LOGIN“Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?”
“Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stressed ka, bigla kang nagshi-shift sa well-done. Science ‘yan.” “Law ang inaaral mo, hindi science,” balik ko. “Multidisciplinary thinker,” sagot niya sabay kindat. Napailing ako. Nasa isang steak house kami sa BGC, tahimik pero classy, sapat ang ingay para matabunan ang mga usapan, sapat ang liwanag para makita mo ang bawat galaw ng kaharap mo. Pinili ko ang lugar na ito dahil malayo sa korte, malayo sa media, at akala ko...malayo sa mga alaala. Nagkamali ako. “Love,” bulong ni Gian, biglang tumigil sa paglalaro sa cellphone niya, “tumingin ka sa kanan.” “Bakit?” tanong ko, pero sinunod ko pa rin. At sa mismong sandaling iyon, parang may humila sa sikmura ko pababa. Nakatayo sa may salamin si Nathan Aragon. Matangkad pa rin. Matikas pa rin. Suot ang dark suit na parang laging handa sa laban. Pero ang mga mata..iyon ang hindi nagbago. Ang matang minsang minahal ko, at matagal ko nang tinakbuhan. At ngayon, nakatitig siya sa amin. Sa akin. At kay Gian. Mahigpit na magkatabi. Magkaharap. Magaan ang tawa. Parang... Parang magkasintahan. Nanlaki ang mga mata niya. At sa loob ng ilang segundo, nakita ko ang dumaan sa mukha niya: gulat, pagtataka, at isang uri ng paninikip na matagal ko nang kilala. Selos. “Love,” marahang sabi ni Gian, “he’s staring.” “Huwag mong pansinin,” sagot ko, pero alam kong huli na. Naglakad na siya papalapit. Bawat hakbang niya papunta sa mesa namin ay parang paghila ng lumang sugat. Naririnig ko ang tunog ng sapatos niya sa sahig. Ramdam ko ang bawat pulgada ng distansyang unti-unting nababawasan. Huminto siya sa tabi namin. “Is it okay if I join you?” Diretso ang boses. Walang paalam. Walang pag-aalinlangan. Tumingin ako sa kanya. At sa loob ng labingwalong taon, ngayon lang ulit nagtagpo ang mga mata namin nang ganito kalapit. “Hindi,” malamig kong sagot. Pero bago pa ako makadagdag, nagsalita si Gian. “Sure,” mabilis niyang sabi, may bahid ng ngisi. “We’d love the company.” Nanlaki ang mata ko. “Gian—” Ngunit naupo na si Nathan sa bakanteng upuan sa tabi ko. Napahawak ako sa gilid ng mesa. “Thank you,” sabi ni Nathan, saka tumingin kay Gian. “I’m Nathan.” “Gian,” sagot ng anak ko, iniabot ang kamay. Magkahawak ang kamay nila. Magkamukha. Magkapareho ang linya ng panga. Magkapareho ang tindig. At sa sandaling iyon, para akong binuhusan ng yelo sa likod. “Boyfriend mo?” tanong ni Nathan, tumingin sa akin. Bumuka ang bibig ko, pero naunahan ako ni Gian. “Yes,” sagot niya, diretso, sabay inilapag ang siko sa mesa at inilapit ang mukha sa akin. “Since senior high.” Parang may sumabog sa utak ko. “Excuse me?” singhal ko sa kanya. Ngumiti siya nang matamis. “Relax, Love.” Napatingin ako kay Nathan. