Beranda / Romance / Death Orders Bear Her Name / 1 Unsaid Promises — Georgina POV

Share

Death Orders Bear Her Name
Death Orders Bear Her Name
Penulis: Trendsterchum Chronicles

1 Unsaid Promises — Georgina POV

last update Tanggal publikasi: 2026-02-10 22:34:24

“Buksan mo na, Nate… may surprise ako.”

Tahimik ang hallway ng private lounge ng hotel, pero ramdam ko ang bass ng tugtog mula sa ballroom sa ibaba...parang tibok ng dibdib ko, mabilis, sabik, puno ng pangako. Nakahawak ako sa maliit na sobre sa loob ng clutch ko, halos madurog sa higpit ng kapit ko. Isang pirasong papel lang ‘yon, pero buo nitong binabago ang mundo ko.

Ang anak namin.

Huminga ako nang malalim, saka muling kumatok. Walang sagot. Napangiti pa ako, iniisip na baka nagbibihis siya o nag-aayos ng huling detalye para sa graduation ball naming dalawa. Latin honors kaming pareho. Ilang taon naming pinaghirapan ang gabing ito. Ilang gabing puyat, luha, sakripisyo at pangarap.

“Nate?” mahina kong tawag, sabay tulak sa pintong bahagyang nakabukas.

At doon, sa isang iglap na parang sinadyang durugin ang lahat ng inipon kong tapang, nakita ko sila.

Hindi ko agad naintindihan ang eksena. Ang una kong napansin ay ang salamin sa dingding na nagbalik ng repleksyon ng dalawang aninong magkadikit. Sumunod ang tunog ng marahang ungol, isang hiningang naputol. At saka ko nakita nang malinaw: si Nathan, ang lalaking minahal ko nang buong-buo, nakasandal sa bar counter, hawak ang batok ng babaeng matagal ko nang kinatatakutan.

Si Laura.

Ang ex niya. Ang karibal ko. Ang babaeng ilang ulit nang sumubok na wasakin kami.

Ang mga labi nila ay magkadikit. Walang pag-aalinlangan. Walang bakas ng pag-atras. Parang matagal na nilang hinihintay ang sandaling ‘yon.

Napatigil ang paghinga ko. Parang may malamig na kamay na dumurog sa baga ko mula sa loob. Bumagsak ang mundo ko sa katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigawan.

Wala silang napansin.

Nakahawak pa rin si Nathan sa bewang niya, ang mga daliri niyang sanay humawak sa akin na ngayon, sa ibang katawan nakabaon. Si Laura naman, nakatayo sa pagitan ng mga hita niya, nakapikit, para bang wala nang bukas.

Isang hakbang pa lang sana ang layo ko para sumigaw. Para itulak sila. Para sampalin siya. Para ilabas ang lahat ng galit, sakit, at pagkabigo na naglalagablab sa dibdib ko.

Pero hindi ko ginawa.

Tahimik akong umatras.

Isinara ko ang pinto nang walang tunog.

At doon pa lang ako tuluyang nabasag.

Paglabas ko sa hallway, doon bumigay ang tuhod ko. Napasandal ako sa pader, nanginginig, hinahabol ang hangin na parang ninanakawan ako ng bawat segundo. Ang sobre sa kamay ko ay nahulog sa sahig. Yumuko ako para pulutin, pero nang makita ko ang itim-puting imahe ng sonography, napahagulgol ako.

Ang tanga ko.

Akala ko, sapat na ang pagmamahal. Akala ko, sapat na ang pangarap naming dalawa. Akala ko, sapat na ang magiging anak namin para manatili siyang akin.

Hindi pala.

Tumayo ako, pinunasan ang luha, at tinupi ang papel bago ibinalik sa clutch. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong makalabas bago pa ako tuluyang lamunin ng sakit.

Sa elevator, tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. Maputla. Nanginginig. 

“Miss, are you okay?”

Hindi ko alam kung ilang beses akong tinanong ng staff habang naglalakad ako palabas ng hotel ballroom. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang dumaan sa daan-daang estudyante, sa liwanag ng mga chandelier, sa ingay ng tawanan at palakpakan, nang hindi bumabagsak.

Ang alam ko lang, bawat hakbang ko ay may kasamang kirot.

Kanina lang, habang tinititigan ko ang sonography image ng baby namin, halos hindi ako makahinga sa saya. Ilang beses kong binalik-balikan ang larawan. Maliit na hugis. Munting tibok. Buhay.

