Share

Chapter 399

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-07-08 08:26:39

Hindi nagsalita noon si Celestine.

Hindi siya bumaba ng sasakyan, bagkus ay tinitigan lang niya si Benjamin.

Nakatayo si Benjamin sa labas ng sasakyan at tinitigan siya, "Gusto mo ba talaga nung kwintas na iyon?”

Hindi pa rin sumagot si Celestine.

Naiinis siya at napaisip.

‘Paanong napunta sa kanya ang kwintas na ‘yon?’

Pero hindi na iyon inisip ni Celestine.. Kumukulo na ang tiyan niya.

Nagugutom na talaga siya nang malala. Hindi pwede iyon.

Isa pa, naisip ni Celestine..

Sayang naman kung hindi siya kakain. Libre na iyon, e. Papatulan na niya.

Pumasok si Celestine sa restaurant at nagpadala ng lokasyon kay Vernard, "Halika't kumain. May tanga na manlilibre sa’yo. Dalian mo, ha? Kanina pa kita hinahanap, e.”

Dinala ni Benjamin si Celestine sa isang private room.

Tiningnan niya ang buong paligid ng private room. Maganda at maayos ito. Sakto, bukas din ang TV na naroon.

Nanonood si Celestine ng balita, iniisip kung magsasampa ba ng reklamo si Louis. Naiisip niyang mas mabuting makauwi a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 414

    “Huwag na, huwag na.” Agad na hinawakan ni Sean ang kanyang tasa.Napakagalang ni Shiela sa kanya, medyo hindi pa rin siya sanay dito.Mas komportable pa rin siya sa dating Shiela na hindi siya pinapansin at sinusungitan siya lagi. Sanay siya sa isang babae na ayaw na ayaw sa kanya.Kaya kinuha na niya ang opportunity na iyon para mag-make peace kay Shiela.“Sana naman simula ngayon ay maging okay na tayong dalawa, Shiela. Hayaan mo, hindi naman na kita aasarin.”“Sana nga, simula ngayon ay maging okay na tayong dalawa,” sagot ni Shiela.Pagkasabi ni Shiela noon ay nagsalita naman ang kanyang manager.“Sige, tapos na ang usapan na ‘to!” Pagkasabi noon ay pumalakpak si Mr. Devias, “Salamat kay Mr. Vallejo sa kanyang pag-unawa, talaga namang nagpapasalamat kami at hindi na niya papalakihin ang issue.”“Kung may mangyari pa ulit na problema, gagawin namin ang lahat para tulungan si Mr. Vallejo.”Talagang sanay si Mr. Devias bilang isang manager, kabisado na niya ang ganitong mga pananali

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 413

    Nakasuot si Shiela ng itim at puting casual na damit, may suot ding sumbrero at maskara, kaya’t sobrang mahigpit ang pagkakabalot niya sa sarili. Lalabas ba siya at aalis?Sabi ng manager niya, "Kasalanan naman talaga ni Shiela ang nangyari, pero si Mr. Sean ang umako para sa kanya." Idadaan ko si Shiela sa bahay nila Mr. Vallejo para imbitahan na rin siya na mag-dinner. Dahil magkakaibigan naman tayong lahat, bakit hindi ka na rin sumama, Miss Yllana? Wala ka naman sigurong gagawin, hindi ba?”Napadilat si Celestine.Nakita niya si Shiela na tumango, sabay kapit sa braso ni Celestine, tila umaasang sasama ito."Sige ba. Wala namang problema sa akin."Sa isang private room sa isang kilalang restaurant, sa ika-30th floor itinakda ang lugar kung saan sila kakain.Sobrang pribado nito, dahil mula sa underground parking ay deretso ang elevator sa pasukan ng restaurant.Pagbukas ng elevator, direkta ka nang nasa harap ng restaurant.Inihatid sila ng waiter papasok, lumiko sa kaliwa at iti

