Share

Destiny 4

Mabilis lumipas ang dalawang linggo. Mas lalo na -appreciate ni Hayden ang pagiging prompt at fast leaner ni Celestine. Wala pa itong sablay. Hindi rin n'ya ito nakitaan man lang ng konteng senyales na may gusto ito sa kanya o di kaya nagpapa-cute man lang. Lagi itong professional na humaharap sa kanya. Na minsan naiinis na rin s'ya.

Gusto sana ng binata na ito ang magtempla ng kape n'ya dahil may kulang pa rin sa templa ng kanyang secretary, pero ma-pride s'ya kaya tinitiis na lang nito ang iniinom na kape.

Nalalapit na ang business trip si Hayden sa Japan. Kaya kailangan kasama n'ya ang kanyang maaasahang mga tauhan sakaling kelanganin na naman n'yang biglaang iwan ang mga ibang meetings n'ya.

Wala sanang balak ang binata na isama ang bagong assistant dahil boung akala n'ya ay niri- reto lang ito ng ina sa kanya.

Pero mali pala s'ya. Magaling ito sa trabaho at parang mapagkakatiwalaan din naman.

Kaibigan pala at dating kasamahan ng ina n'ya ang ama ng dalagang assistant. At ngayo'y naaalala na n'ya na dati pala itong schoolmate sa International school na pinapasukan n'ya. T'yak na tinutulangan ito ng ina dahil nangangailangan ito ng trabaho dahil sa amang may sakit. Hindi dahil para paibigin s'ya.

Ito pala ang dating school mate na hinanap hanap n'ya nung minsang itinimpla din sya ng kape sa school canteen nila. Napakalayo kasi ng hitsura nito sa dati na may suot pa na malalaking salamin at laging matatakutin..

She is my younger twin brother's classmate. Alam ito ng binata dahil minsan n'yang inabangan ang dalaga dahil nahihiwagaan s'ya dito. Lage kasing nakatago sa makapal na salamin ang magagandang mata nito at mahahabang pilik mata. Ni minsan hindi n'ya nakikitang ngumiti ang mapupula nitong labi.

"Damn Hayden!" mura ng binata sa sarili. Wala sa tipo n'ya na laanan ng oras sa isapan ang kahit na sinong babae.

He will bring her in their Japan business trip para sakaling magkamali man ito dun, may rason na s'yang tanggalin ito. Hindi na gusto no Hayden ang mumunting tibok ng kanyang puso. Kaya habang maaga, mas maigi ng mawala sa kanyang paningin ang babaeng ito.

'Im just curious about her and love the taste of her coffee that's it.' Insist n'ya sa sarili.

Maagang dumating sa airport si Hayden pati na si Nick at Tim na sinundo s'ya bago tumungo sa airport. Tiningnan n'ya ang paligid saka hinahanap ng mata n'ya ang bagong assistant.

'Sabi na nga ba laging nahuhuli sa lakaran ang mga babae', tanging sa isipan lang na reklamo ni Hayden.

"Good morning Mr Williams" boses ito ni Celestine kaya napalingon agad ang binata.

"The plane is now ready and we can go on board anytime". dagdag pa nito na galing na pala sa private plane na sasakyan nila.

"Okay, let's go" tipid pa rin na sagot ng binata. Hindi kelan man ipinapakita nito ang totoong emosyon. Na-impress man s'ya pero hindi na kailangang ipaalam pa sa dalaga.

Tahimik lamang ang apat sa boung byahe.

Umidlip sandali si Hayden habang komportable itong nakaupo sa spacious seat n'ya. Pati na rin ang tatlong assistants nito ay nakiidlip na rin.

Bago pa man lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ay ang mabangong amoy na naman ng kape ang napagpagising kay Hayden.

"Mr Williams, do also want to drink a cup of coffee?" propesyonal pa rin ang dating nang tanong ng dalaga kahit tungkol na sa maiinom ang tinatanong nito.

"Yes please". bakit ba naman s'ya tatanggi eh ang dalawang assistants nga n'yang mga lalaki nauna ng at mukhang enjoy na enjoy sa kakahigop ng sarili nilang kape na t'yak si Celestine din ang may templa dahil sa amoy pa lang nito.

Kaya sinet- aside n'ya ang pride para makahigop na rin sa laging inaasam na lasa ng kape.

Makalipas ang ilang minuto ay lumapag na ng eroplanong sinasakyan nila sa Japan.

