Share

TM5

“Ariana!” agad na napalingon si Ariana sa pinsan. “Nakita mo ba si Anne?”

“Hindi, ang akala ko kayo ang magkasama?" Niyaya n’ya si Annie kanina na sumabay sa kanya pero ang sabi nito may lakad ito kasama ni Yves. "Akala ko may lakad kayo?" nagtatakang tanong ni Ariana sa pinsan.

"Lakad? Wala naman kaming usapan." Napakamot sa kilay si Yves. "Sigurado ka?"

"Yeap, look…" Sabay lahad ni Ariana sa cellphone. Inilapit niya ito sa mukha ni Yves para makita nito ng maayos ang reply sa kanya ni Annie. 

"Imposible, wala talaga kaming lakad," nagugulohang pahayag nito.

"Nakapagtataka naman."

"Ariana, mauna na ‘ko hahanapin ko muna si Annie masama ang kutob ko dito, eh." Tumango lang si Ariana sa pinsan. Nagmadaling tumakbo si Yves at iniwan s’yang mag-isa sa tahimik at walang katao-taong hallway.

Nagpatuloy si Ariana sa paglalakad, hindi niya alam kong saan pupunta. Ang hirap lang talaga ng walang makasama. Hindi naman niya maaya ang mga kuya niya dahil may sariling mundo ang mga iyon, mas lalong ayaw niyang maglagi sa tambayan ng mga ito dahil hindi naman siya welcome doon.

"Miss!" muli siyang napahinto sa paglalakad ng may tumawag na naman sa kanya. "Nahulog mo," ani’to at lumapit sa kanya.

"Salamat!" Ngumiti si Ariana sa binata. Ang kyut naman ng isang ito, chinito rin tulad ni Daehyun, hindi niya alam na maraming chinito dito sa university nila.

"I'm Kenji, you?"

Tinanggap ni Ariana ang inilahad nitong panyo. “Ariana Kate…”

Nakipagkamay siya kay Kenji, hindi niya naiwasang titigan ang mata ni Kenji. Hindi lang ito cute, kumikintab rin ang mga mata nito. Ang pagkatulala ni Ariana kay Kenji ay napalitan ng pagkagulat ng bigla siyang halikan ng lalaki sa pisngi.

"A lovely name for a lovely lady," sabi pa nito nang bigyang distansya ang pagitan nila. Pasimple naman siyang ngumiti, kinilig sa papuri ng cute na binatilyo. "By the way, gusto sana kitang yayain sa canteen. Libre ko!" alok ni Kenji sa kanya. Magpapakipot pa ba siya, eh type niya ang isang ito. Mabuti na rin na sumama siya kay Kenji kesa ang kumain siyang mag-isa sa canteen, ayaw naman niyang maging loner.

“Sure!”

"Good! Shall we?" Giniya ni Kenji ang kamay para ipahiwatig na mauna siyang maglakad. “Ladies first…” Napahagikhik si Ariana. Puro kalokohan naman ang isang ito. Mukhang half Japanese si Kenji at kung magiging close friend nit Ariana ang binata, why not? Mukha namang masarap kausap at palakaibigan ang binata.

Gaya ng sinabi ni Kenji nilibre siya nito sa canteen, nagkwentuhan lang naman sila ng lalaki at agad na nagkapalagayan ng loob. Hindi lang joker ang binata, mahilig rin itong ngumiti kaya mabilis lang rin nakampante si Ariana.

"Salamat sa libre," pasalamat ni Ariana kay Kenji nanghuminto sila sa harap ng classroom niya. Nag-offer kasi itong ihatid siya na hindi naman tinanggihan ni Ariana. 

"Wala yon, ako nga ang dapat magpasalamat." Napakamot sya sa batok. "Salamat sa time mo," sabi nito sabay halik sa cheeks niya.

Natigilan si Ariana, hindi iyon ang unang beses na hinalikan siya ni Kenji sa pisngi pero nagulat pa rin siya. What was that for? Normal lang ba sa lalaking ito na manghalik ng babaeng kakakilala pa lang? Hindi naman nakaramdam ng kabastusan si Ariana, pero nakakagulat lang talaga.

"I have to go. See you around." Kenji waved at her. Siya namay lutang na kumaway kumaway pabalik nang nakangiti. 

‘Oh, my gosh! Should I ask him out?’ sa isip ni Ariana.

