LOGIN“Sir, nakuha na namin ang enhancement mula sa server ng hotel, pero kailangan niyo itong makita nang personal dahil may isang anggulo na hindi napansin ng mga pulis noong una,” bungad sa akin ni Steve pagkapasok ko pa lang ng opisina.Hindi ko tinanggal ang suot kong coat. Dire-diretso ako sa harap ng monitor niya. Ramdam ko ang pait sa lalamunan ko, ang klase ng pagod na hindi nakukuha sa tulog. Ilang gabi na akong hindi dinadalaw ng antok dahil sa bawat pikit ko, ang mukha ni Georgina na punong-puno ng pagdududa ang nakikita ko. Kailangan kong matapos ito. Kailangan kong patunayan sa kanya na hindi ako ang kalaban.“I-play mo,” utos ko. Ang boses ko ay parang bakal na kinalawang sa tigas.Sa screen, lumabas ang malabo at magulong eksena ng charity gala. Iyon ang gabing sinasabi ni Nathalie na hinalay ko siya, ang gabing naging mitsa ng pagguho ng dangal ko sa harap ng publiko. Nakita ko ang sarili ko sa video, nakatayo malapit sa bar, kausap ang ilang board members. At nandoon si Na
“Bakit mo ako iniiwasan, Nathan?”Hindi siya agad sumagot. Nakita ko lang kung paano niya hinigpitan ang hawak sa doorknob ng office niya bago niya tuluyang isara ang pinto sa likod ko. Ako ang nauna pumasok. Ako ang nagdesisyon na hindi na ako maghihintay sa kanya.Humakbang siya papasok, diretso ang lakad, walang kahit anong pag-aalinlangan sa galaw niya. Pero hindi niya ako tiningnan agad. Parang ako ang pinaka-ayaw niyang makita ngayon.Ngumiti ako. Hindi dahil masaya ako. Dahil kailangan.“Busy ka?” tanong ko, nilalapag ko ang bag ko sa mesa niya. “Or busy ka lang umiwas sa’kin?”Napahinto siya. Dahan dahan siyang humarap.“Anong kailangan mo, Nathalie.”Diretso. Walang lambing. Walang kahit konting bakas ng dating Nathan na kaya akong hawakan na parang ako lang ang gusto niya sa mundo.Nilapitan ko siya. Hindi ako nagmadali. Gusto kong makita niya bawat hakbang ko.“Kailangan kita,” sagot ko. “You’re my lawyer. Or nakalimutan mo na?”“Gi
“Magsasalita ka… o ako ang magsasalita para sa’yo.”Hindi ako umupo. Nakatayo lang ako sa harap niya habang nakatali ang tingin niya sa sahig, parang doon niya hinahanap ang sagot na wala naman doon.Basang pawis ang noo niya. Hindi dahil mainit, kundi dahil alam niyang tapos na ang takbuhan niya.“Hindi ko alam ang sinasabi mo, ma’am,” pilit niyang sagot, nanginginig ang boses.Ngumisi ako nang bahagya. Hindi masaya. Parang may hinihintay lang akong mali niya.“Yan na ba ang script mo?” tanong ko. “O may mas convincing ka pa diyan?”Hindi siya sumagot. Hindi rin siya tumingin sa akin. Yung katahimikan niya hindi payapa. Mabigat, parang may pinipigilan siyang sumabog sa loob.Lumapit ako ng isang hakbang.Napaatras siya agad sa upuan niya.“Relax,” sabi ko, malamig. “Hindi kita sasaktan.”Hindi ako nagsisinungaling.Hindi ko siya sasaktan.Pero hindi ibig sabihin nun ligtas siya.“Bakit mo ako pinapunta dito?” tanong niya, mas mabi
“File mo na ngayon, Steve, wala nang atrasan.”Hindi ako umupo. Nakapako lang ang tingin ko sa tablet habang naglalaro ang CCTV clip na pinasa ng investigator. Yung waiter. Yung kamay niya. Yung sandaling halos hindi mapansin ng normal na tao.Pero nakita ko.At hindi na ako titigil.“Sir… sigurado ba tayo?” mahina pero kinakabahan ang boses ni Steve habang hawak ang mga papeles. “Kapag sinimulan natin ‘to, lalabas lahat. Even… even Nathalie’s connections.”Lumapit ako sa mesa. Kinuha ko ang folder sa kamay niya at binuksan. Nandun lahat ng kailangan ko. Financial traces, preliminary findings, at request draft.Hindi ko siya tiningnan agad.“Akala mo ba hindi ko alam?” mababa kong sagot. “Akala mo ba hindi ko nakikita kung gaano kalalim ‘to?”Tumahimik siya. Hindi dahil wala siyang sasabihin, kundi dahil alam niyang mali ang timing niya.I slammed the folder shut.“Mas gusto ko nang masunog ang lahat kaysa manatili sa kasinungalingan.”Nap
