Share

TM3

"Talaga bang sa Ppalpan ka mag-aaral Ariana?" diretsahang tanong ni Yves kay Ariana. Kasalukuyan silang kumakain ng meryenda sa veranda sa likod ng mansion. 

"Oo, gusto ko kasi na kasama ko sa university ang mga kuya ko. Alam muna…matagal akong nawala at gusto kong palagi silang makasama kahit sa pagpasok ng school."

"Sabagay, mas okay ‘yong mababantayan ka nila. Hindi ka agad makakapaglandi kung kani-kanino sa campus," pagsang-ayon ni Yves sabay tawa sa huling sinabi.

"Grabe naman!" d***g niya sabay suntok sa braso ng pinsan. Landi talaga ang term? Pero may point naman si Yves, mahihirapan talaga siyang lumandi kung may strict siyang mga nakatatandang kapatid.

"Mukhang mahihirapan nga akong makahanap ng boyfriend nito,” sakay niya at sabay silang natawa ng pinsan.

"Pero seryoso… Wala ka bang boyfriend ngayon?" Hindi kombinsidong tanong ni Yves sa kanya. Tumango naman si Ariana bilang kompirmasyon. "Talaga? Hindi nga? Imposible naman, sa ilang taon mo sa California hindi ka nagkaroon boyfried kahit isang beses?" 

 

"Oo nga, kulet naman!”

“Why?”

“I don't know… Hindi ko lang siguro type ang mga lalaki doon sa America. Feeling ko may kulang, pero hindi ko naman alam kong ano."

Ewan niya nga ba, marami namang gwapo sa California. Ang dami nga niyang naging manliligaw doon at lahat naman ay masasabi niyang seryoso at may mabuting intensyon sa kanya. Ang problema lang talaga ay wala sa mga ito ang nagawang patibukin ang puso niya.

"Mhmm… Baka narito pala sa Pilipinas ang future mo, baka narito lang ang kulang na hinahanap mo, ang taong magpapa-ibig sayo.”

Tumango siya sa sinabi ni Yves. “Siguro nga…” pagsangayon ni Ariana, ang mga mata ay nakatuon sa pool kung saan naroon si Brian at nagsu-swimming. Hindi niya alam kung kanina pa ba naroon ang lalaki, ngayon lang niya ito napansin. Nakuyom ni Ariana ang mga kamao nang umahon ito sa tubig, naglakad ito sa malapit na lounge chair, kinuha nito ang puting tuwalya at nagpunas ng katawan. Hindi niya alam, pero bigla na lang nag-slow motion ang bawat kilos ng kapatid sa paningin niya, ang puso niya ay mabilis na kumabog.

Ugh. Hindi lang siguro siya sanay na nakikita ang kapatid na walang suot na pangitaas at nakaharap pa talaga sa dreksyin kung saan sila ni Yves nakaupo. Wala naman itong abs, flat lang ang tiyan nito, pero bakit ganun? Ariana found him very hot. Biglang nag-angat ng tingin si Brian at nagtama ang mga mata nila, agad na nag-iwas ng tingin si Ariana at nilingon ang katabing si Yves.

"A-ano nga uli ang sinasabi mo?" tanong niya sa pinsan nang hindi nakuha kung tungkol saan ang kinukwento nito. Bakit ba biglang nag-init ang magkabilang pisnge niya? Naiilang siya lalo na’t alam niyang nakatingin pa rin sa direksyon nila ang kapatid; hindi niya nakikita, ngunit ramdam niya ang tingin nito. 

~❀~

"Dala mo ba ang lahat ng documents mo? Yong requirements dapat kompleto," paalala ni Rick sa nakababatang kapatid habang palabas sila ng mansion.

"Nandito lahat kuya," naman ni Ariana at matamis itong nginitian.

Tumango si Rick at nangunang maglakad patungong garahe. Mabilis naman itong hinabol ni Ariana upang hindi maiwan ng kapatid. Sa shotgun niya napiling maupo, ngunit hindi pa man umiinit ang pwet niya sa upuan ay may kumatok na sa bintana ng shotgun seat.

"Yes, Kuya K?" Nakangiti na tanong niya sa kapatid.

"Don't ‘yes’ me, lil’sis… Sa backseat ka dahil trono ko ang shotgun seat,” pagtataboy ni Kurt Rex sa kanya.

"Ano ba yan!" nakangusong reklamo niya at lumabas ng shotgun seat.Lumipat siya sa likod, ngunit pagbukas ni Ariana ng pinto, agad niyang nakita si Brian Gil.

‘Ah, right! Kasabay nga rin pala namin ang isang ito,’ Ariana thought. ‘Para tanga lang! Syempre, sasabay din si Kuya Brian since confiscated ang hyperbike niya,’ dagdag niya.

