Masuk
CHLOE POV
“Jerome, seven years anniversary natin, pwede bang manatili ka muna dito sa bahay? Pwede bang samahan mo muna ako kahit na ngayung gabi lang?” nakikiusap na wika ko sa asawa kong si Jerome. Kakatapos niya lang magpalit ng panlakad na kasuotan at mukhang aalis na siya. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nagmakaawa sa kanya na manatili muna siya dito sa bahay kahit ngayung lang pero naging bingi siya. Kahit na masama ang pakiramdam ko, buong maghapon pa rin akong nag-effort na naghanda ngayung araw pero mukhang wala yatang celebration na magaganap Dahil ang asawa ko, may balak na naman yatang sa ibang bahay magpalipas ng gabi “Kailangan ako ni Elara!” malamig ang tono ng boses na wika niya. Hindi ko naman mapigilan ang maluha Ang sakit! Mas masakit pa ang katagang binitiwan niya kaysa sa tuwing sinusumpong ako ng aking karamdaman. Isang malubhang karamdaman na hangang ngayun, alam kong wala siyang alam dahil ni minsan, hindi ko din naman sinabi Hindi sa gusto kong isekreto sa kanya ang tungkol sa sakit ko kaya ayaw kong sabihin sa kanya. Natatakot kasi akong baka kapag aamin ako, hindi niya ako paniniwalaan. Sasabihin niya na naman sa akin na pera na naman ang habol ko. At ayaw ko nang mangyari iyun. At kapag hindi niya mapagbigyan ang hiling ko ngayung gabi lang, natatakot ako na baka ito na ang huli. Sa susunod na anniversary namin, baka wala na ako. Pangalawang taon na anniversary na namin ito na hindi ko siya nakakasama dahil nasa kandungan siya ng ibang babae. “Jerome, kahit ngayung gabi lang. Hindi, kahit na labinlimang minuto lang. Kahit na samahan mo lang akong kumain ngayung gabi. Basta, nandito ka lang, please.” Kaagad naman siyang ngumisi. Tumitig siya sa mga pagkaing nakahain sa ibabaw ng lamesa at ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan. Bigla na lang niyang tinabig ang mga pagkain. Ang pagkahulog noon ay naglikha nang malakas na pagbagsak at pagkabasag ng mga kubyertos sa sahig. Kaagad din nagkalat ang mga pagkain. “Litse! Sinabi kong kailangan ako ni Elara!!! Gaano ba kahirap sa iyo na intindihin ang bagay na iyan? Ha? Ano ba ang kailangan mo at ang kulit mo? Pera na naman ba? Kailangan mo na naman ng pera?” galit niyang sigaw sa akin. Hindi ko na mapigailan ang mapaiyak habang nakatitig ako sa mga pagkaing nagkalat sa sahig. Mga pagkaing pinaglaanan ko ng oras na mailuto buong maghapon kahit na nahihirapan na ang katawan ko. “Alam mo, kung hindi lang dahil sa mga magulang ko, baka matagal na kitang iniwanan eh!” muling wika niya At nagulat na lang ako nang bigla niya na lang ibinato sa akin ang tatlong pirasong tiglilibuhing perang papel “Ayan ang pera! Ayaw mo pa akong diretsahin na kailangan mo ng pera! Kailangan mo pa akong idaan sa drama mo para makuha mo ang gusto mo!” galit niyang muling wika kasabay ng pagkalaglag ng tatlong libong perang papel sa sahig Hindi ko naman mapigilan ang mapailing habang patuloy na sa pagpatak ang luha mula sa mga mata ko. “Jerome, hindi pera ang kailangan ko. Ikaw…ikaw ang kailangan ko!” umiiyak kong wika “hahahah! Hahaha! Patawa ka din eh! Alam mo, hangang ngayun, ang galing mo pa ring umakting. Lahat napapaniwala mo sa paluha-luha mong iyan! As if naman na kaya ka ganyan dahil pera lang naman ang habol mo sa akin. Nakalimutan mo na ba…pati engagement ring na ibinigay ko sa iyo noon, naibenta mo dahil mukha kang pera!” galit niyang