Share

TM2

"Kamusta naman ang California, Ariana? Hindi ka ba nahirapan mag-adjust doon?" tanong ni Ziggy habang hinihiwa ang steak sa plato nito. Kasalukuyan silang nasa dining table at kumakain ng haponan.

"Medyo, pero dahil kasama ko naman si mommy at daddy ay nakapag-adjust agad ako.” Tipid na ngumiti si Ariana nang may maalala. “Malungkot sa simula, wala kasi kayo pero may nakilala naman ako at kinalaunan ay naging matalik kong kaibigan. You remember Daisy, Kuya Rick? Siya ang tinutukoy ko," tawag pansin niya sa kapatid na kanina pa nakatutukok sa hawak nitong cellphone habang sumusubo.

"Huh? Yes, I can remember her," agarang tugon nito.

"Mabuti at naging masaya ka roon kahit paano." Ngumiti si Ariana sa pahayag ni Ziggy.

"Mabuti at hindi mo namiss ang gurang mong mga kapatid," segunda ni Xander.

"Syempre namiss ko, Kuya X. Pwede ba namang hindi?" mabilis na sagot ni Ariana na hindi napigilan ang mapangiti. Kung alam lang ng mga ito kung gaano siya kalungkot noon dahil sa labis na pagka-miss sa mga kuya niya.

Kumupas ang ngiti ni Ariana nang dumako ang tingin niya kay Brian. Masama ang timpla ng mukha nito, halatang hindi gusto ang pinag-uusapan nila.

"Saan mo planong mag-college?" pag-iiba ng topic ni Kurt.

Right. Ngayon lang naalala ni Ariana, hindi pala niya nasasabi sa mga ito kung saan siya balak pag-aral. Masyado siyang naging excited at nakalimutan niyang ipaalam sa mga ito ang plano niya.

"Sana sa Ppalpan ka na lang Ariana para may kasama ako," sabad ni Yves.

"Sa Ppalpan University ka? Ang akala ko ba ayaw mo sa Ppalpan? Gusto mo maging idol ‘di ba? Bakit hindi ka nag-aral sa Korea?" nagtataka na tanong ni Ariana. Sa kanilang magpipinsan, siya at si Yves lang ang magkaidan, at idol na idol nito ang Lolo Klimt nila na dating K-pop solist. Bukod sa Pennsylvania, may bahay rin sa South Korea ang kanilang Lolo kaya hindi problema kung may balak ang isa sa kanilang magpipinsan na sundan ang yapak nito.

"Pinagbawalan s’ya ni Daddy," singit ni Xander sa usapan nila ni Yves. "Isa pa, hindi s’ya pwedeng maging idol dahil bakla s’ya," bwelta nito sa nakababatang kapatid.

Tumiim ang bagang ni Yves at mahigpit na napahawak sa koyertos na hawak. "Hindi ako bakla! Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi ako bakla!" galit na pagtatanggol nito sa sarili kaya biglang nagkaroon ng tensyon sa dining.

"Akala mo ba hindi ko alam na ikaw ang nagsabi kay daddy na bakla ako, kahit hindi naman! Dahil sa ‘yo pinasok niya ako sa Ppalpan at hindi sa school na gusto ko! Palibhasa ingitero ka!" galit na sabi ni Yves.

"Bakit? Totoo namang bakla ka, ah?" muling banat ni Xander. 

Ramdam ni Ariana ang sobrang pagpipigil ni Yves na huwag sapakin ang nakatatandang kapatid. Pulang-pula ang mukha nito, animo pressure cooker na punong-puno ng kumukulong galit para sa kapatid.

"Tama niyo na nga 'yan, nasa harap kayo ng pagkain puro kayo bangayan," saway ni Rick sa magkapatid na parang aso’t-pusa.

Sa pitong magpipinsan, si Ken Rick ang pinakamatanda at kinikilalang panganay, mas matured siya sa magpipinsan sa lahat ng aspeto. Kahit na kaidad nito ang dalawang kapatid na sina Kurt at Brian, ‘di hamak na mas may awtoridad ang mga salita ni Rick; siya ang kuya ng lahat.

Napaigtad si Ariana sa kinauupuan nang pabagsak na nilapag ni Brian ang baso at tumayo sa kinauupuan. 

"Ang iingay nyo" komento nito at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng dinning room.

Nagbuntonghininga si Ariana. ‘Bakit pakiramdam ko’y napasok ako sa lungga ng mga leon?' aniya sa isip.

Pagkatapos ng dinner, naglakad-lakad si Ariana sa malawak na garden upang magpahangin. Hindi pa siya inaantok at wala siyang ibang maisip na gawin kaya aaliwin na lang niya ang sarili sa ganitong paraan. Narating ni Ariana ang gitna ng rose maze kung saan nakatayo ang pinakamatandang puno sa lupang kinatitirikan ng mansion; ang puno na lagi nilang tinatambayan na magpipinsan, dahil malilim at presko ang hangin. Tanda pa niyang madalas silang maghabulan dito.

"Mabuti naman narito ka pa,” pagkausap ni Ariana sa puno. Lumapit siya dito at hinawakan ang matigas at malaki nitong katawan.

