Share

Chapter Ten

Auteur: Hanni
last update Date de publication: 2026-04-19 21:41:57

Naghintay muna si Sebastian bago muling nagsalita. “Sabihin mo sa akin, anong nangyari kahapon?”

Tumingala si Bella. “A-anong nangyari?”

“Sino ang nagligtas sa’yo? Saan ka pumunta pagkatapos? At anong pakay mo sa paglapit sa akin? Pera ko ba o ang buhay ko?”

Nagtaka si Bella. “Kailan ba ako lumapit sa’yo? Ikaw nga ‘tong biglang pumunta sa pinto ko at kinidnap ako kahapon. Tapos biglang nasunog yung building, kaya tumakas ako sa gitna ng gulo. Wala akong pakialam sa pera mo o sa buhay mo.”

Napatigil si Bella. Kung ito nga yung lalaking ‘yun, talagang gusto niya itong patayin!

“Wala lang?” tanong ni Sebastian.

Napanguso si Bella at bumulong, “Wala akong balak patayin ka!”

“Sa tingin mo maniniwala ako?”

“Ano? Ikaw… maniwala ka man o hindi, nagsasabi ako ng totoo!”

Nagdilim ang mukha ni Sebastian. “Saan ka natulog kagabi?”

Kagabi ay nagpadala siya ng mga tao sa maliit na hotel pero wala na ito doon. Sabi ng hotel owner, umalis sila nang hindi man lang nag-check out.

Sa kakayahan at estado ng buhay niya ngayon, imposibleng hindi niya mahanap ang isang tao maliban na lang kung sinadya nitong itago ang bakas nito. At ang taong kayang magtago nang ganun kagaling ay hindi basta-basta.

Siyempre, hindi alam ni Bella na pinakialaman ni Hunter ang surveillance footage. Kumunot ang noo niya. “Anong pakialam mo kung saan ako nakatira?”

Naging malamig ang aura ni Sebastian kaya kinabahan si Bella. Nakakatakot pala ito kapag nagagalit. Kanina, nadala lang siya ng emosyon kaya matapang siya, pero ngayong kalmado na siya, alam na niya ang matakot.

Napayuko si Bella. “Private matter ko po ‘yun, hindi ko pwedeng sabihin.”

“Hindi mo pwedeng sabihin, o sinasadya mong itago?”

“Bakit ko naman itatago? Wala naman akong utang na…”

Naalala niya yung 50 million kaya hindi niya tinuloy ang sasabihin.

Biglang may naalala siya, kaya galit niyang kinuha ang phone niya at pinakita ang picture kay Sebastian.

“Tinanong ko ang anak ko kagabi, totoo ngang nasira niya ang kotse mo. Pero tignan mo, kayo ang unang nang-bully sa kanila. Nagasgasan ng pangalawang anak ko ang kotse mo para ipaghiganti ang kapatid niya.”

Tinitigan ni Sebastian ang photo. Sa picture ay kitang-kita ang malaking pasa sa maputing binti ng bata. Mukhang masakit talaga.

Sabi ni Bella, “Gawa ‘to ng babae mo—‘yung asawa mo. Inaabuso niya ang bata! Pwede ko siyang idemanda!”

Nanatiling tahimik si Sebastian.

Dagdag pa ni Bella, “May mga CCTV sa airport. Pwede mong i-check kung hindi ka naniniwala.”

Hindi naman sa hindi naniniwala si Sebastian. Alam niya ang ugali ni Astrid. Pero anong kinalaman ng ginawa ni Astrid sa mga anak nito?

“Hindi ako ang nanakit sa kanya, pero ang kotse ko ang sinira ng anak mo.”

“…” Napanganga si Bella, wala siyang masagot. Tama naman, ang may gawa ang dapat singilin, at kahit mag-asawa ang dalawa, hindi niya pwedeng isisi lahat sa lalaki.

“At ang sugat sa kamay ko, ikaw rin ang may gawa,” dagdag ni Sebastian.

Tinignan ni Bella ang marka ng kagat sa pulso nito. Napaurong siya at biglang nawala ang tapang niya.

Habang iniisip niya kung paano sasagot, biglang nag-iba ng topic si Sebastian.

“Kung ayaw mong makulong at mawalan ng nanay ang anak mo, magtapat ka nang maayos.”

“Magtatapat tungkol saan?”

“Anong pakay mo sa paglapit sa akin? Sinong nag-utos sa’yo?”

Nagsumamo si Bella, “Sabi ko na nga, wala akong balak lumapit sa’yo, at walang nag-utos sa akin!”

