Share

Devouring Beauty
Devouring Beauty
Author: Rain-angel

Chapter 1 - The Devouring Beauty

“Isang dalaga na naman ang nakitang walang buhay kanina. May kagat daw ito sa kanang leeg at ang ikinamatay ay blood loss,” kibit balikat na ani Hyla.

Ang tinutukoy niya ay ang ibinalita kaninang umaga. Pang limang biktima na ito ngayong buwan. Pala-isipan sa amin kung sino ang gumagawa ng krimen. Nag-aalala na rin ang mga tao dahil nakakatakot nga naman. Hindi namin alam kung sino naman ang isusunod ng pumapatay.

“Sinasabi mo bang bampira ang gumawa no’n?” natatawang tanong ni Yvonne.

May mga bali-balita na hindi raw isang normal na tao ang pumapatay. Ang iba’y sinasabing aswang ang may gawa. Ang iba nama’y naniniwalang cannibal. Ang isang kaibigan ko naman ay naniniwalang bampira ang may gawa. May punto naman siya roon.

Tinignan siya ng masama ni Hyla, “Oo, wala namang ibang makakagawa ng ganoon.”

Blood loss ang sanhi ng kamatayan kaya hindi malayong bampira nga. Kung cannibal naman dapat pati ang katawan ay kinain. Kung psycho naman, hindi lang kagat ang gagawin no’n sa biktima.

Humagalpak naman nang tawa si Yvonne, “W*****d pa!” nakahawak pa ito sa kaniyang tiyan.

Hindi naniniwala si Yvonne sa mga bampira kaya ganyan siya magsalita. Para sa kanya’y kathang-isip lang ang ganoong nilalang. Maniniwala lang kuno kung siya mismo ang makakakita. Kapag nakakita siya, wala na siyang oras maniwala. Siguradong hindi na siya bubuhayin ng bampirang makikilala niya.

Hyla rolled her eyes, “Totoo naman talaga sila!” she angrily said.

“O, kalma, ang puso mo,” pang-aasar pa ni Yvonne. Kunyari pang hinagod ang likod ni Hyla.

Tinabig ni Hyla ang kamay ni Yvonne, naiinis na. Tumingin siya sa akin, nagpapakampi, “Totoo naman talaga ang bampira. Hindi ba, Ai?”

I flipped my long, ash brown hair, “Totoo man sila o hindi, I don't care about them,” matapang kong sagot. Naniniwala ako sa bampira pero hindi ko kailangan aminin sa kanila ’yon.

“Ang taray ni ate girl! Tapang yarn?” sarkastikong sambit sa akin ni Yvonne. Wala siyang sinasanto. Kahit kaibigan, pinipikon niya. Except for me. Hindi tatalab sa akin ang bullying.

“Masiyado akong maganda para matakot sa kanila. Baka nga makita pa lang ako ng bampira, ma-inlove na sa akin,” hindi sa pagmamayabang pero maganda talaga ako. “Mala model ang height ko, makinis ang balat, youthful face at higit sa lahat,”

Tumayo ako at itinaas ang kaliwang kamay habang ang kanan ay nasa ibabaw ng aking ulo–nakahawak sa kaliwa. Ipinaghiwalay ko ang aking mga paa at bahagyang tumingala. Dahil sa suot kong white crop top at blue high-waist jeans, na-exposed ang maliit kong tiyan, “Sexy body–Aray! Ano ba, Hyla! Bakit ka nambabatok?”

“Siraulo ka kasi! Oo, alam naming mala-dyosa ang ganda mo pero seryoso kami rito!” naiinis nang sabi ni Hyla.

“I’m serious here!” kibit-balikat kong sagot, “Hindi talaga ako natatakot sa kanila.”

Sa pangalawang pagkakataon, humagalpak nanaman ng tawa si Yvonne, “Hindi talaga mawawala sa barkada ang isang self-conceited.”

“Mainggit ka lang hanggang gusto mo,” umupo ulit ako sa bench ng waiting shed kung nasaan kami ngayon. Naghihintay kami ng bus pauwi. Galing kasi kami sa mall kanina. That’s how we spent our day-off.

“Ayan na ang bus. Tara!” ani Hyla. Hindi na pinansin ang naging sagutan namin ni Yvonne.

