LUMAYO si Cassandra kay Janica dahil masama rin ang tingin sa kaniya ni Lola Isabela. Mukhang nahalata na nito na nakikisimpatiya siya kay Janica. Hindi na maipinta ang mukha ng ginang at dagling nilapitan si Janica. โHow dare you came here to ruin my grandson!โ singhal ng ginang kay Janica. โLola, hindi nโyo po naintindihan. Wala akong ginawang masama at nagkamali lang ng akusasyon si Stefan. Hindi ko siya pinagtaksilan,โ paliwanag ni Janica. โAno pa man ang dahilan mo, huli na, Janica. Kasal na ang apo ko! Mahiya ka naman sa pinaggagawa mo! At huwag mong malapit-lapitan si Cassandra para gamitin siya!โ โYou canโt fool me, Lola. I know itโs also your idea to convince Stefan to marry another woman to forget me. Tanggap ko naman na sa simula pa lang ay ayaw nโyo na sa akin. Pero huwag naman kayong selfish. Mahal ko ang apo nโyo, at alam nโyo ring mahal ako ni Stefan,โ depensa ni Janica. โHindi lahat aayon sa gusto mo, Janica. Sinaktan mo na ang apo ko at hindi hamak ang dinanas ni
PINANINDIGAN na ni Cassandra ang kaniyang kalokohan. Talagang hindi niya binalik sa daliri ang kaniyang wedding ring. Kinabukasan ay galit na galit na si Stefan at talagang ayaw siyang paalisin ng bahay. โBakit ba? Ano naman kung wala akong suot na singsing?โ maktol niya. Nag-aalmusal na sila at hindi kasama si Lola Isabela. Sopas lang kasi ang almusal nito at abala na sa paghahalaman sa hardin. โAyaw kong maging isyu pa โyang singsing, Cass. Maraming tsismosa sa kumpanya, lahat napapansin. Mainit pa ang gulo kahapon, baka isipin nila maghihiwalay na tayo dahil hindi mo suot ang singsing,โ palatak nito. โAsus! Ang babaw naman ng dahilan. Takot ka lang husgahan ng mga tao, eh.โ Lalong nairita si Stefan, nanlisik na ang mga mata. โMagseryoso ka naman, Cass. Respect our marriage, and donโt act like youโre playing here.โ โAno pala ang gagawin ko? Hindi ko na makita ang singsing.โ โMaghahanap ako ng katulad ng singsing. Dito ka lang muna at samahan si Lola.โ โSige. Mag-online consu
NAALIMPUNGATAN si Cassandra nang maramdamang tila nakalutang siya. Napatitig siya sa mukha ni Stefan. Buhat na siya nito at naroon sila sa kuwarto. Inihiga siya nito sa kama. โS-Stefan,โ paos niyang sambit. โSorry, Iโm late,โ anito. โS-Saan ka ba nagpunta?โ โI talked to Janica.โ Naghubad na ito ng coat. โA-Anoโng nangyari? Okay na ba kayo?โ โI just clarified some important things to her to stop chasing me.โ Iba na ang naisip niya, na baka wala na ngang balak si Stefan na balikan si Janica. โHindi mo pa siya pinatawad?โ aniya. โI have forgiven her, but things are different now. Maraming dapat isaalang-alang. And I donโt want my life to be complicated since weโve just married.โ โPero at least bigyan mo siya ng assurance kung balak mo pa siyang balikan. Para naman hindi umasa โyong tao.โ Marahas na humarap sa kaniya si Stefan. โStop dictating to me what to do, Cass! I know naawa ka kay Janica, but itโs not your responsibility. Leave this mess to me and do your duty as part of
SINUBUKAN pa rin ni Cassandra na buksan ang link na pinadala ni Dr. Tobi, at napunta siya sa official website ng online consultation ng ospital. Inayos niya ang kaniyang upo habang hinihintay na magbukas ang video. Inilugay rin niya ang kaniyang buhok. Mamaya ay nagpakita na sa video si Dr. Guellera. โGood morning, Doc.!โ nakangiting bati niya rito. โGood morning! Youโre late,โ anito. Matamis ang ngiti nito, nagpakita pa ng cute na dimples. โAno kasiโฆ.โ Lumingon siya kay Stefan na tumigil sa pagtugtog ng gitara. Nakatingin ito sa kaniya. โAre you at work?โ tanong ni Tobi. โAh, hindi po. Narito lang ako sa bahay,โ mabilis niyang tugon. Ibinalik niya ang focus sa kausap. โOkay. Pero maiksi na lang ang oras natin kasi may isa pa akong pasyente na kakausapin, ha?โ โSige po.โ โSabi mo last time, biglang taas ang glucose level mo, then bumagsak kinabukasan kahit hindi ka nagturok ng insulin. Ano ba ang mga kinain mo?โ sabi nito. โMay kinain kasi akong candy na merong chocolate, sig
