"Ikaw... ikaw 'yung nasa kotse kanina! Ah-" Napasigaw si Mary sa takot, hindi na niya magawang imulat ang kanyang mga mata para tumingin pababa.Nang sumilip siya ng kaunti, agad din niyang ipinikit muli ang mga mata at tanging ang kanyang bibig na lang ang gumagalaw, "Hindi ba sabi mo, hindi mo pinipilit ang ayaw kong mangyari? E, ano ito? Ikaw, Celestine, bata ka pa, paano ka naging... Aray ko!""Ay, Celestine! Mahina na ang puso ko, maawa ka sa akin, huwag mo akong tratuhin ng ganito! Please!" Dahan-dahan nang naging malambot si Mary noong mga oras na iyon, malinaw na humihingi ng tawad.Tahimik lang siyang pinanood ni Celestine. Sinusuri ang bawat kilos nito, parang nakikita niya ang sarili niyang paggising noon.Alam ba ni Mary kung ano ang pakiramdam na magising na nakatali, o nakabitin sa ere?Buhay na buhay siya, pero ang iba bang buhay ay hindi pwedeng mabuhay? Noong siya'y natakot, naisip ba niya kung gaano rin katakot si Celestine na baka mahulog din siya roon?Ni hindi na
Banda alas-onse na ng gabi nang matapos ang pamilya Yllana na kumain ng dumplings.Nakakuha ng message si Celestine mula kay Vernard.Sabi ni Vernard, “Nalaman kong hindi pala si Diana ang dumukot sa’yo ay, boss. Hulaan mo kung sino?”Nag-reply agad si Celestine.“Huwag ka magbiro ng ganyan. Hindi ka nakakatawa. Sino ang nagpakidnap sa akin?”Nainis siya dahil sa tono ni Vernard, para bang pinapaasa siya nito.Ilang minuto pa ay nag-reply na si Vernard sa kanya, “Si Mary Valdez. Ang nanay ni Diana.”Pagkabasa nito, napakapit si Celestine sa kanyang cellphone nang hindi namamalayan.Si Mary Valdez?Kahit na medyo masungit at may kayabangan si Mary sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi siya masamang tao. Hindi siya ‘yung tipong gagawa ng krimen gaya ng pagpatay o panununog. Wala iyon sa character niya.Nag-text ulit si Vernard sa kanya, “Boss, may dinner si Mary Valdez ngayong gabi. Paalis na siya roon. Ano sa tingin mo?”Pagkabasa ni Celestine ng message na iyon, agad niyang naintindi
Pagkatapos sabihin iyon, sasagot pa sana si Zsa Zsa nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at dali-daling pumasok si Lola Belen, "Anong nangyayari dito? Okay ka lang ba, apo ko?""Hindi mo man lang sinabi sa akin ang nangyari. Kailangan pang manood ako ng balita para lang malaman na nasugatan ka? Ganun na ba tayo ngayon?"Medyo balisa si Lola Belen, may pawis pa sa kanyang noo. Hingal na hingal dahil sa pagmamadaling pumunta sa ospital.Tiningnan ni Zsa Zsa si Benjamin at napakunot ang noo. Gusto na niyang sagutin ang sinabi ni Benjamin sa kanya pero naputol iyon dahil sa pumasok si Lola Belen sa kwarto."Zsa Zsa, pati ikaw! Nasugatan si Benj, pero ni hindi mo ako tinawagan! Wala ka na bang pakialam sa akin?Hinawakan ni Lola Belen ang braso ni Zsa Zsa sa inis na kanyang nararamdaman.Dahil dito, natauhan si Zsa Zsa mula sa pagkakawalang-muwang.Pasensyosong sabi niya kay Lola Belen, "Ma, natakot lang ako na baka mag-alala ka kaya hindi ko agad sinabi sa’yo ang nangyari kay Benjam
Si Benjamin ay natigilan.Marahil ay hindi niya rin napansin kung gaano ka-apura ang tono ng kanyang boses kanina.Pareho ang ekspresyon niya at tono ng pananalita, patunay na nag-aalala talaga siya para kay Celestine."Huwag mong ilihis ang usapan," aniya sa matigas at agresibong tono, hindi direktang sinagot ang tanong ni Celestine.Napangisi si Celestine dahil doon. "Ikaw ang umiiwas sa usapan, hindi ako.""Celestine, huwag mong gawing biro ang buhay mo. Hindi mo ba alam na marami pang nagmamahal sa’yo? Mga taong naghihintay sa pagbabalik mo," seryoso ang kanyang tingin at may paalala sa kanyang boses.Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Celestine at kalaunan ay bumalik ito sa pagiging kalmado."Kung mabuhay man ako o mamatay, wala ka nang kinalaman pa roon. Kung may mangyari man sa akin sa in the future, huwag ka nang makialam. Naiintindihan mo ba iyon?" sagot niya nang malamig.Bahagyang kumunot ang noo ni Benjamin nang marinig iyon. Ano bang ibig sabihin ni Celestine? Na hi
Muling nasaksihan ni Celestine ang bagsik ni Zsa Zsa sa pagsasalita. Kapag kaharap ang mga taong hindi niya gusto, palaging matapang at walang sinasayang na panahon ang kanyang Tita Zsa Zsa, wala siyang awang ipinapakita sa kanila.Dahil dito, lalo pang naunawaan ni Celestine na lalong nagiging mahirap para kay Diana na makapasok sa pamilya Peters kahit ano pa ang bait na ipakita niya. Sa paglipas ng mga taon, hindi niya nagawang mapalapit sa pamilya Peters,bagkus, lalo pa siyang kinamuhian ng mga ito sa bawat kilos na ginagawa niya.Yumuko si Diana at mahina ang boses na nagsalita, “Tita Zsa Zsa, ano po ba ang nagawa ko para hindi niyo ako magustuhan? Bakit paulit-ulit niyo akong pinupuntirya? Nagmamalasakit lang naman po ako para kay Benj, ah. Ano pong masama roon?”Bago pa man makapagsalita si Zsa Zsa, nagpatuloy si Diana sa pagsasalita, may tampo ang kanyang boses, “Mahal ko lang naman si Benj kaya ko ginagawa ito, mali ba ‘yon? Wala namang girlfriend si Benj ngayon at ako rin po
Pinagmamasdan niya ang sarili habang isinasakay siya ng mga medical na staff sa ambulansya.Kumunot ang kanyang noo at tila pumayat ang buong katawan niya. Mabigat ang ekspresyon ni Benjamin habang nakatingin sa kanya.Pinatay niya na ang video at nagsimulang magbasa ng komento ng mga netizens sa ibaba.Ang comment ng isa, “Hindi siya pumunta roon para iligtas si Miss Yllana, malinaw na pupunta siya para sa kanyang asawa! Yiee! Nakakakilig sila!”Komento pa ng isa, “Hindi, pupunta siya para sa kanyang dating asawa! May konsensya pa rin si Mr. Peters kahit papaano at least may tapang siyang sumugod. To think, mag-isa pa siya, hindi ba? Wow na wow ‘yon!”Nagtanong pa ang isa, “Ako lang ba ang nakakaramdam na may nararamdaman pa rin siya para kay Miss Yllana? Kitang-kita, o. Mahal pa rin niya, e.”Sagot naman ng isa, “Imposible na meron pa siyang feelings para kay Celestine. Kung may nararamdaman pa siya, hindi niya iiwan si Miss Yllana para kay Diana Valdez.”Sumagot ulit ‘yong netizen