Share

Chapter 17

NANG makarating na sila sa bahay, dumeretso na si Lyxelle sa kusina upang magluto ng hapunan nila ni Raziel. Pagkarating kasi nila ay dumeretso ito ng higa sa sofa. Mas napagod pa ito sa kaniya. Kuwento kasi ito nang kuwento. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nakakatawa itong magkuwento. Lalo na at sinasabayan pa nito iyon ng mga facial expressions.

Nae-enjoy siya panahong magkasama sila. Komportable rin siya na yari bang wala siyang dapat alalahanin kapag kasama niya ito. May munting boses na bumubulong sa kaniya na dapat siyang mag-ingat dahil kahit anong palagay pa ng loob niya kay Raziel ay estranghero pa rin ito. Subalit mas pinili niyang huwag pansinin ang maliit na boses na iyon. Hindi niya hahayaang masira ang araw na iyon.

Maliit lang ang pagluluto kumpara sa tulong na ibinigay nito sa kaniya. Kaya kahit medyo pagod rin siya, ginawa na niya.

Iyon ang unang pagkakataon na tumapak siya sa likod ng counter top. Simula kasi nang magising siya mula sa aksidente ay palagi na la
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status