ANMELDENPagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan.
Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niya ang pagtawa ni Raika. “Nararamdaman ko kasi ang distress signal mo mula sa opisina,” biro nito. Natawa si Lexy. “At dahil d'yan, dadagdagan ko ang yearly bonus niyo ni Rey,” sabi niya. Naging abala buong araw si Lexy dahil sa insidenteng nangyari sa construction site sa Avent Hill. Sinigurado niyang maayos ang mga manggagawa—nabigyan ng compensation at financial assistance ang mga ito pati na ang kanilang mga pamilya. Pinaimbestigahan niya kay Raika ang nangyari, at base sa resulta, walang foul play—isang purong aksidente lamang. Sa sobrang abala at focus ni Lexy sa trabaho, kahit habang kumakain ay nagbabasa pa rin siya ng mga dokumento. Hindi niya namalayan na gabi na pala nang bigla siyang makaramdam ng pananakit ng ulo. Binitawan niya ang folder na hawak, tsaka sumandal sa kanyang swivel chair. Inikot niya ito at pinagmasdan ang tanawin mula sa floor-to-ceiling window—isang malawak at buo na view ng siyudad ng Valcressia mula sa tuktok ng gusali ng Black Gold Construction, kung saan naroon ang kanyang opisina. Magpapahinga muna siya sandali bago magpatuloy. Habang tahimik niyang pinagmamasdan ang tanawin, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Raika. “President Black,” tawag nito. “Bakit?” tanong niya. “Pauuwiin mo na ba ako?” biro pa niya. Raika pursed her lips before answering. “Puwede naman. Bago ka umalis, itatanong ko muna kung iba-block ko na ba ang contact number ng sekretarya ni Jonathan Kensington?” Inikot muli ni Lexy ang kanyang swivel chair at humarap kay Raika, nakataas ang kilay. “Nangungulit na naman ba ang tabatchoy na ’yon?” Tumango si Raika. Napaisip si Lexy ng ilang segundo bago tumayo. “Pumapayag na kamo ako. Sabihin mo, ako na mismo ang pupunta kung nasaan siya.” “Sasabihan ko ang sekretarya ni Mr. Kensington. Sasama ako—” “No,” Lexy interrupted. “Magpahatid ka na kay Rey. Pupunta ako mag-isa. Nakaparada naman sa underground parking lot ang isa pang kotse ko.” “Pero—” “You’re dismissed,” sabat niya. Mabilis siyang lumapit kay Raika at tinulak palabas ng opisina hanggang sa elevator. “Magpahinga ka na.” Pero pilit na pumipiglas si Raika. “Pero, President Black! Delikado kapag—” Mabilis na pinindot ni Lexy ang elevator button at itinulak si Raika papasok nang bumukas ito. “Ba-bye! Agahan mo bukas, ah?” nakangiting sabi niya, tsaka agad pinindot ang button. Bago pa makapag-react si Raika, sumara na ang pinto at nagsimulang bumaba. Tumalikod si Lexy para bumalik sa opisina nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Binuksan niya ito—may message si Raika. From: Raikakekikoku Message: Bwisit ka talaga kahit kailan, Lexy! Napahalakhak siya. Naglakad siya pabalik sa opisina para kunin ang kanyang sling bag bago tuluyang umalis, tumatawa pa rin. Mula sa Black Gold Construction, matapos ang mahigit dalawampung minuto, nakarating siya sa Paradise Hotel and Casino—pagmamay-ari ni Jonathan Kensington. Bago maipasok ang kotse, dumaan muna siya sa security check. Nang makumpirma ng mga naglalakihang security personnel kung sino siya, agad siyang pinapasok. Ipinarada niya ang sasakyan bago bumaba at pumasok sa loob ng establisimyento. Sa entrance ng hotel, kanina pa siya inaabangan ng sekretarya ni Jonathan. “President Black, magandang gabi sa ’yo,” magalang na bati ni Serenity. “Kanina ka pa inaantay ni Mr. Kensington. I’ll take you to where he is.” Tahimik na sumunod si Lexy. Dinala siya ni Serenity sa casino floors. May tatlong casino areas ang Paradise Hotel and Casino—Elysian Hall, Celestial Deck, at Empyrean Suite. Pare-pareho man ang mga laro—slot machines, blackjack, baccarat, poker, at roulette—ang pinagkaiba ay ang halaga ng taya at estado ng mga manlalaro. Dinala siya ni Serenity sa Empyrean Suite. The Empyrean Suite was decorated elegantly—crystal chandeliers, polished marble floors, and velvet leather chairs. The service was far more extravagant; young, beautiful servers dressed in skimpy yet tasteful outfits moved gracefully around the room. Food and drinks were prepared by top chefs and professional bartenders. Ang mga kliyente rito ay mga