Share

12

=AZRAEL's POV=

 

 

Palipat-lipat ang tingin ko sa apat na lalaki at dalawang babae na nakapalibot sa akin. Ang aangas nila na parang mga nasa aksyon na palabas. Nakaupo ako sa sofa na parang bibitayin habang tinitingnan nila isa-isa. Tatlo sa kanila ay namumukhaan ko dahil sila ýong bumili sa akin kanina sa crossing at nasalubong ko pa sa baba kanina. Gusto ko magtanong pero hindi ako makapagsalita.

 

Ano naman kasalanan ko sa mga 'to?

 

Babawiin ba nila ang isanlibo na binigay nila kanina?

 

Nakita ko si miss byutipol kasama ang isang lalaki at isang babae sa hindi kalayuan na masinsinan na nag-uusap. Gusto ko na tuloy kumaripas ng takbo dahil hindi ako alam bakit ako nandito.

 

 

Busy ako sa pamimigay ng packlunch sa mga suki namin dito nang bigla akong napatingin sa isang pintuan. Malaking salamin siya na nakaharap dito sa mga .

 

"Ate Myrn, ano meron diyan?" tanong ko dahil mukhang malaking opisina ang meron loob. Parang bigatin ang nasa loob.

 

"Opisina yan ni miss Gabriela Riggs, may-ari ng building na 'to." Tumango-tango ako dahil sa sinabi niya. Ang swerte talaga ng mga anak mayaman, tapos ganito pa kalaki ang negosyo.

 

"Nandyan ba siya?" tanong ko saka sumilip pero hindi ko makita kung anong meron sa loob.

 

"Hindi ko alam eh, iba kasi ang daanan niyan, may ibang elevator direkta diyan, ýan pintuan na yan ay para lang dito kapag may kailangan siya sa amin at bihira lang madaanan." 

 

"Ah!" Aalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at may lumabas na isang lalaki na medyo kaedad ko lang din.

 

"Hoy ikaw." Turo niya sa akin kaya napaturo na rin ako sa sarili ko. "Oo, ikaw na namimigay ng pagkain, halika ka rito," tawag niya sa akin.

 

"May problema po ba Mr. Nathaniel Lewis?" tanong ni ate Myrna kaya napatingin ako sa kanya.

 

"Wala naman, gusto lang siyang maka-usap dito sa loob," sagot nang lalaki sa akin. "Bilisan mo, masama pinaghihintay mga kasama ko."

 

Nag-alangan akong lumapit sa kanya pero wala akong nagawa. Nang mapatapat ako sa pintuan ay mabilis niya akong hinila at nakita ko agad ang mga kasama niya sa loob. Dinala ako nang lalaking 'to sa isang sofa at dito pina-upo.

 

"Te-----"

 

"Shh!" senenyasan niya akong wag maingay at isa-isa na naglapitan ang mga kasama niya sa akin.

 

 

"This is insane," sabi nang babaeng mukhang maarte na kanina ay tinawag na stupid ang turon. Akala niya hindi ko siya natatandaan sa kaartehan niya. "Seriously Pen?" dugtong niya pero hindi ko alam kung sino ang kausap niya.

 

"Master, hindi naman sa pang-aano, pero------" Hindi natapos nang driver kanina na nagbigay ng isanlibo sa akin ang sasabihin niya nang tingnan siya ng masama ni mis byutipol. "Sabi ko saýo anghel wag na tayo na magtanong eh, si anghel kasi gusto pa magtanong."

 

"Namu, nandamay ka pa," sabi naman noong katabi niya kanina sa sasakyan.

 

"Are you sure about this guy, Alexa?" tanong ng isa pa'ng babae na medyo maangas.

 

Teka ako ba pinag-uusapan nila?

 

"Saglit lang ho ha, mga ginoo at binibini, may ginawa ho ba akong karumaldumal at ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong ko pero walang isa man sa kanila ang sumagot.

 

"Leave us all," Utos ni miss byutipol sa kanila.

 

Nakakapagtaka na isa-isang silang umalis. Pati na rin ang dalawang kausap ni misbyutipol. Siya kaya may-ari nitong building at kakausapin niya na ako para wag na magtinda dito sa loob?

 

Sabagay, nakakasira naman talaga sa paligid. Ang sosyal ng building tapos putcho-putcho na pakalat-kalat lang ang magdala ng pagkain samantalang may canteen naman sa baba.

 

Nang maka-alis ang lahat ay hindi agad gumalaw si misbyutipol. Nakatitig lang siya sa akin at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

 

"M-miss byutipol may ginawa ba akong masama?" tanong ko. Pero imbes na sumagot ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin at umupo katapat ko. 

 

Biglang kumabog ang puso ko nang pagkalakas-lakas na akala mo may fiesta sa tambulan nang maka-eye to eye ko siya. Sa tingin pa lang niya para na akong ginapangan ng kuryente sa katawan at hindi ko maipaliwanag kong bakit.

 

"My name is Alexa Lestrange, and you are?" tanong niya sa akin. Lestrange? Ibig sabihin hindi siya may-ari ng building.

 

Pero teka nga, Lestrange? university ýon na pinapasukan ni bebelabs.

 

"Azrael, Azrael Russel," pakilala ko sa kanya at inabot ko ang kamay ko sa kanya na kinuha rin niya. 

 

Teka, ano ýong naramdaman ko na parang gumapang sa kamay ko paakyat sa dibdib sabay lakas ng kabog ko.

 

Tss! Ano ba kasing meron at bakit niya ako kinaka-usap?

