Home / Romance / Death Orders Bear Her Name / 3 Returns as a Queen — Georgina POV

Share

3 Returns as a Queen — Georgina POV

last update Last Updated: 2026-02-10 22:38:29

“Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?”

Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa ama niya. He said he will fill me the love that his dad failed to give.

“Oo Babe,” sagot ko, hinila ang blazer ko palapit sa katawan. “Dalawang arraignment at isang pre-trial. Bakit, aabsent ka na naman?”

Lumabas siya sa kwarto niya, suot ang itim na hoodie at basketball shorts, basa pa ang buhok, halatang minadali ang paligo. Mas matangkad na siya sa akin ng halos isang ulo. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang may sumasaksak na alaala sa dibdib ko, mga bagay na pinili kong ibaon nang buhay.

“Hindi,” sabi niya, sinabit ang bag sa balikat. “May scout. Kailangan kong magpakitang-gilas.”

“Mag-ingat ka,” sagot ko, iniabot ang baon niyang packed lunch. “At huwag mong kalimutang kumain.”

Ngumiti siya. “As always, Queen Verdict.”

Napailing ako. “Huwag mo akong tawaging ganyan sa bahay.”

“Pero bagay,” biro niya. “Ang Love ko, undefeated.”

Hindi ko na sinagot. Kinuha ko ang bag ko at sabay kaming lumabas ng bahay.

Labingwalong taon mula nang tuluyan kong putulin ang koneksyon ko sa lalaking minahal ko, mula nang piliin kong palakihin mag-isa ang anak ko.

At sa loob ng labingwalong taon na iyon, binuo ko ang isang imperyo na hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa proteksyon.

Queen Verdict.

Code name ko sa legal world.

Hindi dahil sa kayabangan, kundi dahil wala akong tinanggap na talo.

Hindi dahil sa reputasyon, kundi dahil bawat kasong hawak ko ay buhay, dignidad, at katarungan.

At ngayong araw, gaya ng nakaraan, puno na naman ang schedule ko.

“Ma’am Sandoval, the prosecution is ready,” sabi ng clerk habang pumapasok ako sa courtroom.

Tumango ako. “So are we.”

Tatlong oras ng sunod-sunod na sagutan.

Sunod-sunod na oras ng pagdurog sa testigo ng kabilang panig at ng paglatag ng ebidensiya na tuluyang nagpatumba sa depensa.

Nang ibaba ng hukom ang martilyo, alam ko na agad ang hatol.

“Life imprisonment.”

Tumayo ang kliyente ko, nanginginig ang tuhod. Lumapit siya sa akin at mahigpit na humawak sa kamay ko.

“Salamat,” bulong niya. “Kung wala kayo...”

“May hustisya po,” sagot ko. “At iyon ang trabaho ko.”

Paglabas ko ng courtroom, sinalubong ako ng staff ko.

“Ma’am, may urgent call po,” sabi ni Liza, ang pinaka-loyal kong assistant. “From Pasig.”

Huminto ako.

“Pasig?” ulit ko.

“Opo. Major firm. They insist na kayo mismo ang humawak.”

Naglakad ako papunta sa opisina ko, ramdam ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko. Ilang taon na mula nang huli akong umapak sa Luzon. Ilang taon na mula nang pilitin kong kalimutan ang lahat ng nandoon.

Pumasok ako sa opisina, isinara ang pinto, at kinuha ang telepono.

“This is Attorney Sandoval,” sabi ko, diretso.

“Good afternoon, Attorney,” sagot ng lalaki sa kabilang linya. “This is Atty. Robles from Pasig. We have a high-profile case involving corporate fraud, money laundering, and homicide. The accused is—”

Huminto siya sandali.

“—a former political figure with massive influence.”

Sumandal ako sa mesa.

“Why me?” tanong ko.

“Because you’re Queen Verdict,” sagot niya. “And because you never lose.”

Pinikit ko ang mga mata ko.

“Send me the details,” sabi ko. “I’ll review.”

“Thank you, Attorney,” sagot niya. “But there’s one condition.”

Huminga ako nang malalim. “State it.”

“You must personally handle the case. In Pasig.”

Tahimik ang opisina ko matapos kong ibaba ang telepono.

Lumakad ako papunta sa bintana at tumingin sa labas. Abala ang Davao. Buhay. Tahimik sa paraang hindi kailanman naging tahimik ang Maynila.

