Share

Chapter Twenty Nine

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiiyak. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga tao sa paligid ko. Pero hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kabaong ni Mommy habang umiiyak. Hinayaan naman ako ni Amirah at binigyan ng oras mag-isa.

"M-Mommy..." mahina ngunit umiiyak kong tugon kay Mommy. "Magkasama na ba kayo ni B-Baby? H-Hindi ba siya umiiyak?" walang humpay na tumutulo ang mga luha ko.

"M-Mommy... B-Bakit hindi mo na ako nahintay? B-Bakit hindi ka lumaban? S-Sino may gawa nito? P-Pinahirapan ka ba ng sobra?" sunod-sunod kong tanong habang nakatingin sa maamo niyang mukha. "Mommy... H-Hindi ko alam kung paano t-tatanggapin... Wala ng natira sa'kin..."

"B..." tawag ni Amirah at inalalayan ako sa balikat para itayo. "Ang Daddy mo nand'yan..." agad akong napatingin kung nasaan si Daddy.

Mabagal itong naglalakad papalapit sa gawi ko habang nakatingin sa'kin ng diretso. Nakaramdam ako ng matinding galit. Galit na galit dahil sa pagkawala ng Mommy ko. Paglapit nito ay agad ko itong pinag
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status