MasukAlam niyang hindi siya santo, pero kailanman ay hindi siya nang-api ng tao, lalo na ng babae. Ang tanging babaeng iniisip niya ay ang nanay ni River. Bukod doon, bihira siyang makisalamuha sa iba.
Pero kahapon, kinuha niya ang babaeng ‘yon at ikinulong pa. At ang mga hackers na kinuha niya ay top-tier at bihirang pumalya. Pero sa loob lang ng isang araw, dalawang beses na siyang naisahan. Ang taong sumasabotahe sa business niya at ang nambabastos sa kanya sa screen ay hindi mahanap. Pati si Bella, hindi rin nila makita. Hinala niya, iisang grupo lang ang may gawa nito. Nagngitngit ang kanyang mga ngipin. “Hukayin niyo ang lupa kung kailangan, hanapin niyo siya!” “O-opo, Sir.” Nagmamadaling lumabas si Dominic. Ayaw na muna niyang magpakita kay Sebastian. Pero pagkalabas niya, may panibagong problema. Tumawag ang tauhan niya—bumalik daw ang asawa ni Sebastian at nasa tapat na ngayon ng Zavier Manor para makipag-divorce. Ang Zavier Manor ang villa na ibinigay ni Sebastian sa asawa niya bago siya bumalik ng bansa. Ito din ang villa na binawi nya matapos ipaalam sakanya ng katulong nya na nagtaksil ito sakanya. “Sigurado ba kayong asawa niya ‘yan?” tanong ni Dominic. “Opo, sino naman ang maglalakas-loob na magsinungaling tungkol doon? Hindi ako nagkakamali.” Nag-isip si Dominic. Kahit nakakatakot, bumalik siya sa opisina ni Sebastian. “Boss, bumalik na po si Ma'am. Naghihintay siya sa inyo sa Zavier Manor.” “Sino?” “…Ang wife niyo po.” Napatigil si Sebastian bago niya naalala na may asawa nga pala siya na hindi pa niya kailanman nakikita. Hindi nga pala nya pinirmahan ang divorce paper para may rason sya para hindi pakasalan si Astrid. “Anong ginagawa niya roon?” “Makikipag-divorce daw po.” Sebastian. “…” Anim na taon itong hindi nagpakita, tapos ngayon biglang susulpot para makipaghiwalay? Ayaw niya sa babaeng ‘yon, pero… kung makikipag-divorce siya ngayon, anong idadahilan niya para hindi mapakasalan si Astrid? “Sabihin mo nasa business trip ako at hindi pwedeng makipag-divorce ngayon. Maghintay siya sa pagbabalik ko. At sabihin mo, hindi sigurado kung kailan ako makakauwi.” Kung matino sanang babae ang asawa niya, baka nagu-guilty pa siyang gamitin ito. Pero dahil alam niyang hindi naman ito disente, wala siyang pakialam. Sanay na si Dominic kay Sebastian kaya hindi na siya nagulat. Nagtanong lang siya, “Baka hindi maniwala ang asawa niyo. Gusto niyo po ba siyang i-video call para makausap nang personal?” “Huwag na!” Ayaw ni Sebastian na magsayang ng oras sa taong walang kwenta para sa kanya. Hindi niya alam na ang asawang tinatanggihan niya ay ang mismong babaeng kanina pa niya gustong mahanap. “At mula ngayon, huwag mo na siyang tatawaging Ma'am. Iisa lang ang Ma'am sa buhay ko, wala nang iba.” Alam ni Dominic na ang nanay ni River ang tinutukoy nito. Laking gulat ni Bella nang matanggap ang sagot ni Sebastian. Hindi niya alam kung kailan ito babalik, kaya hindi rin niya alam kung kailan siya makakalaya sa kasal na ito. Paano na niya mailalayo ang mga bata? Luhaan siyang lumabas ng Zavier Manor. Pakiramdam niya ay wala na siyang takas. Kung hindi siya makakaalis agad, hindi maaayos ang papers ng mga bata at hindi sila makakapag-aral nang maayos. Wala rin siyang sapat na pera at wala pang permanenteng trabaho. Isama pa ang 50 million na utang nya at ang lalaking kamukhang-kamukha ng mga anak niya… Sumasakit ang ulo ni Bella. Naupo muna siya sa ilalim ng puno para magpahinga. Ayaw niyang umuwing ganito ang itsura dahil siguradong mag-aalala ang mga bata. Habang nag-iisip, biglang may nakita siyang bata, mga apat o limang taon ang edad, na parang nawawala sa sarili at tumatakbo sa gitna ng kalsada. Muntik na itong masagasaan! Nagkagulo ang mga tao. Maya-maya ay dumating ang mga magulang pero parang mailap na hayop ang bata—nanununtok, nambabato, at sinasaktan ang sarili. “Pasensya na po, may trauma ang anak ko. Sinusumpong siya ngayon at hindi na namin alam ang gagawin,” iyak ng nanay nito. Agad na lumapit si Bella. “Anong pangalan niya?” “Aiden po.” Sinabihan ni Bella ang mga magulang na lumayo muna para hindi lalong ma-stress ang bata. Kahit nabato siya ni Aiden sa noo at nasaktan, hindi siya sumuko. Ngumiti siya at lumuhod para mapantayan ang bata. “Huwag kang matakot, Aiden. Hindi ka sasaktan ni Auntie. Halika rito, yayakapin kita.” Nag-alinlangan ang bata, pero dahil sa lambing ni Bella ay dahan-dahan ding kumalma ang mga magulang ni Aiden at hinayaan siyang tumulong. Wala na rin naman silang ibang magagawa. Walang nakakaalam kung anong sinabi ni Bella, pero pagkalipas ng ilang minuto, kusa nang lumapit sa kanya ang bata. Niyakap