Sa likod ko, may kumatok.

“Ma’am,” sabi ni Liza, “okay lang po ba kayo?”

Tumango ako. “Book me a flight.”

Nanlaki ang mata niya. “Saan po?”

“Manila.”

“Manila?” ulit ni Mama nang sabihin ko sa kanya ang desisyon ko sa hapag-kainan. “Bakit ngayon ka pa babalik doon?”

“Work,” sagot ko, diretso. “High-profile case.”

Napabuntong-hininga siya. “Alam mo kung ano ang nandoon.”

“Alam ko,” sagot ko. “Pero hindi ko puwedeng talikuran ang trabaho ko.”

Tumingin siya sa anak ko. “At siya?”

“Kasama ko,” mabilis kong sabi.

Nanlaki ang mata ng anak ko. “Wait—what? Manila?”

“Oo,” sagot ko. “Short-term lang.”

“Love, may liga ako,” reklamo niya. “May scouts. May...”

“May future ka,” putol ko. “At mas lalaki ang oportunidad mo roon.”

Napabuntong-hininga siya. “You really know how to corner me.”

“Mana sa’kin,” sagot ko.

Sa eroplano kinabukasan, nakatingin ako sa ulap, pilit na inaayos ang sarili kong paghinga.

Sa tabi ko, natutulog ang anak ko, suot ang headphones, mahigpit ang yakap sa backpack.

Hindi niya alam.

Hindi niya alam kung gaano kalaki ang panganib ng pagbabalik ko.

Hindi niya alam kung gaano kalapit ang mundong pilit kong iniiwasan.

At hindi niya alam na sa bawat kilometro na binabagtas namin, mas bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Love, bakit parang tense ka?” tanong niya nang makarating kami sa hotel sa Pasig.

“Work mode,” sagot ko.

“Work mode mo lagi,” sabi niya. “Kaya nga hindi ako sigurado kung mama ba kita o general.”

“Pareho,” sagot ko.

Ngumisi siya. “Scary.”

Kinabukasan, pumasok ako sa conference room ng law firm na nag-hire sa akin.

Limang senior partners ang naghihintay.

Nakatayo sila nang pumasok ako.

“Attorney Sandoval,” bungad ni Atty. Robles. “Thank you for coming.”

Umupo ako sa gitna. “Simulan na natin.”

Ibinukas niya ang folder at inilapag sa mesa ang mga dokumento.

“The accused is Vicente Aragon,” diretsong sabi niya. How can I forget? That's Nathan's dad. " And the defendant's lawyer is Nathan Aragon, who else."

Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako kumurap.

Hindi ako huminga.

“Former senator,” dagdag niya. “CEO of Aragon Holdings. Accused of corporate fraud, illegal arms trade, and murder.”

Naramdaman ko ang panlalamig ng mga daliri ko.

“Why am I only hearing this now?” tanong ko, mababa ang boses.

“Because we knew you might refuse,” sagot niya. “But this case requires someone who can dismantle him.”

Huminga ako nang malalim. “You should’ve told me.”

“Would it have changed your decision?” tanong niya.

Tumahimik ako.

Sa loob ng labingwalong taon, iniiwasan ko ang pangalang iyon.

At ngayon, inilatag ito sa harap ko na parang patalim.

“I will not back out,” sabi ko sa huli. “Pero malinaw sa akin ang kondisyon ko.”

“State it.”

“Ako ang may full control sa kaso,” sagot ko. “No interference. No political pressure.”

Nagkatinginan sila.

“Granted,” sagot ni Robles. “But be warned—he’s ruthless.”

Tumango ako. “So am I.”

Paglabas ko ng gusali, hinabol ko ang hininga ko.

Tumawag ang anak ko.

“Love, nasaan ka? May nakita akong court malapit dito. Gusto kong panoorin.”

“Stay in the hotel,” mabilis kong sagot. “Do not roam.”

“Lo—”

“Just do it,” mariin kong sabi.

Naputol ang tawag.

At sa unang pagkakataon sa loob ng labingwalong taon, naramdaman kong muli ang bigat ng pangalang Aragon sa buhay ko.

Sa unang araw ng hearing, puno ang courtroom.

Media.

Security.

Politicians.

Businessmen.

At sa gitna ng lahat, nakaupo siya.

Vicente Aragon. I've met him once sa family gathering nila before but not formally.And next to him...