milyonaryo, bilyonaryo, negosyante, elites, politicians, at high-profile mafia bosses. Dahil sa estado ng mga tao roon, higit sa milyon ang taya kada laro. Pagbukas ng elevator, naunang lumabas si Serenity, kasunod si Lexy. Sa sandaling makita si Lexy, napalingon ang mga tao. Nagsimula ang mahinang bulungan. Ang ilang babaeng server ay hindi mapigilang mapatingin—at mainggit. Why? Lexy was beyond anyone’s beauty. Hers was ethereal—as if God gave His all to create someone as stunning as her. Mula sa mukha, sa pigura, hanggang sa eleganteng galaw—kahit sino ay mapapatingin. Men adored her while women envied her. Kahit si Serenity, na maganda rin naman, ay hindi napigilang makaramdam ng inggit. Ngayon lang niya nakita nang malapitan si Lexy—at naniniwala na siya sa mga kumakalat na usapan. Lexy Black was indeed any man’s dream wife—and every woman’s impossible standard. Huminto si Serenity sa tapat ng isang table kung saan nagtitipon ang mga tao. Lumapit siya sa isang lalaki at bahagyang yumuko. “Mr. Kensington, narito na si President Black.” Nang marinig iyon, agad napangiti si Jonathan at tumayo. “President Black, mabuti naman at narito ka na. Ikinagagalak kong tinanggap mo ang imbitasyon ko,” sabi niya habang iniaabot ang kamay. Tiningnan lamang ni Lexy ang kamay nito, tsaka ibinaling ang tingin sa mesa sa likod ni Jonathan. “Mukhang maganda ang nilalaro niyo,” sabi niya. “Puwede ba ’kong makisali?” Hindi na niya hinintay ang sagot—lumakad siya papunta sa mesa. Bahagyang nairita si Jonathan sa ginawang pagbalewala ni Lexy, pero agad din niya itong binalewala at bumalik sa kanyang upuan. Isang staff member ang lumapit at maingat na hinila ang upuan para kay Lexy. “Thanks,” sabi niya, walang emosyon ang mukha. Naupo siya. Nang paalis na ang staff, hinawakan ni Lexy ang braso nito. “Stay,” she said calmly. “You’re my lucky charm tonight. If I win, you’ll get a huge reward from me… so pray I win big.” Bigla niyang hinila ang lalaki palapit at bahagyang tinaas ang baba nito gamit ang hintuturo—then she let him go. Sandaling natahimik ang buong mesa. Lalo na si Jonathan. At mula sa likuran, si Serenity—nakamasid lamang. “Mas magiging maganda talaga ang laro natin ngayong gabi, hindi ba?” masayang sabi ni Jonathan habang iniikot ang paningin sa mga kalaro. “Dahil kasama natin maglaro si President Black.” Sang-ayon ang mga tao sa sinabi niya. “Tama. Bigla nga akong na-excite nang malaman kong sasali si President Black.” “Kahit ako. Ang sabi nila marunong maglaro si President Black, kaya excited na akong malaman kung mananalo siya.” “Sana lang hindi pagsisihan ni President Black kapag sunud-sunod ang talo niya.” Hearing the last man’s comment, Lexy couldn’t help but smirk wickedly. Pagsisisihan niyong minaliit ninyo ako, saad niya sa sarili. Malilimas ang mga poker chips ninyo.Mabilis na tumayo si Jonathan at lumingon sa waiter at kay Serenity. “Magbantay kayo sa labas,” utos niya. Agad namang sumunod ang dalawa. Nang dalawa na lamang sila, mabilis na lumapit si Jonathan kay Lexy. Lalong tumindi ang pandidiring nararamdaman niya. “Lu-lumayo ka sa ’kin! Kadiri ka!” pilit niyang iginagalaw ang katawan, ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi siya makakilos nang maayos. Tumawa si Jonathan nang nakakaloko. Sa pagkakataong ito, naging mapangahas siya at hinila si Lexy para yakapin. Nagpumiglas si Lexy. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang matabang gurang na katulad ni Jonathan? She had already heard rumors—maraming reklamo laban kay Jonathan: sexual assault, harassment, even rape. Karamihan sa mga biktima ay sariling empleyado nito. Ngunit walang nagawa ang mga biktima, lalo na’t may koneksyon si Jonathan sa pulisya. Namula ang mga mata ni Lexy sa galit. Hindi siya papayag na balahurain ng isang tabatchoy na matandang tulad ni Jonathan. She
