LOGINFaye’s Point of View
Nauna akong matapos kumain kaya mabilis akong umakyat sa kuwarto para hanapin ang phone ko. Kinalikot ko ang message conversation namin at isa-isang dinelete ang tingin ko ay nakakaduda— at malalaswa. To Matheo: Bruha ka. Umuwi ka na rito bago pa maghatinggabi, kun’di pag-uuntugin ko kayo niyan ni Tyler. To Matheo: Nasaan ka? Papunta raw si Mommy sa bahay, bibisita. Umuwi ka muna, bilisan mo. Kinakabahan na ako rito. To Matheo: Tumawag sa akin si Tyler, hinahanap ka. Nag-away ba kayo? O chini-check kung nagmimilagro na tayo? HAHAHAHAH From Matheo: Should I buy s*x toys for you? Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang text na iyon galing kay Matheo na noong nakaraang taon pa naman iyon ipinadala! Talagang umabot na ako rito sa pagdedelete ng mga mensahe. Nanginginig ang kamay na sinubukan ko iyong idelete. Palibhasa’y aktibo ang s*x life niya kaya alalang-alala siya sa akin. Naisipan niya pa talaga na ibili ako ng s*x toys! Naalala ko tuloy na pinagkukurot ko siya no’n nang pagkauwi niya. Until now we still don’t consummate our marriage. Virgin pa rin ako. Hanggang halikan at yakapan lang kami ni Matheo. At ginagawa lang namin iyon kapag alam namin na may audience kami at kailangan. Isa pa, diring-diri ‘yon sa akin kapag napag-uusapan naman ang tungkol sa pagse-sex. Parang lulubog na ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naaawa ako sa sarili ko. Siguro kasi hindi lang din ako makapaniwala na ilang taon na akong kasal… pero hanggang ngayon ay wala pa rin experience sa kama. Isn’t it ironic? I’m still a virgin, but I'm already married for more than two years. “What is that?” Napatalon ako sa gulat at nilingon ang boses. Hindi ko man lang narinig na bumukas ang pinto o ang mga yabag niya palapit! Bigla na lamang siyang sumulpot at kung hindi pa nagsalita ay hindi ko malalaman na narito na siya! Madali akong umatras at sobrang bilis ng kamay na dinelete iyong mensahe ni Matheo sa akin tungkol sa s*x toys. Kumunot ang noo ni Mikhael. “What’s wrong with you?” Malamig niyang tanong. Tumikhim ako, inalis ang bara sa lalamunan at sa hindi malamang dahilan ay dinaanan na naman sa tawa ang matinding kaba. “Wala… just personal messages from my husband. Hindi na ‘yon mahalaga. Nakakahiya lang kung mababasa mo.” Sagot ko. Nagtaas siya ng kilay at mukhang mas nairita sa akin. Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko. “Nasa pinakababa ‘yong huling message niya.” Ani ko. Tinanggap ni Mikhael ang cellphone ko at tiningnan ang huling mensahe galing kay Matheo. From Matheo: 5r1r3l3s9l2l4r Tinitigan iyon ng matagal ni Mikhael at napapakunot noo siya. Tumabi ako sa kaniya at tiningnan kung ano na ang tinitingnan niya, baka mamaya magscroll na lang siya bigla at makakita ng kung ano-ano roon! Pero hindi naman niya ginagalaw ang coversation, baka nga nag-iisip siya ng malalim doon sa cryptic message ni Matheo. Unti-unti siyang bumaling sa akin at napakunot-noo. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Ano?” Taka kong tanong sa kaniya. “Matheo lang ang pangalan ni Matheo sa phone book mo?” “Huh?” Naguluhan ako sa tanong niya. Ano’ng… bigla’y naunawaan ko ang sinasabi niya. Hinablot ko sa kaniya ang cellphone at pinaikot ang mga mata. “What the h*ck, Mikhael? ‘Yon pa talaga ang pinansin mo? Akala ko pa naman naiintindihan mo na ‘yong kahulugan no’ng text niya.” Tumitig pa rin siya sa akin, hindi natinag sa sinabi ko. “You don’t have an endearment with your husband? Bakit Matheo lang ang nakalagay? Should you not call him love, babe, sweet, donut or whatever cringe endearment there is? Talagang Matheo lang?” Para siyang natatawa. I gritted my teeth in annoyance. “Ano bang pakialam mo? Mas sweet kaya ‘yong tinatawag ka sa pangalan mo kasi chine-cherish niya ‘yong ikaw… ‘yong pangalan mo mismo!” Ngumisi siya bigla. “Talaga, Faye?” Hindi na kanina maipinta ang mukha ko dahil sa inis sa kaniya, pero nang banggitin niya ang pangalan ko'y wala nang ibang ekspresyon sa mukha ko kung hindi gulat. Nakita niya ang pagkakatigil ko. “Hmm…” he smirked. Nagtagis ang bagang ko at sa matinding inis sa kaniya ay hinampas ko ang braso niya. Pero ako lang ang nasaktan! Ang tigas pala. “Huwag mo nga akong ma-Faye Faye diyan!” Sigaw ko. Mas lalo lang lumaki ang pagkakangiti niya. Isa na naman iyon sa pagkakaiba nila ni Matheo. Si Matheo kapag nakangiti, maaliwalas at magaan. Mas nagiging maamo ang mukha. Itong si Mikhael naman kapag ngumiti parang nang-iinsulto na ewan! Inirapan ko siya at naglakad na lang papunta sa kama para makalayo sa kaniya. “Ano, tingin mo may maitutulong ‘yong text sa paghahanap kay Matheo?” Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan at sinusundan ako ng tingin. “I think it’s a code. Papatingnan ko sa coder namin, baka may maisip siya kung saan iyon magagamit. Send it to me.” Aniya. Kinunutan ko siya ng noo. “E, wala naman akong number sa'yo.” Reklamo ko. Saka lamang siya humakbang palapit at kinuha sa kamay ko ang cellphone. Sa sandaling nagkadikit ang balat naman ay para na akong napapaso kaya mabilis ko iyong binitawan. “What’s your phone's password? You need to open it.” Aniya, pero iniharap na sa akin ang screen para mascan ang mukha ko. Bumukas iyon dahil sa face identification. Nagtipa siya at ilang sandali lang ay ibinalik niya rin sa akin ang cellphone ko. “Send it to my number now.” Utos niya. Inismiran ko siya. Kala mo kung sino'ng makautos. Pero syempre, sumunod pa rin ako. Ang problema, hindi ko mahanap sa contacts ko ang pangalan niya noong ifoforward ko na iyong text ni Matheo sa akin. “Wala naman dito ang pangalan mo? Walang Mikhael.” Puna ko saka nagscroll na lang sa contacts. Nakatayo lang siya doon, nakatingin sa akin. “Ano bang nilagay mo sa contacts—” Napatigil ako sa pagtatanong nang makita ang hindi pamilyar na pangalan at numero sa contact list ko. My Husband? T-teka… Marahas akong nag-angat ng tingin. “Inilagay mo ‘to sa contacts ko?” Pinakita ko sa kaniya ang contact information ng numero ng may pangalan na My Husband. Nagkibit-balikat pa talaga siya! “Yeah, since I’m your husband now, dapat lang na gano'n ang pangalan ko sa contacts mo.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. O my god, the audacity of this person!Faye's Point of ViewAno naman kaya ang ginagawa niya roon? Alam naman niyang wala siyang mahahanap na sekretong silid sa study... bakit siya naroon? Kumuha ako ng tasa at nagsimula nang gumawa ng kape. Judging by Mikhael's personality, mukhang hindi siya mahilig sa matamis, gusto niya ’yong puro at matapang. Kaya naman hindi ko na nilagyan ng asukal o krema ang tinimplang kape. Puro lamang iyon. Inilagay ko iyon sa platito saka maingat na dinala papunta sa study. Nakabukas pa rin ang pinto at naaninag ang liwanag galing sa loob. Itinulak ko iyon bahagya gamit ang isang paa saka unti-unting pumasok. Agad ko siyang nahanap, nakaupo sa swivel chair at parang problemadong nakatingin sa mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa. Agad siyang nag-angat ng tingin at nang makita ako, napaayos ng upo at napakunot ang noo. “Kape mo.” Ani ko. Maingat kong inilapag sa ibabaw ng mesa ang kape habang nararamdaman
Faye's Point of View Nasa hapagkainan na ako at nakahanda na ang mga pagkain nang bumaba si Mikhael. Naligo nga siya kagaya ng sabi niya. Malayo pa lang ay natanaw ko na siya, halatang basa ang kaniyang buhok galing sa pagligo. Nakasuot na siya ngayon ng gray na t-shirt at itim na cotton shorts. Mukha na siyang komportable at presko sa hitsura niya ngayon, pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya, na para bang irita pa rin siya sa isang bagay. Dumiretso siya sa kabisera at doon naupo. Hindi kagaya noon na nauna akong kumain sa kaniya, sinadya kong hintayin siyang makarating bago magsimulang kumain. Nagkatinginan kami, pero saglit lang dahil mabilis din akong nag-iwas ng tingin. Lumapit ang isang kasambahay at nagsalin na ng tubig sa baso namin bago tuluyang umalis. Kaming dalawa na lamang ang natira sa dining table kaya tahimik ang buong paligid. Kung hindi pa dahil sa kalansing ng mga kubyertos at ang matinis na tunog ng ku
Faye’s Point of View Well, I don't think that's true. Louis is not attracted to me. Ayaw kong isipin na may gusto sa akin si Louis dahil lang sa inimbitahan niya akong magdinner kasama si Avon. He's just... fond of me. Tyaka dinner lang naman iyon. Bakit ba ganito mag-isip si Avon? Dahil naibalik na sa kaniya ang kaniyang card, tumayo na siya. Tumayo na rin ako at handa nang umalis. Gusto kong lumingon sa direksyon kung nasaan sila Mikhael para makita sila sa huling pagkakataon, pero kinakabahan din ako. Pinapanood niya kaya ako? Aware ba siya sa presensya ko? Nakita niya ba 'yong paglapit ng mga kaibigan ni Louis sa mesa namin? Ano kayang naisip niya roon? Nagawa kong sumulyap sa direksyon nila Mikhael at halos mapatalon sa gulat nang makitang sinusundan niya ako ng tingin. Abala si Engineer Lopez sa pakikipag-usap sa waiter, hindi ko alam kung bakit, pero si Mikhael ang atensyon at ang mga mat