Nathan Aragon.

Mas aroganre na ang awra.

Mas malamig ang mga mata.

Mas matigas ang tindig.

Ngunit sa isang iglap, nagtagpo ang mga mata namin.

At sa sandaling iyon, parang bumalik ang lahat.

“Attorney Sandoval,” sabi ng hukom. “Proceed.”

Tumayo ako.

Lumakad ako papunta sa gitna.

At habang ginagawa ko iyon, alam kong nagsisimula na naman ang digmaan.

“Do you deny all allegations?” tanong ko, diretsong tinitigan siya.

“Completely,” sagot niya, malamig. “And I will prove my innocence.”

Tumango ako. “We’ll see.”

Pagkatapos ng hearing, hinabol ako ni Nathan sa hallway.

“Georgina,” tawag niya.

Hindi ako tumigil.

“Georgina, wait.”

Huminto ako.

Huminga nang malalim.

At saka humarap.

“Attorney Aragon,” malamig kong sabi. “In court, you call me Attorney Sandoval.”

Nakita ko ang pagkirot sa mata niya.

“At sa labas?”

“Wala,” sagot ko. “Wala na.”

Lumapit siya ng isang hakbang. “I’ve been looking for you.”

“Then stop,” mariin kong sabi.

“Why?” tanong niya. “Why did you disappear?”

Ngumiti ako nang walang saya. “Because you gave me a reason.”

“Gina...”

“Do not,” putol ko. “This is professional. Nothing more.”

Tinitigan niya ako nang matagal.

“You've changed,” bigla niyang sabi.

Nanlamig ang likod ko.

“Excuse me?”

“Your eyes,” sagot niya. “They changed. Only the feirce look at the world that way.”

Humigpit ang hawak ko sa bag ko.

“You’re crossing a line,” mariin kong sabi.

“Gina, it's been so long” tanong niya. “Can we talk...”

“Enough,” singhal ko. “Ang susunod na tanong mo, sa korte mo na itatanong.”

Tumalikod ako at naglakad palayo.

Sa elevator, nanginginig ang tuhod ko.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil sa bigat ng lihim na unti-unting nanganganib mabunyag.

Pagdating ko sa hotel, sinalubong ako ng anak ko.

“Love, may lalaking naghahanap sa’yo kanina,” sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. “Sino?”

“Matangkad,” sagot niya. “Mukhang politician. Nakakatakot ang tingin.”

Nanigas ang buong katawan ko.

“At ano’ng sinabi mo?”

“Na wala ka,” sagot niya. “Pero sinabi niyang babalik siya.”

Humigpit ang hawak ko sa balikat ng anak ko.

“Makinig ka sa akin,” sabi ko, mariin. “Kapag bumalik siya, huwag mo siyang kakausapin. Huwag mo siyang papasukin. Huwag mo siyang titignan.”

“Love,” naguguluhang sabi niya, “ano ba’ng nangyayari?”

Huminga ako nang malalim.

At sa sandaling iyon, alam kong hindi ko na kayang pigilan ang paparating na banggaan ng nakaraan at kasalukuyan.

“Anak,” mahina kong sabi, “may mga laban na hindi natin puwedeng takasan.”

Tinitigan niya ako.

“At may mga laban na dapat harapin.”

Sa labas ng hotel, sa gitna ng gabi ng Pasig, naramdaman ko ang pagbabalik ng isang digmaang akala ko’y tapos na.

At sa loob ng dibdib ko, isang tanong ang paulit-ulit na tumitibok...

“Kapag nalaman mo na ang tungkol sa anak natin, hahayaan ba kitang maging bahagi ng buhay niya?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Death Orders Bear Her Name    4 Fatal Masquerade — Georgina POV)

    “Love, medium rare pa rin ba o gusto mo nang well-done ngayong nasa Manila tayo?” “Medium rare,” sagot ko agad, hindi inaalis ang tingin sa menu, kahit ramdam kong tinititigan na naman ako ng anak ko na parang may binabalak. “At huwag mo akong tingnan ng ganyan.” Ngumisi si Gian. “Kasi kapag stressed ka, bigla kang nagshi-shift sa well-done. Science ‘yan.” “Law ang inaaral mo, hindi science,” balik ko. “Multidisciplinary thinker,” sagot niya sabay kindat. Napailing ako. Nasa isang steak house kami sa BGC, tahimik pero classy, sapat ang ingay para matabunan ang mga usapan, sapat ang liwanag para makita mo ang bawat galaw ng kaharap mo. Pinili ko ang lugar na ito dahil malayo sa korte, malayo sa media, at akala ko...malayo sa mga alaala. Nagkamali ako. “Love,” bulong ni Gian, biglang tumigil sa paglalaro sa cellphone niya, “tumingin ka sa kanan.” “Bakit?” tanong ko, pero sinunod ko pa rin. At sa mismong sandaling iyon, parang may humila sa sikmura ko pababa. Nakatayo sa may s