Kahit kauupo ko lang, tumayo ako ulit at naglakad pasakay ng bus. Humanap kami ng tatluhang upuan. Si Hyla malapit sa bintana, si Yvonne sa gitna at ako sa dulo. Palihim ko silang inobserbahan. Si Hyla ay nakatulala sa labas, malalim ang iniisip. Si Yvonne naman ay nakangisi habang hawak ang cellphone. Nag-iba ang amoy nila nitong mga nakaraang araw.

Naunang bumaba si Yvonne sunod naman si Hyla. After 5 minutes, ako naman ang bumaba at naglakad papasok sa Yellow belle street–tawag sa street ng bahay namin.

“Ma, nakauwi na ako!” sigaw ko nang mabuksan ang pinto. Pagtalikod ko sa pinto bumungad sa akin ang nakakunot-noo at matalim na paningin ni mama. Napalunok ako ng laway, “O-O, Mama, nariyan ka na pala.” uutal-utal kong saad.

“Ai Huneta,” banggit ni Mama sa buo kong pangalan, “May panibagong biktima na naman.” mariing sambit ni Mama, nanghuhusga.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Oo nga pero wala akong kinalaman doon.” Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang braso ko.

“Hindi ko sinasabing ikaw ang may gawa. Ang punto ko ay narito na sila sa Garnia City. Siguradong ikaw ang pakay nila.” nag-aalang sabi ni Mama.

Marahan kong tinanggal ang kamay niya. “Hanapin nila ako kung kaya nila,” nakangisi kong sagot.

“Sigurado ka bang hindi ka nila mahahanap?” naninitang tanong ni Mama.

Napatingin ako sa kanya, “What do you mean?”

“Pumapatay na sila para lumabas ka ng kusa. Ibig sabihin may nagbigay sa kanila ng tip na narito ka. May nakaalam na ng totoo mong pagkatao.” paliwanag ni Mama, nag-aalala.

“Alam mo naman na hindi ako natatakot harapin ang mga ’yon, bakit mo ito sinasabi?” naguguluhan kong tanong. Siya ang unang taong nakakaalam kung ano ang kaya kong gawin kaya bakit nag-aalala pa siya?

“Layuan mo na ang mga kaibigan mo.” ani niya.

Sinasabi ko na nga ba, “No.” mariin kong sagot.

“Ayan ka na naman sa katigasan ng ulo mo, Ai!” galit na sigaw ni Mama.

“Stop being paranoid, Ma! Hindi nila ako mahahanap by using my friends! You see, I’m just trying to be normal here!” balik sigaw ko kay Mama. Hindi ko lang napigil ang emosyon ko bilang tao. I don’t want to live alone outside.

“Ha!” nakangising tuya ni Mama sa akin, “That was the exact line you said before! That, being normal, which putted you on this situation! You’re being hunted because of that soul you ate!”

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa alaalang ‘yon. Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa inis, “That was before, Ma. I can control it now. I won't eat my friends. Excuse me.”

“Don’t you dare let your guard down, Ai.” ’yon ang huling mga salitang narinig kong sinasabi ni Mama bago ako umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko.

Pagkasara palang ng pinto ko’y dumausdos ang katawan kong nakasandal ngayon sa pader. Bumagsak ako sa sahig at nakatulala sa bintana. Ramdam ko ang masakip na dibdib at luhang pumapatak mula sa mga mata ko.

“Hanggang ngayon pinagsisihan ko parin na minahal kita, Rayven.”

Limang taon na ang nakakalipas mula noong nakilala’t minahal ko si Rayven. I was eighteen years old back then and a Second Year College Student. Rayven was my classmate which I fell for. Disregarding my nature as a soul eater, I let myself kissed him which caused his death. I accidentally ate his soul while we were deeply kissing each other.

Galit na galit si Mama sa akin dahil umpisa pa lang sinabihan niya na akong bawal akong magmahal. Pinilit ko ang gusto ko kaya wala ng nagawa si Mama. Sinabihan niya akong hindi ako pwedeng magkaroon ng contact sa bibig ng isang tao dahil mahihigop ko ang kaluluwa nito. Hindi ako nakinig sa kanya at sinunod ang bugso ng damdamin ko. Napakatanga ko sa parteng ’yon.

Naging mailap ako sa mga tao simula noon. Lumipat ako ng school para makaiwas sa mga nakakakilala sa amin ni Rayven. Akala ko kaya kong mabuhay ng mag-isa sa labas pero habang tumatagal mas lalo lang akong nalulungkot. Gusto ko lang naman maranasan maging normal na tao. Masama bang hangarin ’yon?

