LOGINCLARA SANTOS POV
Matapos akong ipagtanggol ni Ethaniel sa restaurant at mapahiya nang husto si Marcus sa harap ng maraming tao, tumanggi akong sumama sa kanya sa kabila ng mga pagbabanta, pagsigaw, at paulit-ulit niyang pagmamakaawa sa labas ng building. Habang pinapanood kami ng mga taong dumadaan at nagbubulungan, nanatili akong matatag sa desisyon ko. Ilang beses na akong nagtiis at nagbigay sa kanya ng pagkakataong magbago, pero wala rin namang nangyari. Kaya sa halip na magpadala sa takot o sa mga pangakong hindi naman niya tinupad, tinanggap ko ang alok ng driver ni Ethaniel na ihatid ako sa condominium unit ng best friend kong si Bea sa Ortigas. Ayoko nang bumalik sa malaki at nakakasakal na mansyon ng mga Villaroman na naging saksi sa sakit na dinanas ko sa piling ni Marcus. Pagdating ko sa unit ni Bea, sinalubong niya ako ng mahigpit at matagal na yakap, na para bang natatakot siyang mawala ako sa paningin niya. Doon ko lang naramdaman kung gaano ako kapagod at kung gaano kabigat ang lahat ng pinagdaanan ko. Habang nakaupo kami sa sofa at umiinom ng mainit na tsaa, ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa BGC, pati na ang pagdating ni Ethaniel para pigilan si Marcus at ilayo ako sa marahas nitong kamay. Pero hindi lang iyon ang ikinuwento ko. Pakiramdam ko, kailangan kong maging tapat kay Bea dahil isa siya sa iilang taong palaging nandiyan para sa akin. Kaya sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa gabing iyon sa underground club—ang masked party, ang marangyang hotel suite, at ang matinding gulat ko nang malaman kung sino talaga ang lalaking nakasama ko. Nanlaki ang mga mata ni Bea at napanganga habang nakatitig sa akin. Ilang segundo siyang natahimik na para bang pinoproseso pa ang lahat ng narinig niya bago biglang pumalakpak at tumawa nang malakas. "Wait, let me get this straight," natatawang sabi ni Bea habang hawak ang braso ko. "Yong asawa mong cheater na mahilig mang-agaw ng credit, pinalitan mo ng bilyonaryong tito niya? Oh my God, Clara! Kung alam ko lang na ganyan ang magiging plot twist ng buhay mo, sana matagal na kitang dinala doon para hindi ka na nagtiis sa palpak mong kasal!" "Bea, hindi ito biro," saway ko sa kanya habang umiiling. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa hiya at kaba. "Uncle niya si Ethaniel! Paano kung isipin niyang sinadya ko talaga iyon para magkaroon ng kakampi o mang-blackmail kapag kumalat ang balita?" Umiling si Bea bago inubos ang natitirang tsaa sa baso niya. "Girl, gising! Kung gusto ka talagang sirain ni Ethaniel Villaroman, sana ginawa na niya iyon noong gabing nangyari sa inyo sa hotel na 'yun. Pero ano ang ginawa niya? Pinuntahan ka niya sa restaurant at pinahiya 'iyunh sariling pamangkin niya sa harap ng maraming tao para ipagtanggol ka. Deserve mo naman ang gwapo at bilyonaryong uncle niya kaysa sa ungas mong asawa. Ganti na rin iyon sa lahat ng sakit at pangmamaliit na dinanas mo dahil sa lalaking 'yun!" Kahit pilit akong pinapatawa ni Bea, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukha ni Ethaniel noong huli kaming nagkita—malamig, seryoso, at punong-puno ng misteryong hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin pagkatapos ng nangyari saamin sa hotel. Isa lang ang sigurado ako. Ayokong magkaroon ng panibagong problema dahil sa kanya. Habang nananatili ako sa unit ni Bea, mas pinili kong ituon ang atensyon ko sa sarili ko at sa mga susunod kong gagawin. Wala na akong pakialam sa mga problemang kinakaharap ni Marcus. Ang mahalaga sa akin ay ang desisyon kong tapusin na ang lahat ng ugnayan ko sa kanya. Wala akong mapapala kung patuloy kong iisipin ang mga ginawa niya. Sa halip na mag-aksaya ng oras sa nakaraan, mas mabuting gamitin ko iyon