SA US pala nailibing ang labi ng daddy ni Stefan. Ang puntod lang ng mommy nito at lolo ang pinuntahan nila. At kuwento ni Lola Isabela, never pa umanong binisita ni Stefan ang puntod ng tatay nito. Pagkatapos mag-alay ng dasal ay umalis din sila kaagad. Dumidilim na rin kasi at lalong tumindi ang traffic. Dalawa na lang sila ni Stefan sa backseat dahil katabi ng driver si Lola Isabela. Wala pa rin silang imikan na mag-asawa. Aywan niya bakit pati siya ay pinagbubuntunan nito ng inis. โKainis! Anong oras pa tayo makakauwi nito? Nagugutom na ako!โ maktol ni Stefan. Hindi na maipinta ang mukha nito. โAnoโng magagawa natin, nasa Pilipinas tayo, apo,โ ani Lola Isabela. โDapat kasi mas inagahan natin. Naligo pa kasi kayo sa swimming pool. Dapat pagdating ko ready na kayo.โ โNako! Kahit naman maaga tayong umalis, aabutan pa rin tayo ng traffic. Huwag ka na ngang magreklamo. Pagdating sa bahay, makapagpahinga ka rin.โ โKung sana makapagpahinga kaagad. Malamang anong oras na naman matut
HALOS madikit na ang katawan ni Cassandra sa kama sa bigat ng kaniyang pakiramdam. Tila ba siyang nabugbog at nanakit ang buong katawan niya. Alas nuwebe na ng umaga pero hindi pa siya makabangon. Wala na si Stefan sa kaniyang tabi, malamang ay nasa opisina na. Bahagya siyang nahilo kaya nagsumikap siyang bumangon at kinuha ang glucose monitor niya. Nang malamang bumagsak na ang glucose niya, kaagad siyang kumain ng chocolate. Mabilis naman ang epekto nito kaya nakakilos siya nang maayos. Naligo na siya pero dahil walang sinabi si Stefan na papasok siya sa opisina, hindi na muna siya aalis ng bahay. Pagdating sa kusina ay naghalungkat siya ng makakain. Merong garlic rice na naluto at da*ng na bangus. Hindi siya nag-alangang kumain nang maraming kanin dahil mababa ang glucose niya. Sira ulit ang kaniyang diet. Pagkatapos ng almusal ay pinuntahan niya sa hardin si Lola Isabela. Naglilipat na ito ng napunlang talong dahil malalaki na. โAno ba ang sabi ni Stefan? Hindi ka pa rin magre
TUMAMBAY si Cassandra sa study room at nagbasa ng libro. Kailangan niyang mapakalma ang kaniyang sistema dahil napatunayan niya na nawawalan siya ng kontrol. Nakaupo lamang siya sa couch at hawak ang libro. Ngunit kahit anong pasok niya ng binabasa sa utak ay iba pa rin ang naghahari rito. Nag-iisip na siya ng mga negatibong bagay na wala naman sa plano. Dapat ay masaya siya kasi may chance na magkabalikan sina Stefan at Janica. Pero bakit biglang nasasaktan siya sa tuwing iniisip ang bagay na โyon? Nang maramdaman ang presensiya ni Stefan, nag-focus siya sa binabasa. Tuluyan itong lumapit at umupo sa kaniyang tabi, sa gawing kaliwa niya. โAno โyong kanina? Why are you suddenly acted violently? โWe had a deal, right? And donโt think I canโt give what I promised. Maayos naman kitang kinausap, ah,โ sabi nito sa mahinahong tinig. โWala,โ tipid niyang tugon. โAnong wala? Youโre obviously upset, Cass. Iba ang naramdaman ko sa galit mong tinig, and it has something deep meaning in it.
