya sa sarili na wala siyang laban sa unang minahal at pinangakuan.
Humarap si Monica sa salamin. Pinangako niya sa sarili niya na babangon siya. Hindi man madali pero sisikapin niyang ibalik ang dating sigla na meron siya. At ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling iiyak sa maling lalaki.
Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo
Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil
Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n
Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab
Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Ku
Isang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,”







