Share

Chapter 2

Author: Suzuki
last update publish date: 2026-03-24 15:45:43

Namula ang buong mukha ni Suki. Pakiramdam niya ay parang lalabas na ang mga mata niya sa sobrang laki.

“P-Po? Bakit n’yo naman po ako bibihisan, Senyorito? Marunong naman po ako,” pabulong niyang sabi

Humagalpak ng tawa si Senyorito Hector. Napakunot ang noo ni Suki. May nakakatawa ba sa sinabi niya?

“By the way, is that my shirt? Can I get it now?”

Inabot niya iyon. “Opo, nalabhan ko na po ’yan. Malinis na po ulit. Pasensya na po talaga sa nangyari kanina,”

Napapansin ni Suki na sa tuwing nagsasalita siya, imbes na sa kanyang mga mata tumingin si Senyorito Hector, sa kanyang labi ito nakatitig. Magkaharap lang sila kaya halata iyon sa kanya.

“Thanks, Suki.”

Muling namula si Suki nang amuyin nito ang damit sa harapan niya. Tumango-tango pa ito pagkatapos.

“Babalik na ako sa loob. Thanks for this. Change your clothes,”

Wala sa sariling napatango si Suki.

Pinanood niya ang likuran nito hanggang sa tuluyan itong makaalis.

“Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?” bulong niya sa sarili.

Napahawak siya sa dibdib. Malakas nga.

Hindi mawala sa isip niya ang lalaki habang nagbibihis siya.

Pagkatapos, bumalik siya sa loob upang magtrabaho. Hindi na siya pinayagang lumabas para mag-serve sa mga bisita dahil ayaw ni Manang Hermeña at baka pumalpak na naman siya. Siya na lang ang naiwan sa paghuhugas ng mga gamit.

Bandang alas dose ng gabi, napapahikab na si Suki. Marami pa ring tao sa labas. Sumandal siya sandali sa sink at tumigil sa paghuhugas. Minu-minuto ay nadadagdagan ang hugasin niya kaya namumula na ang kanyang kamay dahil sa sabon at kulubot na rin iyon sa tubig.

Tiningnan niya ang kanyang palad, magaspang, bakas ang hirap ng buhay. Bata pa lang siya, sanay na siya sa trabaho. Hindi puwedeng maging tamad kapag mahirap. Kapag tumigil, magugutom sila.

Tumutulong na siya sa kanyang Nanay mula pagkabata kaya marunong na siyang maglaba at magluto sa murang edad. Naalala pa niya noong high school siya, nagbebenta siya ng graham balls sa school para may dagdag baon.

May trabaho naman ang kanyang Nanay at Tatay, pero hindi sapat ang kinikita. Minsan kulang pa, kaya napipilitan silang mangutang para may panggastos.

Kaya pinipilit niyang makatapos ng pag-aaral para maiahon sa hirap ang pamilya niya. Matanda na ang Nanay niya, pero patuloy pa rin sa paglalaba kahit sumasakit na ang likod.

Gusto rin niyang ipaayos ang bahay nila. Luma na iyon. Kapag umuulan, kailangan pa nilang maglagay ng mga balde sa mga tumutulong tubig mula sa bubong. Mahaba na rin ang listahan ng utang nila sa tindahan, minsan ayaw na silang pautangin.

May mga araw na sapat lang ang pera niya sa pamasahe kaya tinitiis niya ang gutom.

Napatuwid siya nang may pumasok sa kusina.

Si Senyorito Hector, may hawak na tasa ng kape.

“May kailangan po ba kayo, Senyorito?” tanong niya.

Mabilis niyang itinago ang mga kamay sa likuran. Nahihiya siya sa itsura ng mga iyon, kulubot at magaspang. Para bang mas makinis pa ang mukha ng lalaki kaysa sa palad niya.

“You still awake? How old are you?”

