Share

Chapter 153

Author: Athengstersxx
last update Huling Na-update: 2025-03-22 11:53:29

Napansin ni Diana na tila wala siya sa sarili at may lungkot sa kanyang mukha. "Ano ang iniisip mo? May problema ka ba?”

"Wala, tungkol sa trabaho. Hayaan mo na iyon. I can manage it," Sagot niya nang malamig.

"Ah okay," sagot ni Diana. Nang siya'y paupo na, napansin niya ang marka ng lipstick sa kwelyo ni Benjamin.

Hindi sinasadyang hinawakan iyon ni Diana. Hindi pa ito ganap na tuyo at madaling kumalat kapag hinipo. Ibig sabihin, bago lang ito.

Kinagat ni Diana ang kanyang labi at naalala ang message na ipinadala ni Evelyn sa kanya ngayong gabi.

“Miss Valdez, nakita ko po si Mr. Peters at si Miss Yllana sa isang restaurant ngayong gabi. Ang dalawa po ay..”

Biglang lumitaw sa chat box ang litrato ng dalawang tao sa loob ng sasakyan, at agad niyang naramdaman ang pagbaligtad ng kanyang dugo.

Mas pinili ni Benjamin na hawakan si Celestine kaysa sa kanya. Sa pag-iisip nito, labis niyang kinamuhian si Celestine.

Pero, hindi na niya kinompronta si Benjamin. Ayaw niyang masira ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 333

    Ngumiti lang si Wendell sa kanya at nagsabing, “Kapag naintindihan mo na and lahat, kunin no na ang ari-arian ko. Gusto ko na magbakasyon. Gusto ko nang mag retire, anak.”Hindi ulit nakapagsalita so Celestine noong mga oras na iyon.Hindi ba’t inaalam na nga niya ngayon ang mga bagay-bagay sa kanyang buhay?Sa isip-isip niya..‘Hay, itong pamilyang ‘to, hindi ba pwedeng pagkatiwalaan lang ako kahit sandali?! Madali lang naman iyon, bakit hindi nila magawa?’Napabuntong-hininga si Celestine, naghanda na ng kanyang sarili at pumasok na sa trabaho.On the way to work, nakatanggap siya ng tawag mula kay Eduard, “May magandang pelikula na palabas ngayon. Gusto mo bang manood tayo mamayang gabi? Don't worry, it's my treat. Matagal na rin tayong hindi nakakapag bonding, e.”Tumaas ang kilay ni Celestine at bahagyang nag-isip. “Sige. Ayos lang sa akin. Wala naman akong gagawin mamaya.”Medyo nagulat si Eduard na pumayag agad si Celestine sa request niya. “Sige, susunduin kita mamaya pagkatap

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 332

    Dalawang kotse ang nagmamadaling tumatakbo sa amber road. Palitan sila ng pangunguna, tila nasa contest na walang makalamang.Galit si Celestine nang dumating siya ngayon, kaya’t todo ang pagmamaneho niya. Pero kumpara ng maraming taon na ang nakalipas, tila bumaba na ang kanyang galing pagdating sa car racing.Ang asul na kotse ay nagbigay ng kakaibang kasabikan kay Celestine. Mas kapanapanabik ito kaysa sa karera niya laban kay David Arcelli. Sa wakas, parang may totoong kalaban na siya at hindi tatanga-tanga.Muling nagsabay ang asul na kotse at ang kotse ni Celestine sa track. Ipinakita ng navigation system na malapit na ang finish line, lampas lang sa kanto. Malapit na so Celestine.Pinagdikit ni Celestineang kanyang mga labi, hinawakan nang mahigpit ang manibela gamit ang dalawang kamay at tiningnan nang malalim ang kabilang kotse.Sakto namang tumingin din ang tao sa asul na kotse sa kanyang direksyon. Nakita ni Celestine ang isang pares ng malalalim na mata ng lalaki.Sa sumun