Nakalimutan ni Ariana na pinagbawalan ito ng kanilang daddy na mag-motor dahil may nagawa itong kasalanan. Sumali kasi ito sa isang dragrace at nahuli ng mga pulis kaya nakarating sa daddy nila. Syempre, dahil may pera dinaan sa ‘under the table’ ang kaso kaya hindi ito natulog sa presinto at walang lumabas sa media.

 

Pumasok si Ariana sa backseat at agad na sinara ang pinto, kinakabahang sinandal niya ang likod. Ang weird na naman ng tibok ng puso niya. Nagsimula ang lahat pagkatapos ng pangyayari noong nakaraang araw, nang mahuli niya itong may dinalang babae sa bahay ng kanilang lolo at ang nangyari sa kusina; doon siya nagsimulang magkaroon ng weird na pakiramdam.

"Ano ba ang problema mo?" bulong na tanong ni Ariana na napahawak sa kanyang d*bdib. Nilingon niya ang gawi ni Brian at hindi na niya magawang tanggalin ang mata sa kapatid na mahimbing na natutulog.

"H’wag mo na gisingin si Brian, pagod ‘yan sa kalibugan niya kagabi,” biglang sabi ni Rick kaya nabawi ni Ariana ang tingin kay Brian. Umayos siya ng upo at itinuon ang tingin sa harap, nagsalubong ang tingin nila ni Rick sa rearview mirror.

“Kalibugan?” 

"Ang ibig sabihin ni Rick, puyat si Brian kaya ‘wag mo na gisingin," ulit ni Kurt. 

Tumango siya kahit na hindi masyadong naintindihan ang sinabi ng mga kapatid. Ano nga ulit ang ibig sabihin ng kalibugan? Hindi niya masyadong naririnig ang salita, at para sa kanya na lumaki sa isang English country mahirap sabayan ang Filipino languange kung hindi naman siya familiar sa isang salita.

Muling nilingon ni Ariana ang natutulog na kapatid. ‘Bakit ka napuyat dahil sa kalibugan?’ paulit-ulit niyang tanong sa sarili.

~❀~

"Hindi po ba natin s’ya gigisingin?" nag-aalalang tanong ni Ariana pagkababa ng sasakyan ni Rick. 

"Sino?" tanong naman ni Rick nang makababa ng driver’s seat.

"Si Kuya B-" Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita si Bryan na naglalakad palayo sa kanila, pumasok ito sa gusali hindi malayo sa parking area. “Gising na pala,” mahina niyang saad.

"Tara na Ariana…enroll ka pa namin ni Kurt."

Tumango siya at ngumiti sa mga kapatid, nangunang ang mga ito na magkalad sa kasalungat ng direksyon, muling tinanaw ni Ariana ang gusali na pinasukan ni Brian Gil. Malungkot siyang ngumiti. Kailan kaya siya bibigyan ng pagkakataon ng Kuya Brian niya na maging malapit dito? Paano ba niya makukuha ang loob nito? Gusto lang naman niya itong makasundo.

“Ariana!” tawag ni Kurt.

“Yes! Coming!” tugon niya at nagmadali na hinabol ang mga kapatid na malayo na pala sa kanya.

~❀~

Naglalakad si Ariana kasama ni Rick at Kurt sa hallway nang may tumawag sa pangalan ng dalaga. Sabay pang napalingon ang tatlo sa babaeng papalapit sa kanila.

“Anne? Ikaw na ba ‘yan?” tuwang-tuwa na tanong niya at niyakap ang kababata.

“Tang*na! Bakit ang ganda-ganda mo, Ariana. Maganda ka na noong mga bata tayo, pero mas gumanda ka ngayon, napaka-hot rin.

Gulat na humiwalay si Ariana sa kababata. Hindi niya inasahan ang paraan ng pananalita nito, hindi lang maangas ang timbre, nagmumura na rin ito.

“Sh*t, naman… Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ng Pilipinas, kay Yves ko pa nalaman na dito ka na mag-aaral ng koleheyo.”

 "Pasinsya na, biglaan lang din kasi, Anne." Awkward siyang ngumiti at sinilip si Yves sa likod ni Anne

"Ayos lang! Basta libre mo kami mamaya ni Eba ng lunch," pabirong tugon ni Anne.

"Bunganga mo, Anne! Kaya ako na i-issue na bakla dahil d’yan sa bibig mo.” Naiinis na saway ni Yves nito. Nginitian ito ni Ariana at gumanti naman ng tango ang pinsan.

Anne and Yves are bestfriends, kasama nilang lumaki si Anne sa mansion ng kanilang lolo, ngunit dahil sa mga hindi inaasahan na pangyayari kinailangan ni Anne na lumipat sa mansion ng mga Lee, ang pamilya ni Ziggy at Saint, para doon manilbihan kasama ng lola nito at nakababatang kapatid. 

