Share

17

=AZRAEL's POV=

 

 

Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng kwarto dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ano kaya kung mag-file ako ng kaso sa kanya dahil pinikot niya ako. Kaso, kung mawalan ng bisa ang kasal namin dahil niloko niya ako, ay paano naman ang nangyari sa amin?

 

Wahhh

 

Anong gagawin ko?

 

Kung tutuusin, siya pa rin agrabyado sa aming dalawa. Iniisip ko pa lang kung paano na lang kung mabuntis siya tapos maghihiwalay kami paano ang baby namin na paniguradong cute ang lahi dahil guapo ako at maganda siya. Naks! Pwede!

 

Pero teka lang bakit ba ýon ang iniisip ko?

 

Nagdadalawang isip pa rin ako kung lalabas ako ng kwarto. Pero kung hindi ako lalabas, paano ako makakauwi sa amin?

 

Bahala na nga.

 

Binuksan ko ang pintuan at sumilip sa labas  Malinaw pa sa akin ang sofa kung saan kami nag-inuman. Nandoon din si Alexa nakaupo habang umiinom ng kape yata yon, umuusok eh at nagbabasa ng dyaryo.

 

"Hoy," tawag ko sa kanya na may kasamang inis at agad naman siyang lumingon. "Salamat sa damit." Nakita ko siyang ngumiti sa akin habang tiningnan ang suot ko. 

 

Ngingiti pa siyan diyan, porke napikot niya ako at nagtagumpaya siya sa plano niyang makuha ako. Singilin ko kaya siya sa milyones na inalok niya, total napakasalan ko naman na siya. Kaso nakakababa ng puri kaya wag na lang.

 

"Join me," alok niya sa akin saka inabutan ako ng mug na walang laman at tinulak palapit sa akin ang maliit na thermos. 

 

"Wag na, mamaya ano pa meron diyan," Inis kong tanggi sa kanya.

 

"Fine," sagot lang niya pero na kumalam ang sikmura ko kaya napatingin siya sa akin at nagkibit balikat. Nakita ko ang pagkagat niya nang tinapay kaya napanganga din ako.

 

Lintek na yan.

 

Umupo ako sa tapat niya at nagsalin ng kape saka kumuha ng tinapay habang masamang nakatingin sa kanya.

 

"You want to say something?" tanong niya sa akin pero hindi nakatingin.

 

"Ano naman sasabihin ko? Bakit mo ako pinikot?"

 

"Pwede, pero hindi kita pinikot dahil nagkusa kang pumirma, kung naalala mo lang naman." 

 

"Oo na, naalala ko na, ang hindi ko maalala eh yong ano----" Nakita kong nagkagat labi siya kaya napakagat labi na rin ako. Pero inalog ko ang ulo ko para hindi matukso.

 

"Hindi mo naalala na hinalikan mo ako?" tanong niya habang namumula pero hindi pa rin nakatingin sa akin.

 

Hinalikan?

 

Giatay, naalala ko na hinalikan ko pala siya at sinabi niyang time for honeymoon.

 

Honeymoon pala tawag doon sa ginagawa ng bagong kasal. 

 

Yong ano------

 

"Oo na naalala ko nang hinalikan kita, pero ýong ano---"

 

"Ouch." Nataranta ako nang mabitawan niya ang mug na hawak niya kaya agad akong tumayo. Tumama sa paa niya ang mug at mabuti na lang hindi nabasag at hindi na rin mainit ang laman. Kinuha ko agad ang tissue na nasa lamesa at agad na pinunasan ang paa niya. "Hey, you don't need to that, I can handle."

 

"Ang tanga mo naman, mug na lang nabibitawan mo pa. Ayos ka lang ba?" Tumango siya sa tanong ko at kumuha ng tissue kaya tumayo na ako at bumalik sa upuan.

 

"Hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na tayo." Ano na lang sasabihin ng parents ko, lalo na ni bebelabs. Pinaasa ko siya na siya lang tapos ngayon may asawa na ako?

 

"Kung ayaw mo, eh di wag, Ipapacancel ko na lang kay attor-----" 

 

"Wag na," Putol ko sasabihin niya.

 

"Bakit?" Bakit? bakit nga ba? 

 

"Paano kung mabuo ýong honeymoon?" Nakita ko na nanlaki ang mata niya at napalunok siya. Siguro naalala niya ang nangyari kaya nahihiya siya. Bakit ngayon ko lang napansin na ang cute niya.

 

"Hindi mo naman naalala kaya isipin mo na lang na wala," sabi niya saka tumagilid.

 

"Eh paano nga kung mabuo?" Hindi siya sumagot kaya lihim akong napangiti pero agad din sumeryoso, dapat galit ako dahil pinikot niya ako. "Pananagutan ko na."

 

"Are you sure?" tanong niya saka tumingin sa akin.

 

"Malamang, asawa mo na nga ako 'di ba?" 

 

"Fine, but you will live in my house,"

 

"Ano? dapat sa amin ka titira." Ako ang lalaki kaya dapat sa akin siya titira.

 

"Nah, then let's separate, sa inyo ka at ako sa bahay ko."

 

"Ok," sagot ko. Madali naman akong kausap eh. Nakakapagod kayang makipagtalo.

 

"Anong ok?" tanong niya na nakakunot ang noo.

