Compartilhar

CHAPTER 2

Autor: SoleReign
last update Data de publicação: 2026-10-24 16:15:37

CLARA ALCANTARA POV

Ang ingay ng bass mula sa sound system ng underground club ay parang tumatama diretso sa sintido ko. Mainit, amoy mamahaling tequila, pawis, at pabango ang hangin sa loob. Nakasuot ako ng itim na satin slip dress at isang eleganteng silver mask na halos takpan ang kalahati ng mukha ko, pero ramdam ko pa rin ang mga titig ng ibang tao sa paligid.

Si Bea ang nagdala sa akin dito. Pagkarating na pagkarating namin, iniabot niya sa akin ang isang baso ng margarita at sinabing, "Uminom ka lang nang uminom hanggang sa makalimutan mo ang pagmumukha ng gagong asawa mo."

At iyon nga ang ginawa ko. Sunod-sunod kong nilagok ang alak. Uminit ang lalamunan ko, at unti-unting lumabo ang mga alaala ng tagpong nakita ko sa hotel kanina. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang matinding kagustuhang lumaya—isang pakiramdam na matagal kong inilihim at pinigilan dahil sa pagiging sunud-sunuran ko kay Marcus.

Nang maging mabigat na ang ulo ko at bahagyang manghina ang tuhod ko sa tama ng alak, nagpasya akong lumabas sa mas tahimik na bahagi ng VIP lounge para huminga ng sariwang hangin.

​May lalaking naka-upo sa isang sulok ng dulo ng bar, malayo sa ingay ng karamihan. Naka-itim din siyang polo na bahagyang nakabukas ang mga butones sa itaas, at suot ang isang itim na maskara na nagpatingkad lalo sa matutulis niyang panga at malamig na mga mata. Kahit madilim, may kakaibang presensya siya—isang uri ng awtoridad na hindi mo kayang balewalain. Siya iyong tipong lalaki na kahit anong tago, mapapalingon ka talaga.

Nang magtama ang mga mata namin, hindi siya umiwas. Sa halip, tinitigan niya ako nang diretso, parang sinusukat ang bawat galaw ko.

​Dahil sa alak at sa pagnanasang lumaya kahit sandali lang mula sa sirang buhay ko, naging matapang ako. Lumapit ako sa kanya, dinala ng sarili kong mga paa.

​"Masyadong seryoso ang mukha mo para sa isang lugar na para sa mga gustong magsaya," sabi ko, medyo malambot ang boses dahil sa tama ng alak pero diretso akong tumingin sa mga mata niya.

Isang tipid na ngisi ang sumilip sa labi niya. Nagsalin siya ng alak sa baso niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Depende sa kung ano ang hinahanap mo rito. May mga pumupunta para magsaya, at may mga pumupunta para takasan ang katotohanan."

"Pareho na siguro," sagot ko habang umupo sa bakanteng stool sa tabi niya. Umorder ako ng isa pang baso ng hard drink. "Ikaw, ano ang tinatakasan mo?"

"Responsibilidad," maikli niyang tugon. Isang salita lang, pero may lalim na parang galing sa isang taong pasan ang buong mundo.

Hindi ko na tinanong kung ano iyon. Tumayo ako at inabot ang kamay ko sa kanya. "Gusto ko munang makalimot kahit ngayong gabi lang. Sasamahan mo ba ako, o tatanda ka dyan sa kakaisip sa trabaho mo?"

May kakaibang kislap sa mga mata niya bago niya tinanggap ang kamay ko. Matindi ang hawak niya—mainit at matatag. Sa isang iglap, hinila niya ako palayo sa bar. Hindi na namin hinintay ang elevator; sa pamamagitan ng private staff stairs, dinala niya ako sa pinakamataas na penthouse suite ng hotel kung saan naroon ang club.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa kwarto, sinalubong na kami ng kadiliman na tanging ang ilaw mula sa siyudad sa labas ng malaking salamin ang nagbibigay-liwanag. Agad akong isinandal ng lalaki sa pader. Ang mga halik niya ay mabilis, mabigat, at puno ng gutom—parang mga taon din siyang nagpigil.

Nawalan na ako ng kontrol. Hinawakan ko ang leeg niya, sinabunutan nang bahagya ang maiksi niyang buhok habang tinutugon ang bawat halik niya. Parang binubura ng bawat haplos niya ang lahat ng sakit, panghihinayang, at galit na iniwan sa akin ni Marcus. Hubad naming isinuko ang mga sarili sa kama, habang ang lamig ng aircon sa kwarto ay nilalabanan ng nag-aapoy naming hininga at mga ungol na pumupuno sa tahimik na kuwarto.

