Share

Deck Of Cards (Filipino)
Deck Of Cards (Filipino)
Author: Red Auza

PROLOGO

Isa lang naman ang gusto kong mangyari sa buhay. Ang mai-ahon ang pamilya ko sa kahirapan kaya lahat ay ginagawa ko. Kasama na doon ang magbenta nang kung anu-ano sa kalsada at hindi ko iyon ikinakahiya dahil mabuti naman ang aking ginagawa.

Sabi nila maswerte daw ako dahil nag-iisang anak ko.

Oo, maswerte talaga ako kasi mahal na mahal ako ng magulang ko. Kahit hindi kami mayaman ay busog ako sa pagmamahal at pangaral.

Pero hindi ko akalain na mababago ang takbo ng buhay ko at mapapasok ako sa isang gulo nang alukin ako ng isang babae’ng maganda, mayaman, at sexy na pakasalan siya.

Maganda nga, kaso mukhang may sayad dahil babayaran daw niya ako ng sampung milyon para lang maging asawa.

Ano akala niya sa akin, easy to get?

Alam ko na guapo ako pero hindi ako marupok.

Kahit gusto kong i-ahon ang pamilya ko sa hirap ay hindi ko pa rin ipagbibili ang pagmamahal ko.

Pero---

Pero---

Kasi---

Nagulat ako sa ginawa niya.

Hinalikan niya ang aking birhen na mga labi.

“I love you, so marry me or else I will kill you.” Tanda ko pa ang sinabi niyang ýan.

Hindi naman ako natatakot na patayin niya ako kasya naman pakasalan ko siya na hindi ko naman siya gusto.

Pero hindi ko akalain na magiging marupok ako nang magising ako sa kama kasama ang babaeng iýon. Ang masaklap nilasing niya ako nagana p ang hindi na dapat maganap. Ang masaklap ay kasal na kaming dalawa at gusto niya pa akong tumira kasama siya.

Wala naman akong choice dahil asawa ko na siya.

Habang kasama siya ay naging patung-patong na ang gulong inabot naming dalawa at kasama na doon ang muntikan pa akong mamatay dahil sa kanya. Nalaman ko pa na gusto lang niyang mag-asawa dahil sa posisyon na gustong ipasa sa kanya.

Ang pagiging susunod na leader ng mga sindikato.

Sindikato, totoong sindikato na sa mga palabas at balita ko lang sa tv napapanood.

Papayag pa rin ba ako akong maging asawa niya kung buhay na rin ng pamilya ko ang maipit?

Gusto ko na sumuko at umayaw, pero kung aayaw ako? paano na ang puso ko na natutunan na siyang mahalin?

Ang gulo no?

Hays.

Bahala na si Spiderman na lumutas ng problema ko, wag na si Batman dahil kawawa naman siya dahil lagi na lang siya ang natatawag sa oras ng kagipitan.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Racy Risquè
Maganda sana kaso bagal ng update. Kahit tatlong beses sa isang linggo sana.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status