Share

Chapter 13

Alas-otso ng gabi nang dumating sila sa napagkasunduang lugar.

Pinaubaya ni Gohan ang pag-order sa dalawang babae, "Kailan ang balik mo sa Amerika?" Ungkat na tanong ni Erica sa binata.

"Noong dumating ako dito at ma-meet si Teresa, sabi ko sa sarili ko'y bahala na, hindi tiyak... pero nang makita kita, parang ibig kong tiyakin ang pag-alis ko," Kumunot ang noo ng dalaga, "And what do you mean by that?" Mga sinag ng mga mata ni Gohan ang tumugon sa naging tanong ni Erica.

Hindi manhid si Erica upang hindi malaman na may kakaibang ibig ang titig na iyon sa kanya ng katabi.

Ngumiti si Erica Ipinasya niyang putulin ang kapormalang pumagitna sa kanilang pag-uusap, "Palabiro ka pala," nasabi nito.

Napangiti na rin si Gohan. "Pilipina ka nga, hindi basta-basta naniniwala sa sinasabi ng isang lalaki. Na ano mang marinig mula sa bibig ng lalaki ay iisiping biro lang ang lahat," sumabad na sa usapan si Lori. "Bakit, doon ba sa Amerika, kapag sina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status