AKALA ni Cassandra ay hindi siya makilala ng kaniyang ama ngunit diretso ang tingin nito sa kaniya, walang pagdududa. โCassandra?โ sambit nito. Ang bilis nitong nakalapit sa kaniya. โBakit po?โ walang sigla niyang untag. Sinuyod pa siya nito ng tingin. โTama nga si Laura, iba ka na ngayon. Totoo ba na nagpakasal ka sa mayamang negosyante?โ Taas-noo niyang hinarap ang kaniyang ama. โOpo,โ tipid niyang tugon. โTama ba na dahil sa pera kaya ka nagpakasal? Ano naman ang kapalit, nagbenta ka ng katawan?โ Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito, ngunit nanatiling nakadungo ang kaniyang respeto sa ama. โKailan ba nagkuwento ng maganda at tama ang anak nโyong panganay? At ano kung magbenta ako ng katawan? Sa iyon lang ang paraang alam ko para makaahon sa hirap na iniwan ninyo sa โkin!โ may hinanakit niyang buwelta. โHuminahon ka, anak. Wala akong intensiyong pag-isipan ka ng masama. Alam ko naman na magaling magsinungaling si Laura. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya, pero kung magmumu
AYAW ni Stefan na may divorce kaya mas pinili nito na sa Pilipinas ang kasal. Wala namang problema โyon kay Cassandra. Isang linggo pagkatapos mag-propose ni Stefan, inasikaso kaagad nila ang papeles sa pagpapakasal. Ayaw rin niyang hinatayin na lumubo pa ang kaniyang tiyan para makapagsuot pa siya ng magandang trahe de buda.Simple lang din ang kasal nila na ginanap sa Tagaytay, sa beach at iilan lang ang bisita. Mga kamag-anak at kaibigan lang naman nila ang dumalo. Pero kahit simple, bigatin naman ang ninong at ninang nila. May nagregalo ng kotse sa kanila, para umano sa anak nila paglaki. Si Mrs. Kim ay nagregalo ng isang set na jewelry na puwede nang pambili ng kotse ang halaga. Siyempre, may regalo rin si Lola Isabela, ang antic nitong alahas.Dumalo ang tiyuhin ni Stefan mula US at si Robin pero hindi rin nagtagal. Dahil buntis na siya, imbes na mag-honeymoon, gumala lang sila ni Stefan. Siyempre hindi nawala ang papa niya, asawa nito at mga anak na malaki rin ang ambag. Bumisit
KUNG kailan kasama na ni Cassandra si Stefan sa bahay, saka naman tila nagpabebe ang anak niya. Lalo itong naging demanding kaya hindi siya makaalis-alis ng bahay. Si Stefan naman ay halos ayaw na umalis sa kaniyang tabi at gustong maasikaso siya.Lahat ng pagkain niya ay ito ang nagluluto. Kung si Lena kasi ang nagluto, sinusuka niya. Tumindi pa ang cravings niya at mabilis magbago ang mood. Regular pa rin naman ang check-up niya kay Tobi. Pasalamat siya dahil hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya at bumibisita pa rin sa cafe.Sabado ng umaga ay maaga silang umalis ni Stefan at pinagbigyan siya sa hiling na mamasyal sa rest house nito. Dinaanan nila sa bahay si Lola Isabela dahil gustong sumama. Talagang alas kuwatro ng umaga sila umalis kaya nakaabot sa sunrise. Hindi rin kasi masyadong traffic.Nakaupo sila sa buhangin sa may pampang ng dagat at pinanood ang pag-angat ng araw. Papikit-pikit na si Stefan at hindi na niya inabala. Nakaligo na sila habang underwear lang ang suo
