Share

Chapter 17

Hawak ang cellphone ay tulalang nakatingin sa maitim na langit si Ella Jane habang tinatangay ng hangin ang kaniyang buhok. Tinatanong niya ang sarili kung kaya ba niyang tawagan ang loko-lokong lalaki na naging dahilan kung bakit siya nagpa-load. Talagang nag-effort pa siya para matawagan lang ang lalaking ‘yon. Hindi na nga niya lubusang natatandaan kung kailan ang huling punta niya sa tindahan na tanging load lang ang dahilan. Wala naman din kasi siyang pagagamitan ng load.

Ngayon lang niya naisip na masiyado na pa lang makaluma ang ibinigay na tip sa kaniya ng pinsan. Hindi kaya masiyadong halata na wala talaga siyang alam kung paano manligaw? Pero sabagay, wala namang mawawala sa kaniya kung susubukan niya.

Nasapo niya ang noo. Totoo naman talagang wala siyang alam, bakit natatakot siyang malaman iyon ni Rafael?

“Jesus, mababaliw na ‘ko!”

Nang makauwi siya kanina ay agad siyang humingi ng number ni Rafael sa mismong kapitan nila. Kinapalan niya talaga nang tudo ang mukha niya nan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status