Share

TM2: Synopsis

Daisy is the most gentle and sweet girl Yves Chandler has ever encountered in his life. Para sa kanya si Daisy ang perpektong imahe ng isang tunay na dalagang Pilipina kahit pa may dugo itong banyaga. Una niyang nakilala ang babae nang minsan niyang katagpuin ang pinsan na si Ariana sa isang café. They exchanged numbers due to an emergency, at after nang pangyayari ay hindi na nawala ang communication nila ng dalaga. They became close friends, hanggang sa best friend na rin ang turingan nila ng babae. Of course, he cares for her and loves her. Daisy is her only girl friend… As in, babaeng kaibigan, kaya naman mahal na mahal niya ang dalaga. He really trusted Daisy kaya naman nang malaman niya ang ginawang panloloko at pagsisinungalin nito sa kanya ay halos isumpa niya si Daisy

Unang beses niyang makita si Yves matindi na ang tama niya sa lalaki. Agad siyang nakagawa ng kasinungalingan makuha lang ang personal na number ng binata, and the next thing that happened was history. Hindi alam ni Daisy kung paanong nagawa niyang magdilang anghel sa harap ng binata, gayong sungay talaga ang meron siya at hindi halo. Ang pagpapanggap niya bilang isang anghel sa harap ni Yves ay nagpatuloy at sa bawat araw na lumilipas ay palalim nang palalim ang kasalanan niya sa lalaki. Ngunit paano kung malaman ni Yves ang lahat ng ito? Paano kung malaman ng binata ang panloloko niya dito at ang buo niyang pagkatao? Mag karoon pa kaya siya ng chance sa lalaki gayong sirang-sira na siya sa mga mata ni Yves? Ano nga ba ang kayang gawin ni Daisy para makuha ang lalaking kanyang gusto? Well, she's a true evil hiding in the form of an angel. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa dasal, idadaan niya sa pinakamadali at mabisang paraan. Magtagumpay kaya siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status