Share

ANG PAGTANGGI

Author: MARKISHA
last update publish date: 2026-10-14 17:50:39

Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.

“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. 

“Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.

“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.

“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. 

Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.

“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.

“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalabas na ako’t lahat hindi niya man lang ako maisipang bisitahin,” nakangusong sabi niya na batid ang sobrang pagkadismaya. Nalungkot si Monica sa isiping pati ang Nanay niya ay nakalimutan na rin ng kanyang asawa.

“Mama, alam mo namang galing siya sa trabaho. Pagod pa po ‘yun, pagpasensyahan niyo na po,” magalang na sabi ni Monica. Tumango naman ang matandang babae. Pero alam ni Monica na hindi natutuwa ang kanyang ina. Bigla ay napatingin siya sa bagong dating. Ang tatay niya, may dala itong bulaklak para kay Mama. Hindi ko magawang mapangiti. Kahit matatanda na sila ay sweet pa rin sila sa isa’t isa, unlike kay Gabriel na kahit bulaklak ay wala siyang natatanggap mula rito. Iniaot ng tatay niya ang bulaklak sa kanyang nanay at humalik pa sa noo nito.

“Nakausap ko yung Doctor sa labas. Wala naman daw naging komplikasyon pagkatapos ng surgery at mabilis na gumagaling ang tahi ng Mama mo. Pwede na raw tayong umuwi sa susunod na araw,” sabi ng kanyang tatay. Nakangiting tumango si Monica na noo’y hawak ang kanilang bill.

“Lalabas po muna ako, babayaran ko muna ito,” nakangiting paalam niya. Mabilis siyang pumunta sa accounting pero hindi niya inaasahan ang taong makakasalubong niya. Si Gabriel. Balisa ito habang may kausap sa kanyang cellphone.

Nanlaki ang mata niya ng makita si Monica. Pero si Monica ay nanatiling tahimik. Parang tumatagos sa katawan ng asawa ang kanyang mga tingin.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong nito. Napailing na lang si Monica. Pati ba naman pagpapagaling ng nanay niya ay nakalimutan na ng asawa.

Gusto niya rin sanang magtanong pero hindi na niya ito nagawa dahil bigla na lamang tumalikod si Gabriel at mabilis na umalis. Walang hi, walang goodbye. Naging hangin na lang siya sa mata ng asawa.

Mangiyak-iyak siyang pumunta ng Accounting area. Dahil sa inis ay bahagya pa niyang nalukot ang papel. Hindi siya makapaniwalang nagmahal siya ng taong walang pakiramdam at pagpapahalaga.

Matapos mabayaran ang hospital bill ay bumalik si Monica sa kwarto ng kanyang ina. Nagpaalam muna siya na aalis dahil may importante siyang pupuntahan. Tumango ang kanyang ina at ama. Pinuntahan niya ang malapit na tanggapan ng abogado sa kanilang lugar. Nag-request siya ng Divorce agreement. Buo na ang desisyon niyang makipaghiwalay sa asawa. Ang sabi ng abogado ay matatagalan daw ang proseso pero dahil nga gusto niyang pabilisin ay binayaran niya ang abogado. Wala siyang pakialam kung magkano. Basta ang gusto niya ay madala agad ang papel sa lalong madaling panahon.

“Bumalik kayo rito sa opisina, pagkatapos ng dalawang araw,” nakangiting sabi ng abogado habang nakangiti sa cheque na ibinigay niya. Dalawang araw? Sapat na iyon para tiisin niya ang sakit at galit sa puder ng kanyang asawa.

“Maraming salamat,” nakangiting sabi ni Monica. Pagkatapos ay umuwi na siya sa bahay nila sa Makati. Sinalubong siya ng mahigpit na ngiti ng asawa pero para siyang manikang walang kaluluwa. Hindi niya magawang maging masigla kagaya noon.