Kaya ngayon maingat na ako. Ang bilin lang naman sa akin ni Mama ay hindi ako p’wedeng magmahal ngayon lang niya dinagdag na pati pakikipagkaibigan pala bawal din. Naiintindihan kong nag-aalala lang siya at baka magkamali na naman ako. Ang hindi niya alam, pinili kong maigi ang dalawa kong kaibigan ngayon.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Pumasok ako sa banyo at naglinis ng sarili. Balik trabaho na ako bukas kaya kailangan nasa kundisyon ang katawan ko. Natuto na akong iisantabi ang personal na damdamin kapag nasa trabaho. Natulog na ako para maging handa sa kinabukasan.

**

ALAS singko pa lang ng madaling araw gising na ako. Madilim pa sa labas dahil mas mahaba ang gabi kapag buwan ng Enero. Pagpatak ng eksaktong alas-sais, lumabas na ako ng bahay at naglakad palabas sa street namin. Habang naglalakad, isang pamilyar na presensiya ng naramdaman ko. Ang aga naman nito.

“Ang aga pa nakasunod ka na. Wala ka bang trabaho?” Sigaw ko habang naglalakad.

Maya-maya pa’y lumabas mula sa likod ko ang kasing tangkad kong lalaki. Singkit ang mata at maputla ang balat. “I’m actually on duty right now,” mapanuya nitong sagot.

Ngumisi ko, “I thought you’re a chemist? Side line mo na rin ba ang pagiging detective?”

“If that’s your thought, so, be it,” ani niya habang nanatili sa likuran ko.

Hindi ko na siya sinagot dahil malapit na rin ako sa highway. Ilang taon na nga ba akong sinusundan ng praning na ito? Simula nang mawala si Rayven, madalas na akong sundan nitong best friend niyang Chemist. Tinigil na ng mga pulis ang pag-iimbestiga pero siya patuloy pa rin sa kalokohan niya. Hindi man niya nakita pero naniniwala siyang ako ang pumatay sa kanyang matalik na kaibigan.

“Dumarami ang pinapatay ngayong buwan,” dagdag pa niya, nambibintang ang tono ng pananalita.

Napahinto ako sa paglalakad, “Lahat ba ng kamatayan balak mo isisi sa akin?”

“I didn't mention your name,” nang-aasar niyang sagot.

Naikuyom ko ang aking palad. Iba ang dating ng pananalita nito. Talagang napipikon ako, “Pero ang tono mo masiyadong mapambintang,” ani ko.

“You’re just guilty,” hinawakan niya ang balikat ko’t pwersahan akong iniharap sa kanya. “Admit it, you killed Rayven.” mariin niyang sabi.

Naglaban kami ng masamang tingin. Walang gustong magpatalo. Parehong galit ang isinisigaw ng aming mga mata, “Leave. Me. Alone,” malakas ko siyang itinulak bago tinalikuran. He’s really getting on my nerves!

“I won't stop until I put you behind bars!” malakas na sigaw ni Dr. Klein.

“Catch me if you can, Klein,” bulong ko sa sarili.

I heard that Klein is now a Chemist. He graduated in my former school. Kahit lumipat na kami ng bahay noon, nakikita ko pa rin siyang sinusundan ako. Ayon sa kanya sigurado siyang ako ang pumatay kay Rayven kahit wala naman siyang ebidensiya. Kahit ang mga pulis tumigil na sa pag-iimbestiga.

Hindi ko alam kung saan hinuhugot ni Klein ang lakas ng loob para pagbintangan ako. Hindi lang din naman ako ang nakakasalamuha ni Rayven noon. Kung tutusi’y maraming nakakaaway si Rayven dahil may attitude talaga siya. Sa akin lang naman mabait ’yon, eh. Hindi ko maiwasang ma-miss siya, kahit matagal na siyang wala.

He always have a special space in my heart.

Nakarating na ako sa office thirty minutes before eight in the morning. Clerk ako sa isang sikat na bangko. Kasama ko rito sina Hyla at Yvonne. Pagpasok ko palang papunta sa upuan ko, nagtutumpukan na ang mga kasamahan ko. Hindi tuloy nila napansin ang presensiya ko.

“Nakakapagtaka pa ba ’yon? Malamang may atraso kay Dr. Czech kaya minamanmanan niya si Ai,” mayabang na ani Yvonne sa mga kasamahan namin.