para buuin ulit ang buhay ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras sa pag-iyak sa nakaraan. Kinabukasan, maaga akong nagising habang mahimbing pang natutulog si Bea. Kinuha ko ang laptop ko, umupo sa maliit na mesa sa tabi ng bintana, at binuksan ang mga dokumentong matagal ko nang itinago. Tinapos ko ang resume ko at inayos ang portfolio na naglalaman ng mga planong ako ang gumawa pero inangkin ni Marcus bilang sarili niyang trabaho. Habang sinusuri ko ang bawat dokumento, naalala ko ang mga gabing halos hindi ako natutulog para matapos ang mga proyektong ipinagkatiwala sa akin. Ako ang naglaan ng oras at nag-isip ng mga solusyon, pero si Marcus ang nakakuha ng papuri at pagkilala. Dati, tiniis ko iyon dahil asawa ko siya at naniwala akong balang araw ay kikilalanin din niya ang mga sakripisyo ko. Pero nagkamali ako. Hindi ko na hahayaang maulit iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras sa pag-a-apply sa maliliit na kumpanya o sa paglapit sa mga dati kong kakilala na baka gamitin lang ulit ang talento ko para sa sarili nilang kapakinabangan. Alam ko ang tunay kong halaga at kung gaano kalaki ang kaya kong gawin bilang financial analyst at corporate strategist. Gusto kong magkaroon ng pagkakataong patunayan ang sarili ko nang hindi umaasa sa pangalan o impluwensiya ng asawa ko. Nang isubmit ko online ang resume at aplikasyon ko, wala akong ibang tinarget kundi ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang korporasyon sa bansa—ang kumpanyang pag-aari mismo ni Ethaniel Villaroman. Alam kong hindi magiging madali ang makapasok sa kumpanyang iyon. Maraming kwalipikadong aplikante ang posibleng nag-aagawan sa mga posisyon doon, pero hindi iyon sapat na dahilan para umatras ako. Kung gusto kong magsimula ulit, kailangan kong maniwala sa sarili kong kakayahan. Hindi ko ginawa iyon para sundan o akitin si Ethaniel, gaya ng posibleng isipin ng mga taong mahilig manghusga. Ginawa ko iyon dahil gusto kong patunayan ang sarili ko. Gusto kong makita nila na ang babaeng minsang tinapak-tapakan, inagawan ng credit sa mga proyekto, at pinilit mag-resign ay kayang bumangon at magsimula ulit. Hindi na ako babalik bilang isang asawang sunod-sunuran at tahimik na sumusunod sa gusto ng iba. Sa pagkakataong ito, sisimulan kong buuin ang sarili kong kinabukasan. Handa akong tumayo sa sarili kong mga paa, ipaglaban ang kakayahan ko, at harapin ang mga taong susubok na hilahin akong pababa.CLARA SANTOS POV Matapos akong ipagtanggol ni Ethaniel sa restaurant at mapahiya nang husto si Marcus sa harap ng maraming tao, tumanggi akong sumama sa kanya sa kabila ng mga pagbabanta, pagsigaw, at paulit-ulit niyang pagmamakaawa sa labas ng building. Habang pinapanood kami ng mga taong dumadaan at nagbubulungan, nanatili akong matatag sa desisyon ko. Ilang beses na akong nagtiis at nagbigay sa kanya ng pagkakataong magbago, pero wala rin namang nangyari. Kaya sa halip na magpadala sa takot o sa mga pangakong hindi naman niya tinupad, tinanggap ko ang alok ng driver ni Ethaniel na ihatid ako sa condominium unit ng best friend kong si Bea sa Ortigas. Ayoko nang bumalik sa malaki at nakakasakal na mansyon ng mga Villaroman na naging saksi sa sakit na dinanas ko sa piling ni Marcus. Pagdating ko sa unit ni Bea, sinalubong niya ako ng mahigpit at matagal na yakap, na para bang natatakot siyang mawala ako sa paningin niya. Doon ko lang naramdaman kung gaano ako kapagod at kung gaano