 

"Nice name," pagkasabi niya noon ay pakiramdam ko nagtalunan lahat ng bituka ko na hindi ko alam kung bakit. Para silang mga naghihilaban o nagliliparan o parang gustong magdisco sa harap.

 

"Salamat,"

 

"I will offer twenty million peso, cash, just marry me." Literal na dumulas sa upuan ang puwet ko dahil sa sinabi niya kaya nalaglag ako. Sinamaan naman niya ako nang tingin nang dahan-dahan akong tumayo. "Are you nuts?" tanong niya at aktong hahawakan ako para aalalayan pero agad akong napa-iwas nang makaramdam ulit ako ng kuryente sa kamay niya. 

 

"T-teka miss byutipol, alam kong gwapo ako, pero wala naman sapilitan na kasalan dito. Nagtinda lang ako ng ulam, aalukin mo na agad ako ng kasal," sabi ko saka dahan-dahan na tumayo at bumalik sa kina-uupuan ko.

 

"Ten million before the wedding, and ten million after, no string attached just marry me and let me used your surname." Adik ba 'tong babaeng 'to? Totoo pala talaga na nag-da-drugs ang mga mayayaman at hindi na nila alam paano gastusin ang pera nila. Buti na lang at hindi ako mayaman.

 

"Ang bilis mo naman miss byutipol, pero pasensya na dahil hindi ko kailangan ng pera mo. Napasarap ka ba sa turon na binenta ko kanina kaya gusto mo akong maging asawa? Wag ka mag-alala bibigyan na lang kita lagi ng marami noon." Malaking halaga rin naman ang biente milyones para mai-ahon ko ang mommy at daddy ko pero hindi ko ibebenta ang pagkalalaki ko sa babae na hindi ko kilala kahit pa maganda at sexy siya.

 

Hindi pa ako kasing desperado niya.

 

Sayang, ang ganda pa naman niya kaso mukhang kulang sa love at bumibili na lang ng mapapangawasa. Wala ba nagmamahal dito at naghahanap ng love sa iba?

 

"Are you rejecting me?" Hala, bakit parang galit siya? Bakit parang kasalanan ko na ayaw ko sa kanya.

 

"H-huh?" saka bakit ba ako kinakabahan sa kanya? "K-kasi may b-bebelabs na ako."

 

"Bebelabs?" Nakatiim-bagang niyang tanong. Teka, mas galit ba siya kaysa kanina? Tapos namumula na siya. Hindi kaya stalker ko siya? Iligtas niyo po ako panginoon sa babaeng ito.

 

"B-bebelabs, n-nililigawan ko." Bakit ba ako nauutal? wala naman akong kasalanan sa kanya ah! siya nga 'to may kasalanan sa akin dahil inaalok niya ako ng pera.

 

"Fuck," dinig kong mura niya pero bakit ang cute pakinggan at ang angas niya tingnan.

 

"Pasensya ka na misbyutipol, sa iba mo na lang ialay ýang pag-ibig at pera mo kasi may bebelabs na ako."

 

Bigla akong napaatras nang mabilis siyang tumayo at ngayon ay nasa harap ko na. Yong kamay niya naka-tukod sa sandalan ng sofa habang nakadungaw sa akin.

 

"A-nong b-binabalak mo?" Ang lakas ng tugudug ng puso ko nang magkatapat na ang mukha namin. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman siya nakakatako. Pero pakiramdam ko nanlalamig ang buo kong katawan at hindi ako makagalaw. 

 

"This,"

 

Nakita ko siyang ngumisi at hindi ko akalain ang sumunod niyang ginawa.

 

"A-anong?" Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya na hindi ko inaasahan.

 

Hinalikan niya ako?

 

Ang first kiss ko?

 

At sa labi pa talaga kung saan ang lambot ng labin niya at ang tamis pa.

 

MOMMY!

 

"WAH!" 

 

"Fuck!" bulong niya at agad na umatras. "Whats wrong with you?!" sigaw niya pabalik habang nakahawak sa tenga.

 

"Bakit mo ninakaw ang first kiss ko? wahhhhh, mommmyyyyy!" sigaw ko sabay yakap sa sarili.

 

"Stupid," 

 

"Isusumbong kita sa mommy ko, hinalikan mo ako." Napahawak naman siya sa noo habang nakapisil sa magkabilang sentido ang hinlalaki at middle finger.

 

"Stop talking nonsense," 

 

"Anong nonsense? Hinalikan mo ako at big deal ýon, kababae mong tao manyakis ka." 

 

"What the fuck are you saying?" Diyos ko, iligtas niyo po ako sa manyakis na babaeng 'to.

 

"Akala ko si Rav lang ang manyakis na makikilala ko sa buong buhay ko. Meron pa pala at babae pa." Sinamaan ko siya ng tingin habang naka-usli ang labi.

 

"Fuck, hindi ako manyakis for fuck sake."

 

"Eh bakit mo ako hinalikan?" Napakapit ako sa sofa at naghahanap nang maatrasan nang ilapit niya ulit sa akin ang mukha. Nakatingin siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung anong meron doon dahil ayaw ng mawala ng paningin ko. Ang ganda ng mata niya kahit may halo-halong emosyon akong nakikita.

 

"I kissed you, because I like you." Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ulit ang halik niya. Ngayon ay may diin pero may kasama ng lambing. Higit sa lahat ang lambot ng labi niya.

 

"Marry me, or I will kill you, Azrael,"

 

"No way, kahit maganda ka, sexy at malambot ang labi, hindi kita pakakasalan, manyak."

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status