โOKAY na ba kayo ni Stefan?โ tanong ni Tobi kay Cassandra. Kamuntik nang mabitawan ni Cassandra ang kaniyang cellphone sa pagkagulat. Nasobrahan ata siya sa kape at magugulatin na. Pero dahil din sa tanong ni Tobi ay kumalma ang kaniyang sistema. Mukhang aware na ito sa nangyayari sa kanila ni Stefan. Humakbang palapit sa kaniya si Tobi at lumuklok sa katapat ng kaniyang lamesa. Naghihintay ito sa sagot niya. โUhโฆ. nag-usap na kami at nilinaw niya ang nangyari noon na naging dahilan ng galit ko,โ pagkuwan ay tugon niya. โSo, is he really cheated?โ usisa nito. Bumuntonghininga siya. โNo. Iyong ex niya lang ang nagmanipula ng pangyayari at pinaniwala ako na totoo ang lahat. At saka hindi naman pala niya binalikan โyong babae.โ โYou mean, pinatawad mo na si Stefan? Or maybe you have a reason to give him a second chance.โ Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Hindi na siya magpaligoy-ligoy pa para hindi na rin aasa si Tobi. โUhmโฆ. sorry, alam kong umaasa ka rin na magkaroon tayo
HALOS isang oras nabinbin sa traffic si Stefan kaya ang tagal niyang nakarating sa ospital. Inabot na siya ng dilim. Nailipat na sa private ward si Janica at inasikaso na ni Donie ang ibang kailangan nito. Ito na rin ang bumili ng ibang gamot na nasa reseta ng doktor. Pagdating niya sa ward ay gising na nga si Janica pero hindi pa makapagsalita nang maayos. Nakatingin lang ito sa kaniya. May injury ito sa kanang binti at sabi ng doktor ay matatagalan bago ito maka-recover. Kahilang pa nito ng regular therapy. โWala namang kumplikasyon sa utak niya. Pero sabi ng doktor, obserbahan pa kasi may mild internal hemmoriage,โ sabi ni Donie. โWhat about her parents? May update ka ba?โ usisa niya. โYes. Nasa biyahe na sila papunta rito, nasa airport na kanina last time na tumawag. Nagpadala na rin sila ng pera para panggastos sa ospital. Ako na ang nag-asikaso para hindi ka na maabala.โ Tinapik niya sa balikat si Donie. โThanks, bro. Pasensiya na rin at ikaw ang naabala.โ โNo worries. Hind
KINABUKASAN ng Miyerkules ay bumalik si Cassandra sa kaniyang OB dahil biglang humilab ang kaniyang puson. Hindi ito nawawala at naninigas ang tiyan niya kaya inatake siya ng nerbiyos. Pagkatapos masuri ng doktor, nalaman nito na hurtburn ang nangyari. Hindi pa rin siya napanatag. May ligtas na gamot namang pinainom sa kaniya ang doktor. Acidic na umano siya kaya kailangan niyang bawasan ang pagkonsumo ng maasim na prutas. Nagbago na naman ang diet chart niya, paunti nang paunti ang pagkaing puwede niyang kainin. Habang tumatagal ay pahirap nang pahirap ang kaniyang paglilihi. Mabilis na ring magbago ang mood niya, lalong naging emosyonal. Ang payo ni Tobi, mas makatulong sa kaniya na makapag-unwind, hanapin ang lugar kung saan siya mas komportable. Hindi na sila magkasundo ng kaniyang katawan. Grabe kung mag-demand ang anak niya, ang weird ng mga gustong pagkain, pati paghiga, ayaw ng flat, gusto iyong medyo nakaupo. โAng arte mo, ah. Manang-mana ka talaga sa tatay mo!โ kausap niy
TINUTOO nga ni Lola Isabela ang sinabi na maglagay ng aircon sa salas niya. Nakakabit na ito at umaandar. Tahimik na ang bahay dahil wala ng bisita. Umalis na rin ang papa niya. Alas kuwatro na ng hapon kaya lumabas siya ng kuwarto. Nakatulog naman siya ng dalawang oras. Nasa kusina si Lena kasama ang nurse na si Rica. Dumating na pala ito. Nagkukuwentuhan ang dalawa at tumigil lang nang mapansin siya. โHi, Cass! Pasensiya na ngayon lang ako nakabalik,โ ani Rica. โOkay lang. Kahit nga bukas ka na babalik para matutukan mo anak mo.โ Tuluyan siyang pumasok. โBumuti na ang pakiramdam ng anak ko at kumakain na rin. Nagpadala naman ng pera ang papa niya kaya nakabili ako ng stock na gamot.โ โMabuti naman.โ Tiningnan niya ang niluluto ni Lena sa kawali. Nagmamatamis ito ng saging na saba. Natatakam tuloy siya at natutuksong tumikim pero nakabantay si Rica. โGusto mo nito, ano, buntis?โ ani Lena. โBawal naman,โ aniya. Kumuha na lamang siya ng hinog na saging na saba at kinain matapos