Anne is loud ang cheerful since childhood, kaya medyo awkward para kay Ariana na makaharap ang bagong version ng kababata; she’s now one of the boys, at makikita mo iyon sa pananamit ng babae. Anne’ still loud, pero may pagkamarahas na itong magsalita.

"Sige, mamaya… Libre ko kayo ni Yves ng lunch." Nilingon ni Ariana ang mga kapatid na nakatayo lang sa kanyang likuran. “Ayos lang ba sa inyo mga kuya?”

“Bakit naman hindi?”

“Yeah, mas mabuting magkaroon ka ng makakasama na kapareho mo lang ng year,” segunda ni Rick at nilingon si Yves. “Hey, Yves Chandler. You’re incharge. Ingat mo ang dalawang ito, walang boys na pwedeng lumapit, maliwanag ba?”

Sumaludo si Yves. “Sir! Yes, sir!”

~❀~

Napahawak sa kanyang d*bdib si Brian Gil dahil sa labis na pagkagulat. Bigla na lang sumulpot sa harap niya si Lyn paglabas niya ng restroom.

“Ginulat mo naman—” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi niya. Nanlaki ang mata niya. “What the f*ck? What is your problem?” Galit na hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at niyugyog.

“Tinatanong mo pa? Ang kapal talaga ng mukha mo! After f*cking me the other night makikipaghiwalay ka? Ano, may bago ka bang babae kaya nagsawa ka na sa ‘kin?” galit na galit na sigaw nya sa akin.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Brian. Tumayo siya ng tuwid at ipinasok ang mga kamay sa loob ng kanyang pocket. “Gaya ng sinabi ko kagabi, tapos na tayo. Ano pa ang dahilan para sugurin mo ako dito? We’re done, so get lost. Just mind your own business from now on,” saad niya at tinalikuran ang babae.

"But you are my f*cking business, Brian!" pahabol na sigaw ni Lyn ngunit hindi na ito binigyang pansin ni Brian Gil, kahit ang lingunin ito ay hindi niya ginawa. "Pagsisihan mo ang ginawa mong ito Brian Gil dela Vega! After taking my dignity iiwan mo ako na parang basahan? I’ll make you regret break up with me!"

He feels bad for her… Pero ano ang magagawa niya? It’s just a one side relationship. Isa lang naman sa mga flings niya si Lyn, ang babae lang talaga ang masyadong clingy. He don’t have feelings for her. Of course, he’s attracted to hier. Sino ba naman ang hindi? Lyn has a perfect body to f*ck; malaki ang d*bdib at matambok ang likuran. Pumayag lang naman siya na maging malapit sa babae dahil sa dalawang rason na iyon, convinent sa kanya kung ang mga babae na mismo ang lalapit.

Paliko na si Brian ng corridor nang aksidenteng mabunggo ang isang babae. Well, not that they totally bumped each other, muntik lang silang magkabangga ng babae. Bumuka ang bibig ni Brian para sana magbitaw na naman ng insulto sa nakababatang kapatid nang magyuko ito ng ulo, umiwas sa direksyon niya at tuloy-tuloy na naglakad palayo.

‘What the f*cking is that? Is she avoiding me?’ Kunot noo na tanong niya sa isip.

~❀~

“I heard everything, stupid!” inis na bulong ni Ariana. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad nang nakayuko ang ulo. Narinig niya ang lahat ng pinag-usap nito at ng babaeng iyon, at talagang disappointed siya sa kanyang nalaman. Alam niyang playboy ang kapatid niya, pero hindi niya kailan man inisip na ganito ito ka salawahan. Brian Gil is an asshole!

Napahawak siya sa d*bdib. “Siguro nga mas mabuting hindi na lang kami maging close,” anya habang naglalakad pa rin. Nakuyom ni Ariana ang mga kamao. Disppointed siya, pero bakit ganun? Naiinis rin siya na malamang maraming babae ang kuya niya?

Pumasok ng elevator si Ariana at bumaba ng first floor. Hindi pa man nakakarating sa kanyang destinasyon ay bumukas na ang pinto ng elevator sa third floor. Napasiksik siya sa corner ng elevator nang pumasok ang isang matangkad at maputing lalaki. Tahimik lang sila ng lalaki hanggang sa makarating ng first floor, ngunit nang palabas na si Ariana ng elevator bigla na lang siyang tinawag ng lalaki.

"Miss! Sandali lang," tawag nito sabay hawak sa braso niya. "Nahulog mo….” Inilahad nito necklace niya.

"Oh, my gosh! Thank you so much," pasalamat ni Ariana at inabot ang necklace sa palad ng lalaki.

"Kahit ice cream na lang," the chinito said smiling at Ariana.

"Excuse me?” blind na tanong ni Ariana.