Kanina lang, iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Nathan.

Kanina lang, iniimagine ko ang mukha niya. Ang gulat. Ang tuwa. Ang luha.

Kanina lang, naniniwala akong ito ang gabi na mas lalo naming pagtitibayin ang panghabambuhay.

At ngayon...

Parang zombie akong naglalakad palabas ng sarili kong pangarap.

Lumabas ako ng hotel. Naramdaman ko agad ang ng malamig na hangin ng Baguio. Nanginginig ako, pero hindi dahil sa lamig.

Dahil sa katotohanan.

Umupo ako sa gilid ng fountain. Hinayaan kong dumaloy ang luha ko. Hindi hagulgol. Hindi hysterical.

Tahimik.

Para akong basag na salamin na dahan-dahang nahuhulog.

Sa harap ko, patuloy ang buhay. May nagpipicture. May nagtatawanan. May nagtatakbuhan. 

At ako?

Nasa gitna ng graduation ball, pero parang inilibing nang buhay.

“Nathan…” bulong ko, nanginginig ang boses. “Paano mo to nagawa?”

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Hindi ko rin alam kung ilang beses kong pinahid ang luha ko. Ang alam ko lang, sa bawat segundo, mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Hanggang sa tumayo ako.

Dahan-dahan kong kinuha ang sobre mula sa bag ko. Tinitigan ko ang sonography image sa ilalim ng streetlight.

“Sorry, baby,” bulong ko. “Hindi ko na alam kung paano ka ipagtatanggol sa mundong ganito pero pangako kakayanin natin to.”

Ibinalik ko ulit ang sobre ng sonography sa clutch ko.

At naglakad palayo.

“Georgina!”

Narinig ko ang sigaw sa likuran ko.

Hindi ako lumingon.

“Georgina, please!”

Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Mas bumigat ang bawat hakbang. Pero hindi ako tumigil.

Hanggang sa bigla niyang hinawakan ang braso ko.

Napapikit ako sa kirot.

“Let go,” sabi ko, mababa, nanginginig.

“Hindi,” mabilis niyang sagot. “Please, just..just listen to me.”

Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang humarap sa kanya.

At doon ko nakita ang mukha ni Nathan.

Gusot ang buhok. Namumula ang mata. Hinahabol ang hininga. Parang kagagaling lang sa giyera.

At sa isang iglap, bumalik ang lahat ng sakit.

“Bitawan mo ako,” ulit ko, mas matigas ang boses.

“Gina, hindi...”

“Anong hindi?” singhal ko. “Anong hindi, Nathan?”

Napahigpit ang hawak niya sa braso ko. “It wasn’t what you think.”

Napatawa ako. Isang maikli, mapait na tawa. “Talaga? Kasi ang nakita ko, halikan. Hindi aksidente. Hindi pagkakamali. Hindi ilusyon.”

“Hindi ko siya nakita,” mabilis niyang sabi. “Akala ko ikaw.”

Parang sinampal ako ng katangahan ng palusot niya.

“Don’t insult my intelligence,” sagot ko. “Hindi kami magkamukha ni Laura.”

“Gina, please...”

“Stop.” Itinaas ko ang kamay ko sa pagitan namin. “Huwag mo nang ipagpatuloy. Mas masakit pang pakinggan.”

Nakita ko ang pagkirot sa mata niya. Ang gulat. Ang takot.

At para sa isang segundo, muntik na akong maawa.

Pero naalala ko ang labi niya sa labi ng iba.

At nawala ang lahat.

“May sasabihin sana ako sa’yo ngayong gabi,” sabi ko, pilit na pinapantay ang boses. “Isang bagay na pinangarap kong ibigay sa’yo.”

“Gina, please, tell me...”

“Hindi na,” mabilis kong putol. “Wala nang saysay.”

Parang may bumagsak sa dibdib niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Ang ibig kong sabihin,” mariin kong sabi, “hindi na kita kilala.”

Nanginginig ang labi niya. “That’s not fair.”

“Fair?” Napailing ako. “Ang fair ay hindi ang mahuli ang boyfriend mo na humahalik sa ex niya habang hawak mo sa bag ang larawan ng...”

Nakita ko ang biglang pamumutla ng mukha niya.

“Anong larawan?”

Huminga ako nang malalim. “Forget it.”