 *** 

Pagkatapos ng klase, nagtext si Ariana kanyang Kuya na magta-taxi na lang siya pauwi. May usapan kasi sila ni Daisy na mag-video call, huli niyang nakausap ang kaibigan noong gabi bago ang flight niya pauwi ng Pilipinas, at dahil malaki ang agwat ng oras nila ng kaibigan hirap silang mag-set ng VC.

Papalabas na si Ariana ng Ppalpan nang makasalubong si Kenji. 

"Uuwi kana?" tanong ng binata.

"Yeap!"

"Ang aga naman?"

"May gagawin pa kasi ako sa bahay at nagmamadali ako," sagot niya na atat ng umalis sa harap ng binata.

"Ihahatid na kita sa inyo," offer nito. 

Mabilis na umiling siya dito. “Ayos, lang ako. H’wag ka ng mag-abala pa Kenji,” mariing tanggi ni Ariana sa offer ng lalaki.

"No, I insist." Hinawakan siya ni Kenji sa balikat. "I thought your in hurry?" makahulogan nitong tanong. 

Nakangiting napailing si Ariana. "Ibang klase… Hindi ka rin talaga titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto mo," di makapaniwalang pahayag niya.

"Let's go?" Nakangiting tanong nito.

Ariana rolled her eyes. “You insist. Ano pa ba ang magagawa ko?”

Natawa si Kenji, nanguna ito sa paglalakad at agad namang sinundan ni Ariana ang lalaki, at dinala siya nito sa harap ng isang mamahalin na motorbike. Napangisi si Ariana. Hindi na masama, may plus pogi points na agad ang binata sa kanya.

Dahil motor ang gamit nila at medyo malapit lang sa mansion ng lolo nila ang university, mabilis lang silang nakarating ni Kenji sa mansion. Ngunit hindi na nayaya ni Ariana ang binata sa loob dahil nagmamadali siya, ganun din naman si Kenji na mukhang nakatanggap ng emergency call.

"See you tomorrow" paalam ni Ariana sa lalaki.

"Yeah, see you tomorrow."

Pagpasok ng gate, patakbong nagtungo si Ariana sa front door ng mansion. Exited na talaga siyang makausap si Daisy, miss na miss na niya ang bestfriend na naiwan niya sa California.

“Araina, baka mahulog ka!” Narinig niyang sigaw ng katulong nang makita siyang tumatakbo paakyat ng hagdan.

Pagkapasok ng silid agad na itinapon niya ang bag sa ibabaw ng kama at naupo sa kanyang study table, binuksan niya ang laptop. “Answer the damn call Daisy…,” bulong niya sa sarili, ang tingin ay nasa screen lang ng laptop.

 "Friendship!" bungad agad ni Daisy nang tanggapin ang kanyang tawag. “Bakit parang pumayat ka? Hindi ka ba inaalagaan ng mga kuya mo?” puna agad nito.

“Sexy ang tawag dito.” Natatawang salag niya sa komento ng kaibigan. 

“Psh! Sexy… Kahit anong gawin mo mas sexy pa rin ako sayo. H’wag ka ng mag-effort, hindi mo ako malalamangad.” Tumayo si Daisy at doon lang nakita ni Ariana na nakasuot lang pala ng panloob ang kaibigan.

“See? Mas sexy ako sa ‘yo, friendship!” proud nitong sabi.

“Gosh! Magdamit ka nga, ang laswang tignan, Daisy!” saway niya sa kaibigan. “Bakit ka ba naka underwear lang?”

“Nagfi-finger ako!”

“What?” Umawang ang labi niya. Sira ulo talaga ang babaeng ito kahit kailan. Tama ba namang ipagmalaki sa kanya ang ganun?

“Just kidding…” Malaki ang ngisi na bawi ni Daisy sa sinabi. "Do you think gagawin ko talaga yon?" Daisy rolled her eyes.

“Malay ko sa ‘yo! Hindi naman kita kasama 24/7 kaya hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo.” Pinag-cross ni Ariana ang mga braso sa d*bdib.

“Kakaligo ko lang, at nagbibihis ako nang tumawag ka. Tsh! H’wag ka nang ano, tingin mo talaga ginagawa ko ang ganun? Hindi ko pa binibinyagan ang keps ko. Baka ikaw itong hindi na holly…”

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Ariana. “V-virgin pa ako no!” Well, wala pang lalaki ang nakagalaw sa kanya pero hindi niya maitatagong hindi na virgin ang keps niya sa sariling mga daliri. “Bakit ba pumapasok sa isip mo ang ganyan? Alam mo namang wala akong nobyo.”

