LOGINTumingin si Sebastian kay Bella mula sa bintana.
Napatingin siyang muli nang mas madiin. Napakunot ang noo niya. Sabi ni Bentley ay may kinidnap na babae sa kalsada, siya na ba ‘yun? Pero hindi! Kasi hindi naman siya mukhang mahinhin o mabait sa paningin niya! Gulat na gulat naman si Bella nang makita siya. Pagkakita sa mukha nito, biglang tumaas ang blood pressure niya. Bad mood na nga siya dahil hindi natuloy ang divorce, lalo pang uminit ang ulo niya ngayon. “Ano na naman? Ikaw na naman? Anong kailangan mo? Bitawan mo ako! Binabalaan kita, hindi pa ako nagrereklamo sa ginawa mo sa akin kahapon, gusto mo bang tumawag ako ng pulis ngayon din! Bitaw! Bitawan mo ako…” sigaw ni Bella habang pulang-pula ang mukha sa galit. Hindi maintindihan ni Sebastian kung bakit napakatapang ng babaeng ito. Karaniwan, ang mga babae ay alinman sa takot o hiyang-hiya sa harap niya. Pero siya, palaban! Inutusan muna niya si Dominic na hanapin ‘yung mahinhin na sinasabi ni Bentley, tsaka niya pinasakay si Bella sa kotse. Pagkapasok na pagkapasok, pilit na binubuksan ni Bella ang pinto para makalabas. Nang mapansin niyang hindi ito bumubukas, sa sobrang inis ay halos sirain na niya ang handle. Nang makitang malapit na nitong mabali ang doorknob, malamig na nagsalita si Sebastian, “Hindi ka bababa nang wala akong pahintulot!” Masamang tinignan siya ni Bella habang nanggigigil. Sobrang kamukha talaga niya sina Hunter at Archer, kaya hindi niya maiwasang maisip ‘yung lalaking sumira sa buhay niya anim na taon na ang nakakalipas. Sinasabi nila na ang depense ng isang babae ay pwedeng mangyari sa isang iglap lang. Sa sandaling ‘yun, gumuho ang tatag ni Bella. Dahil sa hirap na dinanas niya noon at sa mga kamalasan nitong nakaraang dalawang araw, nilamon siya ng galit at nawala siya sa sarili. Pakiramdam niya, itong lalaking ito ang sumira sa lahat. Nang walang sabi-sabi, sinugod niya ito. Galit na galit siya at gusto niya itong saktan! Lahat ng paghihirap at hinagpis na kinimkim niya ay parang kasalanan ng lalaking ito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang mga pulso niya habang gulat na gulat. “Gusto mo ba talaga akong saktan?” “Gusto kitang saktan! Gusto kitang patayin!” “Ikaw…” Hindi makapaniwala si Sebastian. Saan humuhugot ng lakas ng loob ang babaeng ito? Kahit noon pa, lalo na ngayong napaka-makapangyarihan na niya, walang babae ang nangangahas na magsabi sa mukha niya na papatayin siya. Kung meron man ay yung mga kalaban nya lang sa negosyo. Hindi pa rin makapaniwala si Sebastian nang bigla siyang makaramdam ng matinding sakit sa pulso. Hindi makawala si Bella sa hawak niya kaya kinagat niya ito nang napakadiin hanggang sa dumugo. Madiin siyang itinulak palayo ni Sebastian habang madilim ang mukha. “Aso ka ba?” Hindi sumagot si Bella at sinugod siya ulit nang hindi man lang siya pinapaporma. Sobrang dilim ng paningin niya ngayon. Pinigilan siyang muli ni Sebastian. “Nasisiraan ka na ba ng ulo o gusto mo na talagang mamatay?!” “Oo, nasisiraan na ako ng ulo! Kasalanan mo kung bakit ako naging ganito, patayin mo na lang ako! Kasalanan mo ‘to! Lahat ng ‘to, kasalanan mo!” Hindi maintindihan ni Sebastian ang mga pinagsasabi nito. Nang makitang hindi ito madadaan sa takutan, gumamit na siya ng banta. “Kapag nagwala ka pa, hindi lang 50 million ang utang mo sa akin. Kaya kong ipag-utos sa korte na pagbayarin ka ng 500 million!” Napatigil si Bella. Nang marinig ang tungkol sa pera, parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Pera ang pinaka-importante sa kanya sa buong mundo bukod sa tatlo niyang anak. Ito rin ang kahinaan niya. Dahil naranasan niyang walang-wala sya noon, alam na alam niya kung gaano kahirap ang walang pera at kung gaano kahalaga ang bawat kusing. Effective ang banta. Masama man ang tingin niya kay Sebastian, hindi na siya gumalaw. Pero sa loob-loob niya, lalo siyang nakaramdam ng pang-aapi. Nasa harap lang niya ang lalaking ito, pero hindi man lang niya masuntok o mamura! Dahil sa sobrang galit at sa mga hinanakit na wala siyang mapaglabasan, hindi na napigilan ni Bella ang maiyak nang husto. “Bakit ba ang sama-sama mo? