Share

18

=JOHN PAUL's POV=

 

 

Tahimik si Azrael sa likod ng van at mukhang malalim ang iniisip. Naririnig din namin siya na panay ang buntong hininga. Iniisip kaya niya kung ano talaga ang nangyari? 

 

Malas niya dahil wala siyang maiisip dahil wala naman talagang nangyari. Pero dahil ayaw pa namin mamatay at gusto namin ng happy ending, syempre hindi namin sasabihin. Ganito kasi yan.

 

 

"May ipag-uutos ka pa master?" Nakangiti kong tanong kay master Alexa dahil ang gagong anghel tumakbo na.

 

"Undress him, fully naked." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni master dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

 

"Hey, do you hear me Ross?" Pero mas hindi ako makapaniwala na tinitingnan ako ni master sa mata. Mukhang hindi lang pagkabuhay niya mula sa coma ang milagro kundi pati ang nasaksihan ko sa araw na ito.

 

"H-huh, oo master, sabi mo hubaran siya at iwan nakahubad, h-he-h-hehe." Lintek na yan pati tawa ko may kaba ah!

 

"Did I say left him naked?" Oh 'di ba sinabi sinabi niya naman talaga na hubaran? "Gusto mo na bumalik ako doon at makita siyang nakahubad?" Tang-ina nakakabobo na ah!

 

"Eh di ba----"

 

"Tanga," Rinig kong sabi ni Hades na pumutol sa sasabihin ko, ako pa talaga ang tanga ngayon, yon naman talaga pagkakaintindi ko. "Hubaran niyo pero kumutan niyo rin pagkatapos bago niyo iwanan." Ah! ýon pala ibig niyang sabihin. Bakit hindi na lang siya gumawa total naintindihan naman niya.

 

Pero teka, ano ba pinaplano ng tatlong 'to?

 

"Ah! ukinawa!" sabi ko na lang sabay saludo para matapos ang usapan.

 

Sila lang naman may plano at tagasunod lang kami kaya bahala sila sa buhay nila.

 

Gaya ng utos ni master ay ginawa namin ni Gabriel ang sinabi niya. Hinubaran at kinalat namin ang damit ni Azrael sa baba ng kama bago siya kinumutan. Pero infairness, kung sakaling matukso si master dito ay hindi siya lugi. Dahil ehem, may pagkadaks naman at lakas makalaglag brief. Nahiya yong amin na kung tutuusin ay daks din. Lamang lang kanya ng konti.

 

Kaso tulog mantika at ang lakas humilik. Wala man lang ka-alam-alam na may nagbabadya ng pikutan na mangyayari.

 

'Sige lang boy, tulog ka lang diyan sa kama ni master,'

 

 

Umalis kami at naiwanan siya sa ganoong posisyon.

 

"Ah Azrael, may problema ka ba?" tanong ni anghel sa kanya.

 

"Wag ka magtanong, kasalanan niyong dalawa bakit ako napikot, dapat yata idemanda ko kayo ng kidnapping."

 

"Whoaa! chill bro," natatawang sabi ni anghel.

 

"hindi kita kapatid,"

 

"Eh di, Azrael,"

 

"Hindi tayo close,"

 

"Sorry na, napag-utusan lang,"

 

"Napag-utusan, sa laki ng katawan niyo at ka-lalaki niyong tao takot kayo sa babae?" Hindi naman kami nakasagot sa sinabi niya. Alangan naman sabihin namin na nakakatakot talaga si master.

 

"Salamat na rin," dinig kong bulong niya.

 

"Ha? may sinasabi ka?" tanong ko.

 

"Anong sinasabi?" tanong niya. 

 

"Narinig ko sabi mo salamat,"

 

"Anong salamat, pinagbebentangan mo akong gumagawa ng kwento? Isusumbong kita kay Alexa," banta niya sa akin.

 

"Hindi lang joke lang, si anghel pala yong narinig ko. Tumingin siya nang masama sa akin saka nag-iwas ng tingin.

 

"Sorry Lord," Yon talaga narinig ko na, pero ayaw ko na lang magtanong. Mamaya totohanin niya yong sinabi niyang isusumbong kami kay master. Ayaw ko pa mauna sa langit at walang chikababes doon.

 

 

=AZRAEL's POV=

 

 

"Oh anak, bakit ngayon ka lang naka-uwi at sino ýong babae na sumagot sa tawag kanina?" tanong ni mommy sa akin nang makapasok ako ng pinto.

 

"Mommy!" sigaw ko habang umiiyak. "Help!" 

 

"T-teka, ano ba nangyari saýo?"

 

"Mommy,"

 

"Hoy!" sabay batok ni mommy sa akin.

 

"Eh kasi---" pasinghot-singhot kong umpisa, "mommy, napikot ako huhuhu!"

 

"Ano?" sabay na sigaw nina mommy at daddy sa akin.

 

"T-teka anak, anong sinasabi mo? anong napikot?" tanong ni mommy saka pina-upo ako.

 

Tumakbo naman si daddy sa kusina at kumuha ng tubig saka binigay sa akin.

 

"Azrael, ayusin mo ýang kwento mo kung hindi tsi-tsinelasin talaga kita kahit mahal kita."

 

"Kasi mommy, ganito ang nangyari." Umpisa ko sabay kwento nang buong pangyayari na walang labis at walang kulang base na naaalala ko. Pati na rin ýon ang nangyaring pag-alok ni Alexa sa akin noon na pakasalan siya.