ANIMO idinadarang sa apoy si Cassandra, pinagpapawisan din ng malamig. Nag-alangan siyang lumabas ng kusina at natatakot harapin ang mga bisita.โPatay tayo nito. May dalawang poging dumating, pinag-aagawan ang amo koโng sumasayad ang buhok sa lupa,โ usal ni Lena habang mayamaya ang silip sa salas.Siya naman itong hindi mapakali. Mapapaanak siya nang alanganin dahil sa tensiyon. Hindi puwedeng ganoon siya ng ilang oras. Mabuti naroon si Lola Isabela at kinakausap ang dalawang lalaki. Ang galing pa nitong magbiro.โDoc. Tobi, ako na lang ang ligawan mo, wala kang kaagaw,โ sabi pa ng ginang.Tawa lang nang tawa si Tobi, sinakyan naman ang biro ng ginang. Samantalang si Stefan ay seryosong nakaupo sa couch, malayo sa dalawang nag-uusap. Pero obvious na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.Kung puwede lang ay lulusot na sa pader si Cassandra at mapunta siya sa ibang dimension. Hindi niya kaya ang tensiyon. Hindi pa roon natatapos ang kalbaryo niya dahil dumating ang kaniyang ama.
HINDI na ulit nabisita ni Cassandra si Lola Isabela sa ospital. Nag-text ito at sinabi na nakauwi na ito sa bahay. Nang Sabado ng umaga ay ginulat siya nito pagdating niya sa cafe. Buena manong costumer nila sa umaga ang ginang kasama ang caregiver nitong babae. โLola! Ang aga nโyo, ah,โ nagagalak niyang bungad dito. Kaagad niya itong nilapitan at nagmano. โOo, talagang inagahan ko para hindi mainit. Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako,โ anito. Umupo siya sa katabi nitong silya. โAko rin po, maagang nagising. Naiinip ako sa bahay kaya nagpunta ako rito.โ โMabuti na lang pala at dito kami dumiretso. Gusto ko ring matikman ang mga pagkain dito.โ โNako, masasarap po ang luto ng staff namin.โ โOo nga.โ Bumaba ang tingin nito sa kaniyang tiyan. Pagkuwan ay hinipo nito ang puson niya. โEh, kumusta naman ang apo ko sa tuhod? Hindi mo sinabi sa akin na may laman na pala ito,โ sabi nito. โSorry po, Lola. Hindi ko naman balak na itago ang baby ko habang buhay sa inyo. Naghihin
agtantiya ng emosyon. Ayaw naman niyang mapano ang baby nila. May iba pa namang pagkakataon, at titiyakin niya na mas maiintindihan na siya nito. Nang wala na siyang mailuha ay ginupo naman ng galit ang kaniyang puso. He didnโt expect that Janica would do stupid things to ruin his image of Cassandra. Sheโs desperate, and he canโt ignore it. Sa halip na uuwi sa bahay nila, napadpad siya sa condo ni Janica kahit hindi siya sigurado na naroon ito. Nakailang pindot na siya sa doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinawagan niya si Donie. โYes, bro?โ kaagad naman nitong sagot. โAlam mo ba kung nasaan si Janica ngayon?โ may gigil niyang tanong sa kaibigan. โUhโฆ. sheโs here in my hotel. Ayaw pa nga umuwi at nagsisimula nang uminom ng alak. Ayaw magpapigil.โ Kumulo na ang dugo niya. โIโll go there,โ sabi niya, saka pinutol ang linya. Malalaki ang hakbang na bumalik siya sa kaniyang kotse at nag-drive naman papunta sa hotel ni Donie. Pagdating sa hotel ay dumiretso siya sa bar, naroon si J