Halatang hindi naniwala si Sebastian. “Kung hindi ka magsasabi ng totoo, magsisisi ka.”

“Nagsasabi nga ako ng totoo!”

Nagdilim ang mukha ni Sebastian.

“Dominic! Ibigay siya sa mga pulis. Wag niyo siyang pakakawalan nang wala akong pahintulot!”

Agad na bumukas ang pinto ng kotse at tumabi si Dominic. “Miss , bumaba na po kayo.”

Biglang sumabog sa galit si Bella.

“Ayaw mong maniwala kapag nagsasabi ako ng totoo. Ano bang gusto mong marinig? Ano bang gusto mong sabihin ko? Hindi ko ginustong mapalapit sa’yo, at walang nag-utos sa akin. Kung pwede lang, lalayuan kita—yung tipong hinding-hindi na tayo magkikita ulit!”

Nagdilim ang mukha ni Sebastian. “Sabi mo hindi mo ako kilala? Eh bakit kailangang lumayo ka sa akin at hinding-hindi na magpakita? May atraso ba ako sa’yo?”

Narealize ni Bella na nadulas nanaman sya sa mga sinabi nya. Mabilis na kumurap-kurap ang bilugan nyang mga mata habang sinusubukang i-deny ito. “Wala kang atraso saakin…”

“Eh anong ibig sabihin ng mga sinabi mo kanina?”

“Kasi… kasi ang pangit mo! Ayaw kitang makita. Kapag nakikita kita ay sumasama ang pakiramdam ko kaya gusto kong lumayo sa’yo.”

Napasimangot si Sebastian. Ang mga bodyguards naman na nakatayo sa gilid ng sasakyan ay nanlaki ang mga mata sa gulat.

Kahit na lahat ay nagsasabing parang demonyo ang amo nila, ito lang ang unang taong naglakas-loob na sabihin ‘yun nang harapan. Tinawag pa talaga niyang pangit ang amo nila, ha!

“Ipakulong niyo siya. Gutumin niyo ng tatlong araw. Huwag niyo siyang bibigyan ng pagkain hangga’t hindi ko sinasabi, hanggang sa matuto siyang magsalita nang maayos.”

Pagkatapos magsalita ni Sebastian ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata, ayaw na siyang tignan kahit isang beses pa. Agad namang binuhat ng dalawang bodyguard si Bella palabas ng sasakyan.

Nag-panic si Bella. Paano na ang anak niya kung makukulong talaga siya? Sa sobrang kaba, bigla na lang siyang napasigaw.

“Hayop ka, hindi mo ako pwedeng hulihin! Ako ang asawa ni Sebastian!”

Biglang napadilat si Sebastian, nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.

Si Dominic at mga bodyguards ay nagulat naman sa narinig. Muntikan pa nilang mabitawan si Bella.

Hinihingal si Bella pero pinilit pa ring magsalita. “Asawa talaga ako ni Sebastian. I-check niyo pa kung ayaw niyong maniwala. Kilala niyo ang Zobel family, ‘di ba? Ang number one family sa buong mundo. Sobra silang makapangyarihan. Kahit na disabled si Sebastian at hindi paborito sa pamilya, miyembro pa rin siya ng Zobel family. Asawa niya ako, kaya kalahati ng pagkatao ko ay parte na din ng Zobel family. Kapag binully niyo ako, parang binully niyo na rin si Sebastian, at kapag binully niyo si Sebastian, parang binangga niyo na ang buong pamilya nya. Mahalaga sa malalaking pamilya ang reputasyon nila. Ilan ba ang buhay niyo para kalabanin ang mga Zobel?”

Dahil hindi ito sumagot, nagpatuloy si Bella. “Sabihin ko sa inyo, si Sebastian… siya… mahal na mahal niya ako! Obsessed siya sa akin! Sige, saktan niyo ako at tignan natin, hinding-hindi niya kayo tatantanan!”

Ang katahimikan sa sandaling iyon ay nakakabingi.

Nasa harap lang niya si Sebastian pero hindi niya ito nakilala, tapos nagawa pa niyang sabihing mahal na mahal siya nito hanggang sa point na obsessed ito. Kahit sino sigurong makakarinig nito, iisiping isa itong kasinungalingan.

Kung sinabi lang sana niya na asawa siya nito, baka naniwala pa nang kaunti si Sebastian. Pero ngayon, wala na siyang pinaniniwalaan kahit isang salita. Halatang-halata ang diring nararamdaman niya.