“Kumain ka. Nagluto ako ng paborito mong pinakbet,” nakangiting sabi ni Gabriel. Suot pa niya ang apron. Hindi naman niya ito ginagawa noon. Kung ano man ang rason ay wala na akong pakialam doon.

“Busog pa ako, kumain ako bago umalis ng hospital,” walang ganang sabi ni Monica. 

“Sayang naman yung niluto ko. Tikman mo naman, sige na,” nagpapa-cute na sabi niya pero hindi niya ito pinansin.

“Hindi ka ba makaintindi? Busog pa ako,” matigas na sabi niya. Batid ang sobrang inis sa tono nito.

“Pero gusto ko kasing sabihin mo sa akin kung masarap ang pagkakaluto ko dito,” nakangusong sabi niya. Hinarap siya ni Monica, malamlam ang mga mata at hindi maitatanggi ang galit sa boses ng babae.

“Pinagluto mo ako o siya?” seryosong sabi ni Monica. Nakatingin siya diretso sa mga mata ni Gabriel na ngayon ay nanlalaki dahil sa matinding gulat.

“Ano bang sinasabi mo, Babe? Simula ng makauwi ako dito, ang lamig-lamig mo na sa akin,” malumanay na sabi ni Gabriel na para bang inililihis ang kanilang pinag-uusapan.

“Ang business trip sa Batangas. Sino ang nagpdala sa iyo doon?” malumanay ngunit mapapansin ang galit sa boses ni Monica.

“Ang isa kong kliyente.” Bigla ay napatawa si Monica. Client? Iyan na ba ang tawag ngayon sa kabit? Bigla ay natigil sila sa pag-uusap ng biglang nagring ang cellphone ni Gabriel. Parehas silang napatingin sa lamesa kung saan ito nakapatong. Mabilis itong dinampot ni Gabriel at isinilid sa kanyang bulsa.

“Hindi mo sasagutin?” tanong niya.

“Hindi na kailangan. Makakapag-hintay naman iyon,” walang ganang sabi ni Gabriel pero wala pang ilang minuto ay tumunog na naman ito.

“Sagutin mo na! Hindi rin naman yan titigil sa pagtawag hanggat hindi ka pumunta sa kanya,” walang-ganang sabi ko. Pero ang manhid niya kahit sa mga simpleng pagbulong ko tungkol kay Ericka.

“Sagutin ko muna ito,” nakangiting sabi niya. Pinipigilan ang kilig dahil sa kausap. Pumunata si Gabriel sa labas para sagutin ang tawag. Ayaw man lang iparinig sa asawa ang kanilang pinag-uusapan.

Bigla ay nahulog ang kanyang bag at cellphone sa sahig. Nagkalat ang kanyang mga gamit sa sahig. Kasama doon ang isang dirvorce slip na itinago niya dahil kailangan ito sa pag-claim ng Divorce paper na nirequest niya.

Bumalik si Gabriel nang makita ang nangyari.

“Ayos ka lang ba?” tanong niya habang tinutulungan siyang pulutin ang mga nalaglag na gamiit.

“Ayos lang,” mabilis na sagot niya at una niyang dinampot ang papel. Huli na dahil nakita na ito ni Gabriel.

“Ano ‘yan?” tanong niya habang nakaturo sa papel na pilit itinatago ni Monica.

“Wala. Medical result ni Mama,” sagot niya.

“Bakit mo itinatago? Ipakita mo sa akin.” inis na sabi ni Gabriel habang pilit na inaagaw ang papel.

 “Hindi na kailangan.” Nilabanan niya ang tingin ng asawa. Habang nag-aagawan sila ay bigla na namang tumunog ang cellphone niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Gabriel sa screen at kay Monica. Pero sa huli, mas pinili pa rin niyang sagutin ang tawag.