nito nang mahigpit ang leeg niya, binaon ang mukha sa balikat niya, at umiyak. Binuhat ni Bella ang bata papunta sa malapit na parke. Naupo sila sa damuhan at kinausap niya ito nang masinsinan. Pagkalipas ng kalahating oras, himalang nakatulog ang bata sa mga braso niya. Laking gulat ng pamilya Fuentes nang makita ito. “Tuwing inaatake ang batang ‘to, kailangan pa namin ng pampakalma para lang tumigil siya. Hindi ko akalaing magagawa ‘yun nang walang gamot.” Sabi ni Bella. “Ang trauma ay laging may kinalaman sa psychological na aspeto. Support lang ang mga gamot. Kailangan pa rin nating subukang pasukin ang mundo nila. Inaatake lang naman sila kapag na-trigger at kapag pakiramdam nila ay hindi sila safe. Wag na wag niyo siyang sisigawan dahil imbes na kumalma, lalo lang siyang magwawala.” Habang nagsasalita, kumuha si Bella ng ballpen at papel sa bag niya at nagsulat ng ilang pangalan ng herbal medicine. “Kung okay lang sa inyo, pwede niyo itong ipainom sa kanya regularly. Lagyan niyo na lang ng stevia para magustuhan niya ang lasa. Malaki ang maitutulong nito.” Mabilis na nagtanong ang mga magulang, “Doktor ka ba?” Nailang si Bella at umiling. “Hindi po, wala akong medical certificate. Natutunan ko lang ‘to sa pamilya ko. Pero wag kayong mag-alala, safe po ‘yang gamot na ‘yan.” Pagkatapos magpaalam, inabot na niya ang bata sa mga magulang nito at umalis na. Hindi kalayuan, nakita ni Bentley ang lahat. Nagkataon kasing nagmamaneho siya sa lugar na ‘yun at napansin ang pagwawala ni Aiden. Pagkaparada niya ay tumakbo siya agad pero naunahan na siya ni Bella. Eksaktong ganun din ang mga symptoms ni River. Kung napaamo niya si Aiden, siguradong kaya niya ring paamuhin si River. Maganda siya, at ang tamis at init ng ngiti niya—parang nakakapagpa kalma. Baka tanggapin siya ni River! Excited na naisip ni Bentley. Dahil kilala niya ang pamilya Fuentes, lumapit siya para makipag-usap nang konti, tsaka kinuha ang prescription na isinulat ni Bella. Puro pampakalma na herbal medicine ang nandoon, at mas konti ang side effects nito kaysa sa normal na medicine. Mukhang maalam nga siya sa herbal medicine. Mas lalong na-excite si Bentley dahil malaking tulong ito para kay River. Mabilis siyang lumingon para hanapin si Bella, at nang makitang malayo na ito, hinabol niya agad. Pero biglang may isang itim na minivan ang huminto sa tapat ni Bella. May ilang lalaking bumaba, pilit na kinaladkad ang babae sa loob ng sasakyan, at mabilis na humarurot palayo. “Sht! Ano ba ‘yan…” Sa gulat ni Bentley, pati ang pino niyang pananalita ay nawala dahil sa gulat. Wala siyang nagawa kundi panoorin ang paglayo ng sasakyan, kaya mabilis niyang tinawagan si Sebastian. “Sebastian, bilis! May nahanap na akong perpektong mag-aalaga kay River, pero kinidnap siya sa kalsada ng mga masasamang loob! Kailangan mo siyang iligtas, hanapin mo siya, baka siya na ang pag-asa ni River!” Tanong ni Sebastian, “Anong klaseng babae?” “Sobrang ganda at mukhang mahinhin, payat, maputi, mahaba ang buhok, at may dimples kapag ngumingiti. Mukhang napakabait…” “Diretsuhin mo na ako!” “Basta babae, napakagandang babae!” Napa-facepalm na lang si Sebastian. “…Ibigay mo sa akin ang address, ipapa-check ko ang surveillance footage!” “Sa Sampaguita Road!” Pagkababa ng phone ay may kumatok sa bintana ng kotse ni Sebastian. “Sir, nahuli na po namin siya!”Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy
“Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy
“Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod
Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak
Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin
“May obsession ang batang ito sa Mommy niya, at dahil ‘yun sa sobrang pangungulila.” Nagtaka si Bella. “Sobrang pangungulila sa Mommy niya? Nasaan ba ang nanay niya?” Nagkibit-balikat lang si Doctor Bentley at sumulyap muna kay Sebastian bago sumagot. “Wala siya rito.” Agad na nag-assume si Bella na pumanaw na ito. “Kailan pa namatay ang nanay niya?” Bago pa makasagot si Bentley ay biglang bumanat nang galit si Sebastian. “Sinong nagsabing patay na ang nanay niya? Buhay na buhay ang Mommy niya! Mas malakas pa sa kahit kanino!” Nagulat si Bella sa biglang pagsabog ni Sebastian. Tinitigan niya ito nang masama, gusto sana niyang lumaban pero pinigilan niya ang sarili. Napansin din ni Sebastian na nawalan na naman siya ng pasensya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Marahil dahil hindi niya alam ang sasabihin, tumingin na lang siya sa natutulog na si River. Agad na sumingit si Doctor Bentley para ayusin ang sitwasyon. “Hindi siya namatay, nawala lang siya p







