Share

Chapter 14

NANATILING nakayuko si Cassandra at hirap makatayo dahil bahagyang kumirot ang kaniyang paa na natapilok. Nagulat na lang siya nang may malalakas na kamay na umakay sa kaniya patayo.

“What happened?” tinig ni Stefan. Katabi na niya ito at nakaakbay sa kaniya.

Kung nasa labas lamang sila ng hotel ay gagantian niya si Laura pero nirerespeto niya ang events.

“That woman was a gold-digger! She does not belong here!” sabi ni Laura.

“And who are you saying that to my wife?” ani Stefan.

“W-Wife?” gilalas na untag ni Laura. Tigagal na tumingala si Laura kay Stefan.

Umapela naman si Lourdes na kilala pala si Laura. “Ms. Marcelo, huwag po kayong mag-eskandalo rito,” awat nito kay Laura.

“Who is she, Lourdes?” tanong naman ni Stefan.

“Uh, siya po si Ms. Marcelo, manager ng CNG marketing. Isa rin po siya sa prospect investors para sa Asian contribution ng product natin. Bale sila ang naunang nagpasa ng proposal,” paliwanag naman ni Lourdes.

“I don’t need that attitude in my company. Refuse her pr
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Ailene Abinal Elane
Sana may kasunod pa
goodnovel comment avatar
josephine 💚
hahaha kala mo d tatablan,ayan cass lagot kana
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status