MasukHindi ko alam kung kailan nagsimulang maging normal ang presensya niya.
Siguro nung tumigil na akong magulat sa tuwing bigla siyang lilitaw. O nung nasanay na ako na bawat galaw ko… may nakamasid. Pero isang bagay ang sigurado— Hindi na siya kasing lamig ng dati. At iyon ang problema. “Hindi ka pa tapos mag-isip?” Napalingon ako sa boses niya. Nakatayo si Solid sa may pintuan ng balcony, nakasandal, tahimik lang akong pinagmamasdan. Parang kanina pa siya nandiyan. “Ang hilig mo talagang manahimik tapos biglang magsasalita,” sagot ko. “Ang hilig mo rin kasing mag-isip ng malalim.” Napairap ako. “May problema ba?” “Meron,” sagot niya agad. Napakunot ang noo ko. “Ano?” Lumapit siya. Dahan-dahan. Sigurado. “At ikaw ‘yon.” Napailing ako, pero hindi ko napigilan ang maliit na ngiti sa labi ko. “Grabe ka talaga.” “Hindi ako nagbibiro." Tumigil siya sa harap ko—mas malapit kaysa sa dati. Hindi ko alam kung bakit… pero hindi ako umatras. Dati, lalayo ako agad. Pero ngayon Nakatayo lang ako. “Tapos?” tanong ko, pilit kalmado. “May gumagalaw na naman sa labas,” sabi niya. Nawala ang ngiti ko. “Ano ibig mong sabihin?” “Yung mga taong ayaw na buhay ka pa.” Napatigil ako. At kahit ilang beses na niyang sinabi ‘yon— Hindi pa rin ako nasasanay. “Akala ko safe ako dito,” mahina kong sabi. “Safe ka,” sagot niya agad. “Basta nandito ka.” Tahimik. Mabigat. At sa paraan ng pagkakasabi niya. Hindi iyon reassurance. Pangako iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatayo doon. Pero naputol ang katahimikan nang may biglang kumatok. Tatlong beses. Mabilis. Mabigat. Agad nagbago ang aura ni Solid. Parang may switch ulit na pinindot. Mula sa kalmadong presensya— Naging mapanganib. “Stay here,” malamig niyang sabi. “Ano—” “Marie.” Unang beses niyang sinabi ang pangalan ko. At hindi ko alam kung bakit— Pero parang may kuryente na dumaan sa katawan ko. “Don’t move.” Tumango ako. Hindi dahil gusto ko. Kundi dahil… naniwala ako. Paglabas niya, hindi ko napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa pinto. Hindi ko binuksan. Pero sapat para marinig ko. “Sir, may nakita kaming galaw sa perimeter.” “Gaano kalapit?” “Mas malapit kaysa kagabi.” Tahimik. Mabigat. “Hanapin niyo.” “Yes, sir.” Mabilis na yabag. Tahimik ulit. At doon ako kinabahan. Hindi na ito basta-basta. Totoo na. May taong naghahanap sa’kin. At hindi ko alam kung anong gagawin ko kung— kung hindi niya ako ma-protektahan. “Sinabi ko sa’yo wag kang gagalaw.” Napasinghap ako, napalingon kay Solid na nakatayo na pala sa likod ko. “Hindi ako gumalaw—” “Lumapit ka.” Tahimik ang boses niya. Pero may halong inis. At… kaba? Hindi ko alam. “Gusto ko lang malaman kung anong nangyayari,” sagot ko. Lumapit siya. Mas mabilis kaysa kanina. At bago ko pa maintindihan. Hinawakan niya ang braso ko. Hindi masakit. Pero mahigpit. Kontrolado. “Delikado ‘to, Marie.” Hindi niya ako tinitigan nang gano’n dati. Mas intense. Mas totoo. “Alam ko,” mahina kong sagot. “Hindi, hindi mo alam,” putol niya. “Kung alam mo lang—” Napahinto siya. Parang may pinipigilan. “Kung ano?” tanong ko. Tahimik. Tumingin siya sa akin. At sa pagkakataong iyon, wala na yung lamig. May iba na. Mas mabigat. Mas personal. “Kung gaano ka kadaling mawala.” Parang may humigpit sa dibdib ko. “Hindi ako ganon kahina,” sagot ko, pilit matapang. “Hindi ito tungkol sa lakas mo,” sabi niya. “Then ano?” Lumapit pa siya. Mas malapit. Sobrang lapit na halos marinig ko na ang paghinga niya. “At kung gaano kita kayang mawala.” Napatigil ako. Tuluyan. