로그인Lumapit si Reymark sa amin ng may malaking ngiti sa mukha. “What bad things are you two beauties saying about me?”Tiningnan naman namin ni Camie ito mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng branded casual clothes, kaya halatang hindi siya basta-bastang ordinaryong lalaki.“Mr. Reymark, you look so youthful today.”Ngumiti naman si Reymark na parang walang pakialam. “I’ll always be that carefree, handsome young man.”Napatawa naman agad si Camie. “Still so shameless.”Napunta naman ang tingin niya sa akin. “So distant? Won’t you even greet me?”Bahagya akong ngumiti sa kanya bago nagsalita, “Long time no see.”Umupo siya sa tabi ko at nag-cross legs. “I’m planning to develop my career in Cagayan. Are you going to welcome me?”“The people of Cagayan will welcome you, Reymark. And of course your contribution to the city’s GDP.” Mahinang sambit ko. “I don’t care about them. I only want to know if you're gonna welcome me.”Tinulak naman ito ni Camie. “Move over.”Umupo siya sa pagitan nam
Seriña POVMatagal akong nakaupo sa driver's seat habang iniisip ang sitwasyon. Kung makukuha ko ang pera ni Paolo, hindi magiging problema ang pagbabayad ng anim na bilyong utang sa loob ng dalawang araw.Ang problema, sa susunod na linggo pa kami ni Paolo nakatakdang pumirma ng kontrata. Hindi ko naman puwedeng asahan na ibibigay niya agad sa akin ang pera kahit hindi pa kami nakapag pirma.Isa lang ang natitirang option ko, kundi si Khalil. Kaagad ko siyang tinawagan, nang sumagot siya ay wala na akong paligoy-ligoy at dumiretso na sa punto.“Khalil, my papa urgently needs 2.5 billion. Can you lend it to me first? I’ll pay you back within a week.”Matagal siyang hindi sumagot. “Given the current state of the Montipolo company, I’m afraid that even a year wouldn’t be enough to pay me back, let alone a week.”“I can write you an IOU.” Mabilis na sagot ko. “What’s the use of an IOU if you can’t pay me back?”Bahagyang kumalabog ang puso ko ng marinig ko ang sinabi niya, bilang isang
Minsan ko nang nakilala ang boss ng debt-collection company na ito—si Harry Garcia. Sa madaling salita may utang na loob sa akin si Harry Garcia.Dalawang taon na ang nakalipas nang biglang mawala ang lahat ng importanteng data sa computer niya. Napakahalaga ng mga data na iyon, kapag napunta sa maling kamay, maaari niyang mawala hindi lang ang kanyang kayamanan kundi pati ang buhay niya.Dahil desperado na ito, naghanap si Harry Garcia sa online ng mga computer expert na kayang i-recover ang data ng hindi inilalantad ang laman nito. Nagkataon namang nakita ko ang post niya habang wala akong ginagawa, kaya kinuha ko ang trabaho.Para sa akin, napakadali lang i-recover ng data. Ngunit para kay Harry, parang iniligtas ko ang buhay niya.Bago kami naghiwalay ng landas noon, sinabi niya pa sa akin na If I ever need anything in the future, I will contact him. Gumamit ako ng ibang pangalan noon, kaya hanggang ngayon ay wala siyang ideya na ako ang babaeng tumulong sa kanya. Wala rin siyang
Ilang beses umiwas ng tingin si Mama bago siya sumagot. “That’s right…”Napakuyom ako ng mga kamao at pumikit sandali. Sa totoo lang, gusto kong manuntok ng isang tao. Hindi man naging mabuting ina sa akon si Mama Anna, siya pa rin ang nagpalaki sa akin. At si Papa Robert naman ay tunay na nagmamalasakit sa akin, kaya hindi ko kayang tumayo lang at walang gawin.Kaya rin ayaw kong sabihin kung saan nanggaling ang malaking halaga ng perang iyon. Sa halip, pinilit kong gumawa ng loan agreement. Ayokong ituring ako ni Mama na parang walang katapusang pagkukunan ng pera.Kung sakaling may mangyari sa pamilya namin sa hinaharap, ayokong ako na naman ang kailangang sumalo sa lahat ng problema. Ayokong gugulin ang buong buhay ko bilang isang kasangkapan na ginagamit lang kapag kailangan nila. At higit sa lahat, ayokong itali nila ako gamit ang guilt o emotional blackmail.“Stop wasting our time! Pay up now, or we’re not leaving!”Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ko ang sigaw ng lider
Tumingin sa akin si Khalil, mukhang may hinihintay siyang reaction mula sa akin. Siguro inaasahan niyang magagalit ako nang malaman kong buong gabi siyang nanatili sa kwarto ni Amarah, ngunit wala akong balak makipagtalo."Seriña," tawag niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya. "What?" nakakunot ang noo ko habang sumagot. "There's something else I want to tell you." Panimula niya. "I didn't stay there because of Amarah."Bahagya naman akong ngumiti. "Didn't you already explain that?""I just don't want you to misunderstand." Marahan na sabi niya, na para bang binaba niya na ang sarili niya para sa akin. "You don't have to explain yourself to me." Dahil hindi ko na kailangang malaman pa kung bakit siya nanatili doon, may sarili siyang buhay. May sarili rin akong buhay at ayoko nang makialam sa mga bagay na wala na akong kontrol."You really don't care?" mabilis na tanong niya.Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako sumagot. "Why should I?" Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kuko
Hinaplos ko ang dibdib ko. “Salamat sa pag-aasikaso, Auntie.”Lumapit ng kaunti si Auntie sa akin at mahinang nagsalita, “Ma'am Seriña, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi ninyo sabihin kay sir? Sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niya, mas magiging madali rin ang buhay ninyo sa pamilyang ito.”“Tumataas ba ang katayuan ng isang ina dahil sa anak niyang lalaki?” Pinunasan ko ang bibig ko at napangisi. “Malaki na nga ang ego ni Khalil.”May gustong sabihin si Auntie, pero pinili na lang niyang manahimik. “Nasaksihan ko mismo kung paano kayo namumuhay sa pamilyang ‘to nitong nakaraang tatlong taon. Anuman ang desisyon ninyo, susuportahan ko kayo.” Mahina siyang napabuntong-hininga. “Ang hiling ko lang, huwag kayong gumawa ng desisyon ng padalos-dalos, lalo na pagdating sa kalusugan ninyo. Huwag ninyo itong isugal.”Uminit naman ang puso ko sa sinabi niya. Inabot ko agad ang kamay ni Auntie at hinawakan iyon. “Auntie, talagang nagpapasalamat ako sa iyo.”Salamat dahil sa