"Hindi marunong maglakad ang mga puno, kaya paano siya aalis d'yan?"

Gulat na lumingon si Ariana sa dako ng nagsalita. "Kuya! Narito ka pala!"

"Anong ginagawa mo ng ganitong oras dito sa garden? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka na?" Kunot ang nuo na tanong nito sa kanya.

"Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin muna dito sa garden. Ikaw, bakit gising ka pa?" Napatingin siya sa suot ng kapatid. Mukhang may pupuntahan ito dahil nakaporma. "Aalis ka?" hindi niya napigilang itanong.

"None of your damn business." Nagsindi ito ng sigarilyo at ibinuga sa mukha niya ang hinithit na usok.

Sunod-sunod na naubo si Ariana, agad siyang umatras palayo sa kapatid. Ayaw na ayaw talaga niya ang amoy ng sigarilyo, at kailan pa ito natutong manigarilyo?

"Pumasok ka na sa loob at matulog, malamig dito sa labas," sabi nito at tinalikuran siya.

"Teka lang, Kuya Brian!" Pigil niya’t hinawakan ito sa braso.

"Tanggalin mo ang kamay mo't, h’wag uli akong hahawakan!"

Mabilis na bumitaw si Ariana. Ito ang unang beses na sinigawan siya ng kapatid. Sobra ba ang ginawa niya? "S-sorry… May itatanong lang sana ako sa ‘yo," napapahiyang nagbaba siya ng tingin. Hindi naman nito kailangan sumigaw.

"Ang dami namang arte magtatanong lang pala. What is it?" 

Naikuyom ni Ariana ang mga kamao. Bakit ba ganito siya nito pakitunguhan? Hindi man lang ba nito naisip na nasasaktan siya? Kahit pa sabihing sanay siya sa malamig nitong pagtrato, may limitasyon pa rin ang mga masasakit na salitang kaya niyang tanggapin.

"Gusto ko lang malaman kung may nagawa ba akong mali para tratuhin mo ng ganito?" Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili na umiyak. Hindi na nakakatuwa ang pagiging magagalitin nito sa kanya. Ano ba kasi ang ginawa niyang kasalanan dito para tratuhin siya ng ganito?

"May ginawa kabang mali?" Nakataas ang isang kilay na balik tanong ni Brian sa kanya. 

Umiling si Ariana. Wala siyang natatandaan na may ginawa siyang kasalanan dito. Pero paano kung nakalimutan lang niya dahil sa amnesia? Hindi pa bumabalik ang lahat ng alaala niya, paano nga kung may nagawa siyang malaking kasalanan dito noon at hindi lang niya matandaan?

"Wala naman pala," sabi nito at tinalikuran siya.

Hindi na pinigilan ni Ariana ang nakakatandang kapatid. Kahit na gusto pa niya itong kausapin ng masinsinan ay hindi na siya naglakas loob na pigilan itong umalis. Wala rin patutunguhan ang usapan nila dahil mukha itong hindi interesadong kausapin siya. Hindi na nga yata magiging maayos ang relasyon nila ni Brian Gil.

Laylay ang balikat na naglakad si Ariana papasok ng mansion. Nawalan na siya ng ganang tumambay sa hardin. Papanik na siya ng hagdan nang mahagip ng mata niya ang bulto ni Xander na nakatayo sa gilid ng stair way.

"Kuya X, anong ginagawa mo d'yan? Hindi ka pa ba matutulog?"

"Hindi mo ba siya tinanong kung saan siya pupunta?" 

“Kuya?” Kumunot ang noo ni Ariana. Hindi niya maintindihan ang tanong nito. Sino ba ang tinutukoy nito? Ang kuya Brian niya ba? Ah, marahil ay nakita sila nitong nag-uusap sa garden.

"Sa susunod, h’wag mo na siyang pa-aalisin ng bahay ng ganitong oras."

"Ho? Si Kuya Brian ba ang tinutukoy mo, Kuya X?" nalilitong tanong niya.

"May karapatan kang pagbawalan siya." Humalukipkip ito. 

"Matulog ka na Ariana," bigla ay sabi nito pagkatapos ng mahabang katahimikan. Walang pasabi na tinalikuran siya ni Xander; nagtungo ito sa kusina.

Nakamot ni Ariana ang ulo. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Mukha namang ang Kuya Brian niya ang tinutukoy nito, pero anong konek nong karapatan thingy? Hindi kaya naglalakad ng tulog ang Kuya Xander niya? Mukha kasing wala ito sa sarili habang kausap siya. Tsk, siguro ay naglalakad nga ito ng tulog. Uso pa naman ang ganon, tapos kinabukasan hindi nila alam ang mga pinaggagawa habang tulog sila.

~❀~

Napabalikwas ng bangon si Ariana sa kanyang kama. Pawisan ang buong mukha at habol niya ang kanyang hininga, nanginginig ang mga kamay na hinilamos niya ang palad sa sariling mukha…napanaginipan na naman niya.