Mukhang good mood ang striktong boss nila dahil hindi ito masyadong nakasimangot ngayon. Maaliwalas lang ang hitsura nito na mas pogi tingnan.

May sumundo sa kanila para maihatid sa kanila hotel.

Kanya kanya sila ng hotel room. Pero before sila pumasok, sinabihan muna sila ni Hayden na magpahinga na lang muna dahil kinabukasan pa ang simula ng series of meetings nila. At pinaaalahanan din na i-check ang kani- kanilang assigned task na ini- mail sa kanila ng boss.

Each of them ay may kanya kanyang target investors assigned na dapat mapa- Oo nila to have a deal with them.

Hindi sana ito masyadong seseryosohin ni Hayden, dahil s'ya naman ang laging hinahabol ng mga ka business deals n'ya.

Pero iba 'to ngayon. Sumali kasi sa business meeting ang Yale Elite International na matindi rin nilang karibal pagdating sa negosyo. Kung ang Williams ang nangunguna sa business transactions sa America at mga karatig nitong bansa, Yale Elite Int naman ang may hawak sa malalaking negosyo sa sa europa.

Closing this deal will mark who the true leader is in the business world. Kaya Ibinigay n'ya sa kanyang tatlong assistants ang mga medyo maliliit na business deals para matutukan ang malalaking shareholders.

Apat ang ibigay n'ya kay Celestine habang tig aanim kay Tim at Nick. At sa kanya na ang natitirang malalaki ang hawak na shares na investors.

Pagkapasok ni Celestine sa sariling kwarto ay agad na ni-review ang email ng boss. Napag-aralan na ito ng dalaga bago pa man sila lumipad patungong Japan, pero dapat i-refresh n'ya ang sarili para walang makaligtaan.

Kinaumagahan ay nakahanda na ang lahat sa labanan. Pagkatapos nilang kumain ay tahimik pa rin silang tumungo sa hall ng meeting nila.

Tahimik lang si Hayden pero napamangha s'ya sa simple at fresh look ng dalagang assistant. Nagawa nitong tingnang elegante ang simpleng suot na puting business suit na bagay na bagay sa maputi at makinis na balat. Hindi maiksi ang skirt nito pero tama na, para hindi maikakaila ang mahahaba at tuwid na mga binti nito.

Gayun din naman si Celestine, sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay pagwapo ng pagwapo ang masungit na boss nila.

Lalo pa itong gumwapo sa suot na black suit at light peach na inner.

Kahit na ano pa siguro ang suotin nito mas lalakas pa ang appeal at magmukhang mamahalin. Pero hindi nga lang ito masalita.

'Hirap naman nito na sobrang tahimik ng boss mo, nakakapanis ng laway.' Reklamo ni Celestine sa sarili na hanggang isipan lang n'ya at baka masibak pa s'ya kung isaboses ito.

"Good morning Hade." I guessed it right that you will personally attend this meeting". Malambing at sabihin nating may kalandiang bati ng isang magandang dalaga kay Hayden habang papasok pa lang sa venue.

Umamba sana ito ng humalik sa boss nila na hindi rin nangyari dahil hindi man lang yumuko ng kaonti ang matangkad na binata para makabeso man lang ang kausap. Hininaan lang nito ng konte ang hakbang pero patuloy pa rin ito sa paglalakad.

"Hi Monica, you're here." Hindi interesadong sagot ng boss nila na saglit lang sinulyapan ang kausap.

'Wait who?' Nabigla si Celestine sa narinig na pangalan. Saka n'ya tinitigan ulit ang babaeng kausap ng amo n'ya. Si Monica nga.

Buti na lang at nasa likuran s'ya ni Tim at Nick kaya hindi s'ya napansin ng step- sister n'yang tanging kay Hayden lang ang atensyon.

"Yeah, I've been working in the Yale Int for quite some time now kaya Im one of the sexy presentor." ani nito na matamis pa rin ang ngiti kahit hindi gaano pinapansin ng boss nila.

"If only you accepted me before in your company, then I guess, I would be one of your beautiful asset, especially when it comes to this kind of meeting." Pagmamayabang ni Monica.

"See you around Hade". Saka kumaway ito papunta sa naka assigned seat nito.

Maganda naman talaga ang step- sister n'ya. Hindi kalabisan kung ipagmayabang ang ganda nito lalo na at magaling din itong mag- alaga sa sarili.

Simula na ang meeting, tumagal ng dalawang araw ang presentations ng bawat grupo ng Yale Internationals at Williams Group of Companies.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status