Home / Romance / Death Orders Bear Her Name / 2 Vanishing Line — Georgina POV

Share

2 Vanishing Line — Georgina POV

last update Last Updated: 2026-02-10 22:36:01

“I need the earliest flight to Davao.”

Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa harap ng airline counter, nanginginig ang tuhod ko, nanginginig ang kamay ko, at halos hindi makatingin sa mata ng babaeng kausap ko.

“Ma’am, may 2:40 a.m. flight po,” sagot niya. “Last seat na po iyon.”

“Kunin ko,” mabilis kong sabi. “Now.”

May ilang segundo siyang nag-type. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa tenga ko, parang countdown ng pagkalunod.

“Confirmed na po. Boarding pass?”

Inilapag ko ang ID ko sa counter. Hindi ko na inisip ang presyo. Hindi ko na inisip ang bukas. Ang alam ko lang, kailangan kong umalis.

Ngayon.

Sa loob ng airport lounge, mag-isa akong nakaupo, hawak ang maliit na maleta at ang shoulder bag na laman ang mga mahahalagang bagay gaya ng sonography image ng anak ko.

Hindi ako umiyak. Wala na akong luha.

Pero bawat segundo, parang may kumakaskas sa loob ng dibdib ko.

Sa screen ng cellphone ko, may ninety eight missed calls.fifty three messages.

Lahat galing kay Nathan.

Hindi ko binuksan. Hindi ko binasa. Hindi ko pinakinggan ang voicemail.

Pinatay ko ang phone ko.

Doon ko tuluyang pinutol ang huling hibla na nagdurugtong sa amin.

“Gina, sigurado ka ba?”

Boses ni Mama ang narinig ko sa kabilang linya ilang oras ang lumipas, habang nasa boarding gate na ako. Binuksan ko lang ang phone ko para sabihing paparating na ako.

“Opo, Ma,” sagot ko, pinipilit maging matatag. “Kailangan ko munang lumayo.”

“May nangyari ba sa inyo ni Nathan?”

Napapikit ako.

“Ma, please,” pakiusap ko. “Huwag mo muna akong tanungin.”

May katahimikan.

“At ang bata?” marahan niyang sabi.

Mahigpit kong kinagat ang labi ko.

“Ma,” halos pabulong kong sagot, “siya na lang ang meron ako ngayon.”

Narinig ko ang paghigpit ng hinga niya.

“Sige,” sabi niya sa huli. “Nandito lang kami. Palagi.”

Napapikit ako, pinigilan ang pagbagsak ng luha.

“Salamat po.”

Habang papasok ako sa eroplano, pakiramdam ko ay binubura ko ang buong buhay ko sa Maynila.

Ang apartment.

Ang law school.

Ang graduation ball.

Ang lalaking minahal ko nang higit sa sarili ko.

Sa upuan ko sa tabi ng bintana, tahimik akong umupo. Nang magsimulang umandar ang eroplano, doon ko naramdaman ang tunay na bigat ng desisyon ko.

Isang hakbang na walang atrasan.

“Para sa’yo,” bulong ko, hinihimas ang tiyan ko. “Kahit masakit, kakayanin.”

Paglapag namin sa Davao, sinalubong ako ng init ng hangin at ng dalawang tauhan ng pamilya namin na matagal ko nang hindi nakikita.

“Ma’am Georgina,” bungad ni Mang Leo, bahagyang yumuko. “Welcome home.”

Parang may kumurot sa dibdib ko sa salitang iyon.

Home.

Dito pala talaga iyon.

Sa biyahe papunta sa isa sa mga property ng pamilya namin, tahimik lang ako. Sa labas ng bintana, dinaraanan ang mga punong niyog, malalawak na kalsada, at mga pamilyar na tanawin na matagal ko nang hindi nasisilayan.

“May naka-ready na pong OB-GYN sa San Pedro Hospital,” sabi ni Mang Leo. “Si Doc Villanueva. Trusted ng pamilya.”

Tumango ako. “Salamat.”

Sa isip ko, malinaw na malinaw ang plano.

Dito ako mananatili.

Dito lalaki ang anak ko.

At dito matatapos ang lahat ng koneksyon ko kay Nathan.

“Gina, anak—”

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa bahay nang yakapin na ako ni Mama nang mahigpit.

“Ma,” bulong ko, tuluyang bumigay.

“Ang payat mo,” sabi niya, hinahaplos ang likod ko. “Anong ginawa mo sa sarili mo?”

Ngumiti ako nang pilit. “Maraming nangyari.”

Lumapit si Papa, mahigpit ang tingin sa akin. “Huwag mo kaming paglihiman. Anak ka namin.”

Huminga ako nang malalim. “Hindi po ako naglilihim. Pinipili ko lang po ang katahimikan.”

Nagkatinginan sila.

“Alam kong pagod ka na,sige magpahinga ka na pagkatapos mong kumain” sabi ni Mama. “Marami tayong pag-uusapan bukas.”