Nitong nakaraan na mga buwan ay madalas siyang bangungutin. Hindi niya matandaan ang panaginip niya, basta nagigising nalang siya na sobrang natatakot at hindi mapigilan ang panginginig ng katawan.

Bumangon si Ariana ng kama at nagsuot ng roba. Lumabas siya ng kwarto upang bumaba ng kusina upang uminum ng tubig, ngunit nang dumaan siya sa kwarto ni Brian ay napahinto siya nang makarinig ng malanding unggol ng isang babae. Hindi siya mangmang upang hindi malaman kung ano ang nagaganap sa loob ng silid, lumaki siya sa bansa kung saan laganap ang makipag-s*x kahit pa sa taong hindi mo kasintahan.

Nagmadaling umalis sa harap ng pinto si Ariana, at bumaba ng hagdan. Malaki na si Brian at may kakayanan itong mag-decide para sa sarili. Alam niyang hindi siya dapat na makialam sa mga pasya nito o sa gusto nitong gawin, ngunit kahit na alam niya ang bagay na iyon, maypa rin kirot sa puso niyang hindi niya magawang pangalanan.

"Hindi man lang niya nirespeto ang bahay ng grand parents namin. Nagdala talaga siya ng babae dito… Ang kapal ng mukha," pagkausap ni Ariana sa sarili habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa pitchel.

"Sino ang nagdala ng babae dito sa mansyon, at makapal ang mukha?"

"Ay p**i ng tipaklong!" Nabitawan ni Ariana ang hawak na baso. Lahat ng laman niyon ay tumapon sa sahig at ang nagkapirasong baso ay tumilapon kung saan.

"Oh, my gosh!" bulalas niya nang makita ang pulang likido mula sa paa niya.

"H’wag kang gumalaw!" Galit na sigaw ni Brian nang magtangka siyang i-check ang kanyang sugat. "Sh*t! Bakit ba napaka clumsy mo?" frustrated na dagdag nito.

Kinagat ni Ariana ang ibabang labi para pigilan ang sarili na maging emosyonal. Hindi naman niya mabibitawan ang baso kung hindi ito biglang nagsalita sa likod niya. Bakit siya na naman ang may kasalanan? In the first place, hindi siya dapat nito ginulat.

Nanigas ang katawan ni Ariana nang bigla siyang buhatin ni Brian at pinaupo sa center island. Umalis ito ng kusina at nang makabalik ay dala na nito ang box ng first aid kit.

"K-kuya masakit," reklamo niya sa kapatid dahil masyadong madiin ang pagkakalapat nito ng cotton sa sugat niya sa paa.

 

"Hindi ko na problema ‘yon." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Kung hindi ka kasi tatanga-tanga hindi ka masasaktan." 

Nag-iwas siya ng tingin sa kapatid. Ang sakit naman nito magsalita. Hindi naman niya sinadyang saktan ang sarili. "Kung makapagsalita ka naman parang pinalalabas mong sinadya kong sugatan ang sarili ko. Aksidente ang nangyari, kung hindi ka biglang nagsalita sa likod ko, hindi ako magugulat, hindi ko sana mabibitawan ang baso," sagot niya sa nakatatandang kapatid. Grabe naman kasi ito magsalita. Hindi na niya kayang manahimik at hayaan itong insultuhin siya.

"H’wag kang kumilos.” Hindi nito pinansin ang pagrereklamo niya.

"B-bakit kaba ganyan?" emosyonal niyang tanong. "Bakit mo ba ako tinatrato na ganito? Bakit ang sama-sama mo sa ‘kin? Alam mo bang nakakasakit ka na ng feelings!" inis na sigaw ni Ariana sa kapatid, ngunit hindi ito umimik, para bang wala itong narinig.

"I hate you, Kuya Brian!" Itinulak niya ang kapatid at tumalon mula sa center table. Tumakbo siya palabas ng kusina kahit na iika-ika ang isang paa dahil sa natamong sugat. Narinig niya ang pagtawag ni Brian sa pangalan niya ngunit tuloy-tuloy lang siya sa pagpanik sa ikalawang palapag ng bahay. Punong-puno na siya sa pagiging mean nito sa kanya. Kung ayaw nitong maging maayos ang relasyon nila bilang magkapatid, edi ayaw rin niya! Wala na siyang pakialam, bahala na ito sa buhay nito!

~❀~

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Brian. Nahilamos niya ang palad sa mukha at frustrated na ginulo ang buhok. Ilang segundo pa siyang nanatili sa ganoong posisyon bago tumayo at nilinis ang kalat na iniwan ni Ariana. Looks like he over did it this time, but whatever…

Nasa gitna ng pagwawalis si Brian nang may magsalita mula sa likod niya. "Hindi mo dapat itinuturing na ibang tao si Ariana. Pamilya siya kaya dapat ay pakisamahan," payo nito.

"Gagawin ko ang gusto kong gawin. Mind your own business, X.”

"Guilty ka pa rin ba sa ginawa mo noon, kaya mo siya tinatrato ng ganito?”

"I said mind your own damn business, Xander Clay! Guilty or not. Wala kang karapatan na makialam kung paano ko siya pakisamahan. It’s my f*cking way!”

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status