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makagalaw. “Solid…” mahina kong sabi. At sa unang pagkakataon. Hindi ko na siya tinawag na “ikaw.” Pangalan niya na. Totoo na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Pero hindi ako umatras. Sa halip… Mas lalo akong nanatili. Mas lalo akong nahila. “Bakit…?” tanong ko. “Bakit parang—” “May pakialam ako?” Tinapos niya ang tanong ko. Tumango ako. Tahimik. Umaasa. At natatakot sa sagot. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Pero hindi siya umiwas. Hindi rin siya lumayo. “At first,” mahina niyang sabi. “responsibilidad ka lang.” Parang may maliit na sakit. Pero hindi ako umimik. “Pero habang tumatagal…” Huminga siya nang malalim. At doon ko naramdaman. May magbabago. “At habang mas nakikilala kita—” Mas lalo siyang lumapit. “Hindi na lang ‘yon.” “Then ano na?” halos pabulong kong tanong. Tahimik. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. “At hindi ko na kayang mawala ka.” Tumigil ang mundo ko. Literal. Parang walang hangin. Walang tunog. Kundi siya lang. “At ayoko na,” dagdag niya, mas mahina. “na may ibang hahawak sa’yo ng ganito.” Napatingin ako sa kamay niyang hawak pa rin ang braso ko. Mahigpit. Pero hindi masakit. Parang… ayaw niya akong bitawan. “Solid…” “Hindi ko plano ‘to,” putol niya. “Hindi ko pinili.” “Pero nangyari.” Tahimik ulit. Pero ngayon. Hindi na mabigat. Kundi… puno. At sa kabila ng lahat. Hindi ako natakot. Hindi ako umatras. “Hindi mo kailangang sabihin ‘yan kung—” “Kailangan.” Diretso. Sigurado. “At kailangan mong malaman.” Napatitig ako sa kanya. “At ano ang kailangan kong malaman?” tanong ko. Mas lalo siyang lumapit. Hanggang sa halos wala nang distansya sa pagitan namin. “Na hindi ka na lang basta problema.” Napalunok ako. “At hindi ka na lang basta responsibilidad.” Mas lalo akong nahirapan huminga. “At ano na ako…?” mahina kong tanong. At doon. Sa unang pagkakataon. Ngumiti siya. Hindi malamig. Hindi pilit. Kundi… totoo. “Mahina akong desisyon.” Napatawa ako ng mahina. “Ang gulo mo.” “At ikaw ang dahilan.” BANG! Napasinghap ako. Isang malakas na tunog mula sa labas. Parang may bumagsak. O may sumabog. At agad... Nagbago ulit ang lahat. “Stay behind me.” Mabilis akong hinila ni Solid papalapit sa kanya, halos itago sa likod niya. “Solid—” “Don’t move.” Mas matigas ang boses niya ngayon. Mas delikado. May mga yabag sa labas. Sigawan. At may pumutok. Baril. Napatakip ako ng bibig ko. “Stay with me,” bulong niya, kahit magulo na ang paligid. “Hindi kita iiwan.” At kahit may gulo sa labas. Sa paraan ng pagkakasabi niya. Parang iyon lang ang mahalaga. Hinawakan