Naiwan si Monica, punong-puno ng kaba ang dibdib niya. Maingat niyang itinago muli ang papel sa kanyang bag. Tumayo siya at patakbong tinungo ang kanyang kwarto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE   ANG DIVORCE PAPER

    Makalipas ang dalawang araw. Nakalabas na si Monica sa hospital pero walang asawa na dumalaw sa kanya. Pagkauwi niya ng bahay ay inabutan niya si Gabriel na noo'y nasa sala, nakatutok sa kanyang laptop. Dahan-dahan siyang sumilip sa ginanagawa nito. Tinitingnan niya ang larawan nila ni Ericka at ang anak na meron sila. Mabilis na tumikhim si Monica kaya naagawa niya ang pansin ng asawa. Mabilis nitong pinatay ang laptop at nakangiti siyang hinarap."Hi, Babe. Nag-breakfast kana? Gusto mo bang kumain sa labas?" nakangiting sabi ng lalaki pero hindi sumagot si Monica.Pabagsak niyang inilabas ang Divorce Paper sa harap ni Gabriel na noo'y nanlalaki ang mga mata."Ano to?!" Malakas na sigaw nito at bahagya pang kinalampag ang lamesang nasa pagitan nilang dalawa."Akala mo ba ay bobo ako para pirmahan 'yan? Damn! Divorce Paper yan for godsake!" Dugtong pa niya.Tiningnan lang siya ni Monica. Seryoso ang mukha nito, halatang hindi natutuwa sa presensya ng asawa."Akala mo diba ba ay bobo

  • DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE   ANG ANAK NA HINDI KANYA

    Gabi na nang makauwi si Gabriel. Sinalubong siya ng madilim na bahay, tahimik na para bang walang nakatira. Patay na rin ang mga ilaw. Masiyadong maaga, hindi siya sanay.Hinahanap niya ang presensya ng asawa. Sa tatlong taong pagsasama nila, kahit anong oras pa siya makauwi ay palaging naghihintay sa kanya si Monica. Sabik na sabik itong makita siya palagi at may oras pa na tatakbo ito papunta sa kanya at yayakapin siya ng mahigpit. Ngayon ay nagbago na. Nanlalamig na ang kanyang asawa.Maaga pa lang ay nadatnan na niya na tulog si Monica sa kama. Lumapit siya dito at hinawi ang buhok na noo’y tumatakip sa mukha niya. Bigla itong nagising at gumawa ng distansya sa pagitan nila.“Nasaan ang pulseras na regalo ko sa iyo? Bakit hindi mo sinusuot?” nakakunot-noong tanong ni Gabriel.“Hindi ko alam. Baka nahulog,” tila walang buhay na sagot niya. Na para bang ang pulseras na iyon ay isang basura lang para sa kanya pero ang totoo ay itinapon niya ito. Hindi niya maatim na suutin ito dahil

  • DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE   ANG PULSERAS

    Isa ang pamilyang Ramirez sa pinakamayaman at pinakama-unlad na pamilya sa Pilipinas. Samantalang ang pamilya naman ng mga Saavedra ay malapit nilang kaibigan. Noong halos mabankrupt ang kompanya ng mga Saavedra, ang pamilyang Ramirez ang tumulong sa kanila upang makabangon. At bilang pagpapasalamat at pagtupad na rin sa kasunduan. Nangako si Gabriel na papakasalan niya si Monica upang mas lalong maging malakas ang kani-kanilang kompanya.Kasal na sila ng malaman ni Monica ang lahat. Hindi siya nagalit, tinanggap niya ang lahat dahil nga gusto niya si Gabriel at akala niya ay may gusto rin ito sa kanya pero ang katapatan pala nito ay hawak ni Ericka.Ang pagsasama ni Monica at Gabriel ay hindi na bumalik pa sa dati. Habang nadadagdagan ang araw, unti-unti na nilang nakaksanayan na huwag magpansinan. Kinabukasan maagang lumabas pumunta si Monica sa hospital para bisitahin ang kanyang nanay.“Anak, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Nag-aaway ba kayo ni Gabriel? Kapag pupunta ka rito ay n

  • DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE   ANG PAGTANGGI

    Kinabukasan ay binisita ulit ni Monica ang kanyang nanay sa hospital. Ang kaninang ngiti sa mukha ng matandang babae ay nawala ng makita ang hitsura ng anak. Sa sobrang stress kasi niya nitong mga nakaraang araw ay napabayaan na niya ang sarili niya. Kapansin-pansin din ang pangangayayat ng katawan niya.“Anak, lumapit ka nga,” sabi nito na agad namang sinunod ni Monica. Hinaplos nito ang mukha niya. Nakaramdam siya ng kapayapaan at parang gusto niyang umiyak sa bisig ng kanyang ina pero pinigilan niya. “Bakit ang putla mo? May sakit ka ba? Parang nangangayayat ka, anak.” malungkot na sabi nito.“Hindi lang po ako nakatulog ng maayos.” nakangiting sabi ni Monica, huwag lang mag-alala ang nanay niya.“Nakauwi na ba ang asawa mo?” seryosong sabi ng kanyang Ina. Bigla ay nakagat ni Monica ang ibabang labi. Ayaw man niyang magsinungaling pero mas mabuti kaysa mag-isip siya ng kung ano ano.“Kakauwi niya lang kagabi, Mama,” malumanay na sabi ni Monica.“Kailan siya dadalaw sa akin? Lalab

  • DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE   ANG PAGBABALIK

    Lumipas na ang tatlong araw pero hindi pa rin umuuwi si Gabriel. Sa loob ng tatlong araw na yun ay wala siyang natanggap na tawag o mensahe galing sa asawa. Kaya inabala na lang niya ang sarili siya sa pag-aalaga sa kanyang nanay na noo’y nagpapagaling sa hospital. Gustuhin man niyang magsumbong pero ayaw naman niya itong ma-stress dahil kakatapos palang nitong sumailalim sa heart surgery. At ayaw niyang maging pabigat sa mga magulang. Kaya isinekreto niya ang lahat.At sa wakas, nakauwi na rin siya. Sa bahay na dati ay maliwanag ngayon naman ay sobrang dilim. Sa matinding pagod ay nakatulog ng maaga si Monica. Bigla ay nagising siya dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan. Naramdaman niyang umalog ang kama na para bang may umupo ditongh mabigat na bagay. Amoy niya rin ang matapang na amoy ng pabango. Napamulat siya bigla ng marealize na amoy iyon ng kanyang asawa na si Gabriel.“G-gabriel….” nauutal na pagtawag niya sa lalaki. Hindi ito nagsalita, niyakap lang siya nito ng mahigpit. Ku

  • DIVORCE IS NOT AN OPTION, IT'S MY CHOICE   ANG LARAWANG DUMUROG KAY MONICA

    Isang buwan na ang lumipas mula nang magpaalam si Gabriel Saavedra sa kanyang asawang si Monica Ramirez na may aasikasuhing business sa Batangas. At ngayon ang itinakdang araw nang kanyang pagbabalik. Kaya hindi magkanda-ugaga si Monica sa paglilinis dahil gusto niya ay madatnan ng asawa ang malinis at maaliwalas na bahay.Isa pa sa ikinatutuwa niya ay ngayon ang Third Anniversary ng kanilang kasal. Kaya abala din siya sa pag-aayos ng mga pagkain at regalo na ibibigay niya sa asawa. Nag-ayos pa siya ng sarili at matiyagang naghintay sa pagdating nito. Pero habang lumalalim ang gabi, nakakaramdam siya ng kakaibang kaba. Alas-nuebe na kasi pero hindi pa rin nakakauwi si Gabriel. At hindi rin kasi ito nagreply sa message niya pati na rin sa tawag. Habang nakaupo sa lamesa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Akala niya ay asawa na niya ito pero galing ang tawag kay Raya, ang kapatid ni GabrieL, sister-in-law niya.“Ate, may sinend ako sa messenger mo. Pakitingnan po. I’m sorry,”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status