Wala siyang oras para i-expose ang pagsisinungaling nito kaya hindi na siya tumingin sa kanya at malamig na nag-utos, “Ilayo niyo na siya!”

“Hoy! Teka—”

Tinakpan ng bodyguard ang bibig ni Bella at kinaladkad siya palabas para dalhin sa presinto.

Nagmamadaling lumapit si Dominic dala ang isang surveillance video.

“Wait lang!” utos niya sa mga bodyguard. Sumakay si Dominic sa sasakyan at bumulong kay Sebastian.

“Boss, nahanap na natin yung babaeng sinasabi ni Dr. Bentley! Si Miss Bella pala yun, yung matagal na nating hinahanap! Tignan mo, siya lang ang nakapagpakalma kay Aiden!”

Kinuha niya ang tablet at tinitigan ito nang matagal bago tumingin kay Bella sa labas ng bintana. Naging seryoso ang kanyang expression. Hindi niya talaga akalain na ang babaeng gustong-gustong mahanap ni Bentley ay siya rin pala.

Si Aiden ay pamangkin ng matalik niyang kaibigan na si Carter. Two years ago, nagkaroon ito ng trauma at bipolar disorder pagkatapos ma-kidnap—kapareho ng kondisyon ni River tuwing may episode ito. Marami na silang kinonsultang specialists pero walang nakagawa nito.

Pero nagawa ni Bella.

Ang babaeng ito… kung hindi lang dahil sa mga nangyari kanina ay baka niyaya na niya itong umuwi para alagaan si River. Pero ngayon, nagdududa na siya. Sinadya ba niya ang nangyari kay Aiden para lang mapalapit sa kanya at kay River? Mula nang lumitaw ang babaeng ito, ang dami nang nangyari. Siguradong hindi lang ito basta-basta.

Nanahimik sandali si Sebastian bago nagsalita. “Pakawalan niyo muna siya.”

Kailangan niya itong obserbahan nang mabuti. Kung talagang sinasadya niyang lumapit, kahit pakawalan niya ito ngayon, gagawa at gagawa ito ng paraan para magpakita ulit. Bago niya ito ipakilala kay River, kailangang sigurado siyang wala itong masamang balak.

Nang biglang pinakawalan ay medyo naguluhan si Bella at nagdududang tumingin sa loob ng sasakyan. Nakumpirma na ba nito na asawa nga siya ni Sebastian kaya natakot? Siguro nga! Mukhang kahit disabled at hindi paborito si Sebastian, may hatak pa rin pala ang pangalan niya.

Hindi na nag-isip nang malalim si Bella at mabilis na tumakbo palayo. Sa dilim, isang matangkad at misteryosong lalaki ang nanonood sa kanila habang nakangising bumubulong.

“Magandang palabas ito, hehehe…”

Parang may napansin si Sebastian kaya ibinaba niya ang bintana at tumingin sa paligid, pero wala siyang nakitang kahina hinala.

“Anong problema, Boss?”

“Wala, tara na.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Three

    Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty Two

    “Nag-iimbestiga na ang mga tao natin pero wala pa ring mahanap. Nabalitaan ko na kahit si Young Master Sebastian ay wala ring mahanap na impormasyon. Magaling ang kalaban natin.” sabi ng tauhan nya. Bumuntong-hininga si Theodore nang may madilim na mukha. “Siyempre magaling ‘yan. Kung hindi siya magaling, maglalakas-loob ba siyang hamunin si Sebastian?” Sandaling nag-isip si Theodore. “Pumunta ka sa dark web at kontakin ang Princess Belle Number One Backer. Kahit anong presyo ang hingin niya, ibigay niyo, basta matulungan niya akong malaman kung sino ang taong iyon.” Nag-aalala ang kanyang tauhan. “Pero mahirap po itong kontakin. Mailap siya at walang pakialam sa pera. Tumatanggap lang siya ng trabaho base sa mood niya.” Ang Princess Belle Number One Backer ay isang top figure sa mundo ng mga hackers. Dalawang taon na ang nakararaan, bigla itong sumulpot at pinasok ang isang foreign military hangar sa loob lang ng isang minuto, kaya naging tanyag ito agad. Noong subukan siy