 

"Ano ba kasing ginawa mo, nagtinda ka lang nakipag-inuman ka na, tapos ngayon kasal ka na at nakapag-honeymoon na?" Sabay hampas ni mommy sa balikat ko.

 

"Ano ka ba hon, wag mo nga saktan si Azrael, na-to-trauma pa nga anak natin eh." Pigil ni daddy saka umupo sa gitna namin ni mommy. "Anak, ilang rounds ba?"

 

"Isa ka pa." Mabilis na napatayo si daddy nang pukpukin siya ng tsinelas ni mommy sa ulo. "Oh, ano ngayon plano mo?"

 

"Magsasama na kami."

 

"Ano?" sabay ulit nilang tanong.

 

"Eh asawa ko na siya at kasal na kami."

 

"Pero, ang bilis naman ng pagsasama niyo?"

 

"Anong gagawin ko?" Hindi sumagot si daddy, nakita ko siyang nag-isip nang malalim.

 

"Baka pwede ka umatras at ipa-korte natin para mawalan ng bisa, ginusto niya naman ýon 'di ba kaya wala kang kasalanan doon." At isang malakas na batok ang ginawa ni mommy kay daddy.

 

"Tuturuan mo pa maging iresponsable yang anak mo, naghoneymoon na nga paano kung mabuo? magtantan ka Donny kundi malilintekan kayo pareho sa akin?"

 

"Eh kawawa naman 'tong anak natin, mapapasubo sa hindi niya ginusto?"

 

"Anong hindi ginusto? Kung sana hindi ka uminom at naglasing, sana hindi mangyayari sayo yan, sabi ko sayo 'di ba, be responsible in your action, kaya lahat ng gagawin mo dapat mo paninindigan ang resulta." Litanya ni mommy. "Ayan, ayan napapala ng mga matitigas ang ulo, sabi ko sayo umuwi ka ng maaga at wag sumama kung kani-kanino, hindi ka nakinig, ano ngayon ang napala mo?" Halos lumabas na ang litid sa leeg ni mommy kakasermon sa akin.

 

"Mommy," tawag ko sa pangalan niya saka sumibi. "Sorry na, mommy."

 

"Ok anak, sige na, wag na umiyak at tutulungan ka namin mag-isip, shh! tahan na baby ko, ok?" Oh 'di ba ang rupok ng nanay ko. "Saka, ano ba pangalan ng babaeng yan, saka taga saan, ilang taon, baka mamaya sugar mommy mo na yan ha! Naku ayaw kong maging byenan nang mas matanda pa sa akin kaya umayos ka talaga." May pagbabanta na naman sa boses ni mommy.

 

"Hindi mommy, maganda si Alexa, sexy, maangas, cool, at ang cute ngumiti lalo na kapag nakalabas ang ngipin." Nakangiti kong sabi.

 

"May hang-over ka pa ba? Namumula ka," sabi ni mommy.

 

"Ah, hindi mainit lang talaga mommy." Nagtinginan silang dalawa saka tumingin sa akin.

 

"Ano ba apelyedo ng Alexa na ýan? Kukutungan ko yan pag nakita ko yan eh," may banta sa boses ni mommy.

 

"Lestrange po, Alexa Lestrange."

 

"Lestrange?" sabay nilang sabi.

 

"Ka-ano ano niya ýong may-ari ng Lestrange University, Lestrange hotel, basta lahat ng may Lestrange building?" tanong ni daddy.

 

"Lolo po yata." Napahawak si mommy sa dibdib niya dahil sa sagot ko.

 

"Mommy, ayos ka lang?" 

 

"Anak, kilala mo ba ang pamilyang yan?" tanong niya pero kay daddy ako napatingin.

 

"Ang ibig ang sabihin ng mommy mo, alam mo ba kung gaano kayaman ang pamilya nila?"

 

"Hindi," Iling ko. Aba, alam ko mayaman sila pero malay ko ba kung gaano kayaman. Naging seryoso tuloy ang usapan. Sabagay hindi ko sila masisisi, sino ba naman kami at anong meron kami kumpara sa mga Lestrange. Kaya nila kaming paglaruan at sirain kung gugustuhin nila.

 

"Paano mo nakilala yang Alexa na yan?"

 

"Sa building ng mga Riggs, doon ako nagsusupply ng pagkain na luto mo eh."

 

Narinig ko na napasinghap si mommy saka umayos ng upo sa tabi ko.

 

"Anak, mayaman ang mga Lestrange kaya hindi sila pangkaraniwan gaya natin, alam mo ba ýang pinapasok mo?" Yumuko ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko.

 

"Mommy, kasal na kami at baka ano pa mangyari sa akin o sa atin kapag umayaw ako," sagot ko.

 

"Hindi tayo nababagay sa kanila,"

 

Bumuntong hininga muna ako saka yumuko dahil ayokong salubungin ang tingin ni mommy dahil nakaka-konsensya.

 

'Sorry mommy, and I love you.'

 

"Kailangan ko po tayuan si Alexa mommy,"

 

Narinig ko ang sabay nilang pagsinghap ni daddy.

 

"Paano si Sabrina, akala ko ba gusto mo siya?"

 

"Eh mommy, hindi naman po pwede na dalawa sila, saka maiintindihan naman po ako ni Sab 'di ba?"

 

Hindi ako nakarinig nang kahit anong pagtutol mula sa kanila hanggang sa tinapik ni daddy ang balikat ko.

 

"Kung ýon ang desisyon mo ay suportado ka namin, nandito lang kami ng mommy lagi para sayo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status