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. “At ilang taon ka na?” tanong ni Nathan, malamig. “Seventeen,” sagot ni Gian, walang kurap. Tahimik. Mabigat. Delikado. “Seventeen,” ulit ni Nathan. “At kayo?” Tumayo ang balahibo ko. “Legal age ako,” sagot ko, matalim. “At wala kang pakialam.” Sumingit si Gian, inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. “We’re good, sir. Don’t worry.” Napasinghap ako, hinila ang kamay ko. “Gian,” bulong ko, babala. Pero lalo lang siyang ngumisi. “Ang cute ninyo,” sabi ni Nathan, hindi inaalis ang tingin kay Gian. “Mukhang seryoso.” “Very,” sagot ni Gian. “She saved me.” Parang tinamaan ako ng kutsilyo. “Sa ano?” tanong ni Nathan. “From giving up,” sagot ni Gian, sabay tingin sa akin. “When life was hard.” Humigpit ang sikmura ko. Tumikhim si Nathan. “I see.” At sa loob ng ilang segundo, walang nagsalita. Hanggang sa dumating ang waiter. “Order po?” Kinuha ni Gian ang menu. “Medium rare ribeye for her,” sabi niya, sabay turo sa akin. “Same for me. Extra mashed potato. And for him—” Tumigil siya, tumingin kay Nathan. “Do you want to order, sir? Or are you just here to stare?” Napapikit ako. Ngumiti si Nathan nang pilit. “Black coffee.” Tumango ang waiter at umalis. Tahimik na naman. Ngunit hindi payapa. “Bakit mo ako sinundan rito?” tanong ko kay Nathan, malamig. “Hindi kita sinundan,” sagot niya. “Nagkataon lang.” “Coincidence,” singit ni Gian. “Fate is overrated.” Napalingon ako sa kanya. “What?” aniya, inosente. Tumingin si Nathan sa akin. “You look… different.” “Eighteen years can do that,” sagot ko. “Mas matapang,” dagdag niya. “Mas matalino,” balik ko. “Mas hindi na kayang lokohin.” Nagkibit-balikat siya. “Mukhang masaya ka.” Napatingin siya kay Gian. “Very,” sagot ko, walang pag-aalinlangan. Tumawa si Gian. “Told you.” Habang kumakain, sinadya ni Gian na magpaka-sweet. Sasandok siya ng mashed potato at ilalapit sa bibig ko. “Ma—” bulong ko, nanginginig sa inis. “Open,” utos niya, mahina. Napatitig si Nathan. “Gian,” babala ko. “Eat,” ulit niya. Binuksan ko ang bibig ko, pilit. Napangiti si Nathan. “You’re spoiling her.” “Of course,” sagot ni Gian. “She deserves it.” Pinunasan niya ang sulok ng labi ko. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor. “Stop,” bulong ko. Ngumisi siya, pero umatras. “Looks like you found someone who takes care of you,” sabi ni Nathan, malamig. “Oo,” sagot ko. “Someone who doesn’t betray.” Tumama iyon. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. “Gina—” “Attorney Sandoval,” putol ko. “We’re not in court, but don’t forget your place.” “Is he the reason you came back?” tanong niya. “Work,” sagot ko. “Not you.” “Liar,” bulong niya. Tumayo ang balahibo ko. “Excuse me?” “Kung hindi dahil sa akin,” sabi niya, “hindi mo kailangan bumalik sa Manila.” “Hindi ako bumalik para sa’yo,” mariin kong sagot. “Bumalik ako para pabagsakin ang tatay mo.” Tahimik. Mabigat. Napatigil sa pagkain si Gian. “Good,” sabi ni Nathan sa huli. “At least malinaw.” “Malinaw na malinaw,” sagot ko. “At sana sa puntong ito, huwag mo nang guluhin ang buhay ko.” Tumingin siya kay Gian. “Kasama siya sa buhay mo?” “Oo.” “At mukhang seryoso ka.” “Oo.” Tahimik. “At siya,” dagdag niya, “mukhang handang ipaglaban ka.” Napangiti si Gian. “Always.” Tinitigan siya ni Nathan, matagal. At sa loob ng tinging iyon, may bagay akong nakita. Hindi galit. Hindi selos. Kundi isang uri ng pagtataka. Parang may hinahanap. Parang may nararamdaman siyang mali, pero hindi pa niya maunawaan kung ano. Pagkatapos kumain, tumayo ako. “We’re leaving,” sabi ko. “Love,” protesta ni Gian. “Now.” Naglabas ako ng card at iniabot sa waiter. Bago