“Aba! Malay ko… Sino ba naman ang hindi mapapaisip kung may kasama kang seven hot boys d’yan sa bahay.”

"Hoy! Grabe ka sa ‘kin! Mga pinsan at kuya ko kaya sila! Yong bibig mo talaga walang preno!" napasimangot siya. Pag-isipan ba naman siya ng ganun?

"Psssh, parang nagbibiro lang ang defensive mo! Pero, ano to? Bakit namumula iyang pisngi mo? Mukha yatang tama ang hinala ko. Gosh, Ariana! Kanino ka nagparomansa? Kainggit naman, masarap ba?

Nanlaki ang mata niya sa mga paratang ng kaibigan. "Walang hiya ka talaga! Anong nagparomansa? Subrang polluted ng utak mo! Hindi ko gagawin ‘yon."

“Family stoke yata ang tawag don.” Malakas na tumawa si Daisy.

Lalong hindi maipinta ang mukha ni Ariana. Abnormal talaga ang best friend niya. Alam naman niyang nagbibiro lang ito at pinagtitripan siya, pero may isang bagay ang bigla na lamang tumakbo sa isip ni Ariana, bagay na hindi dapat niya iniimagine kahit sa panaginip dahil isa iyong malaking kasalanan.

*** 

"Ariana, bakit ngayon ka lang bumaba??" bungad na tanong ni Ziggy.

Hinila ni Ariana ang silya sa tabi nito at naupo roon, nag-umpisa na palang kumain ng hapunan ang mga ito.

"Nag-VC pa kasi kami ng kaibigan ko sa California, napasarap ang kwentuhan namin at nakalimutan ko ang oras," sagot niya at inabot ang ulam.

Kapansin-pansin ang katahimikan bago siya dumating. Ano kaya ang nangyari? Dumako ang tingin niya kay Brian, nasa dulo ito ng mesa at focus lang sa sariling pagkain. Nagtatakang nilingon niya si Yves sa kabilang side ng dinning table. Nagtatanong ang mga mata niya itong tinitigan, may pasa kasi sa kabilang gilid ng labi si Brian, hindi niya maiwasang isip, nag-away ba ang mga ito? Nagkibit balikat lang si Yves, mukhang wala ring alam sa nangyari.

"Ariana kumain ka ng marami." Napalingon siya kay Rick na maganang kumakain. “Ako ang nagluto ng hapunan,” pahabol pa nito.

"Sige po kuya." Nginitian ni Ariana ang kapatid.

"Ariana," tawag pansin ni Xander sa kanya, ito naman ang binalingan niya ng tingin. Magkatapat ang silyang inuupuan nito at ni Brian, kaya pareho itong nasasakop ng paningin ni Ariana.

“Yes, kuya?”

"Sino ‘yong lalaking kasama mo kanina sa parking?" pag-iimbistiga ni Xander sabay sulyap kay Bryan na natigilan sa pagsubo.

"Ah, si Kenji po ba? Bago ko pong boy friend,” casual na sagot ni Ariana pero agad napalunok ng malaki nang lahat ng kasama niya sa hapag ay pinukol siya ng masamang tingin, maliban kay Xander, at Bryan na nakatingin lang sa pagkain nito. "I mean lalaking kaibigan po, pasinsya… Nasanay kasi ako sa California."

"I see. So, bakit ka pala sumama sa kanya? Nakita ko kasi kayo sa parking kanina," tanong uli ni Xander. Kapansin-pansin na sa usapan nila ni Xander nakatutok ang atensyon ng lahat.

"He offered me a ride.”

Xander smirked before throwing another question, "What kind of ride?" makahulogang tanong nito at pinukol si Bryan ng mapang-asar na tingin.

"Po? Bicycle—" hindi natapos ni Ariana ang sasabihin nang marinig ang pag-urong ng upoan. Tumayo si Bryan at walang pasabi na umalis ng dinning area.

"Psssh! Asar talo…" Xander hissed.

"Nakakasuya ka talaga" iritadong sabi ni Yves sa nakatatandang kapatid. "Bakit mo ba inaasar si Kuya Bryan?" dagdag pa nito.

"Gumaganti lang ako sa kanya."

"Palibhasa ingetero ka," pasaring ni Yves pero hindi na ito pinansin ni Xander. Habang si Ariana naman ay nagugulohan na sinundan ng tingin si Brian na lumabas ng dinning room.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status