Hindi ko na kayang sabihin. Hindi sa harap niya. Hindi sa ganitong paraan.

“Gina, please,” ulit niya, halos pabulong na. “Huwag mo akong iwan.”

Doon tuluyang bumigay ang kontrol ko.

“Too late,” sagot ko, mariin. “Iniwan mo na ako kanina the moment you decided to kissed her back.”

At tuluyan kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Tumakbo ako.

Hindi ko na alintana ang tingin ng mga tao. Hindi ko na ininda ang lamig. Hindi ko na inisip ang sasabihin ng mundo.

Ang alam ko lang, kailangan kong lumayo.

Lumayo sa kanya.

Lumayo sa sakit.

Lumayo sa mga pangarap na hindi na kailanman mangyayari.

Nakarating ako sa parking lot na halos hindi na makahinga. Sumandal ako sa kotse ko, napapikit ako at napabuntonh hininga.

“Get it together, Georgina,” bulong ko sa sarili ko. “For your baby.”

Muling bumalik sa isip ko ang sonography image.

Para kanino na lang ngayon?

Para sa sarili ko.

Para sa anak ko.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko. Umupo ako sa driver’s seat. Nanginginig ang kamay ko habang sinisindi ang makina.

Bago ako umalis, tumingin ako sa rearview mirror.

At nakita ko si Nathan.

Nakatayo sa gitna ng parking lot. Mag-isa. Nakatingin sa akin na parang mawawala na siya.

Para kaming dalawang taong pinaghiwalay ng digmaan na hindi na maaaring tapusin.

Humigpit ang hawak ko sa manibela.

“At this moment,” bulong ko, “pinipili ko ang sarili ko.”

At umarangkada ako palayo.

Hindi ko alam kung saan ako nagmaneho.

Pumasok ako. Isinara ang pinto. At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili kong gumuho.

Bumagsak ako sa sahig. Mahigpit kong niyakap ang tiyan ko.

“Sorry,” hikbi ko. “Sorry, baby. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa’yo.”

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak.

Hanggang sa may kumatok sa pinto.

Napapitlag ako.

“Georgina,” narinig ko ang pamilyar na boses. “Buksan mo ang pinto. Please.”

Napapikit ako.

“Umalis ka na, Nathan,” sigaw ko mula sa loob. “Ayoko nang makipag-usap.”

“Hindi ako aalis,” sagot niya. “Hangga’t hindi mo ako pinapakinggan.”

Tumayo ako. Lumapit sa pinto. Ngunit hindi ko ito binuksan.

“Wala nang dapat pag-usapan,” sabi ko. “Tapos na.”

“Hindi,” mariin niyang sagot. “Hindi ito matatapos sa gano’n lang.”

“Bakit?” Napatawa ako nang mapait. “Dahil may konsensya ka? Dahil nahuli kita?”

Tahimik siya sandali.

“Dahil mahal kita,” marahan niyang sabi.

Parang may kumurot sa puso ko.

Pero pinili kong maging matigas.

“Kung mahal mo ako,” sagot ko, “hindi mo sana ginawa iyon.”

Isang mahabang katahimikan.

At saka, narinig ko ang paghinga niya sa kabila ng pinto.

“Gina,” sabi niya, halos pabulong, “may sasabihin ka kanina.”

Napapikit ako.

“Wala na,” mabilis kong sagot. “You don't deserve it.”

“Please,” ulit niya. “Sabihin mo sa akin.”

Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita.“Umalis ka na.”

At sa katahimikang iyon, naramdaman ko ang bigat ng desisyon ko.

Isang desisyong magbabago sa buhay naming tatlo.

Lumipas ang ilang segundo.

Hanggang sa marahan niyang sinabi...

“Kung ano man iyon, hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman.”

Napahawak ako sa dibdib ko.