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 412

    Nang mawala na ang anino ni Celestine sa hallway, unti-unti namang umalingawngaw sa kanyang tainga ang boses ni Diana,"Sabi rin ni Celestine sa akin, kapag ikinasal tayo, dapat daw imbitahin natin siya para makita niya kung gaano tayo kasaya."Malalamig na ang mukha ni Benjamin noon, pero lalo pa itong lumala."Bakit mo pa siya iimbitahin? Para lang guluhin ang kasal natin? Ganun ba ‘yon?"Matiyagang minatyagan ni Diana ang emosyon ni Benjamin at halatang-halata niyang galit na ito sa mga sinasabi niya.Kinakagat ni Diana ang kanyang labi, malinaw, iniisip pa rin ni Benjamin ang reaksyon ni Celestine.Kailangan niyang pagsikapang mapanatili sa kanyang mga kamay si Benjamin. Hindi na pwedeng makuha pa ito ni Celestine o kahit na sino pang babae.Nang paalis na si Diana, bigla niyang narinig ang tawag ng nurse mula sa loob,"Dr. Yllana, may isa pang pasyente, si Reynaldo Reyes, nakalimutan niyang inumin ang gamot niya."Agad na napatigil si Diana.Reynaldo Reyes?!Nang marinig ni Benja

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 411

    Si Celestine ay hyl na bumaling at sumunod, “Susunod na ko.”Hindi nakalimutang lingunin ni Celestine ang lalaki.Kahawig ng mukha niya ang salarin sa likod ng pagkidnap kay Benjamin. Sayang lang at noong panahong iyon, mga mata lang ng lalaki ang kanyang nakita, hindi niya kabisado ang buong itsura nito o ang pangalan. Kaya, hirap siyang tukuyin kung ito ba iyon o hindi.Kalaunan, nang magising siya matapos ang matagal na pagkaka-coma dulot ng kanyang sugat, sinabi nilang nahuli na ang utak ng pagkidnap kaya hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin noon.Kung iyon nga ang taong dumukot kay Benjamin, nararapat lang siyang mamatay sa sakit dahil sa lahat ng dinulot niya noon kay Benjamin.Nagbabago ang panahon, at ang mga kasamaan ay bumabalik rin sa huli.Hindi ibig sabihin na walang karma, baka hindi lang dumarating agad.Matapos ang umagang trabaho niya, binuksan ni Celestine ang kanyang cellphone para tingnan ang mga balita ngayong araw.Nailipat na ng lahat ang sisi kay Sean Va

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 410

    Sa Ospital.Naghihintay si Celestine sa elevator nang bigla niyang makasalubong sina Louie at Mary.Nang makita siya ng dalawa, bumigat ang kanilang mga mukha.Akala ni Celestine ay tapos na ang lahat, basta’t hindi na siya muling gagambalain ng pamilya Valdez, wala na rin siyang balak na magkimkim pa ng galit sa kanila.Nahihiya si Mary kaya iniwas niya ang tingin at hindi naglakas-loob na harapin si Celestine.Pumasok si Celestine sa elevator nang hindi nagsasabi ni isang salita sa kanila.Pagkaalis ni Celestine, saka lamang nagsalita si Louie, “Mama, minsan na tayong napahiya, kaya huwag mo nang ulitin, huwag mo nang tutukan si Celestine. Hayaan mo na siya simula ngayon.”“Ah!” Malalim ang buntong-hininga ni Mary, halatang may pagsisisi sa kanyang nagawa kay Celestine. “Napaka-pabaya ko! Hindi ko dapat ginawa iyon!”“Louie, talagang pinoproblema ko ang kapatid mo. Nasaan na kaya siya ngayon?” Naiinis talaga si Mary.Kumunot ang noo ni Louie, dahil sa usapan ng tungkol sa kanyang ka

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 409

    Nagtinginan ang dalawa, parehong alam na gawa iyon ni Sean para kay Shiela.Agad na nagbihis si Shiela at sinabi, “Celestine, samahan mo ako sa kumpanya namin. Kakausapin ko ang manager ko at aayusin ko ang bagay na ‘to. Please?”Totoong siya ang kusang humalik kay Sean kahapon, kaya’t nadamay silang dalawa sa iskandalo na ito.“Sasabihin ko na lang na lasing ako at wala sa sarili kaya ko nagawa iyon. Iyon naman ang totoo, e,” matatag na sabi ni Shiela habang isinusuot ang kanyang sumbrero para hindi pa rin siya makilala ng mga tao sa labas.Kung sino ang may gawa ng gulo, siya ang dapat managot. Iyon ang mindset na meron si Shiela.Alam ni Celestine na may sarili ng plano si Shiela, kaya hindi na siya nagdalawang-isip at sabay silang bumaba at lumabas ng apartment ng dalaga.Sabay na tumunog ang kanilang mga cellphone.Isang breaking news notification ang lumabas.Naglabas ng pahayag si Sean Vallejo. Ang hayop na nasa video ay ako nga. Patawad sa pag-abala ng atensyon ng publiko. Mat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status