ko ang likod ng damit niya. Mahigpit. Hindi dahil sa takot lang. Kundi dahil… Ayoko rin siyang mawala. At doon ko na-realize. Sa gitna ng gulo, ng panganib, ng lahat. Hindi na lang siya basta lalaki na dumukot sa’kin. Siya na yung taong. Pinipili kong pagkatiwalaan. At iyon ang pinaka-delikado sa lahat.Hindi ako gumalaw.Kahit ilang minuto na ang lumipas mula nang umalis si Solid, nandito pa rin ako sa kama, nakatitig sa pintuan.Tahimik ang buong kwarto, pero ang dibdib ko parang may sariling mundo—ang lakas ng tibok, ang bigat ng pakiramdam.Sinabi niyang huwag akong lalabas.Sinabi niyang kahit anong mangyari.Pero hindi mawala sa isip ko ang pangalan na iyon.Valeria.Bumalik siya. At hindi siya nag-iisa.Napapikit ako sandali, pilit kinakalma ang sarili ko.Kaya ko ‘to. Kailangan kong magtiwala kay Solid.Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinakain ng kaba.Hanggang sa may marinig akong mahihinang boses mula sa labas.Hindi ko sinasadya.Pero tumayo ako.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan, pilit hindi gumagawa ng ingay.Nakabukas nang bahagya ang pinto.At mula roon, narinig ko sila.“YOU REALLY BROUGHT HER HERE?”Isang lalaki. Hindi ko kilala. Malalim. Mapanganib.“ I didn’t bring her for you,” sagot ni Solid. Malamig. Diretso.Tumigil ako. Mas lalo akong napalap
Nagising ako sa pakiramdam na may nakatingin sa’kin.Dahan-dahan akong dumilat.At siya agad ang bumungad.Si Solid Devereaux.Nakatayo sa gilid ng kama, tahimik, pero nakatingin nang diretso sa’kin—parang chine-check kung okay pa ako.“Creepy mo,” mahina kong sabi.Bahagya siyang ngumiti.“Gising ka na.”“Kanina pa.”Umupo ako, napangiwi ng bahagya sa sakit.Agad siyang lumapit.“Careful.”Hinawakan niya ang braso ko—maingat, pero may halong urgency.“Okay lang ako,” sabi ko.“Hindi ka okay.”Diretso.Walang debate.Tahimik.Pero hindi awkward.Iba.Mas… komportable.“Hindi ka umalis kagabi,” sabi ko.“Hindi.”“Bakit?”Sandali siyang natahimik.Tapos—“Gusto ko.”Napalunok ako.Hindi ko alam kung bakit—pero mas kinabahan ako sa simpleng sagot niya kaysa sa lahat ng nangyari kahapon.“Solid…”“Hmm?”“Hindi ka ba napapagod?”“Sa’yo?”Napatingin ako sa kanya.“At hindi ako napapagod.”Bahagya akong napangiti.Lumapit siya.Mas malapit kaysa dati.Parang natural na lang sa kanya.“At hi
Solid Devereaux POVAmoy dugo.Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi pa tapos.Nakatayo ako sa gitna ng warehouse, baril pa rin sa kamay ko. Isa-isa nang bumabagsak ang mga tauhan ni Valeria, pero wala akong pakialam sa kanila.Isa lang ang mahalaga.Siya.Si Marie.Late ako.At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.Hinayaan kong may makalapit sa kanya. Hinayaan kong may makakuha sa kanya.At ngayon—may dugo siya sa kamay niya.Dahil sa’kin.“Sir—”“Get her to the car.”Hindi ako lumingon.Hindi ko kayang tingnan siya ngayon.Dahil kung makita ko ulit ang dugo sa kanya—mas lalala lang ‘to.Tahimik.Pero naramdaman ko pa rin ang presensya niya.Hindi siya umalis agad.Hindi siya bumitaw.“Solid…”Mahina.Pero sapat para tumigil ako.Napapikit ako sandali.Huminga nang malalim.At pilit kinontrol ang sarili ko.Pero hindi ko kaya.Hindi ngayon.“Go.”Mababa ang boses ko.Mas delikado kaysa dati.“Please…”At doon—napapikit ulit ako.Dahil sa isang salita lang—halos bumigay ako