“Dahil kahit itulak mo ako palayo, Georgina, babalik at babalik pa rin ako.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Death Orders Bear Her Name    106 Florence’s Jealousy (Florence POV)

    "I-abot mo sa akin ang USB drive na iyan bago ko pa sunugin ang buong lamesa ninyo sa sobrang dumi ng arrangement ninyo," pambungad na asik ko habang ibinabagsak ang dalawa kong mabigat na binder sa harap ng lamesa sa student lounge."Kalma ka lang, Florence... inaabot ko lang naman kay Gian ang reviewer para sa Evidence Law," pabebe at nakangiting tugon ng magandang junior student habang halos idikit ang kanyang dibdib sa balikat ni Gian habang nakaupo sila sa couch."Nakahawak na ang daliri mo sa reviewer niya, kailangan pa bang magdikit pati balikat mo sa kanya para lang makabasa ng tatlong kabanata?" matalas kong ganti habang ang mata ko ay parang gustong magpakawala ng kidlat sa kanilang dalawa.Napatigil ang babae at mabilis na umayos ng upo matapos makita ang galit sa mukha ko. Si Gian naman ay dahan-dahang nag-angat ng tingin mula sa kanyang iPad, iniaayos ang kanyang gulo-gulong buhok, at itinukod ang kanyang siko sa gilid ng couch habang nakatitig sa akin nang may nakatutuks

  • Death Orders Bear Her Name    105 Fear of Marriage (Georgina POV)

    "Isuot mo muna itong silk robe ko, Queen Verdict... baka lamigin ka paglabas mo ng shower room matapos ang napakahabang araw mo sa opisina," malambing na pambungad ni Nathan habang maingat niyang inilalagay ang malambot na tela sa aking mga balikat bago dahan-dahang pinalilibutan ng kanyang mga braso ang aking bewang mula sa likod."Kaya ko namang kumuha ng sarili kong damit, Nathan... at pwede bang huwag kang masyadong yumakap nang mahigpit dahil basa pa ang buhok ko," pabalang ngunit nanginginig kong ganti habang ang init ng kanyang dibdib ay mabilis na nagpapatakbo sa dugo ko."Gusto kong humawak sa iyo, Georgina... gusto kong iparamdam sa iyo gabi-gabi na wala ka nang kailangang takutan kapag kasama mo ako rito sa loob ng kwarto natin," pabulong niyang tugon habang ang kanyang mga labi ay dahan-dahang pumapaikot sa gilid ng aking leeg, nag-iwan ng mga halik na nagpadaloy ng napakalakas na kuryente sa aking buong katawan.Napakipkip ako at napahawak nang mahigpit sa kanyang mga bra

  • Death Orders Bear Her Name    104 Gian’s First Case (Gian POV)

    "I-ipapanalo mo ba talaga ang kasong ito para sa akin kahit sabihin ng ibang tao na wala akong pambayad sa isang Aragon na katulad mo?" tanong ng batang nanay na kliyente ko habang nanginginig ang kanyang kamay na nakahawak sa lumang folder sa loob ng maliit na consultation room."Manatili kang nakatayo sa likod ko sa loob ng korte, at siguraduhin mong ibigay mo sa akin ang buong tiwala mo dahil hinding-hindi ko hahayaang mawalan ka ng pamilya ngayong araw," tapat kong sagot habang ipinapasok ko ang huling ebidensya sa aking leather briefcase.Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hahawak ako ng isang kaso bilang lead student practitioner nang walang tulong mula kay Mom o kay Dad. Ang buong courtroom ay puno ng mga taga-media, mga propesor mula sa Law Center, at mga matatandang abogado na gustong makita kung may maipagmamalaki ba talaga ang nag-iisang anak nina Atty. Nathan Aragon at Atty. Georgina Sandoval."All rise! The Regional Trial Court of Pasig City is now in session!" sigaw ng

  • Death Orders Bear Her Name    103 Public Couple Rumors (Georgina POV)

    "Ibababa mo ba ang salamin ng sasakyan para sagutin ang mga walang kwentang tanong ng mga tsismosong reporters na iyan, o papanoorin mo lang silang harangan ang daan natin patungo sa parking lot?" pambungad na iritable kong tanong habang pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kumikislap na ilaw ng mga camera sa labas ng sasakyan."Huwag mong dungawin ang mga ilaw na iyan, Georgina... umupo ka lang nang maayos at hayaan mong ako ang mag-ayos ng gulong ito," malamig ngunit puno ng awtoridad na utos ni Nathan habang ang kanyang isang kamay ay mabilis na umaabot sa likod ng leeg ko para ihila ako paitaas sa kanyang dibdib."Nathan! Ano bang ginagawa mo? Nasa tapat tayo ng gusali at kitang-kita ng buong media ang ginagawa mo sa loob ng kotse!" nanginginig kong bulong habang ang dalawang palad ko ay napapadapo sa kanyang malapad at mainit na dibdib."Manatili ka lang sa pwestong iyan kung ayaw mong ibaba ko ang bintana para ipakita sa kanilang lahat kung gaano kita kagustong halikan ngayon," pa