Faye's Point of View Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kahit noong nakabalik na ako sa mesa namin ni Avon. Natutulala pa ako sa tuwing naiisip ang sinabi ni Mikhael sa akin sa washroom. “But if I were your husband... I would never let any man hug you... even if it's a friend.” What... what does he mean by that? Would he be a jealous husband? Would he be too possessive with his wife? Kaya kahit na simpleng yakap galing sa kaibigan ay ipagbabawal niya? Napalunok ako nang maisip ang posibilidad na seloso si Mikhael kaya ganoon ang nasabi niya. Kung magkakaroon siya ng girlfriend... o asawa... baka bantay-sarado niya ito. Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang parang aangat ang sulok no’n para sa isang ngiti. Bakit ba ako nangingiti? Maybe it just sound so funny to me? Hindi naman kasi seloso si Matheo sa akin, dahil wala rin naman kaming nararamdaman sa isa't isa kaya hindi big deal sa kaniya kung napapalibut
Faye's Point of View Kumuha rin siya ng handwash at pinabula sa mga kamay. Nakatingin siya no'ng una sa mga kamay niya, pero hindi nagtagal ay tumingin siya sa salamin para makita ang repleksyon naming dalawa. Hindi ako nakapagsalita. Binuksan niya ang gripo at binanlawan ang mga kamay, pero nanatili ang tingin niya sa akin. Pinapatuyo ko na ang mga kamay sa lababo, hindi ako makaalis kahit nasa isip ko nang lumapit sa hand drier para mabilis na matuyo ang kamay ko. “Sinong kasama mo?” Humarap siya sa akin at diretso na akong tiningnan. Malamig ang mga mata niya at parang may anino sa gilid ng mukha niya. Anino ng totoong emosyon na pilit niyang ikinukubli para magmukha siyang seryoso at walang pakialam. Napaatras ako. “I'm with my friend.” Alangan kong sabi.”Ikaw? Sino kasama mo?” Kilala ko na si Engineer Lopez. Isang tingin lang, makikilala ko na siya agad. “I'm with Engineer Lopez
Faye's Point of View Louis is Avon's first cousin from her mother's side. Dahil high school pa lang magkakilala na kami ni Avon, halos nakilala ko na rin ang buo niyang angkan. Minsan, naiimbitahan ako sa mga birthday party ng pamilya niya kaya doon ko name-meet ang ilan niyang pinsan. “Kailan ka pa naka-uwi, Louis?” Masayang tanong ni Avon sa pinsan. Dahil apatan naman ang mesang inukupa namin ni Avon, may mga bakanteng upuan pa. Pinaupo niya sa Louis sa tabi ko para nasa harap niya ito. “Just yesterday. Umuwi ako para sa kasal ng kaibigan ko. Actually, may meeting kami ngayong lunch, lahat ng groomsmen ay pupunta para makapag-meeting kami.” “Ow.” Si Avon na nagulat sa balita. Ang alam ko, nasa Amerika na ang pamilya ni Louis. May citizenship na sila roon. May trabaho na rin si Louis kaya siguro nga'y umuwi lang siya para sa kasal ng kaibigan. “Muntik ko kayong hindi makilala.
Faye’s Point of View Matheo’s money is not his actually. Ang pera niya ay galing sa kanilang pamilya. Sa tuwing kinakailangan kong dumalo sa mga charity auction o mga pagtitipon at kailangan kong gumastos ng malaking halaga, nakikita rin iyon ng mga magulang ni Matheo. They have access to it. May
Faye's Point of ViewKlare is an artist. Tinutulungan niya ang mga baguhang pintor na magbenta ng mga art pieces kaya every other month ay nagho-host siya ng art exhibit. Palaging naiimbitahan si Matheo sa bawat art exhibit, gusto rin kasi ng isang ‘yon ang art, kaya mahilig din siyang magkolekta n
Mikhael’s Point of View It was Dad who introduced me to taekwondo and boxing. Gusto niya na matuto kami ng self-defense sa pamamagitan ng pag-tri-training sa martial arts.Noong maliit pa kami ni Matheo, sakitin siya kaya hindi siya isinasama sa training. Simula five years old pa lang ako, nag-aa
Mikhael’s Point of View Eight years ago. “Bakit hindi ka na lang magpokus sa pag-aaral mo Mikhael? Malapit na kayong magtapos ng high school. Don’t tell me wala ka pa rin planong magseryoso sa pag-aaral mo?” Uncle Jemuel asked. It was my parents' wedding anniversary. Nasa hotel kami na pagmamay







