Share

15

=JOHN PAUL's POV=

 

 

"'tol," sabay namin sabi ni Gabriel at sabay na nagkatinginan.

 

"Sige, ikaw na," sabi niya.

 

"Ikaw na 'tol, baka mas maganda yang naisip mo kaysa sa naisip ko." Baka lang kasi mas ok ang naiisip niya kaysa sa naisip ko. 

 

"Tungkol 'to doon sa sinabi noong Azrael 'tol, hinalikan daw siya ni master at sinabihan na gusto siya." Akala ko ako lang nakaisip noon. Ang totoo ay iyon din ang gumugulo sa akin kanina pa kaya tahimik ako simula noong lumayas kami sa pad ni master.

 

Nandito kami sa isang executive room ng Lestrange hotel. Dito kami pinatambay ni master habang sila naman noong Azrael sa isang VIP room na para lang kay master. 

 

"Ýon din iniisip ko 'tol, hindi kaya-----" Tiningnan ko si Gabriel na ngayon nakatitig ay din sa akin. Pvta! ang akward ng titigan, nakakadiri.

 

"Inlab si master 'tol," sagot niya.

 

"Masama 'to," nasabi ko na lang saka napasipol.

 

Tatlong taon na rin single si master at hindi maganda ang naging karanasan niya sa peyrslab niya na nagdala ng gulo sa buhay niya. Hindi lang sa buhay niya kundi pati halos sa buong Shadow.

 

Magkababata kaming lahat at halos magka-edad lang. Bata pa lang kami ay magkakasama na kami dahil nga ang mga magulang namin ay pare-pareho nagsisilbi sa Shadow. Masayahin si master noong bata pa at palatawa dahil laging nakasuporta ang mama niya sa kanya. Kahit gumagalaw sa Shadow ay pinalaki si master ng mama niya sa normal na buhay. 

 

Bata pa lang si master nang mangyari ang isang aksidente na tumapos sa mga buhay ng magulang namin. Habang papunta kami sa bahay nila galing sa skwelahan ay tinambangan kami na naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang namin. Nasa iisang sasakyan kaming mga bata habang ang mga magulang namin ay magkakaiba ng sasakyan. Kasama ko sina Nath, Zion, master, ako  sa loob ng kotse nila master. Babarilin din sana si Zion noon pero sinangga ni master ang bala para kay Zion. Lahat kami ay may tama at nawalan ng malay maliban kay Zion. 

 

Na-comatose si master at akala namin hindi na siya makakaligtas dahil bata pa siya noon. Pero milagro ang nangyari dahil nabuhay siya at siya lang ang nakaligtas dahil ang mga magulang namin ay sabay-sabay na namatay. Mula noon ay nawala na sa kanya ang saya. Hindi na siya sumasama sa amin, hindi nakikipaglaro at puro training na lang ginagawa niya. Gusto niya maging malakas at balikan ang pumatay sa mga magulang niya.

 

Pero nabago lahat ýon nang makilala niya ang hayop at pvnyetang Jacob na ýon. Ang lalaking unang minahal ni master. Lahat ng pagmamahal ay pinakita niya kay master. Hindi niya sinukuan si master hanggang sa nakuha niya ang puso ni master. Naging masaya ulit si master, ang ngiti at saya na sampung taon nawala sa kanya ay nagbalik. Inalok pa ng gago ng kasal si master. 

 

Pero ang tarantado ay hindi sumipot sa araw ng kasal at nalaman na lang namin na anak pala ang hinayupak ng kalaban na siyang pumatay sa magulang ni master. Kaya pala hindi nakasipot dahil nabalaan na ni Penelope ang tarantado. Matagal na palang alam ni Pen ang lahat pero hindi lang siya kumikibo dahil hinayaan niya si master ang makadiskubre. Pero dahil nabulag si master sa pagmamahal, umabot pa sa araw ng kasal bago niya nalaman ang totoo.

 

Dalawang taon na minahal at sinamba ni master ang hayop na ýon kaya simula nang maghiwalay sila ay nagbago ulit si master. Kung anong ipinagbago niya nang mamatay ang magulang niya ay naging triple pa ito. Mas naging mailap siya sa lahat. Kung pwede nga lang siguro pati kami itakwil niya ay ginawa na niya.

 

Kaya naging goal ni master na kailangan makuha niya ang trono ng Shadow. Dahil oras na mangyari ýon, una niyang ibabagsak ang grupo nang sira-ulong ýon na napag-alaman niyang inupuan na pala ng tarantado ang pagiging pinuno. Pinalabas nila na nagawa nilang paasahin si master, ang heiress ng Shadow na hindi sinipot sa araw ng kasal.