sigaw. Pakiramdam ko, para akong sinampal ng makailang ulit dahil sa sinabi niya. Kung alam niya lang na ang perang iyun ay hindi naman talaga sa akin napunta. Bilang isang housewife na walang trabaho, nahihiya na din naman akong manghingi ng pera sa kanya. Nagipit lang talaga ako, may mga problemang dumating sa buhay ko na wala siyang alam at hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. "Fine, gusto mong mag stay ako para mai-celebrate natin ang anniversary natin, pagbibigyan kita!" muli niyang wika Wala sa sariling napaatras ako nang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Tinitigan niya muna ako sa mga mata bago hinila patungo sa living room "Ayaw mo pa akong diretsahin eh! Alam ko naman ang kung ano ang nais mo, bitch!" galit na muling sigaw niya.JEROME POV "JEROME...hindi! Hindi mo pwedeng gawin iyan.'' sagot din naman ni Mark sa boses na kinakabahan. Nakita ko ang bigla niyang pamumutla kaya naman kaagad na din napatitig si Trexie sa asawa. "Ano ang ibig sabihin ni Jerome?' tanong ni Trexie Biglang napaseryoso si Mark. Tumitig sa asawa bago nagsalita "Hindi natin pwedeng kontrahin ang pinsan mo. Kung patuloy natin siyang gagalitin, paano na ang kumpanya?" sagot ni Mark "Hindi ko maintidihan. Mark, paano nasali sa usapang negosyo si Jerome?" nagtatakang tanong ni Trexie kay Mark "Mahabang usapin. Sa ngayon, iisa lang ang takbo ng usapan na ito...huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Hayaan mo silang tatlo ang mag-usap. Simula ngayong araw, gusto kong huwag ka nang makialam sa problema nila.'" seryosong wika ni Mark Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla na lang niyang hinawakan ang asawa niyang si Trexie sa braso at hinila patungo sa sasakyan "Hindi pwede! Paano si Chloe?" galit na tanong ni Trexie Pero, hindi na
JEROME POV "JEROME, nasaan si Chloe?" salubong na tanong sa akin ni Trexie pagkalabas ko. Katabi niya ang asawa niyang si Mark pati na din ang lalaking umagaw kay Chloe sa akin "Ano ang ginagawa niyo dito?" malamig ang tono ng boses na tanong ko. Kaagad namang lumapit si Mark sa akin. Ang asawa ng pinsan kong si Trexie "Bro, pakawalan mo na si Chloe. Hinahanap na siya ng kanyang asawa at anak." seryoso niyang wika Mapakla naman akong tumawa "Hinahanap siya ng asawa niya at anak? At ako, ano ang tawag niyo sa akin? Hindi ba't ako ang asawa ni Chloe?" seryosong sagot ko "Jerome Montefalco, nasaan si Chloe? Hindi pwede itong ginagawa mo sa amin! Ibalik mo sa akin si Chloe kung hindi magkakagulo tayong dalawa." sabat naman ni Francis. Matalim ang mga matang tinitigan ko siya "How dare you para pagbantaan ako. Mr. Francis Arroyo!!! Alam mo, hindi pa tayo nakakapag-toos. Hindi pa kita nabalikan sa ginawa mong pagtangay noon kay Chloe sa hospital." galit kong wika "Wala k
JEROME POV "SECOND CHANCE? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang second chance na hinihiling mo ay para lamang iyon sa mga taong wala nang sabit. Jerome. may asawa at anak na ako, at masaya na ako sa piling nila." seryosong sagot naman ni Chloe sa akin Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at mas lalo akong nasasaktan dahil sa tuwing humahakbang ako palapit sa kanya, unti-unti naman siyang umuorang palayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. "Huwag kang lumapit." seryoso niyang wika. Parang nahahapo ako na napahinto sa paghakbang. "Kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko, hindi ka babalik sa lalaking iyon." seryoso kong wika sa kanya "A-ano? Hindi! Hindi maaari!'" sigaw niya "Chloe, husgahan man ako ng lahat ng tao sa buong mundo...magalit man sa akin ang lahat, hindi na magbabago ang desisyon ko. Dito ka lang sa tabi ko....at tuturapin na natin ang pangako natin sa isa't-isa noon na magsasama tayo sa hirap a