“Sino ang naghahanap sa kanya?”Hindi ko naitago ang diin sa boses ko habang hawak ko ang phone ko, nakatingin sa lalaki sa harap ko. Naka upo siya sa couch, relaxed ang postura pero hindi tugma sa sinabi niya.“May gumagalaw na team,” sagot niya. “Hindi random.”Tumayo ako agad. “Pangalan.”Umiling siya. “Hindi pa confirmed.”Napahigpit ang hawak ko sa phone. “Hindi sapat yan.”“Pero may pattern,” dagdag niya. “Legal background. Organized. Hindi amateur.”Naramdaman ko ang pag init ng ulo ko.Nathan.Hindi niya sinabi, pero alam ko.“Si Nathan,” diretsahan kong sabi.Hindi siya sumagot agad. Pero yung tingin niya, sapat na.Napatawa ako nang maikli, pero walang saya. “Of course.”Lumakad ako papunta sa bintana, pinilit kong ayusin ang paghinga ko. Sa labas, normal ang galaw ng mundo. Mga sasakyan, mga ilaw, parang walang nangyayari.Pero sa loob ko, may mali.“Akala ko kontrolado na natin,” sabi ko.“Kontrolado mo siya
“Kung hindi ka magsisinungaling… tutulungan kita.”Pagkasabi ko nun, hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya.Nakatayo si Georgina sa tapat ko, ilang hakbang lang ang pagitan namin, pero parang may invisible na pader sa gitna. Hindi siya gumagalaw. Hindi rin siya nagsasalita agad. Yung mata niya, steady lang sa akin, pero kita ko yung tension sa jaw niya. Nakakuyom yung kamay niya sa side, parang pinipigilan ang sarili.Huminga siya nang mabigat, saka bahagyang ngumisi na walang warmth.“Akala mo ganun lang kadali?” malamig niyang sagot.Tumaas ang isang kilay ko. “Hindi naman kita pinipilit. Option mo ‘yan.”“Option?” natawa siya, pero walang saya. “Nathan, buong buhay ko ginugol ko para hindi ako umasa sa’yo.”Lumapit ako ng isang hakbang. “Hindi kita hinihingan ng tiwala. Kailangan ko lang ng totoo.”Bigla siyang napahigpit ang hawak sa folder na dala niya. Kita ko yung paggalaw ng lalamunan niya habang nilulunok yung sasabihin niya.“Alam mo
“He’s watching everything.”Sabi ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang baso ng champagne, ang bawat kalabit ng aking daliri sa salamin parang alarm. Ramdam ko sa dibdib ko ang excitement at paranoia—halos sabay-sabay. Alam ko na hindi ito basta coincidence. Alam kong unti-unti nang natutukla
“Huwag kang gagalaw, Torres—dito na matatapos ang lahat!”Sumabog ang boses ko sa loob ng abandoned corporate building habang humahabol ang hininga ko, pawis at dugo ang naglalaban sa balat ko. Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko mula sa huling putok ng baril, pero hindi ako umatras. Hindi nga
“Your honor, bago po tayo magpatuloy, malinaw kong ilalagay sa record: ang kasong ito ay hindi tungkol sa personal na galit—ito ay tungkol sa sistematikong pandarambong at paglapastangan sa batas.”Tumahimik ang courtroom.Ramdam ko ang paggalaw ng hangin, ang sabay-sabay na paghinto ng paghinga ng
“Your honor, what she doesn’t know.."“—na kung pag-uusapan ang character, dapat handa rin siyang harapin ang sarili niyang kasalanan,” tuloy-tuloy kong sabi, malinaw at walang pag-aatubili.Umalingawngaw ang bulungan sa loob ng courtroom.Naririnig ko ang pagkaluskos ng mga papel, ang paggalaw ng