CLARA ALCANTARA POV Makalipas ang isang linggo, tahimik akong nanatili sa guest room at hindi na pinansin si Marcus. Ginugol ko ang mga araw na iyon sa pagtatrabaho sa laptop ko, tinatapos ang mga financial consultancy proposal at strategic report para sa mga dati kong kliyenteng patuloy na nagtitiwala sa kakayahan ko. Handa na ang mga divorce papers, at malinaw na sa isip ko ang araw na tuluyan na akong makakalaya sa pagsasama namin. Hindi na ako ang babaeng tahimik lang habang naghihintay kung anong oras uuwi ang asawa niya. Sa bawat type ko sa keyboard, lalo kong napapatunayan sa sarili ko na kaya kong buhayin ang sarili ko nang hindi umaasa sa pamilya Villaroman. Pero bago ko pa maipadala ang pormal na demanda sa abogado ni Marcus, may lumabas na notification sa phone ko. Mensahe iyon mula sa kanya. Gusto raw niyang mag-usap kami nang maayos sa isang pampublikong restaurant sa BGC para pag-usapan ang "kinabukasan" ng pagsasama namin. “Pagdating ko sa restaurant, nakita ko si
CLARA ALCANTARA POVPagpasok ko pa lang sa mansyon, sinalubong na ako ng mabibigat na yabag ni Marcus. Nakatayo siya sa paanan ng hagdan, suot pa rin ang jacket niya at magulo ang buhok. Halatang buong magdamag niya akong hinintay. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya, hindi dahil nag-alala siya sa kalagayan ko, kundi dahil hindi niya matanggap na umalis ako nang walang paalam."Saan ka nanggaling, Clara?" masungit niyang tanong. Mababa ang boses niya, pero ramdam ko ang galit sa bawat salita. "Ilang oras kitang tinatawagan, pero hindi mo sinasagot ang phone mo! Naglalakwatsa ka habang ako, hindi makatulog kakaisip kung ano ang puwedeng mangyari sa pangalan ng pamilya natin dahil sa ginagawa mo!"Natigil ako sa paglalakad at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ito ang lalaking nakita kong may kasamang ibang babae sa hotel noong nakaraang gabi. Napailing ako habang napapangiti nang mapait."Naglalakwatsa?" sarkastiko kong tanong habang inilalapag ang susi ng kotse sa coffee table. "I
CLARA ALCANTARA POV Ang ingay ng bass mula sa sound system ng underground club ay parang tumatama diretso sa sintido ko. Mainit, amoy mamahaling tequila, pawis, at pabango ang hangin sa loob. Nakasuot ako ng itim na satin slip dress at isang eleganteng silver mask na halos takpan ang kalahati ng mukha ko, pero ramdam ko pa rin ang mga titig ng ibang tao sa paligid. Si Bea ang nagdala sa akin dito. Pagkarating na pagkarating namin, iniabot niya sa akin ang isang baso ng margarita at sinabing, "Uminom ka lang nang uminom hanggang sa makalimutan mo ang pagmumukha ng gagong asawa mo." At iyon nga ang ginawa ko. Sunod-sunod kong nilagok ang alak. Uminit ang lalamunan ko, at unti-unting lumabo ang mga alaala ng tagpong nakita ko sa hotel kanina. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang matinding kagustuhang lumaya—isang pakiramdam na matagal kong inilihim at pinigilan dahil sa pagiging sunud-sunuran ko kay Marcus. Nang maging mabigat na ang ulo ko at bahagyang manghina ang tuhod ko sa
CLARA ALCANTARA POVAlas-dos ng madaling araw nang makauwi ako sa aming mansyon sa Forbes Park. Masakit ang likod ko at nanlalambot ang mga mata ko sa puyat. Pero sa kabila ng pagod, may ngiti sa labi ko habang tinitigan ang laptop screen ko sa bag. I just finished drafting a complex financial restructuring proposal para sa isang international firm na kumuha sa akin bilang freelance consultant.Sa loob ng tatlong taon, pinilit akong mag-resign ni Marcus sa dating kong kumpanya bilang lead corporate strategist. Ang sabi niya noon, “Wala kang dapat alalahanin kundi ang maging mabuting asawa ko. Ang pamilyang Villaroman ay hindi kailangang magtrabaho ang manugang.”Pero ang totoo, iyon ang paraan niya para burahin ang pangalan ko sa corporate world. Noong mga unang taon namin, kinuha pa niya ang credit sa isang malaking merger na pinagpuyatan ko nang ilang linggo para lang umangat siya sa mata ng board of directors nila. But tonight? Tonight proved that I still’ve got it. Hindi na ako an