Tumango ako.

Sa loob ng silid na matagal ko nang hindi tinulugan, nakahiga ako, nakatitig sa kisame.

Sa bawat pagpikit ko, bumabalik ang eksena.

Ang labi ni Nathan.

Ang kamay niya sa batok ni Laura.

Ang sandaling tuluyang nagwasak sa akin.

Umupo ako, kinuha ang sobre mula sa bag ko, at muling tinitigan ang sonography image.

“Hindi niya malalaman,” mahina kong sabi. “Hindi kailanman.”

May kumurot sa dibdib ko.

Hindi dahil sa duda.

Kundi dahil sa takot na baka balang araw, hanapin siya ng anak ko.

Kinabukasan, nasa ospital na ako.

“Ma’am Georgina,” sabi ni Doc Villanueva, matapos ang check-up, “maayos po ang lagay ninyo at ng baby. Pero kailangan n’yo pong bawasan ang stress.”

Napangiti ako nang mapait. “Subukan ko po.”

“Twelve weeks,” dagdag niya. “Sensitive stage.”

Tumango ako.

Labindalawang linggo.

Tatlong buwan kong inihanda bilang surpresa sana sa graduation namin.

Tatlong buwang itinago ko ang buong katotohanan sa lalaking minsan kong pinangarap pakasalan.

Sa sumunod na mga araw, unti-unti akong bumalik sa ritmo ng buhay sa Davao.

Tahimik.

Simple.

Malayo sa gulo.

Pero sa bawat umaga, paggising ko, ang unang pumapasok sa isip ko ay si Nathan.

Kaya pinilit kong punuin ang oras ko.

Nag-enroll ako sa online review classes.

Nagbasa ng law books.

Nag-ehersisyo.

Nag-aral tungkol sa pregnancy.

Hanggang sa isang hapon, habang nasa hardin ako, may dumating na bisita.

“Ma’am,” sabi ng kasambahay, “may naghahanap po sa inyo. Si Drake po.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

“Anong sinabi niya?” mabilis kong tanong.

“Na kaklase n’yo raw po sa law school.”

Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng upuan.

“Sabihin mo, wala ako.”

“Pero ma’am—”

“Please,” pakiusap ko.

Umalis ang kasambahay.

Umupo ako nang tuwid, hinahaplos ang tiyan ko.

Kung nahanap na nila ako...

Ibig sabihin, hindi sapat ang paglayo ko.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang boses niya sa loob ng bahay.

“Gina, alam kong nandiyan ka.”

Nanigas ako.

Hindi ako gumalaw.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap.”

Tumayo ako.

Lumabas ako sa hardin, diretso ang likod, matatag ang hakbang.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko, malamig.

Nagulat siya nang makita ako. “Gina… ang payat mo.”

“Huwag mo akong ilihis,” sagot ko. “Bakit ka nandito?”

“Hinahanap ka ni Nathan,” diretsong sabi niya. “Buong Maynila ginulagod na niya.”

Napangiti ako nang mapait. “At ikaw ang pinadala niya?”

“Hindi,” mabilis niyang sagot. “Sarili kong desisyon.”

Tinitigan ko siya. “Kung gano’n, umalis ka na.”

“Hindi,” mariin niyang sabi. “Hindi hangga’t hindi mo sinasagot ang tanong ko.”

“Anong tanong?”

“Bakit bigla kang nawala?”

Huminga ako nang malalim. “Wala na akong dapat ipaliwanag.”

“Meron,” giit niya. “May karapatan siyang malaman.”

“Wala na,” mariin kong sagot. “Tapos na kami.”

Napailing siya. “Hindi gano’n kadali iyon, Gina.”

“Para sa akin, gano’n lang,” sagot ko.

Tumahimik siya sandali, saka marahang nagsalita. “Nathan is a mess since you left.Wala ka na bang balak ayusin ang problema niyo?"

Nanlamig ang likod ko.

“Wala, the moment he decided to flirt again with Laura...nawala na lahat.” mabilis kong sagot.

“Gina,” mariin niyang sabi, “huwag mo akong lokohin.”

“Drake,” sagot ko, “nakikiusap ako sa yo for the last time, I want my peace,please don't tell Nathan where I am.Just be there for him. Maybe we both need space for now to heal."

Nagkatitigan kami.

At sa mga mata niya, nakita ko ang pagdududa.

“Kung buo na ang desisyon mo,” sabi niya sa huli, “wala na akong magagawa. Take care of yourself then.”

Tumalikod siya.

At sa bawat hakbang niyang palayo, alam kong nagsisimula pa lang ang laban.

Gabi.

Mag-isa akong nakaupo sa kama, hawak ang phone ko.

May bagong voicemail.

Mula kay Nathan.

Pinakinggan ko ito.

“Gina,” mahina niyang sabi, “hahanapin kita. Kahit saan ka magtago.”

Napapikit ako.

“Dahil hindi ko kayang mabuhay nang hindi mo sinasabi sa akin kung bakit.”