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 331

    Ang lalaki ay medyo matangkad kaysa kay Celestine, nakasuot ng itim na sports suit at napakakisig.Pumirma din siya roon katulad ni Celestine.“Sige, hintayin mo ang susunod na ikot,” sabi ng lalaking namumuno.Si Celestine ay nag-iinit ang katawan dahil as stress na kanyang naranasan at ang lalaki ay nakatayo sa tabi niya.Tiningnan ni Celestine ang lalaki ng ilang ulit. Nakayuko ito at kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng kanyang sumbrero. Pero ang lalaki ay may matangos na ilong at mapupulang labi. Kahit hindi mo makita ang kanyang mga mata, mararamdaman mong gwapo siya.Nang itinaas ng lalaki ang ulo niya, si Celestine naman ay nakayuko na at nag-iinat.Nagkasalisi ang kanilang mga tingin. Para bang nahihiya sila sa isa't isa.Hindi nagtagal, nagsimula na ang karera. Nag-renta si Celestine ng berdeng race car para iyon and gamitin niya.Apat ang kalahok sa kabuuan at ang track sa amber road ay hindi rin gaanong nalalayo sa bundok kung saan siya naglaro noon. Hindi ganoon kahira

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 330

    Bumigat ang dibdib ni Celestine, agad siyang lumapit sa bintana at sumilip pababa.Unti-unting natakpan ng matingkad na pula ang puti, at bago siya namatay, hawak pa rin niya ang kanyang ID card.Biglang naunawaan ni Celestine kung bakit niya inalis ang kanyang puting coat kanina.Pwede siyang madumihan, pero ang kanyang puting coat ay hindi dapat madumihan. Ito ang kanyang propesyon, at ayaw niyang madungisan ito, kahit ng sarili niya.Nilunok ni Celestine ang laway niya, dahan-dahan niyang pinisil ang kanyang mga kamao, saka tumalikod at lumakad paalis.Nakunot ang noo ni Benjamin at sumunod.Pagbaba ni Celestine, nagsimula nang maglatag ng barikada ang mga guards. Tumakbo ang mga emergency doctors papunta sa katawan ni Caroline, ngunit umiling lang sila sa isa’t isa. Maya-maya, tinakpan na siya ng puting tela.Kitang-kita ni Celestine ang lahat ng nangyari at napaatras siya ng isang hakbang.May biglang humawak sa baywang niya at paglingon niya, nagtagpo ang mga mata nila ng lalaki

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 329

    Nag-aral siya ng medisina nang maraming taon at nagtrabaho nang napakahirap para lang makatungtong sa kung nasaan man siya ngayon. Kailangan niyang umasa sa sarili niyang kakayahan para makapasok sa ospital na ito. Pero sila, sapat nang kausapin lang ng mga kamag-anak nila ang mga nakakataas sa ospital para magkaposisyon lang sila.Kahit ano ang sabihin ng kanilang mga pamilya, kahit hindi totoo, ayos na iyon.Nang unang pumasok si Diana sa ospital, siya ay alagad ni Caroline. Hindi pinayagan si Caroline na pagalitan ito o pagsabihan man lang at araw-araw ay tinatrato siya nito na parang walang kwenta. Basura nga, sabi nila.Lumipas na ang kalahating taon at wala pa ring natutunan si Diana sa medisina dahil puro yabang lang ang alam niya. Nang magsagawa ng inspeksyon ang mga nakakataas, siya Caroline agad ang pinuna. Ano pa ba ang magagawa niya? Wala. Inis na inis siya noon pero wala siyang laban.Umiling si Caroline nang maalala ang lahat ng iyon. Ang mundo nga ay tila hindi na kara

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 328

    Lahat ay nakatingin kay Celestine, tila ba naghihintay ng kumpirmasyon kung totoo ba iyon o hindi.Lalo na si Benjamin, ang tingin niya kay Celestine ay hindi pa kailanman naging ganoon kainit at katindi. Ang mga titig niya sa kanya ay talagang nakakatakot. Na-realize niyang hindi pala basta-basta si Celestine.Tiningnan ni Celestine ang lahat ng tao sa opisina, hindi alam kung ano ang sasabihin sa sandaling iyon. Dahil isang salita niya lang, pwede na namang gamitin iyon laban sa kanya.Sabihin na lang nila na oo, hindi siya isang walang kwenta. Oo, ibinigay ba niya talaga ang quota kay Diana?“Magsalita ka na, ganoon na ang trato sa’yo ni Diana, bakit ka pa nag-iisip na hindi magsabi sa lahat?” Mariing tumingin si Caroline kay Celestine, “Ano ba yang pa-good girl effect mo, mabibili ba ni Diana o ng mga taong narito 'yan?”“Ninakaw niya ang quota mo, ninakaw niya ang lalaki ng buhay mo at palagi ka pa niyang pinupuntirya! Celestine, isa ka bang martyr? Martyr sa lahat ng bagay?” Hal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status