Pero sa kalagitnaan ng matinding init ng sandali, habang magkalapat ang mga katawan namin at halos mawalan na ako ng ulirat sa sarap, may biglang humatak sa gilid ng silver mask ko. Natanggal ito at nalaglag sa sahig.

Sabay kaming natigilan. Dumilat ang mga mata ko, at ang mga mata niya—ang malamig at matalim na mga matang iyon—ay nanlaki sa gulat nang masilayan ang mukha ko sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Ang init kanina ay napalitan ng lamig.

"Clara?" mahinang sambit niya, basag ang boses pero may halong matinding disbelief.

Namilog ang mga mata ko. Nanlamig ang buong katawan ko nang mamukhaan ko kung sino ang lalaking kasama ko sa loob ng kwarto. Ang matipunong katawan, ang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango, ang boses...

Si Ethaniel Villaroman. Ang kapatid ng lolo ni Marcus—ang nag-iisang billionaire at tycoon na pinakakatatakutan at iginagalang sa pamilya nila. Ang tiyuhin ng asawa ko.

"Ikaw..." nanginginig kong bulong, sabay urong sa gilid ng kama habang sapo ang dibdib ko gamit ang kumot.

Napakunot ang noo ni Ethaniel. Ang gulat sa mukha niya ay mabilis na napalitan ng pagdududa at galit. Tumayo siya mula sa kama, kinuha ang robe at isinuot habang matalim akong tinitigan. Ang dating maamong init sa mga mata niya ay naging kasingtulis ng kutsilyo.

"Clara Alcantara," malamig niyang sabi, bakas ang matinding pagkadismaya at paghihinala. "Alam mo ba kung sino ako mula pa sa simula? Plano ba ito ng pamilya ninyo para i-trap ako?"

"Hindi!" mabilis kong tanggi, basag ang boses at nanginginig ang mga kamay. "Hindi ko alam na ikaw yan! Walang kinalaman si Marcus dito!"

"Talaga lang ha?" lumapit siya nang kaunti, ang boses niya ay mababa pero nagbabanta. "Isang babaeng kasal sa walang kwenta kong pamangkin, biglang susulpot sa isang underground club, aakayin ako rito, tapos sabay nating madidiskubre ang mukha ng isa't isa? Napakaganda naman ng pagkakataon."

​"Akala ko ba matalino ka?" galit na ganti ko kahit tumutulo na ang luha sa mata ko dahil sa matinding hiya. "Kung pinlano ko ito, sana nagdala ako ng camera o hindi na ako natakot sa itsura mo ngayon!"

Hindi na siya nakapagsalita agad sa diretsong sagot ko. Pero bago pa niya ako muling mapagbintangan o mapag-usapan pa namin ang sitwasyon, kinuha ko ang damit ko sa sahig, mabilis na nagbihis, at patakbong lumabas ng kwarto. Iniwan ko siyang nag-iisa sa malawak na suite habang nag-aapoy ang galit sa dibdib ko.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE   CHAPTER 5

    CLARA SANTOS POV Matapos akong ipagtanggol ni Ethaniel sa restaurant at mapahiya nang husto si Marcus sa harap ng maraming tao, tumanggi akong sumama sa kanya sa kabila ng mga pagbabanta, pagsigaw, at paulit-ulit niyang pagmamakaawa sa labas ng building. Habang pinapanood kami ng mga taong dumadaan at nagbubulungan, nanatili akong matatag sa desisyon ko. Ilang beses na akong nagtiis at nagbigay sa kanya ng pagkakataong magbago, pero wala rin namang nangyari. Kaya sa halip na magpadala sa takot o sa mga pangakong hindi naman niya tinupad, tinanggap ko ang alok ng driver ni Ethaniel na ihatid ako sa condominium unit ng best friend kong si Bea sa Ortigas. Ayoko nang bumalik sa malaki at nakakasakal na mansyon ng mga Villaroman na naging saksi sa sakit na dinanas ko sa piling ni Marcus. Pagdating ko sa unit ni Bea, sinalubong niya ako ng mahigpit at matagal na yakap, na para bang natatakot siyang mawala ako sa paningin niya. Doon ko lang naramdaman kung gaano ako kapagod at kung gaano

  • DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE   CHAPTER 4

    CLARA ALCANTARA POV Makalipas ang isang linggo, tahimik akong nanatili sa guest room at hindi na pinansin si Marcus. Ginugol ko ang mga araw na iyon sa pagtatrabaho sa laptop ko, tinatapos ang mga financial consultancy proposal at strategic report para sa mga dati kong kliyenteng patuloy na nagtitiwala sa kakayahan ko. Handa na ang mga divorce papers, at malinaw na sa isip ko ang araw na tuluyan na akong makakalaya sa pagsasama namin. Hindi na ako ang babaeng tahimik lang habang naghihintay kung anong oras uuwi ang asawa niya. Sa bawat type ko sa keyboard, lalo kong napapatunayan sa sarili ko na kaya kong buhayin ang sarili ko nang hindi umaasa sa pamilya Villaroman. Pero bago ko pa maipadala ang pormal na demanda sa abogado ni Marcus, may lumabas na notification sa phone ko. Mensahe iyon mula sa kanya. Gusto raw niyang mag-usap kami nang maayos sa isang pampublikong restaurant sa BGC para pag-usapan ang "kinabukasan" ng pagsasama namin. “Pagdating ko sa restaurant, nakita ko si

  • DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE   CHAPTER 3

    CLARA ALCANTARA POVPagpasok ko pa lang sa mansyon, sinalubong na ako ng mabibigat na yabag ni Marcus. Nakatayo siya sa paanan ng hagdan, suot pa rin ang jacket niya at magulo ang buhok. Halatang buong magdamag niya akong hinintay. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya, hindi dahil nag-alala siya sa kalagayan ko, kundi dahil hindi niya matanggap na umalis ako nang walang paalam."Saan ka nanggaling, Clara?" masungit niyang tanong. Mababa ang boses niya, pero ramdam ko ang galit sa bawat salita. "Ilang oras kitang tinatawagan, pero hindi mo sinasagot ang phone mo! Naglalakwatsa ka habang ako, hindi makatulog kakaisip kung ano ang puwedeng mangyari sa pangalan ng pamilya natin dahil sa ginagawa mo!"Natigil ako sa paglalakad at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ito ang lalaking nakita kong may kasamang ibang babae sa hotel noong nakaraang gabi. Napailing ako habang napapangiti nang mapait."Naglalakwatsa?" sarkastiko kong tanong habang inilalapag ang susi ng kotse sa coffee table. "I

  • DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE   CHAPTER 2

    CLARA ALCANTARA POV Ang ingay ng bass mula sa sound system ng underground club ay parang tumatama diretso sa sintido ko. Mainit, amoy mamahaling tequila, pawis, at pabango ang hangin sa loob. Nakasuot ako ng itim na satin slip dress at isang eleganteng silver mask na halos takpan ang kalahati ng mukha ko, pero ramdam ko pa rin ang mga titig ng ibang tao sa paligid. Si Bea ang nagdala sa akin dito. Pagkarating na pagkarating namin, iniabot niya sa akin ang isang baso ng margarita at sinabing, "Uminom ka lang nang uminom hanggang sa makalimutan mo ang pagmumukha ng gagong asawa mo." At iyon nga ang ginawa ko. Sunod-sunod kong nilagok ang alak. Uminit ang lalamunan ko, at unti-unting lumabo ang mga alaala ng tagpong nakita ko sa hotel kanina. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang matinding kagustuhang lumaya—isang pakiramdam na matagal kong inilihim at pinigilan dahil sa pagiging sunud-sunuran ko kay Marcus. Nang maging mabigat na ang ulo ko at bahagyang manghina ang tuhod ko sa

  • DIVORCING HIM, MARRYING HIS BILLIONAIRE UNCLE   CHAPTER 1

    CLARA ALCANTARA POVAlas-dos ng madaling araw nang makauwi ako sa aming mansyon sa Forbes Park. Masakit ang likod ko at nanlalambot ang mga mata ko sa puyat. Pero sa kabila ng pagod, may ngiti sa labi ko habang tinitigan ang laptop screen ko sa bag. I just finished drafting a complex financial restructuring proposal para sa isang international firm na kumuha sa akin bilang freelance consultant.Sa loob ng tatlong taon, pinilit akong mag-resign ni Marcus sa dating kong kumpanya bilang lead corporate strategist. Ang sabi niya noon, “Wala kang dapat alalahanin kundi ang maging mabuting asawa ko. Ang pamilyang Villaroman ay hindi kailangang magtrabaho ang manugang.”Pero ang totoo, iyon ang paraan niya para burahin ang pangalan ko sa corporate world. Noong mga unang taon namin, kinuha pa niya ang credit sa isang malaking merger na pinagpuyatan ko nang ilang linggo para lang umangat siya sa mata ng board of directors nila. But tonight? Tonight proved that I still’ve got it. Hindi na ako an

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status