Share

Chapter 18

HINDI man gustong aminin ni Raziel, hindi maipagkakailang masaya at payapa ang naging dinner nila kasama si Alexiel. Perpekto na sana ang gabing iyon kung hindi lang dumating ang asungot niyang kapatid. Makakaporma na sana siya kay Lyxelle.

Umaayon sa kaniya ang mga nangyayari ngayon. Kailangan lamang niyang akitin si Lyxelle at paibiging muli. Para kapag nagbalik na ang mga alaala nito ay muli siya nitong tanggapin sa buhay nito.

Sa pagkakakilala niya kay Lyxelle, kung hindi nawala ang alaala nito nang gabing muli silang maglandas at iniligtas niya ito, magpapasalamat ang dalaga sa kaniya. Subalit hanggang doon na lamang iyon. Pagkatapos nitong magpasalamat ay puputulin nito ang kanilang ugnayan ng tuluyan.

May pagkamatigas din kasi ang ulo nito kapag nakapagdesis’yon ito.

Hindi rin naman siya sigurado sa kaniyang desis’yon na itago rito ang tunay nilang ugnayan. Kapag kasi bumalik ang alaala ni Lyxelle, dalawa lang ang puwedeng mangyari, mahal na siya nitong muli at hindi na nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status