Napatigil si Suki. Nandito ito para lang magtanong ng ganoon? Kahit nagtataka, sumagot pa rin siya.

“May trabaho pa po ako kaya po ako gising. At bente na po ako,”

“Are you still studying?”

“Opo, third year college na po ako,” sagot niya.

Sumagi sa isip niya kung sasabihin na ba niyang inaanak siya nito. Baka sakaling may ibigay itong pera.

“I see. So, wala kang pasok bukas?”

“Opo...”

Sandaling natahimik ang dalawa. Naramdaman na naman ni Suki ang ilang. Halatang-halata na nakatitig na naman ito sa kanyang labi.

Hindi na niya napigilan ang sarili.

“B-Bakit po kayo... nakatitig sa labi ko? Kanina ko pa po napapansin ’yan.”

“I was just wondering… because it really looks damn kissable. Can I have a try?”

Wala sa sariling napahawak si Suki sa kanyang labi. Nagulat siya sa sinabi ni Senyorito Hector.

Sa tingin ba nito ay pagkain ang labi niya para gustuhin nitong tikman?

“L-Lasing po ba kayo?” kunot-noong tanong niya.

Humalakhak si Senyorito Hector. Tinaas nito ang kamay at itinuro ang kanyang labi.

“No, I am not drunk. I was just curious about what your lips taste like,” namamaos nitong sabi.

Mas lalo siyang nalito. Bakit curious ito? Ano bang meron sa labi niya?

Sa totoo lang, mas mapula pa nga ang labi nito kaysa sa kanya. Hindi rin naman siya maarte sa itsura niya. Hindi nga siya marunong mag-make-up. Sa tuwing pumapasok siya, manipis na lipstick lang ang nilalagay niya para hindi magmukhang maputla. Kailangan din kasing presentable sila kahit maraming gawain.

Pero kapag wala siyang pasok, hindi siya naglalagay. Pakiramdam niya kasi mabigat sa mukha ang make-up. Hindi naman siya against doon, sadyang mas komportable lang siya nang natural

Naalala pa niya na ang lipstick na ginagamit niya ay galing pa sa ina ni Senyorito Hector. Maraming nagbibigay rito at ang iba ay napupunta sa kanya. Siya lang kasi ang dalaga sa mga katulong kaya sa kanya binibigay ang mga pampaganda. Mapagbigay ang pamilya ng mga ito. Kahit ang ibang damit ng Tatay niya ay galing kay Don Eduardo.

“Wala naman pong lasa ’tong labi ko, Senyorito,” kinakabahan niyang sabi.

Parang naramdaman nito ang kaba niya.

“I think it has. One day, I’m gonna taste those lips.”

Ilang araw na tumatak sa isip ni Suki ang mga sinabi nito.

Sa mga sumunod na araw, palagi niyang nahuhuli ang tingin ni Senyorito Hector sa kanya. Kapag malapit sila sa isa’t isa, sa labi niya palagi nakatuon ang mga mata nito. Kahit nag-uusap sila, doon pa rin ito nakatingin.

Pakiramdam niya, gustong-gusto nitong tikman ang labi niya.

Ano bang meron sa labi niya?

Nailibing na ang mommy nito. Akala niya ay babalik na ito sa ibang bansa pagkatapos ng libing, pero narinig niya na magtatagal pa raw ito rito.

Kasalukuyan siyang nagpapakain ng mga alagang pusa ni Senyorito Santino. Dalawa ang pusa, Black at White at parehong lalaki. Inampon lang ang mga ito pero parang lumaking mayaman. Arte pa dahil puro manok ang gustong kainin.

Hapon na noon at kakatapos lang ng klase niya. Dumiretso siya agad dito. Plano niyang umuwi bandang alas otso dahil may pasok pa siya kinabukasan.

“Ang sarap naman ng ulam n’yo. Ang swerte n’yo,” bulong niya habang hinahaplos ang balahibo ng mga pusa.