 

Which is, may katotoohanan dahil napaasa nga niya si master. Pero hindi sa parte na kagustuhan niya kundi dahil binalaan siya ni Penelope.

 

Ewan ko din ba sa babaeng ýon, bakit hindi na lang itumba ang hayop na ýon.

 

"'tol,"

 

"Pvtang ina!" Mabilis kong tinulak si Gabriel na napasalampak sa sahig. Gago kasi ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

 

"Tang-ina mo ah!" sigaw niya habang tumatayo.

 

"Gago ka kasi, may balak ka pang manyakin ako." 

 

"Gago! kapal ng mukha mo, ikaw lang naman may pagnanasa sa akin binabaliktad mo pa ako." Nakaupo na siya ngayon sa sofa na katapat ko. "Ano ba kasi iniisip mo kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot?" dugtong niya.

 

"Ini-isip ko ýong Azrael 'tol, baka tinamaan na si master doon." 

 

"Anong masama, mas ok nga yon dahil magbabago na si master."

 

"Ok sana, pero paano kung banta din pala ang isang ýon. 'Di ba nga ilang beses natin siyang nakita noong araw na may meeting si master Damon?" Nakita ko na napatigil si anghel sa pag-inom, saka tumingin sa akin.

 

"Pa-imbestigahan natin?" tanong niya sa akin.

 

"Don't dare." Nagulat kami nang magkasabay na pumasok sina Hades at Penelope. 

 

"Napa-imbestigan mo na?" tanong ko.

 

"Minamaliit mo ako?" Lumunok na lang ako nang magsalubong ang tingin namin. Kalma JP at baka mauna sa purgatoryo.

 

"Sabi ko nga, wag na kami mangi-alam." Syete, talagang mga tingin ýan parang laging nagbabanta ng die or live?

 

"Where are they?" tanong ni Hades saka tumingin sa paligid.

 

"Sino?" Sino ba kasing they hinahanap niya? ang daming wala sa mga kasama namin.

 

"Tss, Alexa and that guy." Hindi kasi nililinaw tapos kasalanan pa namin ngayon na hindi namin matumbok sino hinahanap niya.

 

"Nasa VIP, gumagawa ng baby." Kinikilig na sagot ni anghel pero agad napatakbo sa likod ng sofa nang makarinig kami ng putok ng baril.

 

"Sino ýon?" Pati ako napadampot sa baril ko na nasa ibabaw ng lamesa. Buti na lang bulletproof at soundproof ang building na 'to. Pero agad ko din ibinalik sa lamesa ang baril at ngumiti. "Hehe, master ikaw pala," bati ko kay master.

 

"Come out Riggs or I will shoot your head." Nagpigil ako ng tawa dahil nakita ko si anghel na nakataas ang kamay. Matutuluyan ka talagang maging anghel Gabriel pag tinamaan ka ng forbidden bullet ni master.

 

"master, hehehe." Parang tanga ang isang 'to. Kanina lang ang yabang ng upo na akala mo hari.

 

"What did you say earlier?" tanong ni master pero tumingin sa akin si gago.

 

"Huh? alin sinabi ko master? Yong nasa VIP ka, sinagot ko lang tanong ni Hades kung nasaan ka." Patay malisya na sabi ni gago. Sabagay, kaming tatlo rin naman ay natuto na rin sa ganyan teknik na inumpisahan ni Gabriel, ang magpatay-malisya kung ayaw madisgrasya. Siya talaga pinuno sa lahat ng kalokohan at pagkukunwari.

 

"You did it?" tanong ni Pen kay master. 

 

"Yup," sagot ni master habang nakangiti saka hinagis ang baril sa lamesa na inagapan ni anghel na wag malaglag dahil nag-slide.

 

Gusto ko na talagang sampalin ang sarili ko para malaman kung totoo ba ang nakita kong pag-ngiti ni master. "Both of you, go to other room and bring Azrael in bed." Nakatingin siya sa amin ni anghel, sulyap lang pala hindi literal na tingin.

 

Pero teka, tinawag niya ýong lalaking ýon sa pangalan niya? At may spark sa mata habang binabanggit ang pangalang Azrael.

 

"Areglado master," sagot ni anghel at agad na kumaripas ng takbo. Sira ulo talaga.

 

"May ipag-uutos ka pa ba, master?" tanong ko bago sumunod kay anghel pero tumingin muna siya kina Penelope at Hades bago sumagot na nagpalaki ng mata ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status