Tahimik ang buong mansyon.Pero hindi ako mapakali.Simula nung umalis si Valeria, parang may mali na hindi ko maipaliwanag. Kahit anong gawin ko, bumabalik lang sa isip ko yung tingin niya—parang may balak.Parang hindi pa tapos.“Hindi ka pa natutulog?”Napalingon ako.Nakatayo si Solid sa may pintuan.“Hindi ako inaantok,” sagot ko.Lumapit siya, mas seryoso kaysa usual.“Stay inside tomorrow.”Napakunot ang noo ko. “Bakit?”“Just do it.”“Solid—”“Marie.”Isang salita lang.Pero sapat para tumahimik ako.Kinabukasan, pilit kong sinunod ang sinabi niya.Pero hindi nawala yung kaba.Kaya nung may nag-knock sa pinto—hindi ako nagduda agad.“Miss Marie?”Isang babaeng boses.Hindi ko kilala.Pero normal.“May pinapadala si Sir.”Napahinto ako.Hindi sinabi ni Solid na may ipapadala siya.Pero—hindi rin niya sinabi na wala.Maling desisyon.Binuksan ko ang pinto.Mabilis ang lahat.Isang kamay sa bibig ko.Isang braso na humila sa’kin.“Don’t scream.”Hindi ko nagawa.Hindi ako makah
Hindi ako agad nakagalaw.Nakatingin lang ako sa babaeng nasa harap namin—elegant, composed, at halatang sanay makuha ang gusto niya.At ang mas nakakainis?Parang wala siyang pakialam sa presensya ko.“Interesting,” ulit niya, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi ako umiwas.Hindi rin ako ngumiti.Kung may laro siyang gustong simulan—hindi ako aatras.“At sino siya?” tanong niya ulit.Tahimik ako.Pero si Solid—hindi.“Sa’kin siya.”Diretso.Walang pag-aalinlangan.At doon na naman ako napahinto.Napansin ko kung paano bahagyang nagbago ang ekspresyon ng babae.Hindi galit.Hindi rin nasaktan.Kundi… curious.“Sa’yo?” ulit niya, parang tinutukso siya.Lumapit siya ng kaunti.“Since when?”“Hindi mo kailangan malaman.”Malamig ang boses ni Solid.Final.Tahimik.Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.“At ikaw,” sabi ng babae, ngayon ay diretsong nakatingin sa’kin. “Alam mo ba kung sino siya?”Napataas ang kilay ko.“Alam ko kung sino ang kaharap ko.”Bahagya siya
Hindi pa rin steady ang paghinga ko.Kahit tahimik na ulit ang paligid, parang may natira pa ring kaba sa dibdib ko. Yung tipong konting ingay lang, mapapalingon ka agad.“Stop thinking.”Napalingon ako.Nakatayo si Solid Devereaux sa harap ko, diretso ang tingin. Hindi siya galit. Pero hindi rin siya kalmado.“Hindi ko kayang hindi mag-isip,” sagot ko.Lumapit siya. Dahan-dahan. Sigurado.“At hindi ko kayang makita kang ganyan.”“Ganyan paano?”“Parang mawawala ka.”Napatigil ako.Hindi ko inaasahan ‘yon.Tumayo ako, halos hindi ko na iniisip ang ginagawa ko.Lumapit ako sa kanya.“Hindi ako mawawala,” sabi ko, mahina.Sandali siyang natahimik.Tapos—Hinila niya ako.Mahigpit.Napasinghap ako nang maramdaman ko ang bisig niya sa paligid ko.“Hindi mo alam kung gaano ka kalapit mawala kanina,” bulong niya
![Escaping from the OBSESSED MAFIA SON [MADRIGAL SERIES 2]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






