Masuk"Bella, kumusta ka na hija?" Lumapit si Ysabella sa matandang Lincoln. Kinuha niya ang kamay nito at nagmano siya. Pero hinila siya ng matanda payakap dito."Hug Granny Mira, Bella. Matagal na hindi tayo nagkita. Huwag kang kumilos na parang iba. Hindi ka pa ba nasasanay sa amin? You are part of our family...""Granny Mira, welcome back po," ika niyang nahihiya. Hindi pa talaga siya sanay. Oo nga na kahit pamilya ang turing sa kaniya noon pa man, parang natatakpan iyon ng pagkamuhi sa kaniya ni Daniel ngayon. Kaya hindi na siya gaya ng dati. Ayaw na niyang bigyan pa ng pagkakataon si Daniel na lalong maliitin siya dahil sa favor na ginagawa sa kanya ni Granny Mira. Baka sabihin na naman nitong nagpapalakas siya para kampihan.Tinapik ni Granny Mira ang balikat niya bago siya pakawalan. Nakangiti itong tumitig sa kaniya bago tila may hinahanap. Tumagos pa ang tingin nito sa kaniyang likuran."Where is Daniel?"Pinilit na ngumiti ni Ysabella bago sumagot. "May inasikaso po sa kompanya
Nagdadalawang isip na ihakbang ni Ysabella ang mga paa niya sa pinto papasok sa mansiyon. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kaniyang asawa sa ilang araw na hindi ito nakita.Na hindi ito nagpakita kahit pa nga naratay na siya sa hospital."Hindi na bago sa iyo ito Ysabella," ika niya sa sarili. Pilit kinukumbinsi ang sarili na okay lang. Wala naman itong pakialam sa kaniya kaya bakit siya maaalangan. Baka nga wala pa ito ngayon at hindi pa nakakauwi gaya ng dati. Hindi din naman siya nito hihintayin gaya ng ginagawa niya palagi. Ang maghintay sa wala.Gabing gabi na. Talagang nagpagabi siya dahil ayaw niyang makaharap sinoman sa tahanan na iyon. Katulong man o ang kaniyang asawa, ayaw niya. Kaya hindi dapat siya matakot. Paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili iyin habang humugot ng malalim na hininga. Papahakbang na siya papasok. Mahigpit na hawak ang kaniyang bag."Walang pakialam sa iyo ang asawa mo, Ysabella. Maging ng mga taong nasa tahanan na ito..." muli niyang paalala s
"She discharged herself," ika ni Benjamin habang nakatunghay sa kaniyang telepono. Nakatanggap siya ng text mula sa pag-aari nilang hospital kung saan ay doctor din siya. Ibinilin niyang i-report sa kaniya ang bawat detalye ng galaw ni Ysabella. At iyon nga ang natanggap niya sa gabing iyon.Napaayos ng upo ang lalakeng sinabihan niya ng impormasyon. Sa kamay nito, isang baso na may laman na whiskey. Umarko ang gilid ng mga labi ni Daniel.Ngunit hindi para sa isang ngiti. Gumalaw ang panga niya habang naaalala ang nangyari kay Ysabella two days ago. Kung paano nagulo ang isip at damdamin niya habang akala niya, mamamatay na ito sa kaniyang mga bisig. Ayaw niyang aminin sa sarili...pero napuno iyon ng takot. Napuno ng hindi maipaliwanag na emosyon."So what's your plan to her?" tanong ni Benjamin. Sila lang na dalawa ngayon sa private room na iyon sa loob ng isang exclusive bar. Nasa second floor sila at salamin ang nakapalibot. Kita nila ang nasa ibaba pero hindi sila kita roon. Buk
Ayaw man niyang manatili dahil sa pag-aalala niya sa kaniyang inang may sakit at nangangailangan din ng kalinga niya ay nanatili si Ysabella sa hospital. Tama naman si Doc Benjamin. Mahina ang katawan niya, and she needs to be cured. Paano nga naman niya maaalagaan ang may sakit kung pati siya, nanghihina. Isa pa, may gusto siyang patunayan. May gusto siyang makita. Sa bawat oras na lumilipas ay naghihintay ang puso niya. Hinihintay niya si Daniel na dalawin siya. Kung totoong ito ang nagdala sa kaniya sa hospital, siguro naman, magagawa nitong puntahan siya. Pero sa dalawang araw niyang pananatili doon, walang Daniel na dumalaw. Ni anino nito, hindi niya nakita. Na para bang aso siyang basta na lang inabandona sa pag-aaruga ng iba. Masaya pa naman ang puso niya noong malaman niyang ito ang nagdala sa kaniya sa hospital. Akala niya may pag-asa na. Akala niya, may kaunting pagkakataon na siyang makapasok sa puso nito. Pero umaasa lamang pala siya sa wala.Iisa lang ang totoo. Walan
Nang marinig ang sinabi ni Lucy ay napatayo agad si Daniel. Nabitiwan niya ang magazine at natabig ang tasa na pinag-inuman ng kape. Mabilis ang lakad niya. Halo-halong emosyon ang sumasalakay sa kaniyang sistema. Pero ewan niya, biglang nangibabaw ang takot. Takot sa kung saan ay hindi niya alam. Ang tubig ay halos narating na ang kalahati ng kuwarto. Wala siyang pakialam na tinahak ang daan papunta sa banyo. Kahit pa nga bihis na siya at suot na niya ang mamahaling sapatos. "Ysabella!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakahandusay na babae. Sa ulo nito nanggagaling ang dugong humalo na sa tubig na umaapaw mula sa sink. Saglit siyang natigilan. Saglit niyang pinakatitigan ang walang malay na babae. Maputlang maputla ito na para bang kasing kulay na ng puting papel. Maging mga labi nito, halos puti na. Tila wala ng buhay. "Senyorito, b-buhay pa ba si... si Senyorita?" mula sa kaniyang likod ay tanong ni Lucy. Doon na siya natauhan. Agad siyang bumaba para k
"Ha!"Nagulat si Ysabella nang may bumuhos na malamig na tubig sa kaniyang mukha. Agad siyang napabangon. Napatingala kaagad sa lalakeng nasa gilid ng kama niya. "D-Daniel..." utal niyang saad. Napuno ng takot ang sistema niya. Agad na nayakap ang sarili. Awtomatiko ang reaksyon niyang iyon kapag naroon sa harapan niya ang lalake. Oo mahal niya ito, pero mas lamang na ang takot sa sistema niya."Get up! You are not a princess here. Kanina ka pa ginigising ah! Prepare my breakfast!" Utos nito. Hawak nito ang basong nasa side table niya. Bumaba siya noong madaling araw dahil masamang masama na talaga ang pakiramdam niya. Kumuha siya ng gamot at isang basong tubig.Hindi siya agad nakakilos. Nagtataka siya dahil hindi naman nito kinakain ang pineprepara niyang almusal dito. Kaya bakit?"Ano? Tutunganga ka lamang ba riyan?" galit nitong sigaw. Dahilan para mapabangon siya. "S-sandali, magbibihis lamang ako," sa paos na boses ay ika niya. Pinilit niyang makababa agad sa kama pero paglap