“Suki.”

“Ay, palaka!” malakas niyang siaw.

Muntik na siyang atakihin sa puso sa biglang pagkalabit.

“Magandang hapon po, Senyorito. Pasensya na po. Nagulat lang po ako. May kailangan po ba kayo?”

Mabilis siyang tumayo at yumuko.

Napansin niya ang suot nito, black shoes, black slacks, white inner, at black coat. Mukhang galing sa business meeting.

“Can you clean my room? The floor is a bit dirty.”

Mabilis siyang pumayag. “Oo naman po!”

“Good. Then follow me upstairs.” Nauna itong umakyat. Dumaan muna si Suki sa stock room para kumuha ng panlinis.

Hindi naman siya maliligaw. Kahit wala ito, siya ang madalas maglinis ng kwarto nito. Ilang beses na siyang nakapasok sa mga kwarto ng magkakapatid, maliban sa kay Don Eduardo na bawal pasukin.

Naalala niya ang isang dating katulong na nasibak dahil napasok ang bawal na lugar.

Kumatok siya ng dalawang beses sa pinto.

Walang sumagot.

Kumatok ulit siya, at saka lang bumukas.

“Senyorito—”

Hindi niya natapos ang sasabihin nang hawakan siya nito sa pulsuhan at mabilis na hinila papasok.

“Senyorito… anong ginagawa n’yo?”

Napaatras siya hanggang sa sumandal ang likod niya sa pinto.

Kinuha nito ang mop sa kamay niya at nahulog iyon sa sahig. Nasa itaas ng ulo niya ang isang kamay nito. Yumuko ito para magpantay ang mukha nila.

Napapikit siya sandali. Sobrang lapit. Halos magkadikit na ang ilong nila.

Pigil na pigil ang paghinga niya nang ilapit pa nito ang mukha.

“Senyorito… bakit ang lapit n’yo?” mahina niyang tanong habang tinutulak ang dibdib nito.

Walang epekto.

“Senyorito… ano—”

Hindi niya naituloy ang sasabihin. Dumampi ang labi nito sa labi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Suki. Hindi siya makagalaw.

Nararamdaman niya ang paggalaw ng labi nito pero nanatili siyang nakatingin.

Ito ang tinutukoy nito.

Ang pagtikim.

Nakatagal iyon ng ilang segundo.

Nang tumigil ito, hindi siya makapagsalita.

Iyon ang unang halik niya!

Sa tagal niyang iningatan ang sarili, sa isang iglap, nawasak iyon. Tinitigan niya ang mga mata nito... mainit, matindi.

Dinilaan nito ang ibabang labi bago ngumisi.

Parang nanghina ang tuhod niya kaya napakapit siya sa dibdib nito.

“Damn… your lips taste sweet and it’s fvcking addicting,” bulong nito.

Ramdam niya ang hininga nito sa mukha niya.

“Paano naging sweet ang labi ko? Wala naman akong nilagay. ’Wag n’yo po akong hahalikan. Bawal po manghalik kapag hindi girlfriend,” nalilitong sabi niya.

Natawa ito.

Hinaplos nito ang labi niya gamit ang hinlalaki.

“Who said that? I can kiss you if I want to. And it has a flavor… or maybe I’m wrong. Should I taste it again?”

Hindi pa siya nakakasagot nang muli itong yumuko at hinalikan siya.

Mulat pa rin ang mga mata niya habang marahang gumagalaw ang labi nito, minsan kinakagat, minsan dumidiin.

Nang tumigil ito, habol-habol niya ang hininga.

Pakiramdam niya ay parang nasugatan ang labi niya.

“Ganoon pa rin ba ang lasa, Senyorito? Matamis pa rin ba?” tanong niya.

Natatawang tumango ito. “It’s still the same.”

Bigla niyang naalala ang pakay niya.

“Pwede na po ba akong maglinis?”

