Share

16

=AZRAEL's POV=

 

Dahan-dahan akong bumangon saka napahawak sa ulo kong kumikirot sa sobrang sakit. Parang mabibiyak ang ulo ko at pumipintig na hindi ko alam kung bakit. Nangangasim ang sikmura na para akong nasusuka pero mas nangingibaw sa akin ang sakit ng ulo ko. Sinapo ko ang ulo ko habang nakayuko.

 

"Mommy," mahina kong tawag kay mommy pero wala akong narinig na sagot. "Mommy!" sigaw ko saka nag-angat ng tingin pero napansin kong iba ang kama na hinihigaan ko. Napansin ko rin na iba ang bintana at kurtina higit sa lahat iba ang kumot na nakabalot sa akin. Wala akong maalala sa nangyari sa akin kagabi at hindi ko alam kung nasaan ako.

 

'ah baka nasa panaginip ako.'

 

"Did you sleep well?" Nagulat ako nang makarinig ako ng boses ng isang babae. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na naka-upo sa sofa sa gilid nitong kwarto. Nakasuot siya ng roba na kulay puti at may tuwalya sa ulo niya. Mukhang bagong ligo siya base sa porma niya.

 

Siningkitan ko ang mata ko para makilala ko siyang mabuti at bakit siya nagpakita sa panaginip ko. Napakunot ako ng noo nang makilala ko siya.

 

'Si Misbyutipol ba yan, bakit ganyan ang ayos niya at anong ginagawa niya sa panaginip ko?'

 

"Well, I guess your sleep nicely." Pero bakit parang hindi siya panaginip. Parang totoo siya.

 

Unti-unti nagbalik sa ala-ala ko ang nangyari. Kinidnapped ako ng dalawang pangit at dinala kay Misbyutipul. Nag-inuman kami ni Misbyutipol at nalasing ako. Pinapirma niya ako ng kasunduan ng catering tapos----

 

"Wah! anong ginawa mo sa akin?" tanong ko at napahigpit ang hawak sa kumot nang maalala ko na hinalikan niya ako at may binulong siya. Hindi masyadong malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya pero nagpatianod ako sa halik niyang masarap na masarap dahil ang tamis ng labi ng labi. NO!

 

"Tss! you don't remember?" Napalunok ako dahil sa tanong niya at agad sumilip sa loob ng kumot at-----

 

Wala akong kahit anong saplot. Ang aking potoytoy ay kitang-kita ko na parang sinasabi na BUHAY NA BUHAY AKO.

 

"Mommyyyyyyy!" sigaw ko dahil sa naisip kong keberdehan. Nahawa na ako kay Rav at sa babaeng ito.

 

"Fvck! Would you stop shouting and calling your mom!" Inis niyang sigaw. Pero bakit hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Saka ang ganda niya pa rin. 

 

"Ginahasa mo ako, isusumbong kita sa mommy ko, idedemanda kita!" Narinig kong nag tsk siya saka tumingin sa akin at ngumiti. Ano ba meron sa ngiti niya at lumalakas ang tibok ng puso ko. Parang yong mga laman-loob ko gustong magwala sa harap ko. Yong labi niya parang inaanyayahan ako.

 

"What did you say?" Nag-mamaang-maangan pa siya samantalang malinaw ang ebidensya. Wala akong kahit anong saplot tapos siya bagong ligo. Anong ginawa niya sa akin, tinitigan?

Kababaeng tao, napaka-manyak. Kinuha na nga first kiss ko, kinuha pa virginity ko ng hindi ko alam. Tapos nag-mamaang-maangan pa siya kung ano ibig kong sabihin na idemanda siya. Akala ko talaga si Rav lang manyakis na makikilala ko. Hindi ko akalain na makukuha ng isang manyakis ang katawan ko.

 

"Anong what? Kinuha mo na nga unang halik ko, pati ba naman puri ko? Desperada ka na talagang makuha ako at nilasing mo pa ako. Tapos sasabihin mo, what, what-whatin kita ee."

 

"I make the first move, yes. But you allow it to happen, we're drunk so what would you expect?" Napatigil ako dahil sa sinabi niya saka inisip ang sinabi niya. Oo nga naman, inalok niya akong uminom tapos sinabayan ko siya kaya may kasalanan ako. Pero wala akong maalala at siya meron. Sana pinigilan niya 'di ba? Pero may nangyari ba talaga sa amin?

 

"Besides it's a honeymoon," Nag-iwas siya ng tingin dahil sa sinabi niya. "There's a paper on the bedside table," sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

 

Napatingin ako sa maliit na lamesa sa kanan ko na may papel. Mabilis ko itong kinuha at nanlaki ang mata ko dahil sa nakalagay sa taas.

 

"M-arriage contract?" basa ko at nakita kong may pirma ko nga ito sa ibaba. "Alexa Lestrange, Azrael R----" Pero kinuha na niya agad sa akin ang papel.

 

Iyon ba ang kontrata na pinirmahan ko? Hindi catering contract ang binigay niya sa akin? Tapos naalala ko hinalikan niya ako at hinalikan ko din siya habang magkayakap kami at 'yon na ang huli kong natatandaan.

 

Ibig sabihin ay may nangyari nga sa amin.

 

"Mommy," Umiiyak kong tawag kay mommy at naalala ang sinabi niya.

 

'Naku, anak wag ka gumaya sa ibang lalaki na ginagamit ang kahinaan ng mga babae dahil lang sa tawag ng laman. Dapat pag nadisgrasya mo, panindigan mo.'

 

"You're mom called you and I answered your phone, I know she's worried about you, so I inform her that you're peacefully sleeping."

 

"A-ano?" Hinila ko ang kurtina na nasa likod ko at tumambad sa akin ang sikat ng araw. Mukhang tanghali na.

 

"Take time to think," sabi niya at tumayo sa aktong lalabas.

 

"Sandali," Pigil ko sa kanya kaya napatigil siya sa paghinto. "Talaga ba'ng kasal na tayo a-at may nangyari sa atin?" Walang-hiya naman kasi. Nakakahiya magtanong pero kailangan ko makasiguro kung may nangyari nga ba at kung totoo ba na kasal na kami. Kailangan ko pa rin makasiguro at marinig sa bibig niya ang totoo.

 

Nag-iwas siya nang tingin at nakita kong namula ang pisngi niya.

 

"Yes, were married a-and it's still painful," sagot niya saka mabìlis na umalis.

 

Painful?

 

Masakit?

 

Ibig sabihin meron nga at pareho kaming-------birhen na dalawa ng gawin iyon. Pero bakit siya naka-alala ako hindi? Ano kayang ginawa ko sa kanya? Paano kaya namin iyon ginawa? Nagustuhan ko kaya? Nagustuhan kaya niya? Ang daya naman.

 

"Mommy!" sigaw ko dahil sa inis.

 

"Hey, stop calling you mom!" sigaw niya dahil bukas pala ang pintuan at hindi niya sinardo noong umalis siya.

 

"Bakit? wala ka ba'ng mama o hindi ka lab ng mama mo? sumigaw ka din ng mommy kung gusto mo!" Pero hindi siya sumagot at narinig ko na lang siyang bumuntong hininga at pabagsak na sinara ang pintuan.

 

Problema niya?

 

Saka bakit bigla siyang nalungkot, may nasabi ba akong masama?

 

Pero teka, kasal na ba talaga kami? Asawa ko na ba talaga siya?

 

'Mommy, help! Na-rape ako ng babaeng manyakis.'

Red Auza

Thank you sa lahat ng bumasa kina Azrael at Alexa. Keep on supporting.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status