JEROME POV "ANO ang ginagawa mo? Sinabing bitiwan mo ako eh. Jerome!" narinig kong galit na sigaw ni Chloe Pero, nagbingi-bingihan ako. Tuluyan na kasi talaga akong kinain ng matinding pagnanasa. Pagnanasa na kay tagal kong tiniis sa loob ng labing tatlong taon. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong tikman muli ang matamis niyang labi Pero, nang angkinin ko na ang labi niya, mariin kong naipikit ang aking mga mata nang bigla na lang iyong kagatin ni Chloe At sa lakas noon, kaagad kong nalasahan ang dugo sa sarili kong bibig. "I hate you!" galit na sigaw ni Chloe sa akin at hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niyang pagkagat sa akin ay sunod kong naramdaman ang pagtama ng palad niya sa pisngi ko Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin, pakiramdam ko bigla akong nagising sa katotohanan "Bastos! Walang modo!" galit na sigaw niya sa akin .HInayaan kong makawala siya mula sa pagkakadagan ko at kusa siyang gumapang palayo sa akin Ako naman, tulala na nakatitig lang sa kany
JEROME POV "CHLOE...nagugutom ka na ba? Kaunting tiis lang, umorder na ako ng makakain nating dalawa sa labas. Kung magluluto pa kasi tayo, wala nang time eh." nakangiti kong wika. Gusto ko nang baguhin na namin ang topic namin. Gusto kong huwag na naming pag-usapan ang aming nakaraan. Lalo na at alam kong mas lalo lang kaming masasaktan pareho Siguro nga, simula ngayong araw, iiwasan ko nang bangitin ang aming nakaraan. Magkasama na kaming dalawa ngayon at siguro, bubuo na lang ulit kami ng panibagong magagandang alaala. Hindi ko na siya kayang makitang umiiyak. Kung nasasaktan siya sa mga ginagawa ko ngayon, mas nasasaktan ang kalooban ko na makita siyang nahihirapan "Jerome, uuwi na ako sa bahay. Baka, hinahanap na ako ni Cheryl. Kawawa naman ang anak ko." lumuluha niyang wika sa akin Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom nag kamao ko. Sa totoo lang, naiinis ako na marinig ang mga salitang palagi niyang binabangit sa akin Uuwi siya ng bahay dahil namimiss daw ang anak
JEROME POV Nasaan si Chloe? Kung kasama mo siya, ibigay mo sa kanya ang cellphone. Gusto ko siyang makausap." halos sumigaw na si Trexie habang sinasabi ang bagay na iyon Kaagad akong napatitig kay Chloe. Nakaupo na ito ngayon sa living room at halatang masama ang loob nito. "Okay lang si Chloe. Kung gusto mo siyang makausap, not now!' sagot ko din naman kay Trexie Siya na yata ang pinakamakulit na tao na nakilala ko. Pinsan ko siya, kadugo ko siya pero bakit sa ibang tao siya pumapanig? "Jerome...hindi mo pwedeng ikulong si Chloe sa isang lugar na ayaw niya!'" naiinis na sagot naman ni Trexie 'Hindi ko siya ikinukulong. Ang gusto ko lang ay ibalik siya sa dati niyang kalagyan." seryoso kong sagot "Dating kalagyan? Ano ang palagay mo sa kaibigan ko? Gamit na pagkatapos mong hindi pahalagahan, basta mo na lang pulutin at muling angkinin?" yamot na sagot ni Trexie sa kanya "Kahit kailan, hindi ko itinuring na parang isang gamit si Chloe. Mahal ko siya. Asawa ko siya.