Mahigit isang oras na ang lumipas simula nang maglaro si Lexy ng poker. Habang siya ay masaya at kalmadong naglalaro, ang mga kalaro naman niya sa mesa ay pinagpapawisan dahil sa matinding nerbyos at pagkadismaya sa tuwing natatalo. Paano ba naman—mula simula ay si Lexy lang ang nananalo. Wala ni isa sa kanila ang nagawang talunin ang babae. Lagi silang naiisahan ni Lexy. Nagsimulang magbulungan ang mga taong nanonood sa laro. “Ang sabi marunong lang siya. Bakit parang professional poker player na siya kung maglaro?” “Aba, malay ko! Kung ikaw nagtataka, paano pa ako?!” “Kanina lang confident na confident si Mr. Kensington pati ang mga kasama niya. Akala siguro nila mapagkakaisahan nila si President Black.” Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kalaro ni Lexy, habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang lahat—kinukurot-kurot pa niya ang baywang ng lalaking staff member. Habang masaya si Lexy, hindi rin maganda ang timpla ng mukha ng staff member dahil sa panghihipo sa ka
Pagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan. Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niya ang pagtawa ni Raika. “Nararamdaman ko kasi ang distress signal mo mula sa opisina,” biro nito. Natawa si Lexy. “At dahil d'yan, dadagdagan ko ang yearly bonus niyo ni Rey,” sabi niya. Naging abala buong araw si Lexy dahil sa insidenteng nangyari sa construction site sa Avent Hill. Sinigurado niyang maayos ang mga manggagawa—nabigyan ng compensation at financial assistance ang mga ito pati na ang kanilang mga pamilya. Pinaimbestigahan niya kay Raika ang nangyari, at base sa resulta, walang foul play—isang purong aksidente lamang. Sa sobrang abala at focus ni Lexy sa trabaho, kahit habang kumakain ay nagbabasa pa rin siya ng mga dokumento. Hindi niya namalayan na gabi na pala nang b
Bumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina. Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang paghahanap ng heart donor para kay Lilian,” mariin niyang utos. Wala nang nagawa si Raika kundi sumunod. Tumango siya. “Okay. Mag-iingat ka, President Black.” Pagkasabi nito, isinara ni Raika ang pinto, at mabilis na pinaandar ni Rey ang kotse papunta sa opisina. Nang mawala sa paningin ang sasakyan, tumalikod na si Lexy at naglakad palapit sa malaking kahoy na pintuan ng mansyon. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. “President Black,” magalang na bati ng isang matandang lalaki—si Armando, isa sa mga tauhan ni Danilo. Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon. Pumasok siya sa loob habang pinagbubuksan ni Armando. “Nasa greenhouse sila. Kanina pa hinihintay ang pagdati
Sa Valcressia International Airport… Pagkalagpas sa security check, mabilis ang hakbang ni Lexy, habang agad na sumusunod sa kanya si Raika palabas ng airport papunta sa parking lot, kung saan naghihintay ang sasakyang susundo sa kanila. Pagkasakay nila sa kotse, agad itong pinaandar ng drayber patungo sa Valcressia Hope Hospital. Pagdating, mabilis na bumaba si Lexy, kasunod si Raika. Nagmadali silang pumasok, mas bumibilis ang hakbang ni Lexy habang tinutungo ang private ward. Pagdating doon, agad niyang itinulak ang pinto. Walang tao sa loob. Nagkalat ang pagkain at mga plato sa sahig, at nanunuot ang amoy ng suka sa hangin. Biglang kumabog ang dibdib niya. Inikot ni Lexy ang paningin sa buong kwarto hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon at lumapit sa lumabas. “Ate Lexy?!” gulat na sambit ni Lilian. Hindi sumagot si Lexy. Agad niyang binuhat si Lilian—bridal style—at dinala sa kama. Maingat niya itong ibinaba. Naroon ang assistant niyang si Raika
The moment she felt the stranger’s cold skin, she immediately snuggled into his arms. Wala nang pakialam si Lexy kung sino man ang taong sumalo at kayakap niya ngayon. Ang mahalaga ay nahanap niya ang relief na kanina pa niya hinahanap. Napansin niyang itinutulak siya palayo ng estranghero, pero mahigpit ang kapit niya rito—parang ayaw na niya itong pakawalan. “Bitawan mo ’ko! Lumayo ka sa ’kin,” galit na sabi ng estranghero. Pero hindi bumitaw si Lexy. Sa halip, lalo pa niyang hinigpitan ang yakap. He tried a few times until he managed to grab the woman’s arms wrapped around him like a snake. The stranger was about to push Lexy out of his hotel room when the woman in his arms suddenly kissed him. Hindi inaasahan ng estranghero ang ginawa ni Lexy nang bigla niyang hablutin ang buhok nito at walang pag-aalinlangang angkinin ang labi nito. Sa una ay marahan—malambing—parang inaaral pa ang bawat galaw. Ngunit unti-unti itong naging mas mainit, mas mapang-angkin ang palitan ng hali