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty One

    “Ganoon pa rin,” sagot ni Sebastian. “Ang dami na nating kinonsultang experts, wala pa rin bang improvement?” “Wala.” “Wala? Si River ang tanging tagapagmana ng pamilyang Zobel. Hindi pwedeng magpatuloy ang ganito.” Bumulong naman ang panganay na anak na babae. “Eksakto! Hindi talaga pwedeng magpatuloy ‘to. Si River ang tanging lalaki sa henerasyon niya. Logically, siya ang rightful heir ng pamilyang Zobel. Pero kung magpapatuloy siya sa ganyang lagay, paano niya mamanahin ang Zobel Group? Ibibigay ba natin ang Zobel Group sa isang sakiting tao? Tsaka, aabot pa ba siya sa…” Bago pa matapos ng panganay ang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Sebastian. Pinanlakihan din siya ng mata ni Theodore kaya tumahimik na lang ito kahit bumubuka pa ang bibig. Inip na tinitigan ni Sebastian si Theodore. “Wala kayong pakialam sa mga bagay na tungkol kay River . Limitado lang ang pasensya ko. Sabihin nyo na kung ano ang pinupunto nyo. Stop wasting my time.” Napakunot-noo ulit si Theod

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Twenty

    Para makatipid ay sobrang tipid ng pamumuhay nito. Madalas ay tinapay at tubig lang ang kinakain nito, minsan ay may kaunting gulay. Maging ang itlog ay itinuturing na nitong luxury—minsan, isang beses lang itong kumakain sa loob ng isang araw. Bukod doon, kailangan pa nitong tiisin ang pangungutya at tsismis ng mga tao sa paligid nito. Hanggang sa isang araw, noong malapit na itong manganak, bigla na lang itong nawalan ng malay habang pauwi galing sa trabaho. Actually, sinubukan na ring paimbestigahan ni Sebastian ang mga ito noong mga nakaraang araw pero wala silang nahanap. Hindi dahil sa mahina ang mga tauhan niya, kundi dahil pagkatapos bumaba ni Bella sa bundok kasama ang mga anak niya ay itinagong kanyang tagapagligtas ang kanyang nakaraan sa takot na makaapekto ito sa kasalukuyan niyang buhay. Binigyan din siya nito ng bagong identity. Kaya naman ang ibang nag-imbestiga sa kanya ay nalaman lang na isa siyang ordinaryong biyuda na nakatira sa bundok kasama ang kanyang anak

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Nineteen

    Hindi nagtagal ay natanggap ni Sebastian ang mensahe. Nakatayo siya sa smoking area sa dulo ng corridor at hindi mapakali. “Sinong nagsabi sa kanyang nasa Manila pa ako?” Agad sumagot si Dominic. “Hindi rin niya sinabi, ang sabi lang niya, kapag hindi ka nakipag-divorce ay kukulitin ka raw niya nang kukulitin. Sabi niya rin na divorce lang ang gusto niya at wala siyang kukunin sa inyo kahit ano. Pagkatapos daw nun ay hindi na niya kayo guguluhin.” Nabwisit si Sebastian. “Binabantaan ba niya ako?” Hindi nakasagot si Dominic, tumigil sandali bago nagtanong. “…Anong gagawin natin ngayon? Kapag hindi ka nakipag-divorce, baka mamaya kukulitin ka nga niya? O baka isipin niya na may feelings ka sa kanya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Lalong nainis si Sebastian. “Sabihin mo, pabalik na ako!” Pagdating ni Bella sa Zavier Manor ay sinalubong siya ng bagong katulong doon. Bago na ang lahat ng mga tauhan sa bahay. Yung mga dating nag-aalaga sa kanya noon ay napalitan na. Hin

  • Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!   Chapter Eighteen

    “May obsession ang batang ito sa Mommy niya, at dahil ‘yun sa sobrang pangungulila.” Nagtaka si Bella. “Sobrang pangungulila sa Mommy niya? Nasaan ba ang nanay niya?” Nagkibit-balikat lang si Doctor Bentley at sumulyap muna kay Sebastian bago sumagot. “Wala siya rito.” Agad na nag-assume si Bella na pumanaw na ito. “Kailan pa namatay ang nanay niya?” Bago pa makasagot si Bentley ay biglang bumanat nang galit si Sebastian. “Sinong nagsabing patay na ang nanay niya? Buhay na buhay ang Mommy niya! Mas malakas pa sa kahit kanino!” Nagulat si Bella sa biglang pagsabog ni Sebastian. Tinitigan niya ito nang masama, gusto sana niyang lumaban pero pinigilan niya ang sarili. Napansin din ni Sebastian na nawalan na naman siya ng pasensya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Marahil dahil hindi niya alam ang sasabihin, tumingin na lang siya sa natutulog na si River. Agad na sumingit si Doctor Bentley para ayusin ang sitwasyon. “Hindi siya namatay, nawala lang siya p

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status