“Hindi naman masyadong madumi. Mamaya na,” sabi nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Deeper, Sir Hector!   Chapter 3

    Nakatitig si Hector sa basong hawak niya habang umiinom silang tatlo ng mga kapatid niya sa isang bar. Kahapon pa nangyari iyon, pero parang nakatatak pa rin sa bawat hibla ng pagkatao niya ang lambot at tamis ng halik ni Suki.Napailing siya bago inisang lagok ang laman ng baso.“Kuya, what’s your plan? Are you going back to States?” tanong ni Santino.Napatingin si Mauro sa kanya, naghihintay ng sagot.“No, not yet,” sagot ni Hector.Sabay tumango ang dalawa. May hinala silang may kinalaman ang ama nila sa pagkamatay ng ina nila, pero wala silang ebidensya.“Kailangang malaman natin kung ano ang totoong kinamatay ni Mommy. You know how powerful Dad is. He can manipulate everything,” dugtong ni Hector.Alam nilang magkakapatid kung anong klaseng tao ang ama nila. Malupit ito. Kawawa ang ina nila.“Let’s not talk about that here,” putol ni Santino. “Pumunta tayo rito para mag-enjoy. Hindi bagay sa lugar na ’to ang topic na ’yan. Let’s change our topic to—”Naputol ito at tumingin kay

  • Deeper, Sir Hector!   Chapter 2

    Namula ang buong mukha ni Suki. Pakiramdam niya ay parang lalabas na ang mga mata niya sa sobrang laki.“P-Po? Bakit n’yo naman po ako bibihisan, Senyorito? Marunong naman po ako,” pabulong niyang sabiHumagalpak ng tawa si Senyorito Hector. Napakunot ang noo ni Suki. May nakakatawa ba sa sinabi niya?“By the way, is that my shirt? Can I get it now?”Inabot niya iyon. “Opo, nalabhan ko na po ’yan. Malinis na po ulit. Pasensya na po talaga sa nangyari kanina,”Napapansin ni Suki na sa tuwing nagsasalita siya, imbes na sa kanyang mga mata tumingin si Senyorito Hector, sa kanyang labi ito nakatitig. Magkaharap lang sila kaya halata iyon sa kanya.“Thanks, Suki.”Muling namula si Suki nang amuyin nito ang damit sa harapan niya. Tumango-tango pa ito pagkatapos.“Babalik na ako sa loob. Thanks for this. Change your clothes,”Wala sa sariling napatango si Suki.Pinanood niya ang likuran nito hanggang sa tuluyan itong makaalis.“Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?” bulong niya sa sarili.Nap

  • Deeper, Sir Hector!   Chapter 1

    “Wala ka na bang klase mamaya?” tanong ng ina ni Suki.Umupo si Suki sa kanyang tabi at tumulong na rin. Hindi pa siya nagbibihis ng pangkatulong na damit dahil nandito pa naman siya sa likod. Mamaya na siya magbibihis kapag papasok na siya.Mababait ang pamilya ng mga Salvador, lalo na si Donya Alondra na namatay dahil sa sakit sa puso isang linggo lang ang lumipas. Mabait at matulungin iyon at madalas pa niya itong nakakausap dahil pinapatanggal nito sa kanya ang puting buhok nito. Pwede naman itong magpakulay ng itim pero ewan niya kung bakit siya pa ang nagbubunot. Nakakagulat ang naging pagkamatay nito. Nakaratay pa ito rito sa mansyon nila at sa susunod na araw pa ang kanyang libing.“’Ang mabuti pa, pumunta ka na doon sa loob at tumulong ka sa kanila dahil uuwi ngayon si Senyorito Hector.”Ang kuripot niyang ninong. Ngayon niya lang ito makakaharap at maniningil talaga siya sa utang nito sa kanya. What if hindi siya nito kilala? Sa bagay, ang tagal na rin nun.Nagpalit siya ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status