=JOHN PAUL's POV="'tol," sabay namin sabi ni Gabriel at sabay na nagkatinginan."Sige, ikaw na," sabi niya."Ikaw na 'tol, baka mas maganda yang naisip mo kaysa sa naisip ko." Baka lang kasi mas ok ang naiisip niya kaysa sa naisip ko."Tungkol 'to doon sa sinabi noong Azrael 'tol, hinalikan daw siya ni master at sinabihan na gusto siya." Akala ko ako lang nakaisip noon. Ang totoo ay iyon din ang gumugulo sa akin kanina pa kaya tahimik ako simula noong lumayas kami sa pad ni master.Nandito kami sa isang executive room ng Lestrange hotel. Dito kami pinatambay ni master habang sila naman noong Azrael sa isang VIP room na para lang kay master.
=AZRAEL's POV= Dahan-dahan akong bumangon saka napahawak sa ulo kong kumikirot sa sobrang sakit. Parang mabibiyak ang ulo ko at pumipintig na hindi ko alam kung bakit. Nangangasim ang sikmura na para akong nasusuka pero mas nangingibaw sa akin ang sakit ng ulo ko. Sinapo ko ang ulo ko habang nakayuko. "Mommy," mahina kong tawag kay mommy pero wala akong narinig na sagot. "Mommy!" sigaw ko saka nag-angat ng tingin pero napansin kong iba ang kama na hinihigaan ko. Napansin ko rin na iba ang bintana at kurtina higit sa lahat iba ang kumot na nakabalot sa akin. Wala akong maalala sa nangyari sa akin kagabi at hindi ko alam kung nasaan ako. 'ah baka nasa panaginip ako.' "Did you sleep well?" Nagulat ako nang makarinig ako n
=AZRAEL's POV=Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng kwarto dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ano kaya kung mag-file ako ng kaso sa kanya dahil pinikot niya ako. Kaso,kung mawalan ng bisa ang kasal namin dahil niloko niya ako, ay paano naman ang nangyari sa amin?WahhhAnong gagawin ko?Kung tutuusin, siya pa rin agrabyado sa aming dalawa. Iniisip ko pa lang kung paano na lang kung mabuntis siya tapos maghihiwalay kami paano ang baby namin na paniguradong cute ang lahi dahil guapo ako at maganda siya. Naks! Pwede!Pero teka lang bakit ba ýon ang iniisip ko?Nagdadalawang isip pa rin ako kung lalabas
=JOHN PAUL's POV=Tahimik si Azrael sa likod ng van at mukhang malalim ang iniisip. Naririnig din namin siya na panay ang buntong hininga. Iniisip kaya niya kung ano talaga ang nangyari?Malas niya dahil wala siyang maiisip dahil wala naman talagang nangyari. Pero dahil ayaw pa namin mamatay at gusto namin ng happy ending, syempre hindi namin sasabihin. Ganito kasi yan."May ipag-uutos ka pa master?" Nakangiti kong tanong kay master Alexa dahil ang gagong anghel tumakbo na."Undress him, fully naked." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni master dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko."Hey, do you hear me Ross?" Pero mas hindi ako makap
=BETHANY's POV= "What?" Sabay-sabay namin tanong nina Nath, Zion at Gabriela nang ibalita sa amin ni Penelope na kasal na si Alexa sa lalaking nagtitinda ng pagkain. Like what the hell did she do para mapapayag ang lalaking ýon? Eh sa hitsura noon, kahit kumain ng asin gagawin noon wag lang siyang pilitin sa ayaw niya. Did she offer a billion? Ganoon ba siya ka-eager na mapasagot ýon? And why the fvck is him? Pwede naman isa sa VIP ang pakasalan niya at for sure mapapasunod pa niya. May pagkabobo rin 'to mag-isip minsan si Alexa eh. "Narinig niyo na 'di ba? Uulitin pa ba ni Penelope ang sasabihin niya?" Tiningnan k
=AZRAEL's POV= Kalmadong naka-upo sina Alexa at ang dalawa niyang kaibigan na sina Hades at Penelope katapat nang pwesto namin nina mommy at daddy. Kakarating lang nila at pare-parehong tahimik. Tunog lang ng electric fan at ingay sa labas ng bahay ang maririnig dito. Nakita ko na medyo hindi komportable sina mommy at daddy dahil mukhang kanina pa sila asiwa. Hindi ko sila masisi dahilperstaym namin makisalumuha sa mga totoong mayayaman.
=SETH's POV="Alam mo na ba ang balita?" tanong ko kay Jacob saka tinira ang dart na tumama sa gitna sabay upo sa lamesa ng bilyaran at muling nagpakawala ng isang dart."What news?" tanong niya pabalik pero hindi nakatingin sa akin kundi sa laptop."Alexa is married." Mabilis niyang sinara ang laptop at matalim akong tiningnan. Iyong titig na para akong lalamunin ng buhay."Stop making fun of me, or I will kill right away.""I'm not, you can ask your goons."
"Matutulog na kami, Sab." Pero hindi siya nakinig at pumasok pa rin siya sa loob at agad na umupo sa tabi ko. "Anong nangyari, kailan mo pa ako niloloko?" tanong niya at nakita ko ang pamumula ng mata niya. "Hindi kita niloko Sab, ang totoo niyan---" bumuntong hininga muna ako. Kailangan ko sabihin sa kanya ang totoo, pasensya na Alexa pero kailangan kong magpaka-honest ngayon, total ikaw rin naman makakasama ko. "----napikot ako." "Ano?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Nalasing ako at nagising na magkatabi kami sa kama kaya wala akong choice kundi pakasalan siya sa mismong araw na ýon dahil kailangan ko siyang panagutan." Binaliktad ko na lang ang sitwasyon para hindi na siya manguli