ako tuluyang tumalikod, nagsalita si Nathan. “Magkikita pa tayo.” Hindi iyon tanong. Babala iyon. “Sa korte,” sagot ko. Humakbang ako palayo. Sinundan ako ni Gian. Pagdating sa labas ng steak house, hinila ko siya sa gilid. “Anong ginagawa mo?” singhal ko. “Playing,” sagot niya, kalmado. “Hindi ito laro, Gian!” “Para sa’yo, hindi,” sabi niya. “Para sa’kin, oo.” “Alam mo ang katotohanan,” bulong ko. “Alam mo kung sino siya.” “Oo,” sagot niya, diretso. “Kaya nga ginagawa ko.” Napapikit ako. “Bakit?” “Because I saw his eyes,” sabi niya. “And I wanted him to feel what you felt.” Nanlaki ang mata ko. “Gian—” “Hindi ko siya kinamumuhian,” dugtong niya. “Pero hindi ko rin siya papatawarin nang ganon lang.” Huminga ako nang malalim. “Hindi ito makakatulong.” “Makakatulong,” mariin niyang sabi. “Dahil sa bawat segundo na iniisip niyang boyfriend mo ako, mas masakit para sa kanya.” Napailing ako. “This is dangerous.” “Mas delikado ang manahimik,” sagot niya. Tinitigan ko siya. Anak ko. Dugo ko. At sa kabila ng lahat, nakita ko sa mga mata niya ang matagal ko nang tinataglay. Ang tapang. Ang galit na ginawang lakas. Ang sugat na ginawang sandata. Pagbalik namin sa hotel, hindi ako mapakali. Naglalakad ako pabalik-balik sa kwarto. “Ma,” sabi ni Gian, “he’s not stupid. He’ll connect the dots.” “Hindi,” sagot ko. “Hindi niya maiisip.” “Why?” tanong niya. “Because he thinks the world revolves around him?” Hindi ako sumagot. “Love,” dugtong niya, “kung malaman niya, anong gagawin mo?” Tumigil ako sa paglalakad. Tumingin sa kanya. “Ipaglalaban kita.” Ngumiti siya. “That’s enough.” Sa kalagitnaan ng gabi, may kumatok sa pinto. Nanigas ako. Tumingin si Gian sa akin. “Stay here,” bulong ko. Lumapit ako sa pinto, sumilip sa peephole. Si Nathan. Huminga ako nang malalim at binuksan. “Anong kailangan mo?” malamig kong tanong. “Siya,” sagot niya, diretso. “Sino?” “Ang kasama mo,” sabi niya. “Ang—ang boyfriend mo.” Tumaas ang kilay ko. “At bakit?” “Because something about him feels wrong,” sagot niya. “And I want to know why.” Humigpit ang hawak ko sa gilid ng pinto. “Umalis ka na,” sabi ko. “Hindi,” sagot niya. “Hangga’t hindi mo sinasagot.” “Wala kang karapatang magtanong,” singhal ko. “Meron,” mariin niyang sabi. “Dahil kahit anong mangyari, bahagi ka ng buhay ko.” Napatawa ako, mapait. “Don't be rediculous,Nathan. You don't have damn right to ask or medle in my personal matters. Please leave.” Lumapit siya ng isang hakbang. “At kung hindi?” tanong niya. “Kung ngayon pa lang nagsisimula?” Narinig ko ang yabag ng paa ni Gian sa likuran ko. “Love?” tawag niya. Nakita ko ang titig ni Nathan na dumulas papunta sa likod ko. At sa mismong sandaling iyon, alam kong hindi na ito simpleng laro. Ito ay simula ng isang digmaang hindi na kayang pigilan. “Anong problema mo sa akin, Sir?”“Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stressed ka, bigla kang nagshi-shift sa well-done. Science ‘yan.” “Law ang inaaral mo, hindi science,” balik ko. “Multidisciplinary thinker,” sagot niya sabay kindat. Napailing ako. Nasa isang steak house kami sa BGC, tahimik pero classy, sapat ang ingay para matabunan ang mga usapan, sapat ang liwanag para makita mo ang bawat galaw ng kaharap mo. Pinili ko ang lugar na ito dahil malayo sa korte, malayo sa media, at akala ko...malayo sa mga alaala. Nagkamali ako. “Love,” bulong ni Gian, biglang tumigil sa paglalaro sa cellphone niya, “tumingin ka sa kanan.” “Bakit?” tanong ko, pero sinunod ko pa rin. At sa mismong sandaling iyon, parang may humila sa sikmura ko pababa. Nakatayo sa may s
“Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?” Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa ama niya. He said he will fill me the love that his dad failed to give. “Oo Babe,” sagot ko, hinila ang blazer ko palapit sa katawan. “Dalawang arraignment at isang pre-trial. Bakit, aabsent ka na naman?” Lumabas siya sa kwarto niya, suot ang itim na hoodie at basketball shorts, basa pa ang buhok, halatang minadali ang paligo. Mas matangkad na siya sa akin ng halos isang ulo. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang may sumasaksak na alaala sa dibdib ko, mga bagay na pinili kong ibaon nang buhay. “Hindi,” sabi niya, sinabit ang bag sa balikat. “May scout. Kailangan kong magpakitang-gilas.” “Mag-ingat ka,” sagot ko, iniabot ang baon niyang packed lunch. “At huwag mong kalimutang kumain.”
“I need the earliest flight to Davao.”Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa harap ng airline counter, nanginginig ang tuhod ko, nanginginig ang kamay ko, at halos hindi makatingin sa mata ng babaeng kausap ko.“Ma’am, may 2:40 a.m. flight po,” sagot niya. “Last seat na po iyon.”“Kunin ko,” mabilis kong sabi. “Now.”May ilang segundo siyang nag-type. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa tenga ko, parang countdown ng pagkalunod.“Confirmed na po. Boarding pass?”Inilapag ko ang ID ko sa counter. Hindi ko na inisip ang presyo. Hindi ko na inisip ang bukas. Ang alam ko lang, kailangan kong umalis.Ngayon.Sa loob ng airport lounge, mag-isa akong nakaupo, hawak ang maliit na maleta at ang shoulder bag na laman ang mga mahahalagang bagay gaya ng sonography image ng anak ko.Hindi ako umiyak. Wala na akong luha.Pero bawat segundo, parang may kumakaskas sa loob ng dibdib ko.Sa screen ng cellphone ko, may ninety eight missed calls.fifty three messages.Lahat gal
“Buksan mo na, Nate… may surprise ako.”Tahimik ang hallway ng private lounge ng hotel, pero ramdam ko ang bass ng tugtog mula sa ballroom sa ibaba...parang tibok ng dibdib ko, mabilis, sabik, puno ng pangako. Nakahawak ako sa maliit na sobre sa loob ng clutch ko, halos madurog sa higpit ng kapit ko. Isang pirasong papel lang ‘yon, pero buo nitong binabago ang mundo ko.Ang anak namin.Huminga ako nang malalim, saka muling kumatok. Walang sagot. Napangiti pa ako, iniisip na baka nagbibihis siya o nag-aayos ng huling detalye para sa graduation ball naming dalawa. Latin honors kaming pareho. Ilang taon naming pinaghirapan ang gabing ito. Ilang gabing puyat, luha, sakripisyo at pangarap.“Nate?” mahina kong tawag, sabay tulak sa pintong bahagyang nakabukas.At doon, sa isang iglap na parang sinadyang durugin ang lahat ng inipon kong tapang, nakita ko sila.Hindi ko agad naintindihan ang eksena. Ang una kong napansin ay ang salamin sa dingding na nagbalik ng repleksyon ng dalawang aninong


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