Pinatay ko ang phone.

At mahigpit na niyakap ang tiyan ko.

“Hindi niya malalaman,” bulong ko sa sarili ko. “Kahit kailan.”

Pero sa kaibuturan ng dibdib ko, alam kong hindi gano’n kadali ang pagtatago.

Lalo na kung ang humahabol ay isang lalaking sanay manalo.

At sa pagitan ng distansya at lihim, iisang tanong ang patuloy na bumubulong sa hangin...

“Hindi kita susukuan, I'll find you, Georgina.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Death Orders Bear Her Name    4 Fatal Masquerade — Georgina POV)

    “Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stressed ka, bigla kang nagshi-shift sa well-done. Science ‘yan.” “Law ang inaaral mo, hindi science,” balik ko. “Multidisciplinary thinker,” sagot niya sabay kindat. Napailing ako. Nasa isang steak house kami sa BGC, tahimik pero classy, sapat ang ingay para matabunan ang mga usapan, sapat ang liwanag para makita mo ang bawat galaw ng kaharap mo. Pinili ko ang lugar na ito dahil malayo sa korte, malayo sa media, at akala ko...malayo sa mga alaala. Nagkamali ako. “Love,” bulong ni Gian, biglang tumigil sa paglalaro sa cellphone niya, “tumingin ka sa kanan.” “Bakit?” tanong ko, pero sinunod ko pa rin. At sa mismong sandaling iyon, parang may humila sa sikmura ko pababa. Nakatayo sa may s

  • Death Orders Bear Her Name    3 Returns as a Queen — Georgina POV

    “Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?” Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa ama niya. He said he will fill me the love that his dad failed to give. “Oo Babe,” sagot ko, hinila ang blazer ko palapit sa katawan. “Dalawang arraignment at isang pre-trial. Bakit, aabsent ka na naman?” Lumabas siya sa kwarto niya, suot ang itim na hoodie at basketball shorts, basa pa ang buhok, halatang minadali ang paligo. Mas matangkad na siya sa akin ng halos isang ulo. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang may sumasaksak na alaala sa dibdib ko, mga bagay na pinili kong ibaon nang buhay. “Hindi,” sabi niya, sinabit ang bag sa balikat. “May scout. Kailangan kong magpakitang-gilas.” “Mag-ingat ka,” sagot ko, iniabot ang baon niyang packed lunch. “At huwag mong kalimutang kumain.”

  • Death Orders Bear Her Name    2 Vanishing Line — Georgina POV

    “I need the earliest flight to Davao.”Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa harap ng airline counter, nanginginig ang tuhod ko, nanginginig ang kamay ko, at halos hindi makatingin sa mata ng babaeng kausap ko.“Ma’am, may 2:40 a.m. flight po,” sagot niya. “Last seat na po iyon.”“Kunin ko,” mabilis kong sabi. “Now.”May ilang segundo siyang nag-type. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa tenga ko, parang countdown ng pagkalunod.“Confirmed na po. Boarding pass?”Inilapag ko ang ID ko sa counter. Hindi ko na inisip ang presyo. Hindi ko na inisip ang bukas. Ang alam ko lang, kailangan kong umalis.Ngayon.Sa loob ng airport lounge, mag-isa akong nakaupo, hawak ang maliit na maleta at ang shoulder bag na laman ang mga mahahalagang bagay gaya ng sonography image ng anak ko.Hindi ako umiyak. Wala na akong luha.Pero bawat segundo, parang may kumakaskas sa loob ng dibdib ko.Sa screen ng cellphone ko, may ninety eight missed calls.fifty three messages.Lahat gal

  • Death Orders Bear Her Name    1 Unsaid Promises — Georgina POV

    “Buksan mo na, Nate… may surprise ako.”Tahimik ang hallway ng private lounge ng hotel, pero ramdam ko ang bass ng tugtog mula sa ballroom sa ibaba...parang tibok ng dibdib ko, mabilis, sabik, puno ng pangako. Nakahawak ako sa maliit na sobre sa loob ng clutch ko, halos madurog sa higpit ng kapit ko. Isang pirasong papel lang ‘yon, pero buo nitong binabago ang mundo ko.Ang anak namin.Huminga ako nang malalim, saka muling kumatok. Walang sagot. Napangiti pa ako, iniisip na baka nagbibihis siya o nag-aayos ng huling detalye para sa graduation ball naming dalawa. Latin honors kaming pareho. Ilang taon naming pinaghirapan ang gabing ito. Ilang gabing puyat, luha, sakripisyo at pangarap.“Nate?” mahina kong tawag, sabay tulak sa pintong bahagyang nakabukas.At doon, sa isang iglap na parang sinadyang durugin ang lahat ng inipon kong tapang, nakita ko sila.Hindi ko agad naintindihan ang eksena. Ang una kong napansin ay ang salamin sa dingding na nagbalik ng repleksyon ng dalawang aninong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status