Napangisi na lang ako at umupo na sa pwesto ko para simulan ang trabaho ko. She’s making a story about me again. Hindi na ako apektado dahil matagal ko ng alam na backstabber si Yvonne. That’s the reason why I befriended her. Umaalingasaw ang kabahuan sa pagkatao niya.

Hindi ako magkakainteres sa mabahong kaluluwa. Kung kakainin ko man baka isuka ko lang din siya.

“Kaibigan mo si Yvonne ’di ba? Sinasaksak ka na patalikod, pinapabayaan mo lang?” komento ng katrabaho ko rin.

Hindi ko na sana siya papansinin pero ayoko naman maging bastos. “Kaibigan ko ’yan kaya tanggap ko ang totoo niyang pagkatao.”

Napakunot naman ng noo niya, “Mukhang pinaplastik ka lang naman niya.”

“Each of us have a dark side. If you don’t have one, then you’re a god.” matapos kong sabihin ’yon, natahimik na siya. Hindi ko kailangan ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Masiyado rin siyang mabango kaya kailangan siyang iwasan.

“Hala, narito na pala si Ai. Narinig niya kaya ’yong sinabi ni Yvonne?”

“Nako! Lagot! Baka magalit sa atin.”

“Much better kung narinig niya. Friendship over is waving.”

’Yan ng mga bulong-bulungan sa paligid ko. Sa loob-loob ko’y natatawa nalang ako.

Lahat kami’y naging abala sa trabaho. Hindi na nga kami nakalabas para kumain ng lunch. Nag-order nalang kami para hindi na kainin ng paglalakad ang oras namin. Kinahapunan, dumating ang Supervisor namin kaya napatayo kaming lahat at sabay-sabay na bumati, “Good afternoon, Sir!”

Nang tumango ito, bumalik na kami sa pagkakaupo. Naramdaman ko namang tumigil sa akin ng titig ni sir. Hindi ko pinansin hanggang sa tinawag niya ako.

“Ms. Huneta come with me.” marahan niyang utos.

Tinignan naman ko ng mga kasamahan ko, nagtatanong ang mga mata. I just shrugged to let them know I have no idea why I was called. Naglakad na ako palapit kay sir at sabay kaming lumabas sa pintuan.

“Is there any problem, Sir?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa office niya.

“I just want to ask why Ms. Fallon took a Vacation leave out of a sudden?” seryosong tanong nito.

Pinatawag niya ako para lang itanong kung bakit nag vacation leave si Hyla? Ano bang alam ko sa buhay niya? Napakunot ang noo ko, gusto ko siyang barahin. Kinalma ko ng sarili at huminga ng malalim.

“I don’t know, Sir. Wala namang nabanggit sa amin na may balak pala siyang mag take ng leave.” ani ko.

Binuksan niya ang pinto sa office niya at pinapasok ako. Umuna siyang lumakad papunta sa table niya. Uminuwestra niya ang kamay sa upuang nasa harap ng table, “Please take a sit.”

Tumango ako at umupo. Hinintay ko siyang magsalita. Siguro naman maliban kay Hyla, may mas importante pa siyang sasabihin sa akin kaya niya ko pinatawag?

“Ms. Que said the same. Hyla’s making me crazy!” frustrated niyang sabi.

Well, alam kong nililigawan niya si Hyla pero hindi ko na problema kung pinaglilihiman siya ng kaibigan ko. Nanatili akong tahimik dahil ayoko talaga makisawsaw sa kung anong mayroon sa kanilang dalawa.

“Anyways,” binuksan niya ang drawer sa table at may inilabas na mga papeles, “kindly read before signing,” inabot niya sa akin ang mga dokumento.

Binasa ko ‘yon at namilog ang bibig ko sa gulat. Napatingin ako kay Sir Vulmora, hindi makapaniwala, “Is this really true? I’m being promoted?”

Ngumiti siya at tumango, “You deserved it. Thank you for your hard work, Ms. Huneta.”

Tumango ako. Madaling pinirmahan ang documents at binalik kay Sir, “Thank you so much, Sir!”

“Congratulations,” muli niyang bati sa akin.

Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang nagtatrabaho hanggang sa pag-uwi. Ganito pala kasaya sa pakiramdam kapag nagbunga na ang lahat ng pinaghirapan. Excited na akong ibalita ito kay Mama! Dumirecho naman akong umuwi dahil nagtext si Yvonne na hindi siya sasabay pag-uwi.