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako? Ano bang kailangan mo? Ano bang gusto mong gawin?!” Napatulala si Sebastian habang pinapanood siyang umiyak. Biglang sumagi sa isip niya ang imahe nung gabing ‘yun—kung paano umiyak ang nanay ni River sa ilalim niya. Madilim ang kwarto noon; hindi niya nakita nang malinaw ang mukha nito dahil hilo siya sa gamot, at hindi na niya matandaan ang boses nito. Pero nung hinalikan niya ang gilid ng mga mata nito, basang-basa ‘yun ng luha. Hindi niya alam kung bakit nung makita niyang umiyak ang babaeng ito, naalala niya iyon. Sa sandaling ‘yun, biglang lumambot ang puso niya. Nakaramdam siya ng awa at parang gusto niyang abutin ito para punasan ang mga luha nito. Pero sa sumunod na segundo, napakunot-noo siya ulit. Hindi pwedeng siya ‘yun. Ang biological mother ni River ay mas mahinhin kaysa sa babaeng nasa harap niya. Kahit hindi siya masyadong conscious noon, alam niyang mahinhin ‘yun, parang pusang walang kaimik-imik… hindi gaya ng nasa harap niya ngayon na parang tigre kung lumaban. Napabuntong-hininga si Sebastian, at nang tumingin siya ulit kay Bella, bakas na ang pagkairita sa mga mata niya. “Tumahimik ka nga!” “Anong karapatan mong utusan ako! Sino ka ba sa akala mo! Sobra mo na akong sinaktan, hindi ba nagi-guilty ‘yang konsensya mo?! Tao ka ba talaga?!” Sobrang bigat ng loob ni Bella kaya lalo lang siyang napahagulgol. Akala niya makakalimutan na niya lahat ng pait at hirap, pero pagkakita sa mukha nito, hinding-hindi niya pala malilimutan kahit gustuhin niya. Niloko siya nito anim na taon na ang nakakalipas, tapos ngayon heto na naman at nanggugulo. May utang ba siya rito sa past life niya?! Ngayon, hindi siya makapag-divorce, hindi maayos ang papers ng anak niya, hindi sila makaalis ng Manila, at bigla pa siyang nagkautang ng 50 million. Ang tadhana niya ay talagang napaka malas. Bulag ba ang Diyos para siya lang ang pag-initan nang ganito? “Sobrang hirap na! Ang sakit-sakit na! Waaaaah…” Ito ang unang beses na nawalan ng kontrol si Bella simula nung mabuntis siya. Akala niya naka-recover na siya, pero pagkakita kay Sebastian ngayon ay parang nawala siya sa sarili. Dahil dito, mas lalong nainis si Sebastian. Sa tingin niya, nakasira na nga ito ng kotse, wala pang pagsisisi at puro galit ang nasa puso—maling-mali ang takbo ng utak nito. Kung hindi niya lang kailangang tanungin ito, kanina pa niya ito pinalayas. “Tumahimik ka sabi!” banta ni Sebastian dahil paubos na ang pasensya niya. “Ah—” Umatungal lalo si Bella na parang isang nanggigigil na hayop, parang gusto siyang kagatin nito. Nag-ngitngit ang mga ngipin ni Sebastian. “Kapag umiyak ka pa, hinding-hindi mo na makikita ang anak mo habambuhay.” Biglang napatigil si Bella. “A-ano… anong sabi mo?!” “Ayaw mong maniwala? Subukan mo ako!” Bella: “…” Sa mundong ito, ang pinaka pinoproblema niya ay pera. Pero ang pinaka-kahinaan niya ay ang kanyang anak. Agad na itinikom ni Bella ang bibig niya at tinakpan pa ito ng kamay para hindi na makagawa ng tunog. Masama ang tingin niya kay Sebastian—punong-puno ng inis, galit, at takot. Tinitigan din siya ni Sebastian nang may pagka-arogante, parang isang hari na nakatingin sa isang langgam. Mabilis na sumuko si Bella at nag-iwas ng tingin. Nung kumalma na siya, bigla siyang kinabahan… Kung ito nga ang lalaki na ‘yun, paano kung bawiin nito ang anak niya kapag nalaman ang totoo? Sa hitsura nito ngayon, mukhang napaka-makapangyarihan nito. Ang ganitong klaseng kotse ay nagkakahalaga ng ilang milyon. Kung kukunin nito ang mga anak niya, siguradong wala siyang laban. Masyado siyang naging impulsive kanina at muntik na siyang mabuko. At paano kung kamukha lang pala niya ‘yun? Nakakahiya naman na nagwala siya sa harap nito. Huminga nang malalim si Bella para pakalmahin ang sarili."Kahit na disabled si Sebastian gaya ng asawa mo ay sobrang daming pwedeng ikwento tungkol sa kanya na aabutin ka ng tatlong araw at tatlong gabi. Ganito kasi yan—kahit kailan hindi pa siya nagpapakita