  • Death Orders Bear Her Name    102 Family Dinner (Gian POV)

    "Iabot mo sa akin yang lalagyan ng grilled salmon bago pa ubusin ng tatay mo ang lahat ng paborito kong serving ngayong gabi, Babe," utos ng mom ko habang itinuturo ang plato sa tapat ng siko ko."Love, ako ang nagpaluto niyan para sa iyo at sinadya kong ihain nang mas marami para siguradong busog ka matapos ang mahabang araw mo sa korte," malambing ngunit pabalang na ganti ni Dad habang maingat niyang inililipat ang pinakamagandang parte ng isda sa plato ni Mom."Huwag mo akong idaan sa ganyang klase ng pambobola, Nathan... at pwede bang umayos ka ng upo dahil halos ikulong mo na ako rito sa tabi mo," pang-aasar ni Mom habang ang kanyang mga pisngi ay namumula sa kuryenteng nararamdaman niya sa pagdikit ng kanilang mga braso.Nakatitig ako sa kanilang dalawa habang hawak ang aking kubyertos sa gitna ng malawak na dining hall ng penthouse nina Dad. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong labing-pitong taon ng buhay ko na nakaupo kaming tatlo sa iisang mesa bilang isang tunay na pam

  • Death Orders Bear Her Name    101 Florence Falls First (Florence POV)

    "Akin na nga yang highlighter, Aragon... ikaw na naman ang nagmamay-ari ng kalahati ng lamesa rito sa study hall!" inis kong pambungad habang pilit kong inaabot ang neon marker sa tapat ng kanyang siko."Sino ba kasing nagsabi sa iyong makihati sa pwesto ko, Gutierrez?" nakangising ganti ni Gian habang mas lalo niyang ipinapaypay ang kanyang suit jacket bago dahan-dahang iniaabot ang highlighter sa akin."Makihati? Tandaan mo, apat na oras na ako rito sa library bago ka dumating at naghasik ng pabango mo sa buong kwarto!" singhal ko sa mababang boses habang pilit kong itinutulak pababa ang matinding panginginig ng aking kamay noong nagdait ang aming mga daliri."Amoy pabango lang, nagagalit ka na agad... bakit, naapektuhan ka ba tuwing napapalapit ako sa iyo?" bulong niya habang dahan-dahang lumalapit ang kanyang mukha sa akin, ang kanyang mga mata ay pinaliligiran ng matinding pang-aakit na nagpapatayo ng balahibo ko sa leeg.Napatigil ako at napakipkip sa sobrang lapit ng kanyang mu

  • Death Orders Bear Her Name    6 Queen on Watch – Georgina POV

    “Ma’am, mag-e-early out po ba kayo?”“Oo,” sagot ko kay Liza habang sinasara ko ang laptop ko, “kailangan kong dumaan sa mall. Late uuwi si Gian. May basketball training daw.”Napatingin siya sa akin. Alam niya ang ibig sabihin nun—takeout dinner, tahimik na gabi, at maagang pahinga bago ang hearin

  • Death Orders Bear Her Name    5 St The Tip Of His Nose (Georgina POV)

    “Umalis ka na, Nathan.”Tumama sa dingding ang boses ko na parang bala. Walang paunang babala. Walang lambing. Diretso sa pagitan ng mga mata niya.Nakatayo siya sa pintuan ng unit ko, basang-basa ang ulan sa balikat ng itim niyang suit, mata’y nanlilisik, parang may hinahanap na kasalanan. At sa l

  • Death Orders Bear Her Name    7 Fragile Truce – Georgina POV

    “Kailangan nating mag-usap ngayon din, Georgina.”“Ngayon?” ulit ko, nagtatakang napatitig sa kanya at napasandal sa pintuan ng unit ko, braso’y naka-cross, at masusi ko siyang pinakatitigan. “Alas-onse na, Nathan.”“Limang minuto lang,” sagot niya. “Please.”Pinagmasdan ko ang mukha niya. Pagod. G

  • Death Orders Bear Her Name    2 Vanishing Line — Georgina POV

    “I need the earliest flight to Davao.”Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa harap ng airline counter, nanginginig ang tuhod ko, nanginginig ang kamay ko, at halos hindi makatingin sa mata ng babaeng kausap ko.“Ma’am, may 2:40 a.m. flight po,” sagot niya. “Last seat na po

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status