Nakababa na ako mula sa bus nang may maamoy akong mabaho. Hindi malakas ang amoy kaya tingin ko may kalayuan ang pinanggagalingan. Bilang isang soul eater, malakas ang pang-amoy ko sa mga taong may binabalak na masama. Mabilis kong tinunton ang pinagmumulan ng amoy.

“Tulong!” mahinang boses ang narinig ko sa hindi kalayuan!

Tumakbo ako sa isang madilim na kalye at natanaw ko ang babaeng nagpupumiglas mula sa dalawang lalaking hawak ng mga braso niya.

“Parang awa niyo na, pakawalan niyo ako!” umiiyak na pagmamakaawa ng babae.

“Huwag kang maingay!” tinakpan ng lalaking balbas sarado ang bibig ng babae. Hindi naman kalakihan ang katawan ng isang ’to, kakayanin ko siyang itumba.

Lumingon ako sa paligid at nakakita ng bakal. Tahimik akong naglakad para kuhain ang bakal at itinabi malapit sa basurahan. Huminga ako ng malalim bago pinuntahan ang babaeng mukhang balak na gahasain ng dalawang lalaki.

“Bitawan niyo siya!” sigaw ko.

Napahinto naman sa akmang pagsuntok ang lalaking at napatingin sa akin. Pulang-pula na ang mukha ng umiiyak nameztisang babae.

“Aba! May gusto pa yatang sumali.” nanunuyang ani ng lalaking medyo maskulado ang katawan. May panyong nakatakip sa mukha nito mula sa ilong kaya hindi makikilala.

Ngumiti ako ng mapang-akit, “How about letting the woman go and I’ll replace her instead?”

Nanlaki naman ang mata ng babae dahil sa gulat. Hindi inaasahang gagawin ko ’yon para lang mapakawalan siya.

Ngumisi naman ang dalawang manyakis, “Sige! Halika rito, ganda!” hinagis ng balbas sarado ang babae sa direksyon ko.

“Kunin mo ’yong bakal malapit sa basurahan tapos bumalik ka rito pag nakatalikod sila.” bulong ko sa babaeng nanginginig pa sa takot. Marahan naman siyang tumango kaya senenyasan ko iyang umalis na. Lumapit ako dalawang lalaki na tila inip na inip na. Makikita mo sa mga mata nila ang matinding pagnanasa.

Nakakasuka ang amoy ng mga kaluluwa nila!

Naglakad ako palapit at nilagpasan sila ng kaunti dahilan ng kanilang pagtalikod sa pinanggalingan ko kanina.

“So, let’s start the party?” hinawakan ko silang dalawa sa balikat, “Dito niyo lang ba talaga gustong gawin ’to?”

Nasulyapan ko ang babae kanina, hawak na ang bakal. Sinenyasan ko siyang lumapit na sa gawi ng balbas saradong lalaki. Hinarap ko naman ang maskuladong lalaki, bago pa siya makapagsalita, buong lakas kong tinuhod ang tiyan niya.

“Ugh!” d***g niya at napaluhod sa lupa dahil sa sakit.

“Tarantadong babae!” sigaw ng balbas saradong lalaki na susugurin sana ako pero hinampas siya ng babae.

Napatumba agad ang lalaki habang tumatagas ang dugo sa ulo nito. Kumilos na ako at mabilis na hinigop ang kaluluwa niya. Masuka-suka dahil sa mabahong aroma. Kalahati lang ang nakain ko dahil hindi ko na kayang sikmurain.

“Ah!” dinig kong sigaw ng babae. Hawak na pala ang paa niya ng lalaking tinuhod ko kanina. Bumangon ko agad at kinuha ang bakal saka siya hinampas sa ulo.

Kunwari akong bumagsak upang makain ko ang kalahati lang din ng kaluluwa niya. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi ko kakainin ng mga mabahong kaluluwa nila!

“Miss!” nilapitan ako ng babaeng iniligtas ko, “Ok ka lang ba?”

“Tumawag ka ng ambulansiya,” nanghihinang tugon ko. Nasusuka na ako.

Tumango naman ang babae at narinig kong may kausap na siya sa cellphone. Napatingin ko sa dalawang lalaki na alam kong nag-aagaw buhay na ngayon. Napangisi ako.

“That’s what you get for being deceived by my devouring beauty,” bulong ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status