sa business world, at hindi man lang alam ng mga outsiders kung ano ang itsura niya, Pero isa siya sa mga bachelor na nasa rich list na agad, at kapag may kalamidad ay nagdo-donate siya ng isang milyong piso! Pero privileged individual siya at wala siyang masyadong interaction sa ating mga ordinaryong tao kaya wag kang matakot porket nakakarinig ka ng balita tungkol sa kanya. Hindi naman natin siya kinakalaban, at hindi niya tayo kilala, kaya wag kang matakot." Mas lalong gustong maiyak ni Bella. Paanong hindi siya nito makikilala? Asawa kaya siya nito! At siya ang asawa na nagtaksil dito na naging dahilan para magalit ito nang husto. Hindi lang siya nagkaroon ng relasyon dito, kundi talagang ginalit niya ito nang todo! "Hindi ko na ito kaya..." Natakot si Bella na mapansin ni Mica
Eksaktong alas-siyete ng gabi, dumating ang grupo sa Harbor Hotel. Ito ang pinakamatanda, pinaka-distinctive, at pinakamahal na hotel sa Manila, isa sa mga property ng Zobel Group. Maraming celebrities, leaders, at foreign envoys ang kumakain dito kapag bumibisita sa Manila. Agad silang naging center of attention. Kahit naka-mask silang lahat ay hindi maikakaila ang ganda nila. Lalo na si Bella. Natural ang ganda at dahil pinalaki sa bundok, maputi at makinis ang balat niya at may kakaibang aura. Kulang ang salitang maganda para i-describe siya. Agaw-pansin din ang tatlong bata: isang little gentleman, isang sporty prince, at isang fashion darling. Hindi napigilan ng mga waiter na purihin sila. Pagdating sa top floor ay may staff na naghatid sa kanila sa private room. Pagkasara pa lang ng pinto ay tinanggal agad ng mga bata ang masks nila at tumingin sa floor-to-ceiling windows. "Wow, ang ganda!" Sinabihan sila ni Bella na mag-mask sa labas dahi
"Bilis, sabihin niyo, hindi ba ang ganda ni godmother?" Sabay-sabay na sumigaw ang tatlong bata. "Maganda!" "Hahaha, sabihin niyo naman, hindi ba ang cute ni godmother?” "Cute!" "Dyosa ba si godmother?" "Dyosa si godmother!" "Hahahaha." Halos mabuhat na ang bubong sa lakas ng tawa ni Mica. Hindi naman mapigilang mapatawa ni Bella. Ngayong araw, nung malaman nito na nanganak pala sya at mag-isang pinalaki ang mga bata sa loob ng limang taon ay iyak nang iyak si Mica. Kahit dalaga pa si Mica, alam niyang hindi biro ang magpalaki ng anak lalo na para sa isang single mother. Naawa si Mica sa kanya. At habang naaawa ay hindi din nito mapigilang sobrang ma-in love sa mga bata. Kaya nung makatanggap siya ng tawag mula kay Theodore kanina habang kausap ito ay nagpaalam si Mica kung pwedeng itong dumiretso sa tinutuluyan nila para makita ang mga bata. Binuksan ni Bella ang pinto at pumasok sa kwarto. Pagkakita pa lang sa kanya ng tatlong bata ay agad silang tu
Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy
“Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy
“Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod
Sa simula, gustong-gusto na ni Dominic na bumaba agad para iligtas si Bella, pero nang makita niyang walang malay na si Harrison, kumalma na siya. Habang nakatingin sa magulong itsura ni Harrison mula sa windshield, hindi niya napigilang magsabi kay Sebastian. “Napakawalang-hiya talaga nito
Pagbalik niya sa ward ni River, nawala ang galit sa mga mata niya. Napalitan ito ng lungkot at pagmamahal. Natutulog pa rin ang bata. “Mommy…” bulong ni River sa panaginip. Lalong nasaktan si Sebastian. Kailan ba babalik ang walang pusong babae na ‘yun? Biglang pumasok sa isip niya ang imahe
Napasimangot at napahawak sa noo si Hunter. “Feeling ko talaga hindi friendly ang city na ito para kay Mommy. Mula nang dumating tayo rito, hindi na naging masaya si Mommy. Kailangan nating malaman kung bakit ba talaga siya pumunta rito, tapos ilalayo na natin siya agad.” “Eh paano kung ayaw sab
Pinagkaguluhan si Carter paglabas ni Sebastian. “Carter, bakit umalis agad si Sebastian? Kararating lang niya, ah?” Napailing na lang si Carter. “Umuwi na para samahan si River.” Kilala ng lahat ng nandoon ang sitwasyon ni River kaya napabuntong-hininga na lang sila. “Grabe, naging t