 

"Ok, sa inyo ako titira." Syempre asawa ko siya at ang asawa hindi naghihiwalay.

 

"Are you sure?" 

 

"Minolestya mo na nga ako, hindi pa ba ako sigurado?"

 

"Tss!"

 

"Pero pauwiin mo muna ako para maipalam ko sa magulang ko ang nangyari, saka para makausap din nila ang magulang mo."

 

"My parents die when I was young, I have my grandpa but he's not here, instead I want to meet your parents first." Kaya pala nag-iba ang mukha niya kanina noong sinabi ko na wala ba siyang mama.

 

"Sorry,"

 

"Sorry saan?"

 

"Doon sa sinabi ko na wala kang mama."

 

Nakita ko na ngumiti siya at gaya ng dati at ang cute niya pag nakangiti pero dapat seryoso lang ako.

 

"Saan mo ba gusto ma-meet ang magulang ko, sa amin o sa inyo?" tanong ko sa kanya. 

 

"Sa inyo, mamayang gabi, is that ok with you?" 

 

"Sige, pero kailangan ko muna umuwi para maunahan na sila at baka atakihin pa sila pag nandoon ka na."

 

"Fine, I'll call someone to drop you home." Tumayo na siya at may tinawagan.

 

Nang bumalik siya sa upuan ay hindi na ako nagsalita at ganoon din siya. Pag tumingin ako sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad din nag-iiwas. Ganoon din ako kapag nahuhuli niya ako ay nag-iiwas din ako nang tingin.

 

"YOW!" Masiglang bati ng isang lalaki pero agad din nawala. Yong yow niya noong pumasok siya malakas pero biglang humina.

 

"Mas---Alexa ready na kami," natatawang sabi noong isa pagkatapos sumipol. Sila ýong kumidnapped sa akin. Eh kung sila na lang kaya pakasuhan ko nang kidnapping para makabawi ako?

 

Pero wala rin naman kidnapping kasi sumama ako at ihahatid pa nila ako pauwi.

 

"That man wearing a blue shirt is Gabriel Riggs, the other one is John Paul Ross, they will send you home." Turo ni Alexa sa dalawang lalaki.

 

Napatayo ako at mabilis na nagtago sa likod ni Alexa nang may mapansin ako sa dalawang lalaki.

 

"What's wrong with you?" takang tanong niya na medyo naiinis. Muntik kasi siyang malaglag sa upuan niya dahil sa pagtakbo ko.

 

"Bakit may baril sila?" tanong ko at mas sumiksik pa.

 

"Tss! They are my bodyguard," sagot niya. "Wag kang sumiksik diyan," Inis niyang sabi at hinila ako.

 

"Bodyguard? Eh 'di ba mayaman sila, kapatid ka ni Gabriela Riggs 'di ba?" Kung mayaman si Gabriela, syempre mayaman din utol niya kaya bakit magiging bodyguard lang siya kung mayaman siya, dapat nga siya pa may bodyguard eh.

 

"Ah, utol ko lang rich ako hindi, saka, ma----"

 

"Long story," putol ni Alexa sa paliwanag ni Gabriel ba yon? 

 

"Tara na Azrael, hatid ka na namin," sabi noong driver na ang pangalan pala ay John Paul.

 

"I warned you, send him home without any scratch," sabi ni Alexa habang nakatingin sa dalawa.

 

"Areglado master," sabay sabi ng dalawa.

 

"Aalis na ako," Matigas kong paalam na syempre galit pa rin.

 

"Take care," bulong niya na hindi nakaligtas sa tenga ko at narinig ko naman yong John Paul na sumipol.

 

Habang nasa byahe ay hindi pa rin ako makapaiwala sa bilis nang pangyayari. Kahapon lang ganitong oras, masayang-masaya ako pero ngayon ay nakadisgrasya ako at kasal na. Hindi ko tuloy alam paano ko ipapaliwanag kina mommy at daddy ang nangyari.

 

Lalo na kay bebelabs.

 

Bebelabs ko, sorry pero wala ng poreber sa atin. Ang bagal mo kasi akong sagutin ayan tuloy nakuha ako ng iba.

 

Pero hindi si bebelabs ang gumugulo sa akin. Maganda siya, sexy at matalino at alam ko na maraming umaaligid sa kanya kaya hindi siya mahihirapan na makakuha ng ipapalit sa akin.

 

Ang ini-isip ko si Alexa, paano kung ayaw sa akin ng grappy niya? Ok lang naman sa akin dahil maiintindihan ko na hindi ako kasing yaman nila kaya may posibilidad sila na ayawan ako. Kaso, paano si Alexa at ang nangyari sa amin? Isusuko ko na lang ba siya nang ganoon kadali pag sinabi ng lolo na hiwalayan ako?

 

Sabagay, pabor sa akin kung ayaw sa akin ng lolo niya, pero hindi pabor kay Alexa dahil nadisgrasya ko siya. Hindi naman porke pabor sa akin eh magsasaya na ako. Naka-agrabyado ako kaya kailangan ko pa rin patunayan ang sarili ko.

 

Hays! ang gulo ng buhay ko. 

 

Kung bakit ba kasi ako nasabit sa ganitong gulo. Samantalang gusto ko lang naman magtinda ng ulam.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status