  • Death Orders Bear Her Name    3 Returns as a Queen — Georgina POV

    “Love, late na naman ako sa training, may hearing ka na naman ba?” Huminto ang kamay ko sa pag-aayos ng kuwintas ko nang marinig ko ang boses ng anak ko mula sa hagdan. Tumango ako kahit hindi pa niya ako nakikita.Nakasanayan na niya akong tawaging Love mula noong ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa ama niya. He said he will fill me the love that his dad failed to give. “Oo Babe,” sagot ko, hinila ang blazer ko palapit sa katawan. “Dalawang arraignment at isang pre-trial. Bakit, aabsent ka na naman?” Lumabas siya sa kwarto niya, suot ang itim na hoodie at basketball shorts, basa pa ang buhok, halatang minadali ang paligo. Mas matangkad na siya sa akin ng halos isang ulo. Sa tuwing tinitingnan ko siya, parang may sumasaksak na alaala sa dibdib ko, mga bagay na pinili kong ibaon nang buhay. “Hindi,” sabi niya, sinabit ang bag sa balikat. “May scout. Kailangan kong magpakitang-gilas.” “Mag-ingat ka,” sagot ko, iniabot ang baon niyang packed lunch. “At huwag mong kalimutang kumain.”

  • Death Orders Bear Her Name    2 Vanishing Line — Georgina POV

    “I need the earliest flight to Davao.”Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ko habang nakatayo sa harap ng airline counter, nanginginig ang tuhod ko, nanginginig ang kamay ko, at halos hindi makatingin sa mata ng babaeng kausap ko.“Ma’am, may 2:40 a.m. flight po,” sagot niya. “Last seat na po iyon.”“Kunin ko,” mabilis kong sabi. “Now.”May ilang segundo siyang nag-type. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko sa tenga ko, parang countdown ng pagkalunod.“Confirmed na po. Boarding pass?”Inilapag ko ang ID ko sa counter. Hindi ko na inisip ang presyo. Hindi ko na inisip ang bukas. Ang alam ko lang, kailangan kong umalis.Ngayon.Sa loob ng airport lounge, mag-isa akong nakaupo, hawak ang maliit na maleta at ang shoulder bag na laman ang mga mahahalagang bagay gaya ng sonography image ng anak ko.Hindi ako umiyak. Wala na akong luha.Pero bawat segundo, parang may kumakaskas sa loob ng dibdib ko.Sa screen ng cellphone ko, may ninety eight missed calls.fifty three messages.Lahat gal

  • Death Orders Bear Her Name    1 Unsaid Promises — Georgina POV

    “Buksan mo na, Nate… may surprise ako.”Tahimik ang hallway ng private lounge ng hotel, pero ramdam ko ang bass ng tugtog mula sa ballroom sa ibaba...parang tibok ng dibdib ko, mabilis, sabik, puno ng pangako. Nakahawak ako sa maliit na sobre sa loob ng clutch ko, halos madurog sa higpit ng kapit ko. Isang pirasong papel lang ‘yon, pero buo nitong binabago ang mundo ko.Ang anak namin.Huminga ako nang malalim, saka muling kumatok. Walang sagot. Napangiti pa ako, iniisip na baka nagbibihis siya o nag-aayos ng huling detalye para sa graduation ball naming dalawa. Latin honors kaming pareho. Ilang taon naming pinaghirapan ang gabing ito. Ilang gabing puyat, luha, sakripisyo at pangarap.“Nate?” mahina kong tawag, sabay tulak sa pintong bahagyang nakabukas.At doon, sa isang iglap na parang sinadyang durugin ang lahat ng inipon kong tapang, nakita ko sila.Hindi ko agad naintindihan ang eksena. Ang una kong napansin ay ang salamin sa dingding na nagbalik ng repleksyon ng dalawang aninong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status