“Ah, since wala ng libre sa panahon ngayon. Why not libre mo na lang ako ng ice cream as a token of appreciation?”

"Ah, so you’re hitting on me.”

"Nope! My name is Daehyun, a pleasure to meet you?”

"Ariana Kate..." Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ng binata at nakipag-handshake ito.  

"Saan ka ba pupunta?" Daehyung suddenly asked.

"Sa parking lot ng school," walang pagdadalawang isip na sagot ni Ariana sa binata. Mukha namang hindi masamang tao iyong lalaking kaharap niya, baka maging kaibigan niya ito.

"What a coincidence? Doon din ang punta ko. Shall we?" anyaya nito na hindi naman tinanggihan ni Ariana. Unang araw niya sa eskwela, mabuting maging nice siya para magkaroon siya ng kabigan.

Habang naglalakad sila ni Daehyun patungong parking lot ng university, hindi maiwasang magkwentuhan ng dalawa. Nalaman ni Ariana na half Japanese, half Korean si Daehyun, at nag-iisang anak lang ito. Nagkaroon din ng maliit na pagtatalo sa pagitan ni Daehyun at ng parents nito bago ito tumungo ng Plipinas. Tutol kasi ang mga magulang ng lalaki sa kagustuhan nitong bumukod at manirahan sa ibang bansa. Mabuti na lang matapos ng isang linggong paliwanagan ay pinayagan din ang lalaki.

Syempre dahil kalahating taon na sa Pilipinas ang binata medyo matatas na itong magsalita ng Tagalog ngunit naroon pa rin ang Korean accient.

“See you tomorrow, Ariana!"

"Sure! Bukas na lang kita ibibili ng ice cream mo," tugon pa ni Ariana habang naglalakad sila papalayo sa isat-isa.

"Asahan ko ‘yan, ah!" Daehyun shouted entering his car. Ariana waved at him for the last time, bago pumasok sa backseat ng sasakyan ni Ken Rick. 

"Sino ‘yon?" sabay na tanong ni Kurt at Rick.

"Si Daehyung po mga kuya, new friend ko," magiliw na sagot Ariana, at hindi man lang pinansin ang katabing si Brian Gil sa backseat. Grabe, ang bilis naman yata nitong nakarating dito sa parking samantalang nag-elevator sila ni Daehyun. Saan kaya ito dumaan at nauna pa sa kanya?

"That's great! May bago ka na palang kaibigan, not bad!" masayang sabi ni Rick. Malapad na ngumiti si Ariana dahil sa papuri ng nakatatandang kapatid. Sasagot pa sana siya kay Rick nang biglang sumingit sa usapan nila si Brian.

"His a f*ck boy," suplado nitong saad. Ang tingin ay nasa labas ng bintana sa mga grupo ng babaeng naglalakad sa parking area. Nakaramdam agad ng inis si Ariana.

"So?" iritableng tanong niya sa kapatid. Kung kani-kaninong babae ito nakatingin, pero siya, bawal makipagkaibigan sa lalaki? 

"Hindi mo s’ya pwedeng maging kaibigan," Brian firmly stated, kaya kumulo lalo ang dugo ni Ariana. Did he just control her friends? What the hell? At kailan pa ito nakialam sa buhay niya o sa mga taong nasa circle niya?

“Daehyun is a nice guy. I don’t think he has bad intention befriending me,” pagtatanggol ni Ariana sa bagong kaibigan. Ano ngayon kung lalaki nga si Daehyun? As if naman naging issue sa kanya ang gender ng tao para maging kaibigan niya. Isa pa, marami siyang lalaking kaibigan sa California. Si ano ang bago?

"Of course, kakakilala niyo palang. Kukunin muna niya ang loob mo bago niya gawin ang masamang balak niya sayo. I know his type. Kapag nagtiwala ka na sa kanya saka niya kukunin ang—”

“Virginity ko?” Napatda si Brian Gil sa sinabi niya. “Virginity ko ba ang tinutukoy mo kuya? Bakit mo naman alam ang ganito? Ah~ Galawan mo nga pala ang ganito kaya alam na alam mo. Bakit sa tingin mo ba katulad mo ay f*ck boy si Daehyun?-” Muntik ng mapasubson si Ariana sa likod ng shotgun seat nang biglang apakan ni Rick ang preno.

"P-pansinsya na may tumawid na aso," dahilan nito sa kanila. 

Ariana rolled her eyes and crossed her arms. Alam niyang sinadya iyon ng Kuya Rick niya dahil sa pagsasalita niya ng hindi maganda sa ka-triplets nito. At dahil ayaw naman niyang maging bastos, pinili na lang ni Ariana na tapusin ang usapan at isara ang bibig. Hinarap niya ang sariling bintana at binilang ang building nadadaanan nila.

'Ugh! This ride is b*llsh*t' sa isip ni Ariana.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status